Chapter 4
NINA
"SURE ka bang ayos ka lang?" Tanong ni Carla
"Oo nga," Natatawang umangkla ako dito
Naglalakad kami ngayon pauwi, trip ko lang mag ayang maglakad, ang ganda kasi ng tanawin lalo na at gabi ngayon
"Grabe yung asawa mo kanina, pogi nga, masama naman ugali." Komento nito. "Kung ako sa'yo si Colm na lang, kamukha man ng asawa mo, mabait naman."
"Gaga, may mahal yun." Nakita ko kasi ang wallpaper niya. Picture ng magandang babae. "At saka mabait si Nico, ganiyan lang talaga siya."
Napairap na lang ito na mahina ko ikinatawa. Uhm, medyo masungit si Nico pero mabait siya
"Ah basta, red flag 'yang ex husband mo." Sabi nito
"Nina Aguas," Napahinto kami sa paglalakad ng may babaeng lumitaw sa harapan namin
Si Mafu.
"Puwede ba tayong mag usap?" Tanong nito
"Puwede kayong mag usap, basta kasama ako." Protective na sabi ni Carla. "Baka mamaya kasi sabuyan mona lang bigla ng acido itong maganda kong bestfriend."
Natawa si Mafu bago lumapit sa amin, medyo napaatras ako dahil nakaramdam ako ng takot
"You know what? Ilan taon na pero ikaw pa rin ang mahal niya," Natawa ito ng pagak. "He just using me, kailanga niya ako laban kay Austin, sa kapatid ko."
"K-Kapatid mo si Austin?" Takot kong tanong kasabay ng pag atras ko
"Hindi kita sasaktan," Mahinahong sabi nito. "Wag kang matakot na bumalik sa kanila, kaya kayong protektahan ni Nico."
Naguguluhan ako, hindi ko alam kung anong gusto niyang ipahiwatig sa akin
"Kailangan ko ng umalis," Sabi nito. "Tapos na ang misyon at kontrata ko kay Nico, buuin niyo sana ang Pamilya niyo para kay Neia, kailangan ka ni Neia kaya bumalik kana sa kanila."
Bago pa ako makapagsalita ay mabilis itong sumakay sa isang sasakyan
"Wala akong na-gets," Komento ni Carla. "Ang weird, weird na Nina."
"Wala din akong naintindihan," Sabi ko dito. "Halika na nga."
'Tapos na ang misyon at kontrata ko kay Nico, buuin niyo sana ang Pamilya niyo para kay Neia, kailangan ka ni Neia kaya bumalik kana sa kanila.'
Kontrata? Anong kontrata? At saka bakit siya aalis? Ang alam ko, ikakasal na sila ni Nico.
Nang makarating sa condo ni Carla ay agad akong dumiretso sa kuwarto ko at nagpalit ng damit
"Waley us foods," Sabi ng kapapasok lang na si Carla. "Samgyup tayo."
Napatingin ako sa wall clock. 7:30 pa lang, siguradong may bukas pang samgyup restaurant
"Sige," Pagpayag ko
Lumabas kami ng condo niya, hindi na ako nagpalit ng damit, parehas kaming naka-pajama ni Carla at ang nakakatawa lang ay pinagtitinginan kami ni Carla dahil mukha kaming mag jowa sa suot namin.
"Kaloka naman sila!" Maarteng sabi ni Carla na ikinatawa ko lang
"Good evening Ma'am," Nginitian kami ng isang babae. "We have a promo po for couple, makaka-save po kayo ng 100."
"In kami," Sabi ni Carla na naging lalaki bigla. "Diba babe?"
Natatawang tumango na lang ako.
Inasist kami ng babae patungo sa table namin.
"Enjoy your meal Ma'am," Nakangiting sabi ng mga waiter ng mailapag nila ang pagkain namin
Si Carla ang nagluto ng pork.
"Oh, 'yan kumain kana." Nilagyan nito ang plato ko ng makaluto siya
Binalot ko naman yun sa lettuce, nilagyan ko ng kimchi and sauce bago ko kainin
Ang sarap!
Dahil hindi makakain si Carla ay ipinagbalot kona rin siya at sinubuan, kilig na kilig yung ibang staff na nakatingin sa amin na ikinatawa kona lang, kung alam lang nila kung gaano kalandi itong baklitang ito
"C.R lang ako," Paalam ko kay Carla na tumango lang
Tumayo ako at dumiretso sa C.R, umihi ako at nang matapos ako ay dumiretso ako sa gripo at naghugas ng kamay
"He's ugly," Napatalon ako sa gulat ng may magsalita
Gulat kong tiningnan ang nasa gilid ko at mas lalo akong nagulat ng makita si Nico. Naka-cross arm ito habang masama ang tingin sa'kin
"A-Anong ginagawa mo diyan?" Kinakabahang tanong ko
Saan galing ang isang 'to?
"Your new Man is ugly, he smells bad!" Lalong kumabog ang dibdib ko ng maglakad ito palapit sa akin. "You don't have taste, nakakababa ka ng pride, ipagpapalit mona lang ako doon pa sa walang panama sa akin."
"Nico.." Napasandal na ako sa hugasan ng kamay
Lumapit ito lalo, itinukod niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko bago yumuko at tingnan ako ng seryoso.
"Really? Yun lang ang kaya mong ipantapat sa akin?" Seryosong tanong nito
"Hindi k–" Hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil mabilis niyang idinampi ang labi niya sa labi ko na ikinalaki ng mga mata ko
Akmang itutulak ko siya pero hinawakan niya ang magkabilang kamay ko. Shit! Baka may biglang pumasok
Habol hininga ako ng humiwalay ito sa akin.
"B-Bakit mo ginawa yun?" Utal kong tanong
"Sino ang mas masarap humalik sa aming dalawa?" Seryosong tanong nito. "Tell me Nina."
Napalunok ako bago yumuko. "I-Ikaw."
Hinawakan nito ang baba ko at inangat ang mukha ko, nasasalubong kona naman ang mga tingin niyang nakakapanghina.
"Repeat your answer Nina," Seryosong sambit nito
"I-Ikaw," Utal kong sagot
"Good," Ngumisi ito bago lumayo sa akin. "Walang makakapantay sa akin si Nina, kahit sino pang lalaking hanapin mo. I'm always the BETTER MAN. "
Tumalikod ito at akmang aalis na pero napahinto ito dahil hinawakan ko ang suot niyang hoodie
"Y-Yung kasama ko ba ang tinutukoy mo?" Imbis na sumagot ay nagsalubong lang ang kilay nito. "Yung poging makinis na mapula ang mga labi at matangkad?"
"Are you fvcking blind? Him handsome?" Sarkastiko itong tumawa. "Damn Nina! He's ug–"
"–Nico, wag kang magselos." Napahinga ako ng malalim. "May itsura siya pero lalaki ang nilalandi niya hindi babae, mas type ka non kaysa sa akin."
Kita ko naman ang pagpula ng nga tainga at pisngi nito, napakagat na lang ako sa ibabang labi para pigilan ang tawa ko
"I-I'm not jealous!" Inis na sabi nito. "I'm just stating the fact! Don't be assuming, sino kaba para magselos ako?"
Sinuot nito ang hoodie niya at nagmamadaling umalis. Imbis na masaktan sa sinabi niya ay natawa lang ako
Kagat labing tumingin ako sa salamin, ang pula pula ng mukha ko.
"Kung ganoon ay totoo ang sinabi ni Mafu, mahal pa ako ni Nico." Napahampas ako sa pisngi ko dahil sa kilig
Pero napawi iyon ng biglang sumagit sa isip ko si Austin.
Napailing ako. "Lalaban na ako ngayon, siguradong malalampasan ko ito! Para kay Nico at Neia.."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro