Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPILOGUE

Epilogue:

Kasama ako nina Dad at Mom ngayon sa loob ng kotse habang binabagtas namin ang kahabaan ng kalye. Matapos ang halos isang oras na byahe, iniliko ni Dad ang kotse hanggang sa makita na namin iyong gate ng sadya namin.

"Dad, dito na lang po ako." Saad ko kay Daddy at agad naman nitong ipinark ang kotse sa gilid. "Don't wait for me. Kasama ko naman sina Cheska at Eyra." Tumango si Dad sa sinabi ko.

Matapos ko siyang halikan sa kanyang pisngi maging si Mom ay saka ako nagpaalam at lumabas na ng kotse. Eksakto namang pagbaba ko ay nakita ko ang magpinsang sina Cheska at Eyra na kalalabas lang din sa kotse nila.

"Millizen!" I went near them as they called my name, waving their hands at me. I greeted them as soon as I came closer to them.

"Let's go." Tawag ko sa mga ito. Nagpatiuna ako sa paglalakad at ramdam ko naman ang pagsunod nila sa akin.

Dire-diretso lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa loob ng I Care For Youth Center (ICFYC), isang youth care facility kung saan naka-admit ang kambal na sina Vida at Veyda. That youth care facility was supervised by a multi-disciplinary team including the doctors, psychologists and social workers, and others.

Having the permission to visit them, lumiko kami sa kaliwang hallway habang sinusundan namin iyong isang practitioner. Visiting youth in this center may only have three visitors at a time kaya kaming tatlo lang ng magpinsan ang pinayagang pumasok.

"Hey," masayang bati ng kambal nang makita nila kami. Nang makaupo kami sa isang round wooden table ay iniwan na kami nung practitioner.

"Kumusta kayo rito?" Masayang tanong ni Eyra sa dalawa.

"Okay lang. It's better to be imprisoned in this place." Veyda answered and she smiled, but behind those words she said, alam namin kung anong tinutukoy nito, na mas okay ang manatili sila rito kaysa sa akademyang naging impyerno ng mga inosenteng tao.

Halos magtatatlong linggo na simula noong makalabas kami sa Primoon Academy. I still remember everything that happened since the very beginning I stepped my feet on that academy but on that day, while I was hugging Damon, right after Veyda stated that everything will get back into normal, masaya ako dahil nagsidatingan ang mga awtoridad noong araw na iyon. There were also ambulances which immediately rescued all the wounded students.

Hindi ko alam kung paanong nalaman ng mga kapulisan ang tungkol doon dahil isa iyong secret institution pero masaya ako dahil dumating sila noong araw na 'yon. I felt like they came at the right time to rescue us all.

When some policemen came near us, Vida and Veyda smiled at us.

"Sorry kung kinailangan pa namin kayong idamay but as we promised, everything will get back into normal now." My eyes bulged wide when the policemen went near them pero hindi sila pinosasan ng mga ito kundi iyong kambal mismo ang sumunod sa kana habang may nakapaskil na ngiti sa kanilang mga labi.

Dahil sa pangyayaring iyon, pakiramdam ko'y ang araw na iyon ang pinakamabagal na nangyari sa buong buhay ko. Marami ring mga tagapagbalita ang dumating noon hanggang sa namalayan ko na lang na nasa loob na ako ng van at niyakap ako ng sobrang higpit ng mga magulang ko.

After that hug, dumating naman sina Cheska at Eyra at agad din nila akong niyakap. They kept asking me if I am okay that time at tanging tango lamang ang naisagot ko pero ang totoo, parang wala ako sa sarili ko noong mga oras na iyon.

There were also some reporters who tried to get some information from us but other policemen guarded us. Gano'n din ang ginawa nila sa mga estudyanteng narescue galing sa Primoon Hall.

Nakatingin lamang ako noon sa seradong bintana ng van habang tinitignan ko kung paanong inisa-isa nilang inilabas ang mga estudyante. Ganoon din sa mga men in black hanggang sa makita ko ang kambal. Sa likod ng mga ito'y sina Ate Fritzy at sila Caitlyn na sumusunod sa mga kapulisan.

"Hindi ba sabi ko naman sa inyong planado na ang lahat?" Napatingin kami sa kambal nang magsalita ang mga ito.

"Simula noong pumasok tayo pati sa paglabas natin, nakaplano na. Iyon nga lang ay hindi namin alam na aabot ng gano'n katagal. Sorry." Vida apologetically told us. Ngumiti naman ang magpinsan sa kanila habang nakatingin lamang ako sa direksyon nila.

"Are you mad at us?" Nilingon ako ng mga ito, maging ang magpinsan ay napalingon na rin tuloy sa akin.

"At first, yeah, but after learning everything, naiintindihan ko naman kung saan kayo nanggagaling." I honestly shared my thoughts though I felt sorry for those innocents who lose their lives. "But how come that the policemen came?" I asked again, feeling curious.

"We already surrender ourselves to the policemen but before they arrested us, we asked for their help to rescue all the students in Primoon Academy, including the three of you." Saad ng mga ito. Iyon siguro ang dahilan kung bakit nagsidatingan ang mga kapulisan noon.

Just by looking on how their eyes sparkle right now, I can tell that they had no regrets on what they did.

"To be honest, we started this because we want to avenge for Vada's life but seeing how the students suffer on their hands, we pushed through this plan dahil iyon lamang ang alam naming paraan para matigil sila sa mga illegal nilang ginagawa." Si Vida ang sumagot. Rinig ko pa ang malalim na pagbuntong hininga nito at naroon ang lungkot sa kanyang tono.

"Ayaw lang kasi naming maranasan pa ng iba ang sinapit ni Vada pati ni Ate Freya sa kamay nila. We're just so sad that other people had to sacrifice their lives in order for us to stop them." Napatungo ang mga ito habang nilalaro ang kanilang mga daliri.

Alam ko at ramdam kong wala silang pinagsisisihan sa kanilang mga ginawa ngunit alam kong nalulungkot ang mga ito sa isipang marami ang buhay na nawala.

"I admire the two of you." Saad ko sa mga ito dahilan para mapaangat sila ng tingin sa akin. "You are too brave to do this and I can tell that you really love your sister." Ngiting dagdag ko sa kanila, napangiti rin sila sa akin.

"Sorry for making you suffer but thank you, thank you for staying still." Lumapit ako sa dalawang iyon saka ko sila niyakap. Tumayo na rin sina Cheska at Eyra at nakiyakap sa amin.

After surrendering themselves, since they are minors, they were put in this youth care facility. Maging sila Visel, Erica at Lileth ay narito rin sa center na ito. But unlike Ate Fritzy, Caitlyn and Kristel, the three of them were put to jail.

Hindi kami nagtagal sa I Care For Youth Center na iyon dahil limited lamang ang oras namin pero lagi naman kaming nagpapaschedule doon para madalaw pa rin namin ang dalawa kahit thrice a week lamang.

Pagkauwi ko sa bahay, purong patungkol sa Primoon Academy ang laman ng balita. Nalaman ko ring habang buhay na pagkakabilanggo ang ipinataw kay Black Mistress, o sabihin na nating si Selina Avendoza pati ang grupo nito.

Lumabas din sa imbestigasyon ng pulisya na ang underground society na naghe-handle sa Primoon Academy ay isang notorious group na matagal na pala nilang pinaghahanap.

I also watched from the news na naibalik na sa kamay ng Fabregas family iyong titulo ng academy. The twins wanted to demolish that academy but instead of doing so, naisipan ng mga itong ibigay na lamang iyon sa publiko para pakinabangan iyon ng mga mahihirap na mag-aaral.

Their Mom, Grace, also agreed to the twins' decision and she believed that it's time for them to start a new despite everything the academy brought to their lives.

Nagkulong lamang ako sa loob ng bahay sa mga nagdaang araw dahil hindi pa humuhupa iyong balita. Also, my parents and the policemen asked us to not go outside for the mean time dahil paniguradong dudumugin kami ng mga tagapagbalita para lang makakuha sila ng impormasyon.

Aside from locking myself in our house, I kept exchanging messages with Cheska and Eyra too. Iyong iba naman naming kaibigan ay dumadalaw sa amin para mangumusta.

Sa sumunod na linggo, nagawa ulit naming bisitahin sila Vida at Veyda. Because of their custody rights, nagawa naming lumabas na kasama sila since youth like them can have social contacts outside of the youth care facility pero naroon pa rin ang isa sa mga multi-disiciplinary team para samahan kami sa aming pupuntahan.

I don't know yet kung kailan sila makakalabas. It takes month I guess pero okay lang naman daw iyon sa kambal because through their help, nararamdaman nilang malaking tulong ang grupong iyon lalo na sa mental and emotional health nila because the serious shock they had when they saw how Vada killed as well as the killings they did was still in them and if left untreated, it could be fatal. The reason why they are mandatorily placed in youth care facility is for their rehabilitation.

Bumaba kaming lahat sa van nang tumigil iyon sa presinto. Next thing I knew is that we're sitting and in front of us are Ate Fritzy, Caitlyn and Kristel.

Katulad ng kambal ay wala rin akong nabasang pagsisisi sa kanilang mga mukha. Habang kausap namin sila, nasabi ng mga itong handa naman daw sila sa kung anuman ang consequences ng mga ginawa nila dahil naisip na nila iyon sa simula pa lang. Also, they apologized to us and I think that's enough for us.

Akala ko'y roon na matatapos iyon pero nagulat ako nang may iba pang dinalaw ang kambal, iyon ay si Black Mistress. Nang palabasin siya ng isang pulis, hindi ko aakalaing makikita namin siya ng walang suot na maskara.

Seeing her bare face, I couldn't help but think that looks could really be deceiving. How could a person with an innocent face do such horrible things?

Pagkakita nito sa amin, awtomatikong namuo ang ngisi sa kanyang labi saka ito naupo sa aming harapan.

"I heard you were mandatorily placed in a youth care facility." Nangingising saad nito sa kambal.

"Yeah, that's right." Answered by the twins. "But guess what? That facility is treating us because of the things you've inflicted on us." Dagdag pa ng mga ito habang nakatingin kay Black Mistress ng diretso.

"We came this far because of you, but aren't you curious why we didn't kill you?" Marahan kong hinawakan ang balikat ni Veyda dahil nakikita ko ang pag-aalab ng galit sa mga mata nito.

"We didn't kill you because you don't deserve to die. Being punished inside this hell hole is what you deserve more."

Galit, agad napatayo si Black Mistress at kahit nakaposas ang mga kamay nito'y pilit niyang sinunggaban si Veyda pero agad siyang hinawakan ng dalawang pulis sa magkabila niyang braso.

"I will kill you!" She furiously yelled at the twins causing everyone to look at our direction. Nagpumilit pa itong makawala pero agad siyang ipinasok sa loob ng kulungan.

Malalim ang naging pagbuntong hininga ng kambal. Ang tanging nagawa lang namin ay ang pakalmahin sila sa pamamagitan ng pagtapik sa kanilang braso.

Pagkalabas namin sa presintong iyon, the twins asked the practitioner who accompanied us if they can go somewhere else, good thing she agreed. Sakay muli ng van, hindi namin alam kung saan ang aming pupuntahan hanggang sa makarating kami sa sementeryo.

"I want to introduce you to our sister." Vida's face was filled with a smile as she stated that.

Sumunod naman kami sa kanila hanggang sa huminto kami sa isang mausoleum, I guess it's Vada's burial chamber.

Pagkapasok namin sa loob, ang unang bumungad sa amin ay ang salamin at naroon ang picture nilang magkakapatid. Lumapit pa kami roon at makikita sa larawang iyon kung gaano sila kasayang tignan. It's not just the smile on their lips, but their eyes can also tell how happy they were.

"I guess she's happy now." Eyra smiled while also looking at the picture.

"She is." Nakangiti ring tugon ng magkapatid saka sila nagsindi ng kandila sa puntod nito.

Tahimik lamang kaming naupo roon habang nagkekwento ang dalawa noong panahong nabubuhay pa si Vada. Habang pinagmamasdan sila, ngayon ko lang nakita ang kakaibang kislap sa kanilang mga mata. I know these twins are joyful but what I'm seeing right now is different from the usual expression I always see at them.

Love is really a powerful thing. And what Vida and Veyda did was one of the best examples of it. They love their sister so much that they came this far just to give the justice Vada deserves. Although they did it in a wrong way, nahuli naman ang dapat mahuli. What's good in them is that they're willing to pay the consequences of the unjustifiable acts they did.

Habang nagkekwento sila, nilibot ko ang paningin ko sa sementeryo hanggang sa matigil ang paningin ko sa direksyon kung saan natatanaw namin ang unti-unting paglubog ng araw.

"Don't you want to visit him?" Napalingon ako kay Vida nang itanong niya iyon.

"Huh?" I asked.

"Damon... It's almost a month now since that incident happened. Don't you want to visit him?" Tanong nito ulit.

Lulan muli ng sasakyan ay nagtungo kami sa lugar kung saan ko siya madadalaw. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako na ewan. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon.

Pero tama naman si Vida. Halos mag-iisang buwan na simula noong mangyari iyon sa Primoon Academy at siguro ay nararapat lamang na bisitahin ko siya matapos niya akong iligtas.

Kasabay ng pagsandal ko ng aking ulo sa gilid ng bintana at ang pagpikit ng aking mga mata ay siya namang pagbabalik tanaw ko sa mga pangyayari noong araw na iyon.

Sobrang higpit ng yakap ko noon sa kanya. I was so afraid when Black Mistress threw her dagger at me but I felt scarier when Damon caught that pointed weapon for me. My tears immediately rolled down my cheeks while seeing how blood on his wounded back kept gushing.

Dumating ang isang ambulansya noon pero nang lingunin ko siya ay siya namang unti-unting pagpikit ng kanyang mga mata.

"Millizen, we're here." Nabalik lamang ako sa huwisyo nang tapikin ni Cheska ng mahina ang braso ko.

Napamulat ako ng mata at noon nga ay nakita ko ang lugar kung saan ko siya makikita. Lumabas kami sa van na iyon at pumasok na.

"Mauna ka na, sunod na lang kami." Ngiting saad ng mga kaibigan ko.

Hindi na ako tumanggi pa. Sumunod na lamang ako roon sa isang babae hanggang sa buksan nito ang pintuan at naroon nga siya, pikit-pikit ang kanyang mga mata.

Dahan-dahan ang mga paghakbang na ginawa ko hanggang sa makalapit ako sa kanya. I bent a little in front of him and without realizing what I'm doing, marahan kong hinaplos ang mukha nito. But I was caught off guard when he held my hand which was placed on his face.

"What took you so long to visit me?" Mahina ngunit seryoso niyang tanong hanggang sa imulat nito ang kanyang mga mata. That serious eyes of his met mine.

I gulped. I just don't know why I'm feeling nervous all of a sudden.

"How are you?" Tanong pa nito, hawak-hawak pa rin iyong kamay kong nasa pisngi niya.

"Ikaw iyong nasaksak kaya ikaw ang dapat kong tanungin ng ganyan." I answered back. Hindi ko rin alam kung bakit lagi niya akong tinutulungan.

"Seeing your face, I guess I feel better now." Wala sa sariling napaikot ako ng mata dahil sa sinabi niya pero mahina itong napahalakhak. Mabuti na lamang at napansin kong lumabas na iyong nurse na naghatid sa akin dito kanina.

When he closed his eyes that time, mabilis siyang kinuha ng mga nurse sa akin at pinasok sa ambulansya. Hindi ko na alam kung anong sunod na nangyari sa kanya dahil hindi ko na siya nagawang sundan.

Nang makabalik na kami noon sa bahay, I learned from his doctor that the weapon thrown upon him was a poisonous dagger. Mabuti na lamang at eksaktong dumating sila dahil kapag nagtagal ay baka mas lalong malala ang aabutin niya.

The doctor even thanked me dahil hindi ko hinugot iyong kutsilyo sa may likuran niya. I admit I was so scared that time. Nagdadalawang isip din ako kung huhugutin ko ba iyon o hindi dahil naisip kong kapag ginawa ko iyon, he might bleed to death. Good thing I was able to refrain myself that time.

That's also the reason why he's still staying here in this hospital. Kailangan pa niyang magpagaling.

Inalalayan ko ito nang mapansin kong gusto niyang bumangon saka ako naupo sa gilid ng hinihigaan niya.

"How have you been? Do reporters giving you a hard time?" Napailing lang ako at sa tingin ko'y napanood nito iyong balita tungkol sa nangyari. Mabuti na lamang at sinabihan kami ng awtoridad na huwag munang lumabas.

"Why?" Nagtataka nitong tanong dahil hindi ko namalayang napapatitig na pala ako sa kanya ng ganoon katagal.

"Why are you doing this to me? Why do you always have to risk your life for me? Why are you always helping me?" Without avoiding his gaze, I was able to ask him the questions I longed to ask him even before.

Hindi ko kasi mabilang kung ilang beses na niya akong tinulungan at iyon ang nagpapagulo sa akin. Anong dahilan niya kung bakit lagi niya akong tinutulungan?

"I don't know too. Every time I see you, I just feel like I have the need to." Seryoso nitong sagot. "Why are you doing this to me, Millizen? Why do I have to risk my life for you? Why am I always helping you?" Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil hindi ko aakalaing ibabalik niya sa akin ang mga tanong na iyon.

Saglit kaming binalot ng katahimikan. Mabuti na lamang at pumasok iyong mga kaibigan ko at agad siyang kinumusta ng mga ito.

Nang mabanggit ni Veyda na kailangan na nilang bumalik sa ICFYC ay saka kami nagpaalam kay Damon pero nagpahuli ako sa paglabas dahil hinawakan ako nito sa braso. Nilingon ko siya at binigyan ko ito ng nagtatanong na tingin.

"Babalik ka naman 'di ba?" I don't know why his voice sounded so lonely when he asked that.

Gazing him directly, muli akong yumuko sa harapan niya at ginawaran siya ng halik sa kanyang noo. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa. Ang alam ko lang ay masaya akong makitang okay siya ngayon.

"Don't worry, babalik ako." I gave him a smile and he also smiled back at me.

Damon spread his two arms. Napansin ko na lamang ang paglapit ko sa kanya hanggang sa makulong ako sa mga bisig nito. Mahigpit. Sobrang higpit. Katulad nung pagyakap ko noon sa kanya.

"I'll wait for you." He softly whispered in my ears and that made me smile even more.


- T H E E N D -


A/N: Hello everyone! Thank you so much for reading this story. Honestly, I had so many doubts in this story. As you all know, sa lahat ng isinulat ko, ito 'yong talagang nagbigay ng challenge sa akin but I wouldn't be feeling this way if I didn't write this kind of story.

BACKSTORY:

Once halted, now it has finally come to an end. Yes, you read it right. Mas nauna ko pang naisulat ang story na 'to kaysa When Heart Decides pero mas naunang natapos iyon dahil pansamantala kong inihinto ito sa kadahilanang hindi ko na alam kung paano itutuloy. HAHAHA.

Writing a mystery/thriller story is NO JOKE. Good thing, I was able to finished it despite the doubts I had in me. And yeah, I hope you enjoyed reading this story!

If you want to read more of my stories, feel free to visit my profile. I love you all. 'Til the next stories. God bless!

©imeesyouuu

To God be all the glory.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro