Chapter 35
NINA
"DICE, aalis muna ako." Paalam ko dito. "Bibisitahin ko si Coco, tutulungan ko siya para sa therapy niya."
"Sasama ako," sabi nito. "Halika na."
"Dice." Malambing akong yumakap dito. "Bantayan mona lang si Neia, okay?"
"Okay." Naramdaman ko ang paghalik nito sa aking ulo. "Ingat ka."
"Thank you." Lumayo ako sa kaniya at nginitian siya. Nilingon ko si Neia na seryosong nagsusulat. "Anak, mamaya na lang po ah?"
"Ingat, Mommy. I love you."
Muli kong nginitian si Dice, bago ako lumabas ng bahay. Pumara ako ng taxi at agad sumakay.
"He kissed you." Napalingon ako sa driver. "You shouldn't allowed him."
"Sa ulo lang, Nico." Natatawang sabi ko dito. "Maghihinala siya kapag umiwas ako."
Napahinga na lamang ito ng malalim at nagpatuloy sa pagmamaneho ng taxi.
Halos mag aapat na taon na rin ang lumipas. Mag aapat na taon na din kaming nagtitiis ni Neia kay Dice. Ilang buwan na lang ay matatapos na din itong palabas na ito, kaya kaunting tiis pa sa'min.
Tuluyan ko nang napabagsak ang mga negosyo ni Dice. Sa ngayon ay tanging sa pagiging guro na lamang siya kumikit ng pera. Nagkasira na din sila ni Austin, ngunit hawak pa rin siya nito sa leeg.
"We're here." Nabalik ako sa ulirat nang magsalita si Nico.
"Mauna na akong pumasok," sabi ko dito. "Wag ka ng magalit, okay? Mahal kita."
Umirap lang ito.
Napailing na lamang ako, bago bumaba ng sasakyan. Dumiretso ako sa loob ng bahay nila Mommy. Nadatnan ko si Coco na hawak ng therapist niya sa magkabilang braso.
"Nakakatayo kana," masayang sabi ko dito. "Kaunti na lang, Coco."
"Where's Neia?" Tanong nito. "Akala ko kasama mo?"
"Iniwan ko sa bahay," sagot ko dito. "Kasama niya doon si Dice."
Muntik na itong masubsob dahil sa sinabi ko, mabuti na lamang ay nahawakan siya nitong therapist niya.
"What!?" Nagsalubong ang kilay nito. "Bakit iniwan mo si Neia, kasama nung hayop na yun!?"
"Relax." Ibinaba ko ang bag ko at nilapitan siya. "Nandoon si Mafu. Hindi magagalaw ni Dice, si Neia."
Tumango na lamang ito kahit halatang hindi pa rin makampante.
"Wassup, Co!" Napalingon kami sa pumasok. Si Nico. "Tagal mo naman bago makalad,"
"Fvck you!" Mura dito ni Coco. "Ikaw ang lulumpuhin ko, kapag gumaling ako."
"Can't wait." Naupo ito. "Where's Mom and Dad?"
"Office," tipid na sagot dito ni Coco. "Fvck, this legs!"
"Coco, wag mong pilitin." Mahinahong sabi ko dito. "Unti untiin mo muna."
"I can't, Nina. I can't! Kailangan ko pang malaman kung nasaan si Lorelei, kailangan kong malaman kung nasaan ang asawa ko!" Galit nitong sambit. "Fvck, this fvcking life!"
"Wag mong pagtaasan ng boses si Nina!" Singhal ni Nico sa kapatid.
"It's all your fault!" Singhal naman ni Coco sa kapatid. "You fvcking used my identity! You let Lorelei to see you, while you're naked and fvcking my ex girlfriend! Fvck you, Nico! Fvck you!"
"Nanunumbat ka!? Kung hindi ko naman ginawa yun, baka parehas na kayong bangkay ng Asawa mo!" Napahimas na lamang ako sa noo ko, dahil sa ingay nila. "At isa pa! Hindi ko kinantot yung ex mo! Kapangit pangit nun!"
"But still your fault!"
"Tanga ka kasi! Sa daan kasi ang tingin kapag nag-da-drive, hindi sa cellphone!"
"Come here!" Pinilit ni Coco na lapitan yung kapatid. "Let me fvcking rip your neck!"
Nilingon ko yung therapist ni Coco, na napapakamot na lang din sa ulo niya.
"Kuya, okay na po muna." Sabi ko dito. "Ako na pong bahala."
Tumango lang ito, bago damputin yung bag niya at lumabas ng bahay.
"Tama na nga!" Saway ko sa dalawa. "Nico, wag mo ng patulan ang kapatid mo. Mas malaki ang kasalanan mo kaysa sa kaniya."
Tinikom naman niya ang bibig niya, bago ako iripan. Nilapitan ko naman si Coco at inupo sa wheelchair niya.
"Magpahinga ka muna, Coco." Mahinahong sabi ko dito. "Ma-i-stress ka lang dito sa tukmol mong kapatid."
"I heard you, Nina!"
"Alam ko!" Inirapan ko si Nico, bago itulak yung wheelchair ni Coco.
"I want to find her," malungkot na sabi ni Coco. "I miss my wife, Nina. I miss her fvcking much."
"Mahahanap mo din siya, Coco. At magagawa mo yun kung magpapagaling ka kaagad." Inalalayan ko siyang makaupo sa kama niya. "Ibibigay agad namin sa'yo ni Nico, yung mga makakalap naming impormasyon tungkol sa kaniya."
"Thank you." Ngumiti ito. "Wag mo ng balikan si Nico, sisirain lang niya ang buhay mo."
Natawa ako. "I can't, Coco. Mahal na mahal ko ang kapatid mong ipinaglihi sa sama ng loob."
"Balikan mona yun, kaya kona."
"Sige."
Nginitian ko muna siya, bago lumabas ng kuwarto niya. Dumiretso ako sa sala at nadatnan ko doon ang nakasimangot na si Nico.
"Ang init lagi ng ulo mo," sabi ko dito. "Ano bang problema?"
"Naiinis ako!" Inis na sagot nito. "Yung tanginang Dice na yun, lagi niyong kasama. Samantalang ako, hindi!"
"Pagod kana bang maghintay?" Seryosong tanong ko dito.
"It's not like that." Huminga ito nang malalim. "Miss ko lang kayo masyado ni Neia. Hindi ako sanay na wala ang presensiya niyo sa tabi ko."
"Nico." Umupo ako sa tabi niya. "Magkakasama din tayo nila, Neia. Kaunting hintay pa ah?"
"Kahit gaano katagal, maghihintay ako."
Hinapit nito ang beywang ko at inupo ako sa kandungan niya.
"Mahal na mahal kita, Nina."
"Mahal din kita, Nico–" Napaigtad ako nang may maramdaman akong matigas na bagay sa bandang pang upo ko. "Hard?"
"Yeah!" Tumayo ito habang buhat pa rin ako. "I'm always hard when it comes to you, Nina."
Natawa lang ako bago siya halikan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro