Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22


NINA

    "DITO na lang ako," sabi ko kay Nico nang huminto kami sa tapat ng building na pinagtatrabahuhan ko. "Salamat."

"No need to say thank you, it's my duty because I'm your husband." Kumindat ito sa akin. "I will pick you up later, baby."

"Hindi ako makakasama po mamaya, pupunta kasi yung teachers ko po mamaya para i-discuss yung mga hahabulin ko po sa school," mahabang sabi ni Neia. "Doon din po ako matutulog. Mamimiss kita, Mommy."

"OA mo naman, isang araw lang iyon," sagot dito ng Ama niya. "Bukas solohin mo Mommy mo, kung gusto mo ibulsa mo pa."

"Daddy, wag kang epal po." Inirapan ito ng Anak. "Gusto mo lang masolo si Mommy eh!"

"Wow, paano mo nalaman Anak?" Pang aasar dito ni Nico.

"Kulit ninyong dalawa," natatawang sabi ko. "Sige na, mamaya na lang."

"Ingat Mommy. I love you po." Hinalikan ako nito sa pisngi.

Akmang hahalik din sa akin si Nico, ngunit hindi natuloy dahil nilayo ni Neia ang mukha nito.

"Go na, Mommy. Wag kang magpapahalik sa pangit," sabi nito.

Natatawang bumaba ako ng kotse. Tinanaw ko si Nico at sobrang sama ng tingin nito kay Neia, na nakangisi lamang sa kaniya.

"Pasok na ako," paalam ko sa kanila.

Naglakad na ako papasok ng building. Sumakay ako ng elevator, at agad lumabas ng bumukas ito.

Laking ginhawa ko na wala akong nadatnang maraming papeles sa ibabaw ng table ko. Mukhang hindi ako matatambakan ngayon.

Nasa kalagitnaan ako ng pag aayos ng mga designs ko, biglang nag ring ang cellphone ko. Kinuha ko naman ito at agad sinagot ang tawag.

"Sis!" Bati sa akin ni Carla sa kabilang linya. "Ano? Kumusta? Tinambakan kaba ng gawain ni Butanding?"

Natawa ako. "Kahapon tinambakan niya ako, pero keri naman."

"Sasabunutan ko talaga yun kapag nakabalik ako," sabi nito. "By the way, saan ka tumutuloy ngayon? Gusto mo dito kila Mommy?"

"Ahm, kay Nico ako nakatira." Napakagat ako sa ibabang labi ko. "Nagkabalikan na kami."

"And the marupok awards, goes to Nina Agua!" kahit hindi ko siya nakikita, alam kong pana'y irap siya ngayon. "Kaloka, yummy lang 'yang husband mona yan, pero saksakan ng sungit 'yan! Masama din ang ugalin niyan!"

"Hindi naman siya ganoon," pagtatanggol ko kay Nico. "Mabait yun, hindi mo pa lang kasi gaanong kakilala."

"Dalhin mona lang mamaya sa bahay, para ma-ijudge ko," sabi nito. "Basta dito ka mag lunch ah? Nagluto na si ng mga favorite mo. Diba, ako yung Anak pero favorite mo yung niluto? Nakaka-hurt."

"Pakisabi kay Tita. Thank you so much," sabi ko dito. "Sige na, bye na."

"Sige, sige."

Binaba kona ang tawag at bumalik na sa aking ginagawa.

"Nina, paki-photo copy daw itong final layout para sa designs ng company ni Mr. Sullivan," sabi ni Jed. Isa sa mga ka-trabaho ko.

"Sige." Kinuha ko yung papel sa kaniya. "Ilang pieces?"

"Fifty," sagot nito.

Tumango lang ako bago tumayo, at magtungo sa printer sa labas. Pinotho copy ko yung papel na binigay ni Jed.

Nang matapos ko iyong i-photo copy ay agad akong nagtungo sa office ni Ma'am Sha at inilapag iyon sa desk niya.

"Ma'am, tapos kona pong i-photo copy," nakangiting sabi ko dito.

Nangunot ang noo nito. "Kay Jed ko inutos yan, bakit ikaw ang gumawa?"

"Sabi po ni Jed, inutos ninyo," takang takang tugon ko.

"Go home," sabi nito. "Papuntahin mo dito Si Jed, bago ka umuwi."

"Po? Pero may isang oras pa–"

"–Sino ba ang boss mo?" Taas kilay nitong tanong. "Uwi!"

Tumango na lang ako bago lumabas.

Dumiretso ako sa table ni Jed. "Tawag ka ni Ma'am Sha, binigay kona din pala yung photocopy."

Hindi kona siya hinintay sumagot dahil agad na akong dumiretso sa table ko. Kinuha ko ang bag ko at dumiretso sa elevator.

Tinext ko si Nico at sinabi niyang nasa labas na siya. Nang makalabas ako ay nasa labas na nga siya, at prenteng nakasandal sa sasakyan niya.

"Ang aga mo naman," sabi ko dito.

Binuksan nito ang pinto ng front seat at may kinuha doon. Isang malaking boquet.

"For you." Inabot niya sa akin yun na agad kong tinanggap.

"Para saan?" takang tanong ko.

"I just want to gave flowers to you," tugon nito. "Wala namang masamang bigyan kita ng bulaklak diba?"

"Akala ko kasi nanliligaw ka," biro ko dito. "Nakalimutan ko, asawa nga pala kita."

"How dare you to forgot that I'm your Husband?" Sumimangot ito na ikinatawa ko. "You hurt my feelings, baby."

"Cute mo po." Tumingkayad ako at hinalilan siya. "Tara na, dumiretso tayo kila Carla. Doon tayo mag-la-lunch."

"Wait, do I look like perfect?" Minodelo nito sa akin ang kabuuan niya. "Do you think, they will happy to see me?"

"Bakit masyado ka atang nag aalala?" tanong ko.

"Ofcourse, they are your new family," sagot nito. "Am I right?"

Nakangiting tumango ako. Tama, sila Carla at sila Tita ang bago kong Pamilya.

"Kailangan kong magpalakas at magustuhan nila para sa'yo. Uhm, you know? I was being rude to them." Napakamot ito sa ulo niya. "Kailangan kong bumawi. Kailangang, magustuhan din ako ng mga importanteng tao sa buhay ng Mahal ko."

Hindi ko maiwasang hindi ma-touch sa sinabi nito. My Nico is finally back! Iyong Nico na iniisip ang damdamin ng iba at iyong Nico na magalang.

"How I'm luck to have you," nakangiting sabi ko dito. "Nico, you don't need to be perfect. Mabait sila Tita, magugustuhan ka nila. Promise."

"I believe in you." Ngumiti ito sa akin. "Let's go?"

Tumango lang ako bago sumakay ng sasakyan niya.

Pero sigurado akong kikilatisin pa rin siya nila Tito at Kuya Cy. Lalong lalo na si Carla.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro