Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15


NINA

    UMUWI na ang parents nila Nico, pati na din sila Coco. Kaya dalawa na lang ulit kaming bantay ni Neia.

"Sleep," Sabi nito.

Umiling ako. "Nandito si Carla, kukumustahin ko siya."

Bago pa siya makapag sungit ay agad na akong tumayo at lumabas ng kuwarto ni Neia. Saglit lang naman ako, baka kasi magising na si Neia.

"Hello po, kay Carla Ramirez po." Nakangiting sabi ko sa Nurse.

"Sorry Ma'am, but we only have Carlo Ramirez." Tugon nito

"Siya po yan, " Napakamot ako sa ulo ko. "He's a Girl po."

Mukhang na-gets niya ang point ko. Tumango ito at sinabi ang room number ni Carla, na katabi lang pala ng room ni Neia.

"Carla!" Tawag ko agad dito nang makapasok ako.

But wrong move because he's sleeping. Nandito ang parents niya, pati na din si Ate Pusha and Kuya Cy.

"Nina," Nilapitan ako ni Tita Karen at niyakap. "Thank you for saving our son."

"Tita,  minsan na po akong niligtas ni Carla,  bumabawi lang ako." Tugon ko dito.

Humiwalay ito sa yakap at sinuri ako. "How about you? Kumusta ka naman?"

"May injury po, but I'm okay po," Nakangiting sagot ko.

Parang nakahinga naman ito ng maluwag.

"Ano daw po ang cause ng sunog?" Tanong ko.

"Nakita sa CCTV na sinadya ang lahat," Si Tito Ramill ang sumagot. "Binugbog si Carla, bago sunugin yung condo ninyo."

Napasinghap na lang ako sa sinabi nito.  Dumako ang tingin ko kay Carla, na bugbog sarado. Walang kaaway si Carla, kaya sigurado akong si Austin ang may kagagawan ng lahat.

"Sorry po," Napayuko ako. "Sigurado po akong, ako ang habol ng mga taong bumugbog kay Carla. Sorry po kung muntik ng mamatay si Carla, dahil sa akin."

"Hoy, gaga!" Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Carla. "Anong ikaw ang may kasalanan? Bakit kasabwat kaba nila?"

"Eh, kasi–"

"–Manahimik ka lang diyan!" Umirap ito sa akin na ikinanguso ko lang.

"Tama si Carla, Iha. Wala kang kasalanan," Nakangiting sabi ni Tita Karen. "Pamilya kana namin, kaya asahan mong tutulungan ka naming mahuli ang mga gagong iyon."

Nanggigilid ang luhang nilapitan ko siya at niyakap. "Thank you po Tita."

"Walang anuman, Anak."

Napahiwalay lang ako sa yakap nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Iniluwal non si Nico na salubong ang kilay. Galit na naman.

"You took so long!" Salubong ang kilay na sambit nito.

"Manahimik ka diyan!" Inirapan ko siya. "Ti–"

"Kaano ano mo si Nina, Iho?" Tanong dito ni Tita.

Napatingin naman ako kay Nico na halos mag isang linya na ang kilay. "I'm her Husband!"

May kung anong tuwa sa aking sistema dahil sa sinabi niya. Pero naiinis din ako dahil sa paraan ng pagsagot niya. Bastos.

"Nico, umayos ka." Walang emosyong sabi ko dito

Napatikhim naman ito bago napaayos ng tayo. Umamo din ang mukha nito na tila isang batang napagalitan ng magulang.

Kahit ganiyan si Nico, takot sa akin ang lalaking 'yan. Alam niyang kapag walang emosyon kona siyang tinitingnan, alam niyang galit na ako.

"N-Neia is looking for you," Maamong sabi nito. "She wants her Mommy."

Tumango ako bago harapin sila Tita. "Tita, mamaya na po ulit ah?"

Nakangiting tumango lang ito, ganoon din sila Tita at Kuya Cy. "Carla, pagaling ka ah?"

"Ay, tatagalan ko, para hindi kona makita si Ma'am Butanding." Sabi nito na ikinatawa ko lang.

Nginitian ko muna sila bago lapitan si Nico. Lumabas ako at ramdam ko namang nakasunod siya.

"Hey," Tawag nito sa akin kaya nilingon ko siya. "Uhm, what to eat something?"

"Kahit, ano na lang," Tugon ko. "Pakibilhan din ng donut si Neia natin."

Ngumiti naman ito at tumango.

"Ingat!" Sabi ko dito

Inisang hakbang naman ako nito, mabilis niyang hinapit ang beywang ko ay pinatakan ako ng halik sa labi. Napakurap kurap naman ako sa ginawa niya.

"I'll go now," Nakangising paalam nito. Umalis na ito.

Nang makabawi ako ay napangiti na lamang ako. Nakangiting pumasok ako ng kuwarto ni Neia habang nakangiti.

"Mommy!" Naiiyak na si Neia agad ang bumungad sa akin, kaya agad nawala sa isipan ko ang halik ni Nico.

"Ano pong nangyari?" Alalang nilapitan ko siya. "May masakit ba sa'yo, baby?"

Umiling ito bago yumakap sa beywang ko. "Akala ko lang po, umalis kana."

"Baby, hindi na aalis si Mommy." Hinaplos ko ang buhok niya. "Dito lang si Mommy, okay po ba?"

Tumango naman ito bago tumingala sa akin. "I love you po."

"I love you too, baby." Yumukod ako at hinalikan siya sa noo.

Nakipag lambingan at nakipag laro lamang ako sa Anak ko, hanggang sa dumating si Nico, na may dalang tanghalian nami at donut ni Neia.

"Daddy!" Masayang yumakap sa beywang ni Nico si Neia. "I love you po!"

"Why are you so sweet to me? Do you need something?" Malambing na hinaplos ni Nico ang buhok nito. "O baka naman may ginawa kang kalokohan?"

"Daddy naman! Gusto ko lang ipakitang love din kita!" Maktol ni Neia at ngumuso.

Natawa si Nico. "Nasanay kasi si Daddy, na ang pang aaway mo sa kaniya ang way mo parang masabing love mo siya."

"Daddy, matigas kasi ulo mo po kaya inaaway kita," Sagot dito ni Neia.

"Ako pa talaga?" Sarkastikong tanong dito ni Nico. "Whatever. I love you too, Neia."

"Okay na, kakain na tayo," Singit ko.

Inabot ko ang pagkain ni Nico sa kaniya, inabot ko naman ang donut kay Neia. Nakaupo kaming tatlo sa Hospital bed at masayang kumakain.

"Mommy, kailangan ako puwedeng kumain ng chiken?" Nakangusong tanong ni Neia.

"Hindi pa alam ni Mommy eh, pero kapag sinabi ng Doctor na puwede na. Ibibili ka ni Mama nang maraming marami," Nakangiting sagot ko dito.

Napapalakpak naman ito na ikinatawa ko.

"How about you? Kailan kita puwede kainin?" Muntik na akong mabulunan dahil sa sinabi ni Nico. "Should I ask the Doctor too?"

"Nico!" Pakiramdam ko sobrang pula na ng mukha ko. "Shut up!"

"Daddy, you're so kadiri!" Maarteng sabi dito ni Neia. "Aswang kana ba? Babarilin kita kapag kinain mo si Mommy!"

Natawa lang si Nico.

Punyetang lalaking, 'to!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro