Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10


NINA

    "MISS Agua, your phone!" Sita sa akin ni Ma'am Sha. "Salita kami nang salita dito, samantalang ikaw ay kutkot nang kutkot sa cellphone mo!"

Napayuko na lang ako bago itago ang cellphone ko. Ka-text ko si Malcolm, nasa eroplano na daw sila ng asawa niya at pauwi na sila. Gusto ni Malcolm na sabay na kaming pumunta kay Neia pero hindi na ako makapagtiis na makita ang Anak ko–

"MISS AGUA!" Napapikit na lang ako ng marinig ang sigaw ni Ma'am Sha. "Concentrate!"

"Sorry po," Napakagat ako sa aking ibabang labi. "N-Nasa Hospital po kasi ang Anak ko, hindi ko lang po maiwasang hindi siya isipin."

Rinig ko ang singhapan nila. Sa bagay, kilala nila ako bilang babaeng single. Buong opisina ay kilala ako bilang ganoong babae, lalo pa at maraming nanliligaw sa akin.

"Ano pang hinihintay mo?" Kunot noong tanong sa akin ni Ma'am Sha.

"P-Po?" Takang tanong ko.

"Tumayo kana at puntahan ang Anak mo!" Nabigla ako sa sinabi nito. Ngunit ngumiti pa rin ako at tumayo.

"Salamat po!" Nilingon ko si Carla. Tinanguan lamang ako nito. "Una na ako, Carla."

Agad akong lumabas ng office namin at nagtungo sa elevator. Biglang tumunog ang cellphone ko.

Si Nico...

Sinagot ko ang tawag. "H-Hello?"

"Sabi ni Malcolm, na sabay daw kayong pupunta kay Nina?" Tumango na lang ako kahit hindi niya nakikita. "Pero, kilala kita. Siguradong hindi mona sila mahihintay."

"Malapit na daw sila, pero gusto kona talagang makita si Neia," Bumukas ang elevator kaya agad akong lumabas. "Gusto kona siyang maka-musta."

"May lalaking nag aabang sa'yo sa entrance ng building ninyo. His name is Tyron. He will be your bodyguard and driver," Saktong may lalaking huminto sa aking harapan.

"Ma'am, Tyron po." Pakilala nito. "Pinasusundo po kayo ni Sir Nico."

Tumango lang ako.

Iginaya ako nito sa isang sasakyan. Sumakay siya sa driver seat, ako naman ay sa backseat.

"Kumusta kana?" Pagkuwan ay tanong ko kay Nico. "Still shaking?"

Natawa ito. "I'm not okay, Nina. Fvck this anxiety and trauma!"

"Sabihin mona kasi kung nasaan ka, pupuntahan kita," Sabi ko dito. "Nico, nag aalala ako sa'yo."

"Y-You do?" Kahit hindi ko nakikita ay alam kong nakangiti siya. "Uhm.."

"Totoo ang sinasabi ko Nico. Alam ko kung anong kalagayan mo," Napahinga ako ng malalim. "Please, kahit bilang kaibigan na lang sana."

"Nasa Hospital si Mom and Dad," Pag iiba nito ng usapan. Ramdam ko ang kasungitan sa kaniyang boses. "I'm sure they will attack you."

"Nakah–"

"–Just be brave Nina," Putol nito sa aking sasabihin. "Sabihin mong kukuhanin mo si Neia dahil hindi siya safe sa akin."

"Paano kung magalit sila?" Hindi ito nakasagot. "Hindi kona lang sasabihi–"

"–Sabihin mo Nina," Dinig ko ang paghinga nito ng malalim. "Sabihin mo."

Biglang namatay ang tawag.

Sinubukan ko siyang tawagin ulit pero patay na ang cellphone niya. Kahit kailan talaga.

Nang makarating sa Hospital ay napahigpit ang hawak ko sa sling ng bag ko. Parang bibigay ang tuhod ko habang naglalakad ako papasok ng Hospital.

"Neia Sullivan po," Sabi ko sa Nurse na nasa Information desk.

"Room 014 po," Tugon nito. "Paiwan na lang po ng ID ninyo. VIP po kasi yung patient."

Tumango ako bago kuhanin ang ID ko at ibigay sa kaniya. Bahagya pang nagulat yung Nurse ngunit hindi kona lamang pinagtuonan ng pansin.

Napahinga ako ng malalim ng makarating ako sa tapat ng pinto ni Neia. Kumatok ako sa pinto bago pumasok.

Bakas na bakas ang gulat sa mukha ni Mom–Ma'am Maria at Sir Nicol. Mukhang hindi talaga nila inaasahan ang aking pagdating.

"H-Hello po," Bahagya akong yumuko. "Kumusta po?"

"Ano sa tingin mo ang sagot?" Sinamaan ako ng tingin ni Ma'am Maria kaya napahawak ako ng mahigpit sa daliri ko.

"Hon," Hinawakan siya ni Sir Nicol sa balikat. "Maupo ka muna din."

Dahan dahan naman akong lumapit doon. Nang makaupo ako ay napaglaruan kona lamang ang daliri ko dahil sa sobrang kaba.

Ngunit naglaho ang aking kaba nang dumako ang aking tingin sa isang kama. Nakahiga doon ang Anak ko habang payapang natutulog.

Kusang nanginig ang aking mga kamay habang nakatingin sa Anak ko. Nakikita ko ang sarili ko sa kaniya, noong mga panahong ako ang nakaratay.

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na tanong ni Ma'am Maria kaya nabaling sa kaniya ang aking atensiyon.

"G-Gusto ko pong bawiin si Neia," Kinakabahang sagot ko. Labag sa loob ang salitang iyon na lumabas sa aking bibig ngunit iyon ang utos ni Nico.

"Pakiulit ang sinabi mo?" Kumunot ang noo ni Ma'am Maria.

Matapang ko siyang tiningnan kahit labag sa aking loob. "Babawiin kona po ang Anak ko "

"AFTER SO MANY YEARS NGAYON KA BABALIK AT SASABIHIN MONG KUKUNIN MO ANG ANAK MO!? ARE YOU KIDDING ME!?" Bahagya akong napaigtad dahil sa sigaw nito.

Iba talaga magalit si Ma'am Maria. Kaya takot sa kaniya ang kambal eh. Sorry po

"Mawalang galang na ho pero may dahilan ako kaya umalis ako. Oo nagkulang ako kay Neia pero sa ikabubuti niya yun." Sagot ko dito. "Kukunin kona ho si Neia, ayokong mamatay siya dahil sa Ama niya. Walang mapapala si Neia sa Ama niya."

Napabaling ang tingin ko sa gilid nang sampalin niya ako. "Si Nico pa talaga!? Ikaw ang nagloko at sumira ng Pamilya niyo!

Hindi ko po sinira. Iba ang sumira. Yan ang gusto kong sabihin ngunit ayokong magpa-awa. Dahil baka isipin nila ay gumagawa lamang ako ng palusot.

Ramdam ko ang panggigilid ng aking luha pero pinigilan ko. Nilingon ko ulit ito.

"Hindi niyo ho alam ang tunay na dahilan!" Alam kong pagpapanggap lang ang ginagawa ko. Pero hindi ko maitago ang sakit na aking nadarama. "Hayaan niyo naman po akong makasama ang Anak ko. Yun lang naman ang hiling ko."

"Mom!" Naagaw nang atensiyon namin ang isang taong nagsalita

Si Coco. May kasama siyang magandang babae na natitiyak kong asawa niya.

Kita ko ang pag amo ng mukha ng mag asawa. Ganito din dati sila sa akin, bago pa masira ang lahat.

"Malcolm, Lorelei." Excited na tumayo si Ma'am Maria at lumapit sa dalawa "I miss you both."

Parehas niyang niyakap ang dalawa. Hindi ko maiwasang hindi mainggit.

"Mom, let me talk Nina." Baling sa akin ni Malcolm "Nina, let's talk."

Tumango lang ako bago kuhanin ang bag ko. Sinulyapan ko muna si Neia bago tuluyang lumabas.

"I told you, wait for us," Sinapo nito ang pisngi kong sinampal ng Mommy niya. "Masakit paba?"

Umiling ako at ngumiti. "Deserved ko naman yun. Wag ka ng mag alala,"

"You don't deserve that," Seryosong sabi nito. "You don't deserve any pain, Nina. Physically and emotionally."

"Thank you," Nanggigilid ang luhang sabi ko dito. "Lagi mo akong inaalala, Coco. Maraming salamat sa lahat."

"You're very important to me, Neia. You're my Family," Malambing ma saad nito. "Ikaw ang magbabantay kay Neia mamaya. Sa ngayon, umuwi ka muna at kumain. Promise, ikaw ang magbabantay sa Anak mo."

Tumango ako. "Babalik ako."

Nilapitan ko siya at niyakap.

Parang nakakatandang kapatid ko si Coco. Ganiyan ang turingan namin sa isa't isa. At masasabi kong suwerte ang asawa niya sa kaniya.

"Kain kang mabuti," Sabi nito. "Just tell me, if you saw Nico. I'm gonna punch him."

"Ikaw, susuntukin ko," Biro ko dito. "Sinumpong si Nico. Noong sinugo sila ng tauhan ni Austin."

Kita ko ang pag aalala sa mukha nito. "I will immediately track that fvcking Austin. He will pay for everything."

"Sige, una na ako," Tinapik ko ito sa balikat. "By the way, ang ganda ng asawa mo."

Ngumisi lang ito.

Tinalikuran kona siya at agad umalis ng Hospital. Ayos lang na ganoon ang naging eksena, ang mahalaga ay makakasama ko mamaya ang Neia ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro