Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28


NINA

    "DITO na tayo, Mommy?" tanong ni Neia habang inililibot ang kaniyang paningin sa bago namin bahay. "Maganda po dito. Tapos kanina maraming bata sa labas, puwede akong mag play sa kanila. Tapos po malapit lang din sa school."

Tumango ako. "Alam kong maninibago ka, pero sisiguraduhin naman ni Mommy na magiging maayos ka dito."

"Kailan tayo pupunta kay Dada po?" tanong nito. "Gusto kong makita si Dada."

"Pupuntahan pa rin natin ang Dada mo lagi lagi," sabi ko dito. "Sa ngayon tulungan mo muna si Mommy na mag ayos ng mga gamit natin."

"Opo!"

Nagsimula na kaming mag ayos ng mga gamit namin ni Neia. Inilagay namin 'to sa mga durabox namin.

"Mommy, pwede po ako makipagraro sa mga bata sa labas?" tanong nito. "Gusto kong magpakilala sa kanila."

"Oo naman, basta wag masyadong makislot at baka mabinat ang sugat mo." Tumango ito. "Kapag inaway ka naman nila. Anong gagawin mo?"

"Babatuhin sila sa ulo," sagot nito na ikinalaki ng mga mata ko. "Joke lang po. Siyempre, sasabihin ko bad yun po."

"Sige na, laro kana po."

Humalik muna ito sa pisngi ko bago magta-tatakbo palabas. Napailing na lang ako bago magtungo sa kusina para magluto ng tanghalian namin.

Medyo nag-aadjust pa kami ngayon ni Neia, pero alam kong masasanay din kami. Kailangan kong maging matatag para sa Anak ko.

Kakalipat lang namin kanina at kaka-resign ko lang sa trabaho ko. Mag-fo-focus ako ngayon sa negosyo ko na cafe shop. Nasa tabi lang iyon ng school ni Neia, para mababantayan ko pa rin siya.

Hindi ko rin muna gaanong binabanggit si Nico, dahil alam kong mawawala sa mood si Neia. Galit pa rin siya sa Daddy niya, pero alam kong nag aalala din siya para dito.

Nagpatuloy lamang ako sa pagluluto hanggang sa matapos ako. Pinatay ko yung kalan bago lumabas ng bahay para tingnan si Neia.

Nakita ko itong nakikipaglaro sa mga bata. Kitang kita ang saya sa mukha nito kaya napangiti na lang ako.

"Mommy!" Tumakbo ito palapit sa akin nang makita niya ako.

"Pawis kana." Inayos ko ang buhok niya. "Hindi kaba nila inaaway?"

"Mabait po sila," sagot nito. "Okay lang po kung mag play kami minsan sa bahay?"

"Oo naman," nakangiting tugon ko dito. "Sige na, balik kana doon. Umuwi ka mamayang tanghalian ah? May gagawin lang si Mommy."

Tumango ito.

Bumalik ito sa mga kalaro niya kaya bumalik na ako sa loob ng bahay. Nagtungo ako sa kuwarto ko at kinuha yung mga papeles na kailangan ko para sa cafe ko.

Umupo ako sa sala at sinimulan itong basahin.

Kailangan kong mag hire ng mga tauhan, kaso mukhang mahihirapan ako dahil mababang pasahod pa lang ang kaya ko. Kailangan ko pang badgetin lahat. Kung wala pa akong ma-hire, siguro ako na lang muna mag isa.

Bukas na ang opening ng cafe ko, bukas na din ang pasok ni Neia. Buti na lang ay sila Mommy na ang nag ayos ng mga kakailanganin niya sa school.

Kailangan kong buhayin mag isa si Neia, ayoko munang umasa kila Mommy, mas lalong ayokong umasa sa pera ng gagong Nico na yun.

"Mommy!"

Napalingon ako kay Neia. Gulat akong napatingin sa kasama niya.

"Carla!" Napangiti ako. "Bakit hindi ka nagsabing pupunta ka?"

"Kailangan pala yun?" tanong nito.

"Neia, magpalit ka muna ng damit mo," sabi ko dito.

Tumango naman ito at tumakbo papasok ng kuwarto. Si Carla naman ay naupo sa tabi ko.

"Nag resign na ako," sabi nito. "Hindi kona matagalan si Ma'am Sha."

"Gaga, bakit ka nag resign?" tanong ko dito.

"Mag-a-apply na kasi ako ng bagong trabaho," sabi nito. "Mag-a-apply akong waitress po."

"Sira." Natawa ako. "Mababa lang ang pasahod ko, doon kana lang sa company ng parents mo."

"Wag kang paladesisyon." Umirap ito sa akin. "Totoo nga, mag-a-apply ako sa'yo. Kahit wala kang sweldo ayos lang, tutulungan kita."

"Salamat," nanggigilid ang luhang sabi ko dito. "Maraming salamat, Carla."

"Wag kang iiyak, gaga." Natawa ito. "At saka maswerte ako sa trabahong ito. Aba, what if pogi yung customer? Ede may bongga."

"Malandi ka talaga," natatawang sabi ko. "Kumain kana ba? Tara kain na tayo."

"Mabuti pa nga," sabi nito.

"Neia!" Tawag ko sa Anak ko, na agad namang lumabas ng kuwarto. "Kain na tayo, 'Nak."

Nagtungo kami sa kusina. Pinaupo ko yung dalawa at ako naman ay naghain ng pagkain sa lamesa.

"Kain na tayo," nakangiting sabi ko.

Nagsandok ako ng kanin para sa amin ni Neia.

"Mommy, sino po siya?" tanong ni Neia sa akin.

"Siya ang Tita Carla mo," sagot ko dito. "Kaibigan s'ya ni Mommy, parang magkapatid na kami."

Napatango ito. "Hi po, Tita Carla."

"Hi, bebe." Nginitian ito ni Carla. "Shocks, hindi pala ako nakapagpakilala kanina noong tinanong ko kung nasaan ang Mommy mo."

"Okay lang po," tugon dito ni Carla.

"Carla," seryosong tawag ko dito. "What if tayo talaga ang para sa isa't isa? Willing kaba?"

"Gusto mong saksakin kia ng tinidor? Kilabutan ka nga! Yuck!" diring diring sabi nito na ikinatawa ko.

"Mommy, ayaw." Umiling si Neia. "Kahit walanghiya si Daddy, mas gusto ko siya."

Napatingin ako kay Carla na nakasimangot na. "Mag ina nga talaga kayo!"

Nagkatinginan lang kami ni Neia at parehas nagkibit balikat.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro