Chapter 40
NINA
"MAMA NINA!" Bahagya akong nagulat nang bigla na lang tumalon sa kandungan ko, si Cole–Anak ni Coco at Lei.
"Bakit?" tanong ko dito.
"Nasaan po, Ate Neia?" tanong nito. "Sabi niya, magpe-play kami po eh."
"Nasa school pa," tugon ko dito. "Malapit na ring umuwi si Ate Neia mo, wait mona lang."
Tumango lang ito.
May pasok si Neia. Grade six na siya ngayon. Hindi naman delikado, dahil daig pa niya pa ang Presidente sa sobrang dami niyang bantay.
"Nakita niyo po si Daddy ko?" tanong nito. "Umalis po kasi siya eh."
"Nasa office yata ang Daddy mo," sagot ko dito. "Mamaya ay uuwi na din siy–"
"–Hoy, Totoy, doon ka sa Nanay mo." Napalingon kami sa nagsalita. Si Nico. "Akin 'yang kinakandungan mo."
"Nico!" sita ko dito. "Pati bata eh."
Kita kong dinilaan siya ni Cole. "Sungit, pangit naman!"
"Kung pangit ako, pangit din Papa mo! Magkamukha lang kaya kami." Umupo sa tabi ko si Nico.
"Mabait naman Daddy ko, tapos mas pogi siya po."
"Nico, wag mong asarin yung bata." Umusog ako palapit sa kaniya, pero umusog din ito para makalapit sa'kin.
"Mas pinipili mo siya, kaysa sa'kin?" madramang tanong nito. "Okay, fine, magkaniya-kaniya na tayo."
Mahina ko itong siniko na ikinatawa niya. "Love, sabihin mo lang kung gusto mo na ng lalaki, gagawa tayo."
"Nico!"
"Just kidding, Love." Kinuha niya sa'kin si Cole. "Pare tayo, diba?"
"Bili mo muna po akong car," sabi ni Cole. "Yung marami po."
"Marami ako sa kuwarto nun." Tumayo si Nico. "Tara, laro tayo."
Aba, hindi na ako pinansin.
Tumayo ako at sinundan sila. Nadatnan ko si Nico at Cole sa kuwarto na naglalaro ng laruang kotse.
Close na close yung dalawa, parang kanina lang, nag aaway pa eh. Siguro kung buhay ang kakambal ni Cole, na si Cale, siguradong mas masaya.
Naupo lang ako sa kama at pinanood yung dalawa na naglalaro. Lumipas pa ang mga oras, hanggang sa dumating na si Neia, kasunod si Coco.
"Cole," tawag ni Coco sa Anak, pero hindi siya nito pinansin. "Cole, nandito na si Papa."
Nagkatinginan kami ni Coco. Kitang kita ko ang pagbusangot nito, bago lapitan yung Anak.
"Come here, baby. May pasalubong si Papa, sa'yo." malambing na tawag nito sa Anak.
"Coco, don't disturbed us," masungit na sabi sa kaniya ni Nico. "Mamaya kana, sumingit."
"Anak, ko 'yan Nico. Anak ko!" angil ni Coco sa kakambal. "Are you trying to stole my son?"
"Hindi ka mga niya gusto ngayon, kaya doon kana." Sumenyas pa si Nico, na parang binubugaw ang kapatid. "Maglalaro pa kami."
"Gusto mo pala ng anak na lalaki, bakit hindi ka gumawa?" Binuhat ni Coco si Cole. "Hey, son, baba na tayo. Hinahanap ka ni Mama mo."
Bago pa makaangil si Nico, ay lumabas na yung mag ama. Nakasimangot naman niyang niligpit yung mga laruan.
"Mommy, hindi naman baliw si Daddy, diba?" pabulong na tanong sa'kin, ni Neia.
Inilingan ko lang siya.
"Nico, minsan ang lakas ng tama mo 'no?" tanong ko dito.
"Inaasar ko lang si Coco." Umupo ito sa tabi ni Neia. "How's your school, Nei?"
"Okay lang po, para nga lang akong Anak ng presidente," sagot nito. "Pwede bang pakibawasan yung mga bantay ko? Nakakahiya na po kasi minsan."
"It's for your own safety," sagot dito ni Nico. "Kapag nawala na yung mga devil, balik normal na ulit."
"Sana po, ay bumalik ka din sa normal."
"Neia!"
Natawa lang ako habang pinagmamasdan yung mag amang nag aasaran. Kahit kailan talaga, ang pikon ni Nico.
"Alam mo? Tsaka kana siguro makipag asaran kapag hindi kana pikon," sabi ko kay Nico. "Talong talo ka ng Anak mo."
Umirap lang ito. Tingnan mo itong lalaking ito, daig pa ang araw araw na may regla eh.
"Sir? Ma'am?" Napalingon kami sa pinto nang may biglang kumatok. "May package ho, para kay Ma'am Neia."
Tumayo naman ako at nagtungo sa pinto. Binuksan ko yun at bumungad sa'kin ang isa sa mga katulong nila Mommy, na may bitbit na kahon.
"Thank you po." Kinuha ko sa kaniya iyon.
Walang nakalagay kung kanino galing, hindi rin siya gaanong sealed. Binuksan ko iyon at halos manlamig ako nang makita ang ulo ng Ama ko.
Napasigaw ako at naibalibag yung kahon, dahilan para lumabas yung putol na ulo ni Daddy.
Tinakpan ni Nico yung mata ni Neia. "Shit!"
"Nico, si Daddy." Nanghihinang napaupo ako habang nakatingin sa ulo ni Daddy. "Nico, ang Daddy ko!"
Ang alam ko ay nasa puder siya ng mga pulis, balak namin siyang puntahan ni Nico, pero hindi ko akalaing ganito ang bubungad sa'kin
"COCO!" malakas na sigaw ni Nico. "COCO!"
Hindi kona alam pa ang mga sumunod na nangyari, dahil parang na-blangko ang utak ko. Tulala lamang ako at hindi umiiyak, dahil walang lumalabas na luha sa mga mata ko.
"Nina?" Napakurap kurap ako at napatitig sa mukha ni Nico. "Shit! Are you okay?"
"Nico, yung Daddy ko." Doon na sunod sunod na tumulo ang mga luha ko. "Y-yung Daddy ko."
"Shhh." Naramdaman ko ang pagyakap sa'kin nito. "I'm sorry, Nina."
Yung Daddy ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro