Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

NINA

   "OKAY na ba ito?" Ipinakita ko kay Carla ang idinisenyo ko. "Sa tingin mo?"

"Maganda na, lagyan mo lang ng mga ibang graphic." Sagot nito

Tumango naman ako bago bumalik sa table ko. Ginawa ko ang idea niya at mas maganda nga ang kinalabasan.

Hindi ko alam kung ilang oras kaming nagtatrabaho, namalayan kona lang na alas dos na ng tanghali

"Lunch muna tayo," Aya ni Carla

Tumango naman ako bago tumayo.

Sumakay kami ng mga ka-team namin ng elevator, kakain kami sa kabilang kalsada, may maliit na karinderya doon na bidang bida ang mga pagkain

"May 10 seconds pa, makakatawid pa tayo." Sabi ni Carla

Nagmamadali kaming tumawid kaso sa kalagitnaan ay may lalaking malakas na bumangga sa akin, sumabog ang gamit ko kaya yumuko ako ay pinulot ang mga iyon

*BEEEEEEEEEEEP

Nanginig ang katawan ko ng makita ang isang sasakyang palapit sa akin. Nahirapan akong huminga kaya bumagsak ako sa kalsada

Hindi kona alam ang nangyayari, ang nakikita kona lang ay isang madilim na paligid at sa harapan ko ay ang sasakyan ni Austin.

"Nina," Nasa harapan ko si Austin. "NINA!"

Pinikit pikit ko ang mga mata ko, maliwanag na ulit at may blurred na mukha ng lalaki ag nasa harapan ko

"Nina.." Malumanay na tawag nito sa akin

Unti unting luminaw ang mukha nito sa akin

"Coco.." Bulong ko

Kamukha man siya ng asawa ko pero may pagkakaiba sila para sa akin

"Huy! Ayos ka lang ba!?" Biglang sumulpot si Carla sa gilid ko. "Aatakihin kana lang ng Anxiety mo sa gitna pa ng kalsada! Buti na lang sinave ka ni Pogi."

Tumingin ako sa paligid, nasa gilid na pala ako ng kalsada at may mga taong nakatingin sa amin

"P-Pasensiya na," Sinubukan kong tumayo pero nanlalambot pa rin ang mga tuhod ko

"Nina, we need to talk." Malamig ni Coco.  "Can you please, give us a minute?"

Tumingin ako kay Carla. "Take out mona lang ako, sa office na ako kakain."

"Sure ka?" Tumango ako kay Carla

Binuhat ako ni Coco at isinakay sa isang kotse. Umikot naman ito sa kabila at sumakay din

"Anong pag uusapan natin?" Tanong ko dito

Sumandal ito sa upuan niya bago ako seryosong lingunin. "What happened to a years ago? Why did you leave them?"

"H-Hindi ko kayang sagutin.." Pabulong kong sagot. "Ayoko, Coco."

"I know everything Nina, everything." Nag igting ang panga nito. "But he don't know everything Nina, ang akala niya lang ay iniwan mo sila."

"Hindi ko ginusto Coco, hinintay ko siya." Sunod sunod na tumulo ang mga luha ko. "Pinilit kong lumaban para sa kanila ni Neia."

"I know," Pinunasan nito ang mga luha ko. "Hindi ko alam kung anong tumakbo sa isip ni Nico, itinatabo niya lahat palayo sa kaniya. He gave me Neia, kami nila Mom ang nagpalaki dito. Biglang umalis si Nico."

"Nilalayo na naman niya ang sarili niya sa lahat, takot siyang mamatay kayo dahil sa kaniya." Sabi ko. "Duwag na naman siya."

Napahinga ito ng malalim. "How are you?"

Alam kong sinadya niyang ibahin ang usapan

"I'm still with my dark past," Sagot ko at tipid na ngumiti. "Kayo? Siya? Si Neia?"

"Neia is six years old now," Sagot nito. "You don't know how heardheaded she is, manang mana sa Tatay."

Natawa ako. "C-Can I have her picture?"

Kinuha naman nito ang wallet niya, may kinuha siya doong litrato at inabot sa akin. Sunod sunod na tumulo ang mga luha ko habang nakatingin sa litrato ng Anak ko

"Ikaw na ikaw siya," He said. "Neia always ask about you, hindi siya galit Nina. She wanted to see you "

"Hindi ko kaya Coco," Umiiyak kong tugon. "Nakabantay lang sila sa akin, ayokong lapitan sila dahil baka may mangyari."

"Nina, tawagan mo lang ako kung gusto mo siyang makita." Sabi nito. "Naka-save na ang number ko sa cellphone mo."

"Ang bilis mo talaga," Natatawang pinunasan ko ang mga luha ko. "Nakita ko si Nico with her new lover."

"She's Mafu," Sabi nito. "She's beautiful right? Tirador ng magaganda ang asawa mo."

"Pero mas maganda ako," Napairap ako na ikinatawa niya.

"Hindi ko alam kung anong relasyon niya sa babaeng iyon pero isa lang ang masasabi ko, ikaw pa rin." Sabi nito at ngumiti. "Trust me Nina, hindi ka napalitan sa buhay niya."

"I hope so," Nakangiting sabi ko

"Don't worry, tatapusin ko agad sila para magkasama sama kayo." Ani nito. "Kailangan ko pang bumawi kay Nico."

"Salamat Coco," Niyakap ko siya. "Ikaw pala ang client namin bukas, handa mona ang favorite kong luto mo."

"Sure," Humiwalay ito sa yakap. "I'll go now."

"Salamat ulit." Bumaba na ako sa sasakyan niya

Bumusina ito bago umalis. Sakto namang dumating sila Carla

"Sino yun? Ang guwapo!" Hirit ni Carla. "Ikaw ah? Pasimpleng landi!"

"Kakambal ng Asawa ko," Napaawang ang bibig nito. "Si Malcolm Sullivan, client natin bukas."

Mas lalong napaawang ang bibig nito sa sinabi ko

"Totoo!?" Gulat nitong tanong

"Secret lang yun," Hinila ko siya. "Paborito ko ba 'yang binili mo?"

"Oo," Inabot niya sa akin ang plastic na agad kong kinuha. "Gaga, seryoso ka sa kanina!?"

"Malalaman mo bukas," Tugon ko lang

Kinuha ko ang litrato ni Neia sa bag ko na bigay ni Coco. Ang ganda ganda ng baby ko, dalagang dalaga na.

Don't worry Neia, magkikita din tayo. Gagawa ng paraan si Mommy

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro