Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 9

Chapter 9

Pagkapasok ko ng room, dumiretso ako ng upo. Nakasunod naman ang apat sa akin. Ang iba naming kaklase ay may kanya-kanyang mundo at nagkukwentuhan ng kung anu-ano.

"Okay ka lang ba talaga?" Tanong muli ng mga kaibigan ko at tango lamang ang naisagot ko. Halata kong nag-aalala sila para sa akin.

Hindi ko alam kung magiging okay ako pagkatapos ng ginawa ko. Do we really need to kill others just to save ourselves? Is there any other option? Dahil kung may iba pa, mas pipiliin ko 'yun kaysa ang pumatay.

Maya-maya pa ay umayos na kaming lahat nang pumasok si Ma'am Thea, teacher namin sa English.

"Good morning class. Today, we will be having a group activity so please start counting from 1 to 5." Utos nito sa amin at nagsimulang magbilang ang mga kaklase kong nasa first row.

Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan sila. Bilib din ako sa kanila e. Nagagawa nilang umayos at gumalaw ng normal sa kabila ng mga patayang nagaganap gabi-gabi. Tipong walang nangyayari. O sadyang nasanay na sila na para bang wala na lamang ang mga ganoong kaganapan para sa kanila?

"Oy, ikaw na. 1 ka." Tapik sa akin ni Eyra na siyang katabi ko sa kanan. Sa kaliwa ko naman ay si Vida.

"1." Sambit ko at nagpatuloy sa pagbibilang ang mga kaklase ko hanggang sa may pinakadulo.

"All group 1, please stay here in front, followed by group 2. Group 3 you stay here, then group 4. All group 5, sa likod na kayo." All of us stood up to look who our groupmates are. Pinagcircle na rin namin ang mga upuan namin pagkatapos naming maggroupings.

Our topic is all about descriptive and prescriptive grammar. And what we need to do is to make a role play about it, on how we are going to pronounce words well, from their usages, particularly the contraction words.

"You choose your own leader. Print your script and submit it tomorrow. Without script, you cannot perform. Otherwise, I'll mark you zero. Since we still have 20 minutes left, pag-usapan niyo na kung anong gagawin niyo." Ma'am Thea instructed.

I faced my groupmates. Some of them started sharing their ideas. Nag-usap-usap na rin kami at gumawa ng plano sa kung anong gagawin namin at nangunot ang noo ko when they appointed me as their leader.

"What? Bakit ako? No way!" Tanggi ko agad. I'm not in the mood. Hell, bakit ako?

"Dali na Millizen, we will help you naman."

"Oo nga. Tulung-tulong naman tayo e." Lahat sila ay ginatungan ang sinabi ni Gia kaya wala na akong nagawa kundi ang pumayag. They even cheered for me. Argh.

I took my paper and started to draft our script. They are suggesting some ideas and I jot down all of those para pagkatapos ng brainstorming ay pagtagpi-tagpiin na lang namin lahat ng mga ideyang mayroon kami.

While busy drafting, nagulat na lamang ako nang may humila sa papel na sinusulatan ko.

"Ano ba?!" Singhal ko at mas lalo lang akong nainis nang malaman kung sino iyon. "Kita mong nagsusulat 'yung tao, bigla mo na lang kukunin. At hindi ka naman namin kagrupo, bakit ka ba nanggugulo?" I hissed.

"I'm part of the group if you don't know and I'm helping. Thank you is enough for me." He answered at ni hindi man lang ako nilingon. Ah, damn this demon!

Masama ko siyang tinignan nang humila ito ng isang upuan at isingit sa pabilog na binuo namin. Tsk.

"Kagrupo natin si Gov, ano ka ba?" Kinikilig na sambit ni Maris sa akin. "Last na number kanina sa counting is 5, probably 1 siya that's why he's in our group. Nalate lang siya dahil may ginawa raw siya sa office, hindi mo ba narinig 'yung explanation niya kay Ma'am Thea pagkapasok niya?" Tanong pa nito sa akin. Napairap na lang ako.

Pakialam ko kung saan siya galing? Ang akin lang huwag siyang bigla-bigla na lang manghihila ng papel. Tinignan ko ito at nakitang abala na siya roon sa mga nakasulat sa papel na inagaw niya sa akin.

"Who's our leader?" Damon suddenly asked.

"Si Millizen." My groupmates answered and they all look at me, including Damon.

"The ideas are too complex." He commented as he plays the pen on his finger. Nakatitig lang siya sa akin na para bang mali lahat nung mga ginawa namin.

"What's the purpose of drafting? Kaya nga nagdadraft para maayos lahat ng mga ideas namin e." I sarcastically asked. Wala sa sariling napairap ako ng mata.

"What's the noise Group 1?" Napatahimik na lang kami nang mapansin kami ni Ma'am Thea.

"Wala po Ma'am." Sagot ng iba.

"Okay. Just work quietly."

Napairap na lang ulit ako ng mata nang tignan na naman ako ni Damon. Wala na nga ako sa mood, sinisira pa niya araw ko.

Natapos na rin naman ang schedule namin sa English subject kahit papaano. My groupmates were the one to finished our script. Sila na raw ang bahalang magpaprint and some volunteered to do the role playing. Ayoko rin naman no'n. I'd rather act the narrator than to be one of the characters.

"What a long journey. Hanggang kailan pa kaya tayo mag-i-stay rito?" Cheska asked.

Nandito kami sa lilim ng isang malaking puno. Break time kasi namin and instead of eating at the food court, dito na lang namin napiling kumain.

"Who knows?" Lahat kami ay sabay-sabay na bumuntung-hininga.

Kung may araw man akong pipiliin o kahit kaming magkakaibigan, 'yun ay ang araw ng Biyernes hanggang Linggo dahil walang Murderous Night na nagaganap. Just a normal day to feel. Nothing to worry about. Sana nga laging Biyernes o weekends na lang. Sa paraang iyon, walang patayang nagaganap.

Mag-iisang buwan na kami sa paaralang ito at hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit kami napadpad dito. God knows how much I wanted to study, to achieve what my dreams are but things happened the other way around the moment I stepped my feet in this academy.

Oo nga at nag-aaral ako pero hindi sa ganitong paraan, hindi sa ganitong klase ng patakaran.

What happened to us, I considered it as a nightmare of reality and I wanna escape from this reality. If only I could.

"Tara na, balik na tayo sa room. May dalawa pa tayong subject." Isa-isa na kaming nagsitayuan at dumiretso na sa aming silid-aralan.

Maraming pinagawa ang teacher namin sa Math. Nagkaroon pa ng biglaang quiz pagkatapos lamang ng diskusyon. Pasalamat na lang kami dahil natapos kami on time. Ang masama pa ay naextend kami dahil wala 'yung sunod naming teacher.

Ang kinalabasan, kinuha no'ng teacher namin 'yung time namin sana sa Science. Then next meeting, 'yung Science naman kukunin 'yung time namin sa Math.

"Excuse me Ma'am. I just have to go in the office. Pinapatawag ako." Paalam ni Damon.

"Okay, go ahead."

Taas noo itong lumabas ng room habang nakalagay ang dalawa niyang kamay sa kanyang bulsa. Hambog. Palibhasa officer sa school na 'to.

Nagpatuloy kami sa pagkaklase. Ilang minuto na ang lumipas simula noong kunin namin ang time para sa Science subject namin pero wala pa ring nagsisink in sa utak ko. Hindi naman sa ayaw ko sa Math. Hindi naman ako mahina roon, nakakasabay naman ako kahit papaano. Ang problema lang, wala ako sa mood para makinig.

"May ipapagawa pala ulit akong activity to be submitted next week. But the problem is, naiwan ko 'yun sa office ko—"

"Ma'am, if you don't mind, pwede ko po siyang kunin doon." Pag-iinsist ko. Para naman may gawin ako kaysa ang nandoon nga ako sa loob, hindi naman nakikinig.

Narinig ko pa ang pagrereklamo ng iba kong kaklase. Bakit sila nagrereklamo? E ipapasagot pa rin naman sa amin 'yun kung sakali mang hindi matutuloy ngayon.

"Thank you Ms. Montana. Just look at my table near the window then get the green book there."

"Sige po Ma'am." Sagot ko at lumabas na ako ng room.

Dahil nga nasa baba ang office ng mga teachers, kinailangan kong bumaba. Dumaan pa ako sa may lobby at bumagal ang mga hakbang ko nang makita ko na naman ang malaking statue doon pati iyong malaking orasan na nakapwesto sa gitna nitong lobby.

Wala namang kakaiba dito pero every time na napapadpad ako sa lugar na 'to, kusang nagsisitindigan ang mga balahibo ko.

This clock. Sa orasang 'to ko unang nakita ang mga katagang mortem et salvos. Yes, death and survival.

But why? I mean, why is this happening? I'm sure there's a reason behind this phrase! Alam ko may rason ang lahat ng ito dahil hindi kailangang umabot ang lahat sa patayan kung wala namang dahilan. Mapanganib man o delikado, ako mismo ang maghahanap ng kasagutan sa mga tanong ko.

"Millizen." Napalingon ako sa taong tumawag sa akin.

"Ate Fritzy." She smiled at me and I did the same thing.

It's been awhile since the last time I talked to her. The last time I saw her was before the Murderous Night. After that, I never saw her again. Ngayon na lang ulit.

"Kumusta po?" I asked.

"Okay lang naman. Medyo napapagod na rin, dami kasing pinapagawa sa akin e." She answered. Oo nga pala, she's one of the student assistants here.

"Ikaw? Why are you here? On going ang class hour ah?" Tanong niya at doon ko lang naisip ang dahilan kung bakit ako nandito. Shocks, I almost forgot!

"Ah, pinapapunta ako ni Ma'am Marie sa office Ate. May pinapakuhang book e." Sagot ko.

"Diretso ka lang dito sa left corridor. May nakalagay naman na teacher's office sa taas ng door, katukin mo na lang 'yun." She told me. I nodded.

"Thank you ate." She gave me a smile at kumaway na lang ako noong paalis na siya.

Dumiretso naman ako roon sa direksyong sinabi niya. When I saw that door, I knocked twice and entered. Pinuntahan ko ang table ni Ma'am Marie at hinanap ang green book na pinapakuha niya sa akin. Pagkatapos ko roon ay lumabas na ako ulit.

Naglalakad na ako ulit ngayon, paakyat sa fifth floor. Bakit kasi ang layo ng room namin e. Nakakapagod umakyat at bumaba.

Nandito na ako sa hagdan papuntang fourth floor. Sobrang tahimik. Ako lang din kasi 'tong nasa labas dahil paniguradong nagkaklase pa ang iba.

Sa halip na dumiretso doon sa hagdan paakyat papuntang fifth floor, naglakad ako sa fourth floor corridor. Hindi naman siguro ako pagagalitan ni Ma'am Marie kung bakit ako natagalan. Sabihin ko na lang na hindi ko alam kung nasaan ang office at natagalan ako sa paghahanap.

Subalit  ahinto ako sa paglalakad nang makita kong lumabas si Damon sa isang silid-aralan. Eksaktong napatingin din siya sa gawi ko.

"What are you doing here? Class hour yet you are here outside?" Halos magsalubong ang mga kilay nito. Napangiwi ako.

"Pake mo? Ikaw nga nandito rin sa labas, pinapakialaman ba kita?" I asked back and saw him narrowed his eyes on me.

"I have my agendum, so if you—"

"I. Dont. Care." I cut him off, walked pass him at nagdiretso na sa paglalakad papuntang hagdan, paakyat.

Nang makaapak na ako sa panglimang baitang ng hagdan, napatigil ako nang marinig ko ang sigawan ng mga estudyante sa baba. Napalingon ako sa direksyon ni Damon. Nagkatinginan kami pareho.

Seconds after, dumungaw ito sa baba. Dali-dali naman akong tumakbo pababa at dumiretso sa may barandilya upang tignan kung anong nangyayari roon. Akmang dudungaw na ako nang magvibrate ang phone ko pero hindi ko na iyon pinansin pa.

Muli akong dumungaw sa baba nang hindi pa rin tumitigil sa kasisigaw ang mga estudyante at halos masuka ako sa nakita. Napahawak ako ng mahigpit sa barandilya. Parang gustong lumabas lahat ng nasa loob ng tyan ko.

Damn. What am I seeing? Napapikit ako ng mahigpit. Ramdam ko ang patuloy pa ring pagvibrate ng phone ko. Dahil sa hindi pa rin ito humihinto, I took it out of my pocket and my eyes widened with what I saw. Mas lalong nanginig ang katawan ko.

11:11.

It's Vida's phone, not mine. She always sets her alarm time at 11:11 knowing that the twins is fond of wishing kapag ganito ang oras.

Nasusuka man, muli akong dumungaw sa baba. It's such a horrible scene seeing a person lying on the ground, bathing on his own blood, lifelessly. Kitang-kita ko kung paanong nagkalat ang dugong nasa bandang ulo niya and people were surrounding him.

Muli akong napatingin sa phone nang hindi pa rin ito tumitigil sa kakatunog at nabitawan ko na lang iyon nang may maalala ako.

11:11

"Bumalik na kayo sa kwarto niyo at huwag na huwag na kayong lalabas ng ganitong oras." Pangangaral nito sa amin.

"Huwag niyo ring hayaang maabutan kayo ng alas onse di si onse sa labas lalo na 'pag gabi." Dagdag nito.

"11:11? Bakit naman po?" Naguguluhang tanong ni Eyra rito, subalit sa halip na sumagot ito, lumipat ang tingin nito sa akin at hindi ko mawari kung anong klaseng tingin ang ipinupukol nito sa akin.

Naramdaman ko na lang na isa-isang nagsitindigan ang mga balahibo ko at halos kapusin ako ng hininga dahil sa isinagot nito.

"Gawin niyo na lang kung ayaw niyong mamatay."

Nanginig muli ang katawan ko sa takot. At rinig na rinig ko ang pagkawasak ng cellphone sa baba dahil sa nabitawan ko ito.

Imposible. Imposible itong mga nangyayari.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro