Chapter 30
NINA
BUMALIK kami?
"Umalis kana." Tinuro ko ang pinto. "Wag na wag kang magpapakita sa amin ni Neia, hangga't wala ka sa sarili mo at hindi ka nagbabago."
"Magbabago na ako." Lumuhod ito at hinawakan ang kamay ko. "Please. I can't take this pain anymore, please comeback to me."
"No." Binawi ko ang kamay ko dito at lumayo nang isang hakbang mula sa kaniya. "Madaling sabihin ang salitang 'magbabago', Nico. Hangga't hindi mo napapatunayan ang bagay a yun, wag na wag kang pupunta dito."
"Pangako, pl–"
"–ALIS!" sigaw ko dito. "Walang Neia at Nina, na babalik sa'yo. Kahit lumuha kapa ng dugo diyan."
"Why!?" Galit itong tumayo. "Napalitan mona ba ako!? Yung lalaki ba kanina ang ipinalit mo sa'kin?"
Binigyan ko siya nang mag asawang sampal sa mukha. "Tanungin mo ang sarili mo kung bakit ayaw naming bumalik sa'yo! Ikaw ang dahilan, Nico. Walang ibang taong involve dito!"
Nagmamakaawang binalingan nito ng tingin si Neia. "Anak, miss kana ni Daddy. Balik na kayo ni Mommy mo please. Hindi na kaya ni Daddy."
"Hindi ikaw ang Daddy ko." Umiling si Neia. "Yung Daddy ko kasi mabait, kahit palagi kaming nag aaway. Si Daddy ko, malinis sa katawan. Yung Daddy ko hindi bad. Hindi naman ikaw yun eh, ibang tao kana eh." Halatang natigilan si Nico sa sinabi ng Anak. "Iba ka sa Daddy ko, ayoko sa'yo. Gusto ko doon kay Daddy ko talaga. Yung kaharap ko kasi ngayon hindi naman yung Daddy ko eh, kaya umalis kana."
Parang pinira-piraso ang puso ko nang makita ang pagbasak ng luha ni Neia.
"L-love mo ba ako?" basag ang boses na tanong dito ni Nico. "Y-you love me right?"
"Hindi." Umiling si Neia. "Isa ka kasing stranger. Hindi naman kasi ikaw ang Daddy ko eh, ibang iba ka."
"K-kapag ba bumalik yung Daddy mo, tatanggapin mo siya?" tanong dito ni Nico. "Kaya mo bang hintayin ang Daddy mo?"
"Siyempre po. Lagi man kaming nag-aasaran, hindi man siya ang nagpalaki sa'kin. Paulit ulit ko pa rin siyang pipiliin na maging Daddy ko." Tumayo si Neia at lumapit dito. "Kaya umalis kana. Ayusin mona agad sarili mo. Sobrang miss kona kasi si Daddy eh."
Lumuluhang ngumiti si Nico at tumayo. "H-hintay kayo ng Mommy mo ah? Babalik ako, babalik agad ako. Babalik ako bilang asawa ng Mommy at bilang Daddy mo, hindi bilang isang taong nasa harapan mo ngayon."
Tumango lang si Neia bago lumapit sa'kin. Yumakap ito sa beywang ko at isinubsob ang mukha niya sa tiyan ko.
"Hintayin niyo ako ah?" Ngumiti si Nico bago lumabas ng coffee shop.
Unti unting nanlambot ang tuhod ko. Lumuhod ako at niyakap ang Anak ko.
"Tahan na." Hinagod ko ang likod nito. "Babalik din si Daddy mo."
"Miss kona si Daddy eh," hagulgol nito. "K-kailan lang kami nagkasama po, tapos ganito agad."
"Anak, tatagan mo ang loob mo." Sinapo ko ang pisngi nito at pinunasan ang mga luha niya. "Siguradong pagkatapos nito ay magiging masaya tayong lahat. Makakasama mo din ang Daddy mo."
"P-pero paano kung mainlove ka sa iba?" Natawa ako sa tanong nito. "E-ede wala ng chance si Daddy, hindi na buo family ko."
"Sino naman may sabing maiinlove ako sa iba?" natatawang tanong ko dito. "Kahit ganoon ang Daddy mo, siya lang ang mamahalin ko. At saka, siguradong may paliwanag ng matindi ang Daddy mo tungkol sa lahat."
"Kahit nambabae siya?"
"Hindi siya nambabae." Hindi pa man sinasabi ni Nico, pero sigurado ako doon. "Sa tingin mo may ibang papatol sa Daddy mo? Ako lang kaya ang nakakatagal sa ugali non."
"Dalawa tayo." Ngumuso ito.
"Tama na ang drama, please." Napalingon kami kay Carla na puro uhog. "Gutom na gutom pa ako, pero paano 'ko kakain kung ganiyan kayo?"
"Hindi naman po namin hawak ang bunganga mo," sagot dito ni Neia na mahina kong ikinatawa.
Natigil sa pag iyak si Carla dahil sagot ng Anak ko. Suminga ito sa tissue at sumimangot.
"Manang mana ka sa Nanay mo at Tatay mo," sabi dito ni Carla. "Let's eat na nga."
Bumalik na lang ulit kami sa pagkain. Nang matapos kumain ay muli ng pumasok si Neia. Alam kong hindi pa siya okay, kaya medyo nag aalala ako.
"Grabe na ang love story niyo," sabi sa'kin ni Carla. "Kapag kayo hindi endgame, ewan kona lang."
Nagkibit balikat lang ako bilang sagot.
Natigila ako nang matanaw yung Dice sa labas. May kausap ito sa cellphone niya habang pasimpleng tumitingin sa'kin.
Hindi ko naman pinahalatang tinitingnan ko ito. Napakunot ang noo ko nang ngumisi ito at mabilis na tumalikod.
Ang ngising iyon. Tama! Siya ang isa sa mga kakampi ni Austin, kaibigan siya ni Austin. Isa siya sa mga gagong tumatawa habang pinahihirapan ako ni Austin, ang lalaking iyon din ang muntik ng gumahasa sa'kin.
Kaya pala familiar siya. Nagbago lang ng kaunti ang ilong at mata niya, pero sigurado akong siya yun. Nag-paretoke ang gago, pangiti kasi.
Ano naman kaya ang plano nilang magkaibigan? Kung ano man ang larong ihahain nila sa'kin ay sasabayan ko lang.
Kung akala nilang masisindak nila ako ay nagkakamali sila. Sila ang paglalaruan ko.
Mga tanginang yan!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro