CHAPTER 6
Chapter 6
Monday morning comes and Principal Arizona gathered us all inside the Primoon Hall. Dalawang araw pa lang ang lumipas simula no'ng maganap iyong Students' Night at ang mapunta muli sa lugar na ito ay nagdulot muli ng kung anong kilabot para sa sarili ko.
Sariwa pa sa isip ko kung anong mga eksaktong nangyari and keeping my eyes in front, it is not the committee nor the principal I am seeing, kundi ang bangkay ng estudyanteng walang kahirap-hirap na kinitil ang buhay at ang katawan ng taong hinulog mismo sa gitna ng entabladong wala ng buhay.
Kung anong mayroon sa paaralang ito, iyon ang gusto kong malaman.
"Millizen, are you okay?" Ang mahinang tapik ni Eyra mula sa aking likod ang naramdaman ko.
I'm happy to know that after what have happened, nakikita kong parang wala ng epekto sa kanya kung anuman ang nangyari noong Biyernes kahit pa isa siya sa mga estudyanteng inutusang pumatay ng kapwa niya estudyante samantalang ako, habang tumatagal ang pamamalagi ko sa paaralang ito, mas lalong nadadagdagan ang kuryosidad ko.
Tanging tango na lamang ang naisagot ko sa kanya.
"Maaaring marami sa inyo ang nagtaka sa mga kaganapan last Friday especially the transferees and all the new students. But I am sure na hindi na bago sa mga old students kung anuman ang nasaksihan niyo and this is the only thing I can say to all of you, hindi ordinaryo itong school na pinasukan niyo." Principal Arizona announced.
"If you are scared, then volunteer yourself to be killed. There is no room for weak people inside this academy." She continued at nagtagis ang bagang ko dahil sa narinig.
Ang paghangang mayroon ako kay Principal Arizona ay napalitan ng hindi ko maipaliwanag na pakiramdam.
What are they? Ganoon na lang ba kadali para sa kanilang gawing laruan ang buhay ng bawat estudyante rito? At sinong taong magboboluntaryong mapatay? Baliw lamang ang ganoon!
I felt my fist balled in anger.
"However, I don't know who is responsible for the fallen corpse after Black Mistress left that day. To the person who is behind that thing, one thing I can advice you is to hide until you can. You don't want Black Mistress get mad." Tumawa pa ang Principal sa sinabi niyang iyon na para bang ipinapahiwatig niyang nasa bingit ng kamatayan ang buhay ng taong sinumang gumawa no'n kapag nalaman iyon nung sinasabi niyang Black Mistress.
Black Mistress. Just by hearing her name, you already know that that kind of name is surrounded by danger nor death. I remembered that woman. Sino ba talaga siya?
Muling nabalik ang atensyon ko nang magsalita si Principal Arizona. She's now different compared on the first day that I have met her. Hindi na siya ang principal na una kong nakilala. Her approachable side, her smiling face, her jolly outlook, all of a sudden, para itong nabura at napalitan ng pagiging seryoso.
Ang biglaang pagbabago niya ay naging dahilan upang unti-unting mawala ang paghangang mayroon ako sa kanya.
"That's all for today. Go back to your respective rooms." That was the cue for the students to spread themselves and attend their classes. Gano'n na rin ang ginawa naming magkakaibigan.
Subalit hindi pa man kami nakakapasok ng room, kung hindi ako nagkakamali ay isang punyal ang sumalubong sa akin. Kung hindi lang ako naging maagap sa kilos ko, marahil ay bumaon na iyon sa lalamunan ko.
"What a swift move for a newbie like you," usal ng babaeng sa hula ko ay siya ang naghagis nung punyal sa akin. Tila namamangha pa ito and she even smirked at me.
"And what a silly act for an old student like you to even target your new classmate. You know the schedule Ms. Herrera." Isang boses ang sumabat dahilan para mapalingon ako sa likuran ko.
Isang lalaki ang dumaan sa gilid naming magkakaibigan. Hindi ko nakita ang kabuuan ng mukha nito dahil agad niya kaming nalampasan. Matangkad ito at isang tali lamang ng bag nito ang nakasukbit sa kanan niyang balikat.
"Oh, thanks for reminding me Gov!" The girl chuckled at muli itong naghagis ng punyal.
To my surprise, gano'n lamang kadali para sa lalaking iyon na saluhin iyong punyal at itinapon iyon sa labas ng bintana.
"What a way to start my day Bettina." Umiling pa ito at umupo na lamang sa upuan sa tabi mismo ng bintana.
Maya-maya pa ay napansin ko ang pagpasok ng isang ginang at dali-dali namang nagsiupuan ang iba. Umupo na rin kaming limang magkakaibigan sa likod mismo nung inupuan nung lalaki.
Normal lang naman ang naging daloy ng diskusyon. Ang tinuturo ng guro ay mga lesson na may kinalaman sa mga pinag-aralan namin noong nasa Cambridge High pa kami.
"Mortem et Salvos." Agad akong napaangat ng ulo at natigil ako sa pagsusulat nang maibulalas iyon ng guro namin.
"It will be effective tomorrow. Remember, it's not about the ranking. Do your best. Let's call it a day, good bye class." Iyon lang ang kanyang sinabi bago siya tuluyang lumabas ng silid-aralan.
Nag-unahan na rin ang iba sa paglabas habang ang iba ay nanatili pa sa loob at pinagkukuwentuhan ang tungkol sa ranking na kanina lang ay binanggit ng teacher namin. In-announce na rin sa buong school ang tungkol doon na hanggang ngayon ay hindi pa namin alam kung para saan iyon.
Ranking? May ranking na kaagad samantalang kaka-start pa lang ng proper discussion namin sa klase?
Kabi-kabila ay puro tungkol doon ang pinag-uusapan at para lang kaming pusang gala na walang kaalam-alam. Hanggang sa napunta kaming lima sa food court upang kumain subalit hinarang kami ng grupo ng kababaihan.
"You, you, you, you and you," Dinuro kami nito isa-isa hanggang sa ako ang huli niyang tinuro. "You'll gonna be my target and I'll make sure to be part of the ranking." The girl said in front of us as she crossed her arms and smirked at us.
Umabante si Veyda at katulad nung ginawa ng babae, she also crosses her arms and arc her brows.
"Kung sa ranking ka lang makikipagtalo, good luck sis. Magreview ka pa magdamag kung gusto mo!" Biglang sabat ni Veyda rito dahilan para magtawanan silang lahat.
"You sure are stupid newbies." Sagot nito bago kami inilingan at lampasan.
"Akala mo kung sino. Baka nga hindi mo alam Calculus e." Pahabol pa ni Veyda habang sinusundan niya ng tingin ang mga ito na sinundan naman ng tawa ng iba.
Nang ilibot ko ang paningin ko, napansin ko na lamang ang kakaibang tingin sa amin ng mga estudyante na para ba silang leon na naghihintay ng pagkakataon para kami ay lapain. And with their scary eyes with full of intentions, something builds up in my mind about the meaning of the ranking.
Hinila ko na sila subalit sa hindi inaasahan, may humila rin sa kamay ko. Napalingon na lamang ako rito.
"Follow me." Matigas na saad ni Ate Fritzy sa amin. Mababakas ang kaseryosohan sa mukha nito.
"Where are we going Ate?" Cheska asked pero hindi niya ito sinagot.
Hila-hila niya lamang ako sa kamay and seeing her side view part, nagtagis ang bagang nito.
Dinala kami ni Ate Fritzy sa likod ng isang lumang silid-aralan na kung saan ay walang nadadaan na estudyante.
"Tomorrow's gonna be different," Pag-uumpisa nito sa amin at palinga-linga sa paligid.
"Ha? Bakit?" Asked Vida.
"I told you this school is different!" Ate Fritzy huffed. Nagulat kami sa pagtaas ng tono nito.
"Then please enlighten us Ate! Naguguluhan na ako. The moment I stepped my feet in this academy, alam kong may kakaiba. Kung anu-anong nakikita ko at kung anu-anong naririnig ko! The killings, the happenings, the rules and now that fucking ranking! Alam kong iba ang ibig nilang sabihin sa ranking na 'yon!" Hindi ko na rin namalayan ang pagtaas ng boses ko.
I was just mad for looking and digging into something I cannot find. May iba sa school na ito. Hindi ito ordinaryo tulad ng ibang school na nakikita ko at 'yun ang alam kong totoo.
"Primoon Academy is a secret institution—"
"I know! We know! Ang hindi ko lang maintindihan kung bak—"
"Owned by the underground society." Pagpuputol ni Ate Fritzy sa sasabihin ko.
"W-what?" Tila nanghina ako sa narinig.
Nagtinginan kaming lima at mababakas sa mukha namin ang takot at pag-aalala. Hindi kami tanga para hindi magkaroon ng ideya kung anong ibig sabihin ng underground society.
"You're kidding us." Mahina at hindi makapaniwalang saad ni Cheska sa kanya.
Pero ang inaasahan naming baka babawiin ni Ate Fritzy ang kanyang sinabi at linawing nagbibiro lamang siya ay hindi nangyari.
"Nasa sa inyo na iyan kung paniniwalaan niyo ako o kung hindi. Primoon Academy is under the hands of underground society. What you have read about this academy are works of fabrication just to attract enrollees." She added and that made sense.
Kung anuman ang nabasa, nakita at ang mga inakala namin tungkol sa paaralang ito ay gawa-gawa lamang nila.
"Dalawa lang naman ang patutunguhan niyo sa school na 'to—to die or to survive. It's up to you though. Remember, your lives lie on your hand—death and survival."
Death and survival. Damn it! Isa iyong kahibangan kung tutuusin dahil ginagawa nilang laro ang buhay namin dito sa loob.
"And you can't escape unless you'll be part of the ranking. And the only way to be part of the ranking is to have the numerous lives to kill." Napabuga na lamang kaming lahat.
Ano ba 'tong pinasok namin? Is this for real? Am I just dreaming or what? Dahil sa totoo lang, naguguluhan na ako.
"But there's another way." Napatingin kaming muli sa kanya.
"Have at least five or more people as your exchange inside this academy."
Ilang beses akong nagpakawala ng malalim na buntung-hininga. Kanina pa kami nakabalik sa dorm matapos kaming kausapin ni Ate Fritzy na mas lalong gumulo sa isip ko.
The last thing she said kept on my mind. Have at least five or more people as your exchange inside this academy. Darn! Nilinlang kami. Ginamit kami bilang kapalit sa loob ng paaralang ito!
"Hindi ko alam na magagawa ni Ate Kristine ito sa akin, sa atin." Nagsimulang sisihin ni Cheska ang kanyang sarili dahil sa kaibigan ng ate nito na siyang nagproseso ng mga school papers namin.
"Hindi dapat kami nagtiwala ni Ate sa kanya." Unti-unti nitong naikuyom ang kamao dahil sa inis. Tumabi sa kanya si Eyra at hinaplos ang likod ng pinsan.
"Wala na tayong choice Ches. Gawin na lang natin lahat ng makakaya natin para hindi tayo mamatay sa lugar na 'to." Napatingin ako sa direksyon ni Cheska at Eyra.
It is so amusing to hear Eyra talk like that. Mabuti na rin 'yun. Like what Principal Arizona said, there's no room for weak people in this academy.
Sabay-sabay kaming napalingon sa pintuan nang bumukas ito. Sila Caitlyn.
"Oh, napaano pagmumukha niyo? 'Di pa nga nagstart ang laro, parang pinaglalamayan na kayo." Caitlyn chuckled. Inirapan ko na lang siya.
"Hindi laro ang buhay namin Caitlyn." Pagdidiin ko sa kanya.
"But being inside this academy, lives are just considered as a game." She smirked. Kumulo na lang bigla ang dugo ko sa kanya.
"Don't you dare make us your target." I warned her.
"I can never tell." Shrugging her shoulders, naupo ito sa dulo ng kama niya.
"Looks like marami na kayong alam sa school na 'to ah?" Hindi makapaniwalang tanong ni Visel sa amin, nakatayo siya sa tabi ni Erica.
"Not really." Vida interfered.
"Want me to share some secret with you?" Tanong muli ni Caitlyn habang nakapaskil pa rin ang ngisi sa labi nito. Tinitigan na lang namin siya nang mabuti.
"Oops! Nakalimutan ko, bawal pala." Tsaka humalakhak ang mga ito.
"Bawal? Why?" Nalilitong tanong ni Eyra.
"Sharing secrets is one of the grievious sins here in Primoon Academy." Caitlyn said that made my forehead creased and annoyed at the same time.
Ano pa bang dapat kong ikagulat sa mga bagay na nalalaman ko? Ang magbahagi ng sikreto ay isang malaking kasalanan samantalang ang pumatay para sa kanila ay ganun-ganun lang? Isang malaking kalokohan!
"Don't worry. We will not kill you. Dorm mates are not allowed to kill each other." She winked at me. "Goodnight. Tomorrow's gonna be a long journey." Huling saad nito tsaka niya ipinikit ang kanyang mga mata.
Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko pa bang hindi nila kami pwedeng patayin or natatakot sapagkat hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin simula bukas.
Nagyakapan kaming magkakaibigan.
"Hindi sa lugar na 'to matatapos ang buhay natin." Pagpapalakas ko sa loob ng bawat isa sa amin.
Tumango-tumango sila, sa huli ay nagngitian kami bago kami humiga sa kanya-kanya naming puwesto.
Nakapatong lang ang kamay ko sa noo habang iniisip pa rin kung anong mga posibleng mangyari bukas. May isa ring gumugulo sa isip ko dahil sa sinabi ni Caitlyn sa amin.
Kung itinuturing na malaking kasalanan ang pagbahagi ng sikreto, bakit sinabihan kami ni Ate Fritzy ng sikreto tungkol sa paaralang ito? Damn, habang tumatagal ako rito, mas napupuno ng kalituhan ang isip ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro