Chapter 5
NINA
"PARA kang tanga sis!" Malakas akong hinampas ni Carla na ikinabalik ko sa aking ulirat
"Bakit ba!?" Inis kong tanong
"Anong bakit ba? Tama bang parang tanga kang ngumingiti diyan habang panay hawak mo sa labi mo?" Umirap ito. "Kagabi kapa ganiyan sis, natalsikan ba ng tae 'yang labi mo at nasarapan ka huh!?"
"Bunganga mo!" Hinampas ko siya ng mahina. "Masaya lang ako kaya wag kang epal. "
Tiningnan ako nito ng mariin. "Ano ba talagang nangyari sa C.R ng samgyup kahapon?"
"W-Wala!" Umiwas ako ng tingin
"Ewan ko sa'yo, baliw!" Umiling iling ito bago bumalik sa trabaho niya.
Nag-focus na lang din ako sa trabaho ko habang nakangiti pa rin. Kasalanan mo ito Nicolm Jeremiah Sullivan
**********
LUMIPAS ang ilang linggo na puro trabaho ang inaatupag ko, hindi kona din nakita si Nico–hindi siya nagparamdam. Si Coco naman ay nasa ibang bansa daw kasama ang asawa niya
"Pakitapos itong report," Sandamakmak na papeles ang inilapag ni Ma'am Sha sa table ko. "OT ka ngayon Nina."
Tumango na lang ako bago umpisahan ang sandamakmak na report na pinagagawa niya
Ano pa nga bang aasahan ko sa kaniya? Lagi niya naman itong ginagawa sa amin–sa akin
Ang dami ko pang ginagawang mga design tapos sumabay pa siya, ewan kona lang kung hindi ako makapasok bukas
"Kaloka naman yung butanding na yun!" Inis na sabi ni Carla at kinuha ang ibang report na gagawin ko. "Tulungan na kita tapos wag tayong pumasok bukas."
"Gaga," Natatawang sabi ko dito
Nagpatuloy lang kami sa trabaho hanggang abutin kami ng ala una ng madaling araw.
"Hindi kona keri!" Reklamo ni Carla sabay sabunot sa sarili niyang buhok
"Ako na tatapos niyan," Kinuha ko yung limang pages ng natitirang reporting. "Magkape ka muna sa baba."
"Dalhan na lang kita." Tumayo ito bago lumabas ng office namin
Ipinagpatuloy kona lang ang pagtapos ng last na five pages nung report. Aabsent talaga ako bukas
"It's already o–"
"–TANGINA!" Gulat kong sigaw ng bigla na lamang may nagsalita mula sa likuran ko
Gulat ko itong nilingon at mas lalo akong magulat ng makita si Nico na prenteng nakatayo habang nakapamulsa.
May lahi na bang multo ito?
"P-Paano ka napunta diyan!?" Gulat kong tanong habang nakaturo sa kaniya
"Tsk." Lumapit ito sa'kin
Ngayon ko lang napansin na may dala dala siya. Isang box ng donut at isang cup ng kape
Paano siya nakapasok? May secret door ba dito?
"You should not tire yourself," Inilapag nito ang donut at kape sa table ko. "I'll go now."
"P-Pumunta kaba dito para lang dalhan ako ng donut at kape?" Nahihiyang tanong ko dito
Hanggang ngayon alam niya pa rin ang mga paborito ko kapag pagod ako
"Don't be assuming," Umirap ito. "Dumaan lang ako dahil inutusan ako ni Coco na may ipasa sa leader niyo and that Donut is for Neia, the coffee is for me. Mukha ka kasing hindi kumakain kaya naawa ako."
"Gaya kapa rin ng dati," Natawa ako. "You talks a lot kapag kinakabahan ka or nagsisinungaling ka."
"You don't know me now Nina," Seryosong sabi nito
"I know you until now Nico, at para sa'kin walang nagbago sa'yo." Tugon ko dito
Umirap lang ito. "I'll go now,"
Nagmamadali itong lumabas ng office, napangiti na lang ako bago maupo at simulang kainin yung donut na binigay ni Nico.
Naalala kona naman yung dati.
"I told you, don't tire yourself too much!" Salubong ang kilay na sabi nito
"Sorry na," Naglalambing na niyakap ko ito sa braso niya
Umungos lang ito. "Wait me here."
Lumabas ito ng bahay, mga ilang minuto lang ay bumalik ito na may bitbit na donut at kape
"Here, your tired reliever." Inilapag niya ito sa mesa
"Thank you my handsome husband." Pinatakan ko siya ng halik sa labi bago simulang kainin yung donut
My favorite!
"Don't tire yourself okay? Nagiguilty kaya ako kapag pinapagod kita sa gabi," Nakangising sabi nito
"Ikaw talaga," Kinurot ko siya sa pisngi. "You're so naughty."
Natawa lang ito bago ako yakapin at halikan sa labi.
Nasa ganoon kaming posisyon ng may bulinggit na umakyat at umupo sa pagitan namin
"Da-Da-Da." Sabi nito sabay wagayway ng kamay niya
"Yes baby?" Kinandong ito ni Nico. "You need something to Dada?"
Humagikhik lang ito.
Masaya na malungkot ako habang inaalala ang mga araw na yun. Yung araw na kumpleto pa kami, yung araw na wala ng mas sasaya pa sa buhay namin, yung araw na parang wala ng katapusan.
But one day, all that happiness ruined by some selfish people.
"Saan galing 'yang donut at kape mo?" Nabalik ako sa ulirat ng marinig ko ang boses ni Carla. "Bumaba ka din ba?"
"May nagdala lang," Sagot ko. "Kuha kang isa."
Umupo naman ito sa upuan niya na katabi ko lang. Kumuha siya ng isang donut at kinain yun
"Ay may secret admirer ka?" Ngumisi ito. "Si Dexter ba? Nasalubong ko din siya kanina eh."
"Hindi," Humigop ako ng kape ko
"Ay, anong purpose nitong kape kong binili para sa'yo?" Madramang tanong nito. "Charizz lang, kulang yung kape ko kaya ako na iinom nito."
Nginitian ko lang siya.
Pinagpatuloy ko yung pagtapos sa report habang kumakain ng donut. Nang matapos ako ay agad ko yung sinend sa email ni Ma'am Sha
"Sa wakas!" Masayang sabi ko at sumandal sa upuan ko
Tumayo na kami ni Carla at lumabas ng building. Mag-o-off kami ng cellphone bukas, i-go-ghost namin si Ma'am Sha.
Pumara kami ng taxi, naunang sumakay si Carla. Akmang sasakay na ako pero napatigil ako ng matanaw ko ang sasakyan ni Nico mula sa malayo
Nakangiting kinawayan ko naman ito bago pumasok sa loob ng taxi.
Kunwari pa, concerned naman talaga sa'kin. Kahit kailan talaga indenial ang isang Nico
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro