Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 34


NINA

     "GIRL! ANONG NANGYARI SA'YO!?" Gulat na tanong ni Carla nang makapasok ako ng coffee shop. "Nagtapon ka lang ng basura parang pagod na pagod kana."

"Mabigat pala yung basura," dahilan ko. "Kuha mo nga akong malamig na tubig."

Agad naman itong sumunod. Tanginang Nico yun. Sobrang nanginginig ang tuhod ko hanggang ngayon. Parang pakiramdam ko babagsak ako.

"Ano ba kasing nangyari?" Inilapag ni Carla ang isang pitchel at baso sa lamesa. Naupo ito sa kaharap kong upuan.

Hindi ko siya sinagot. Nagsalin lang ako ng tubig sa baso at uminom.

"Amoy zonrox ka." Naibuga ko ang tubig sa kaniya. "Yuck! Kadiri naman 'to!"

"Sorry." Muli akong uminom.

Pagod akong sumandal sa upuan. Ngayon lang ata ako nakaramdam ng sobrang pagod.

"Huy, ano ba talagang nangyari?" Usisa nito. "Para kang kinuyog ng sampung chismosa."

Hindi ko siya sinagot.

"Beh, may chikinini ka." Napabalikwas ako ng upo at napatakip sa leeg ko. "Tangina! Sa basurahan talaga!? Hayop 'yang ex husband mo ah."

"Wag kang maingay!" Saway ko dito. "Si Nico kasi eh.."

"Ang low budget niyo naman. May malapit na sogo dito, dapat dumiretso kayo doon." Umirap ito. "Alam mo? Maligo ka muna, amoy zonrox ka."

"Sobrang amoy ba?" Mahinang tanong ko dito.

"Oo gurl, amoy na amoy."

Tumayo ako. "Uuwi muna ako. Pakainin mo si Neia kapag dumating ah? Wag mong alisin yung tingin sa kaniya, alam mona."

"Oo, gurl."

Lumabas ako ng coffee shop at dumiretso sa kotse ko. Nag drive ako pauwi sa bahay.

Nang makarating ay agad akong dumiretso sa banyo at naligo. Pwede naman akong maglakad nang nakahubad dito sa loob, wala namang tao bukod sa'kin.

Nang matapos akong maligo ay lumabas ako at dumiretso ako sa kuwarto ko para magbihis. Nasa gitna ako nang pabibihis ng may biglang kumatok sa pinto ng kuwarto ko.

"Sino 'yan?" Kinakabahang tanong ko.

Tinapos ko ang pagbibihis ko at kinuha yung baseball bat na nasa gilid ng kama. Naglakad ako palapit sa pinto at mabilis na binuksan yung pinto.

Akmang hahampasin kona yung kumatok pero agad kong pinigilan ang sarili ko nang makitang si Nico ito.

"Chill." Natatawang sabi nito. "I just brought food for you."

Napahinga naman ako nang malalim bago ibaba yung baseball bat sa gilid.

"Nico, wag kang biglang pasulpot sulpot. Okay?" Kinuha ko yung dala niya. "Ayokong masira yung mga plano namin."

"Sorry." Umamo ang mukha nito. "Promise, tatawagan kita kapag magpapakita ako sa'yo."

Nginitian ko siya at tinanguan. "Wag kang mag alala, pagkatapos ng mga ito ay pwede na tayong magsama sama ni Neia."

Kagat labi itong tumango.

"Don't worry, Nico. Plano lang talaga ang lahat ng ito." Nginitian ko siya. "Babalik na ako sa coffee shop. Pagsasaluhan namin ni Neia itong dala mo."

"I love you." Yumakap ito sa'kin. "Pakisabi kay Neia, mahal na mahal ko kayo. Lagi lang akong nakabantay sa inyo."

"I know, Nico." Humiwalay ako sa yakap. "Sige na."

Hinalikan ko muna siya sa labi bago umalis. Sumakay ako ng kotse ko at nag drive patungong coffee shop.

Nang makapasok sa loob ng coffee shop ay nadatnan ko si Neia at Carla na kumakain.

"May dala ako." Itinaas ko yung dalawang paper bag na binigay ni Nico.

Lumapit ako sa kanila at naupo sa tabi nila. Isa isa kong inilabas yung mga laman ng paper bag at inilagay sa lamesa.

Chicken,French fries, graham at donut.

"Galing kay Daddy 'yan." Binuksan ni Neia yung tupperware nung chicken. "Nasaan po siya?"

Itong Anak ko parang spy. Feeling ko wala akong maitatagong sikreto dito.

"Nasa bahay siya kanina," sagot ko. "Pero umalis na din....Pinasasabi niya pa lang, mahal niya tayo."

Tumango lang ito.

Sus, pabebe pa ang Anak ko.

"Sa'kin? Wala siyang pinasabi?" Sabad ni Carla.

Umiling ako.

Napasimangot naman ito na ikinatawa ko. Nagpatuloy lang kami sa pagkain. Nang matapos kami ay agad kaming nagligpit.

Si Neia naman ay hinubad yung uniform niya dahil wala daw silang klase ngayong hapon.

"Nina." Napalingon ako sa tumawag sa'kin. Si Dice.

"Dice." Nakangiting nilapitan ko siya. "Oorder ka?"

Umiling ito. "Uhm....pwede ba kitang makausap sa labas?"

Tumango ako. "Oo naman."

Nilingon si Carla at tinanguan. Lumabas kami ni Dice at nagtungo sa gilid ng coffee shop.

"Nina, ayaw ko nang magpaligoy ligoy pa." Kinuha nito ang kamay ko. "Pwede ba akong manligaw sa'yo?"

Bingo!

"May Anak ako, Dice. Sigurado kaba?"

"Willing akong magpaka-tatay sa Anak mo, Nina." Sabi nito. "Gustong gusto talaga kita, unang kita pa lang. Hayaan mo sana akong patunayan ang sarili ko sayo."

"Sige," sagot ko dito. "Bibigyan kita nang chance. Lalo pa at kailangan ko ng karamay ngayon sa pagpapalaki kay Neia."

"Talaga?" Umaliwalas ang mukha nito. "Salamat."

Niyakap ako nito.

Mula sa kalayuan ay nakita ko si Nico. Nakakuyom ang kamao nito at salubong ang kilay.

Humiwalay sa yakap si Dice. "Pwede mo ba akong ipakilala sa Anak mo? Gusto ko kasing maging close sa kaniya."

"Oo naman." Nakangiting sagot ko.

"Sige, tara na."

Nauna itong pumasok sa loob.

Sumeryoso ang mukha ko at tiningnan ang likuran nito.

Hindi ako ang gusto mong ligawan, Dice. Dahil ang Anak ko ang tipo mo. Tangina kang manyak ka!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro