Chapter 21
NICO
"AYOS kana ba?" tanong ko kay Nico, matapos ko siyang painumin ng tubig.
"Did you tell that to Coco?" malamig na tanong nito.
Kagat labi akong tumango. Napapikit naman ito, at halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko.
"Sorry," kagat labing kong sambit dito. "Ginawa ko ang yun para makatulong."
"You didn't help me, Nina." malamig na sabi niya. "Ginawa mo lang akong kaawa awa sa harapan ng kapatid ko!"
"Nico, deserved nilang malaman ang mga nangyari sa'yo," mahinahong sabi ko dito. "Pamilya mo sila, sila ang unang makakatulong sa'yo."
"No one can help me, Nina! Even you!" Galit na dinuro ako nito. Parang may kung anong matulis na bagay ang tumama sa puso ko dahil sa sinabi niya. "I can handle myself, Nina. Na kaya ko nga kahit wala kapa eh."
"So, ibig sabihin kahit anong gagawin ko wala talagang maitutulong sa'yo?" Natigilan ito ng makita niya ang pagtulo ng mga luha ko. "H-Hindi mo alam, na ang mga dinaranas mong sakit ay mas doble sa akin! Sinabi ko yun kay Coco dahil siya ang unang makakatulong sa'yo na mapatay ang mga walanghiyang yun! Coco, love you so much, Nico. Hindi ko naman akalain na sa simpleng pagtulong ko, ay magiging ganiyan ang tingin mo sa akin."
"Nina," Umamo ang mukha nito. "Sorry."
Tipid ko lang siyang nginitian. Nilagpasan ko siya at umakyat patungong kuwarto namin. Nang makapasok ako sa kuwarto namin ay nadatnan ko si Neia na mukhang kagigising pa lang.
"Mommy," tawag nito sa akin. "Are you okay po? Umiyak ka po?"
Inilingan ko lang siya bago lapitan at yakapin.
"Mahal na mahal ka ni Mommy." Hinalikan ko siya sa noo. "Mahal na mahal ko kayo ng Daddy mo." Kahit pa nasaktan niya ako ng sobra ngayon.
Humiwalay ako sa yakap at nginitian ang Anak ko. "Papasok na si Mommy ah? Nagluto ako ng breakfast para sa inyo ng Daddy mo, kumain ka ah?"
"Nag away po ba kayo ni Daddy?" tanong nito.
Hindi ko nasagot ang tanong nito.
Sabay kaming napalingon sa pintuan ng kuwarto nang bumukas iyon. Iniluwal non si Nico na parang maiiyak ang reaksiyon ng mukha.
"Neia, kakausapin ko lang ang Mommy mo." Bumaling ito kay Neia. "Sa baba ka muna 'Nak, nagpatimpla na ako ng milk mo."
Tumango lang si Neia, bago bumaba ng kama at dumiretso sa labas mg kuwarto.
"Nina," hindi ko binalingan ng tingin si Nico. "Sorry.."
Tumayo lang ako at nagtungo sa closet ko. Kumuha ako ng mga damit doon na aking susuotin.
"If you're mad, just tell me. Please, I can't take this silent treatment of yours," mahinahong sabi nito. "Nina.."
Hinarap ko siya. "A-Ang sakit marinig nung mga sinabi mo sa'kin kanina, Nico. Pero kasalanan ko naman diba?"
"No, it's not true." Lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa kamay. "You help me, you help me a lot. Nina, I didn't mean it to sayo those words. I just can't stop myself for overthinking."
"Natakot lang ako, na baka mag iba lalo ang tingin sa akin ni Coco. Natakot ako na lalo niya akong tingnan bilang isang duwag," dagdag pa nito. "Nina, I'm sorry. Please forgive me."
"Nico, ni-minsan hindi inisip ni Coco na isa kang duwag," aniya ko. "Yes, he always said that you're coward, pero ginagawa niya iyon para palakasin ang loob mo. Coco, loves you so much. Nico, hindi si Coco ang kalaban mo dito."
Umiwas ito ng tingin. "I'm sorry."
"May naitulong man ako sa'yo o wala, hindi magbabago ang pagmamahal ko sa'yo. Mahal na mahal kita Nico, at gagawin ko lahat para sa'yo, kahit pa ikagalit mo sa akin," sabi ko dito.
"I'm sorry." Niyakap ako nito. "Hindi totoo ang mga sinabi ko, you help me a lot Nina. I love you." Humiwalay ito sa yakap at tiningnan ako. "Are you still mad? Just tell me."
Umiling ako. "Hindi na, ramdam ko naman na sobrang sincere mo."
Para namang nakahinga ito ng maluwag. "I will never ever raised my voice at you again. Hindi na po mauulit, promise."
"Masyado ka ng nagpapa baby," natatawang sabi ko dito. "Cute cute mo po."
"Why? I'm your baby right?" Ngumuso ito.
"Oo naman, kayo ni Neia." Hinawakan ko ang pisngi niya at pinisil pisil iyon.
Mabilis naman nitong hinuli ang kamay ko at hinila ako, dahilan para mas lalong magdikit ang mga katawan namin. Napapikit ako ng walang ano anong inangkin niya ang labi ko, na buong puso kong tinugunan.
"Kaya pala pinalabas ako." Napahiwalay kami sa isa't isa ng marinig namin ang boses ni Neia.
Natawa ako ng makitang nakapameywang ang Anak ko, may gatas pa ito sa labi at nakasimangot ang mukha.
"Si Daddy, kahit kailan mahilig pumaraan," sabi nito, at mabilis na yumakap sa beywang ko. "Masyado mo ng sinosolo si Mommy."
"Ako pa talaga? Ikaw kaya ang laging sumosolo sa Mommy mo." Nilapitan ni Nico si Neia at binuhat. "Dapat bigyan mo rin ng time si Daddy."
Sumimangot lang si Neia.
"Mag aargumento na naman ang mag ama." Napailing iling na lamang ako. "Sige na, bumaba na kayo. Susunod ako, maliligo lang ako."
Tumango ang mag ama. Hinalikan muna ako ng mabilis ni Nico bago lumabas habang buhat si Neia.
Dinig ko pa ang pang aaway dito ni Neia na ikinatawa ko lamang.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro