Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11


NINA

    KAHIT pa sinabi ni Coco na umuwi ako, ay hindi ko ginawa. Tumambay lamang ako sa Jollibee sa tapat ng Hospital at hinintay ang text niya kung puwede na akong bumalik.

Tumunog ang phone ko. Buong akala ko ay si Coco na ngunit si Nico pala.

From: Nico

-Did you eat lunch?

-Oo, nasa Jollibee ako ngayon

-

Tawag ako

Hindi na ako nakapag-reply dahil agad na tumawag si Nico. Sinagot ko naman ito habang humihigop ng coke float.

"How's your meet with my parents?" He asked.

"Intense," Tugon ko. "Nasampal ako ng Mommy mo."

Kahit hindi ko nakikita ay alam kong kunot na kunot ang noo niya.

"She did that!?" Bakas ang Inis sa boses niya. "I will talk to her."

"Wag na," Pigil ko dito. "Kasalanan ko din naman. Kahit ako ganoon ang gagawin ko, kapag bigla na lang susulpot ang ex ng Anak ko na nang iwan tapos sasabihing babawiin ang Anak na inabandona."

Dinig ko ang paghinga nito ng malalim. "Pupunta ako diyan."

Nabigla ako sa sinabi nito. "T-Totoo!?"

"Don't be excited, hindi ako pupunta para sa'yo. Si Neia ang dahilan," Sabi nito.

Indenial talaga.

"By the way, you want donut and coffee?" Pahabol nito. "Dadaan ako sa donut house para bilhan ka–I mean, para bilhan si Neia."

Natawa ako. "Okay, Salamat."

Biglang namatay ang tawag kaya napailing na lang ako. Hindi kona siya sinubukang tawagan ulit dahil siguradong patay na naman ang cellphone niya.

Bigla may nag pop na message. Pinapapunta na ako ni Coco kaya agad akong tumayo at nagmamadaling nagtungo sa Hospital.

Inayos ko ang sarili bago ako tuluyang pumasok ng kuwarto ni Neia.

Nadatnan ko ang mag asawa na naghihintay sa akin

"Thank you Coco." Nakangiting sabi ko dito

"Just call me if something happens." Sabi lang ni Coco na ikinatango ko. "Btw, I want you to meet my beautiful Wife. Lorelei."

Binalingan ko ng tingin si Lorelei at nginitian. "Hi Lorelei, ako si Nina."

"Hi, Nina." Kumaway ito sa akin. "Bantayan mo sanang mabuti si Neia."

"I will." Nakangiting sagot ko dito

"We'll go now." Sabi ni Malcolm at hinawakan ito sa beywang.

Inlove na inlove talaga si Coco.

"Ingay kayo." Nakangiting sabi ko.

Parehas lang tumango ang mag asawa bago lumabas ng silid. Inilapat ko ang tingin ko sa Anak ko. Lumapit ako dito at naupo sa upuan sa gilid niya.

"Anak," Hinawakan ko ang kamay nito. "Nandito na si Mommy. S-Sorry kung dahil sa akin, nangyari sa'yo ito."

Dinala ko ang kamay nito sa aking labi at hinalikan ito. "Gising na baby, miss kana ni Mommy."

Biglang bumukas ang pinto. Iniluwal non ang isang taong naka-hoodie. Nakaramdam ako ng takot pero napawi iyon nang makita ko ang dala niya.

"Nico," Nginitian ko ito

Tinanggal nito ang hoodie niya. Bumungad sa akin ang mukha niyang walang ekspresyon.

"Here," Inilapag nito ang Donut at coffee sa table. "Kain ka."

"Busog pa ako," Muli kong binalingan ng tingin ang Anak ko. "Neia, nandito si Mommy at Daddy para sa'yo. Kami ang mag aalaga sa'yo ngayon."

Naramdaman kong may umupo sa aking tabi kaya nilingon ko ito.

"Gigising yan agad, sigurado ako doon," Wala mang ekspresyon ang mukha niya pero alam ko ang pag aalala niya kay Neia. "She will mocked me again, until I get mad."

"Anong feeling ng may mas matapang na sa'yo?" Natatawang tanong ko dito. "Ang moody at sungit mo kasi kaya nagmana sa'yo si Neia."

"Really?" Sarkastikong nilingon ako nito. "As far as I know, sa'yo siya nagmana. Pati itsura sa'yo."

Nginisihan ko lamang siya.

Nasa ganoon kaming posisyon ng biglang bumukas ang pinto. Iniluwal non ang isang Nurse na babae.

"Sir, iche-check ko lang po ang pasyente," Lumapit ito sa gawi namin. "Need ko pong makuha ang vital sign niya."

Tumayo si Nico at tumango. "Okay. But let me shoot you first.'

Bago pa ako maka-react ay butas na agad ang noo ng Nurse. Mabuti na lamang at silencer ang baril niya.

"Bakit mo binaril!?" Gulat kong tanong dito.

"Isn't obvious?" Lumapit siya sa bangkay ng Nurse. "Balak niyang patayin si Neia."

Nabigla ako ng may nakuha siyang maliit na kutsilyo sa loob ng manggas nito.

"Bullshit!"

Kinaladkad niya papasok ng C.R ang walang buhay na Nurse. Pagkatapos ay pinunasan niya ang mga nagkalat na dugo gamit ang basahan.

"I will not let them to hurt, my daughter again," Madilim ang mukhang sabi nito. "Hindi na nila malalapitan o mahahawakan ang Anak natin."

"Ako din," Napayukom ako ng kamao. "Hinding hindi na ako matatakot kay Austin."

"Austin?" Kunot noong tanong sa akin ni Nico. "Nina, anong kinalaman ni Austin sa lahat ng ito?"

Umiwas ko ng tingin. "W-Wala."

"NINA!" Napaigtad ako sa sigaw nito. "Look at me, and tell me the truth!"

Umiling lang ako at pinaglaruan ang mga daliri ko dahil sa sobrang kaba.

"Nina," Tila nagsusumamong sambit nito. "Please."

Sunod sunod na tumulo ang aking lumuha. Nilingon ko siya.

"N-Noong nawala ako bigla? K-Kinuha ako ni Dad," Nagsimula ng bumigat ang dibdib ko. "I-Inutusan siya ni Austin, na kuhanin ako sa'yo. Pinilit nila akong sulatan ka at pirmahan ang annulment paper."

"I-Ipinakasal ako kay Austin, pero sabi ni Dad ay peke lamang lahat ng iyon. N-Nico, sinaktan ako ni Austin, pinahirapan niya ako. I-Itinuring niya akong....parang hayop."

"Ano pa Nina?" Bakas na bakas ang galit sa kaniyang boses. "Tell me everything."

"T-Tinangka niyang galawin ako, kaya tumakas ako. Pero naabutan niya ako, sinagasaan niya ako at....iniwan na lang sa t-tabi ng kalsada," Putol putol kong sambit. Hindi ako makapagsalita ng maayos dahil sa sobrang pag iyak ko. "H-Hanggang ngayon, ginugulo niya ako. Noong nakipagkita ako sa inyo, nakabantay siya. S-Siya ang may gawa ng nangyari kay Neia ngayon."

Kita ko ang pag igting ng panga nito at pagyukom niya ng kaniyang kamao.

"Shhh," Nilapitan ako nito at niyakap. "Hindi na nila kayo masasaktan. I promise that."

Humagulgol lamang ako sa kaniyang dibdib na parang isang paslit na pinagalitan ng kaniyang Ina.

At sa pagkakataong ito, naramdaman ko ulit na safe ako at walang makakapanakit sa akin.

"Stop crying, you're home now, my baby."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro