Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23


NINA

"ARE you sure that they will like me?" tanong ni Malcolm habang naglalakad kami sa malawak na garden nila Tita Karen.

Hindi ko alam kung pang ilang beses na niyang tinanong ang bagay na yan. Ang cute niya na nakakarindi na.

"Oo nga po," tugon ko dito. "Mabait sila, promise."

Tumango na lang ito.

Nang makapasok kami sa loob ng bahay nila Tita, ay sinalubong agad kami ng mga katulong nila. Sinabi ng mga ito na nasa dining na sila Tita, kaya doon na kami dumiretso ni Nico.

"Tita!" Nakangiting tawag ko dito. Nilapitan ko ito at niyakap saglit. "Na-miss ko po kayo ng sobra."

"Miss na miss na din kita iha," nakangiting sabi nito. "Masaya ako at nakapunta ng asawa mo...Teka, nasaan pala yung Anak mo?"

"May meet po sila ng mga teachers niya kaya hindi po nakasama," sagot ko. "Don't worry po, sa susunod ay kasama na namin siya."

Tumango lang ito, bago balingan ng tingin si Nico. "Magandang tanghali, Iho."

"Magandang tanghali din po," bati pabalik ni Nico. Namamawis ang noo nito, kaya alam kong kinakabahan siya. "It's my pleasure to meet you po."

"Ganon din ako," sabi dito ni Tita. "Ano pang hinihintay natin? Magsiupo na tayo."

Umupo si Tita sa tabi ni Tito. Ako naman ay naupo sa tabi ni Carla, si Nico ay umupo sa tabi ko, na ang kaharap ay si Kuya Cy.

"Anong pinakain mo diyan sa asawa mo? Bakit may manners na?" pabulong na tanong sa akin ni Carla. "Tahong ba?"

Mahina ko siyang siniko. "Tumahimik ka!"

"Here." Napatingin ako kay Nico nang lagyan niya ng shrimp ang plato. "It's your favorite."

"Thank you," nakangiting sabi ko dito.

Tipid lang itong ngumiti at tumango.

"So? What's your job?" Kay Tito naman bumaling ang tingin ko nang magsalita siya. "Nico right?"

"I have a lot of company sir," sagot ni Nico. "I'm the owner of Sullivan's wine corporation."

"Sullivan?" Tumango si Nico. "So, you're the eldest son of Mr. Nicolson Sullivan?"

"Yes sir," sagot ni Nico.

Napatango si Tito. "I'm your Father's business partner."

"It's good to hear that, Sir." sabi dito ni Nico.

"Sabi ko sa'yo mabait sila eh," bulong ko dito. "Kumain kapa."

Nakangiting tumango lang ito bilang sagot.

Kumain lang kami nang kumain habang patuloy sa kuwentuhan. Nang matapos kami ay inaya nila Kuya Cy si Nico sa labas para mag inom. Kami naman ni Tita ay tumulong sa pagliligpit.

"Wag kang mag alala sa asawa mo, magiging okay yun," sabi ni Tita.

Napatango na lang ako.

"Pero ang rupok mo girl," sabad ni Carla. "Baka sa susunod, magulat na lang kami at may baby number two na kayo."

"Walang masama doon, Carla. Mag asawa naman sila," sabi ni Ate Pusha. "Wag kang bitter, hindi porket hindi ka minahal nung Doctor sa Hospital ay ganiyan kana."

"Strict lang parents ko," maarteng sabi sa kaniya ni Carla. "Diba, Mommy?"

"Tumigil ka, hindi ka lang talaga gusto non." Napasimangot si Carla na ikinatawa namin.

Nang matapos kami sa ginagawa namin ay nagtungo na kami sa labas, kung nasaan sila Nico. Bitbit na din ni Ate Pusha ang Anak nila ni Kuya Cy.

"Kamukha ni Kuya Cy," nakangiting sabi ko kay Ate Pusha.

"Wala eh, sadyang malakas ang genes ni Cy," tugon nito. "Gusto mong buhatin?"

Tumango naman ako at maingat na kinuha sa kaniya yung baby niya.

"Hi," nakangiting bati ko dito. "Ang pogi mo."

Humagikhik ito. Bahagya akong napatili at napatalon dahil sa tuwa. Dumako ang tingin ko kay Nico. Nakangiti ito sa akin.

Lumapit ako dito. "Look, ang pogi diba?"

"Yeah." Tumango ito.

"Ay, Nico. Nagpapahiwatig ang Misis mo," nakangising sabi ni Carla. "Gusto na ng lalaki, galaw galaw."

Nag init ang pisngi ko sa sinabi nito. Pakiramdam ko sobrang pula kona din. Mas lalo pang nag init ang pisngi ko nang tumawa sila.

"Ang issue mo!" inis kong sabi kay Carla. "At saka sapat na si Neia sa amin, sa ngayon."

Ngumisi lang ito.

"Nina, is right. Sapat na muna si Neia," sabi ni Nico. "We want to focus to Neia. Ibibigay muna namin yung oras namin kay Neia, babawi kami sa Anak namin. And after that puwede na."

Humiga sa damuhan si Carla at nagkikikisay doon. "Literal na nangisay ako sa kilig. Lord, bakit ako wala pa?"

"Ayaw mo kay Ma'am Sha?" natatawang tanong ko dito.

Mabilis itong tumayo. "Kilabutan ka, Gurl! Sa matandang yun? At may kipay pa talaga ah."

Natawa lang ako

Biglang umiyak ang Anak nila Ate Pusha, kaya agad ko itong binigay sa kaniya. Mukhang gutom na.

"Maupo ka." Tumayo si Nico sa upuan niya. "Ayokong mapagod ka."

"Hindi na." Pinaupo ko ulit siya doon. "Mag enjoy ka muna diyan kila Tito. Doon naman kami sa loob."

Hinalikan ko ito sa pisngi. Pumasok kami nila Tita sa loob ng bahay at naupo sa sofa.

"Oo na, boto na ako sa asawa mo," sabi ni Carla. "Mukha namang may manners talaga siya."

Ngisi lang ang isinagot ko sa kaniya.

"Nawa ay maging maayos pa ang relasyon niyo," sabi ni Tita. "Kitang kita sa mga mata ng Asawa mo kung gaano ka niya kamahal. Kitang kitang ikaw lang ang nag iisang babae sa piling niya."

"The way Nico looked at you, kaparehong kapareho sa kung paano ako tingnan ng asawa ko," Ate Pusha said.

"Thank you po," naiiyak kong sabi.

Halos mag-gagabi na nang magpaalam kami ni Nico kila Tita. Medyo lasing ito kaya ako na muna ang nag drive.

"I love you," sabi nito nang ma-ipark kona yung kotse sa garahe namin. "I love you, Nina. I love you."

"Mahal na mahal din kita, Nico." Dumukwang ako at hinalikan siya.

"Always remember that you're the only one." Ngumiti ito. "Ikaw lang, Nina. Ikaw lang."

"Hindi rin naman nagbago, Nico. Ikaw lang din talaga."

Umusog ito palapit sa akin at niyakap ako. Bakit ang weird at ngayon ni Nico?

"I love you at sana ay lagi kang magtitiwala sa akin," sabi nito. "Kahit ikaw lang ang magtiwala sa akin, kahit wag na yung iba."

"Pangako, Nico."
,

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro