Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 5

Chapter 5

Tatakbo na sana ako papunta sa direksyon ni Eyra pero may humawak sa braso ko. Paglingon ko, si Ate Fritzy ito. Shit, sana hindi na lang siya nagvolunteer. Iba talaga ang nararamdaman ko sa selebrasyong ito.

"Huwag mo ng ituloy ang binabalak mo kung ayaw mong mapahamak kayo." Matigas na saad nito sa akin dahilan para matigilan ako. Shit! Anong ibig niyang sabihin?

Napunta ulit ang tingin ko sa direksyon nila Eyra at hindi ko maiwasang mangamba para sa kalagayan niya.

"Tell me any outfits that students are wearing right now, your choice." Sambit ulit nung babaeng nakaitim na mas lalong nagpadagdag sa kuryosidad ko kung sino ba talaga siya.

"Black sweatshirt." Sagot nung isang newbie at pinaakyat lahat ng mga estudyanteng nakasweatshirt sa stage.

Gano'n din ang ginawa nila sa iba. Pinapapili sila ng mga damit na suot ng estudyante at lahat ng mga estudyanteng suot-suot ang klase ng damit na nabanggit ay pinapunta sa stage.

"The targets are now complete." Saad nung host sa babaeng nakaitim habang ang paningin nito'y naroon sa mga estudyanteng sinasabi nilang target.

"Let's begin the show." She smirked. "You," turo nito sa isang babaeng kasama sa walong newbie na pumili ng isang box kanina. "Open your box." Utos nito at dali-dali namang binuksan nung babae ang box.

Nakangiti pa ito at halatang excited subalit ang ngiting iyon ay unti-unting napawi dahil sa nilalaman ng kahon na hawak niya.

"G-gun?" Nangunot ang noo nito.

"Get that gun and kill the person you've chosen using that thing."

Nanlaki ang dalawa kong mata dahil sa narinig. Seryoso ba siya? Anong klaseng utos ang pinapagawa nito?

"P-po?" Nanginginig at hindi makapaniwalang sagot nung babae.

"Narinig mo naman siguro ang sinabi ko 'di ba?" Nakangiti lamang na tanong nito. "Papatayin mo ang target mo o ikaw ang papatayin ko?" Nagsitindigan na lamang ang mga balahibo ko dahil sa sinabi nito. Kasabay ng takot na namuo sa dibdib ko ay ang pamumuo ng galit sa sistema ko.

"P-po?" Ulit nung estudyante, kabado na ang boses nito.

"I told you, kill your target!" Malakas na sigaw nito at halos matigilan kaming lahat.

"H-hindi ko po k-kaya." Naiiyak na sambit ng babae.

"Weak." The host stated at walang sabi-sabing hinablot nito ang baril sa estudyante pagkatapos ay ibinigay niya iyon doon sa babaeng nakasuot ng pulos black na damit.

That woman stood up and without giving us notice, siya ang bumaril doon sa estudyanteng sinasabi niyang target.

With a loud bang of the gun she's holding, I saw how the girl fell off the ground. My breathing stopped that moment until I realized that I balled my fist in anger. I just saw her being killed before my eyes. Damn!

"Bago kayo rito diba?" Isang babae ang lumapit sa amin. "Please, huwag niyong sabihin kung anong suot ko. Nagmamakaawa ako sa inyo, please huwag ako." Natigilan na lamang kami nang umiyak ito sa aming harapan.

"Gia, ano ba? Pinapahamak mo mismo ang sarili mo." Agad na inalalayan nung isa pang babae itong nakikiusap sa amin ngayon.

"Pasensya na. Whoever they chose among of you or whatever happens, please don't mention what we are wearing right now. Just please." Nabasa ko pa ang magmamakaawa sa mata nito bago niya hinila palayo sa amin ang kasama niya.

Nagtagis ang bagang ko sa inis. Damn it! Now I know what they meant about what they've said, and the reason why students are wearing different outfits was because of this! Paano nila nagagawa ito sa mga estudyante? Choosing them as a target based on their outfits? At bakit sila pumapatay gamit ang mga bagong mag-aaral?

Kasabay ng ibang nag-iiyakan ay ang mga estudyanteng naghihiyawaan at tila masaya pa ang mga ito sa kanilang nasasaksihan.

What the hell? Hindi ba sila natatakot? Bakit nagagawa pa nilang magdiwang sa pagkamatay ng inosenteng tao?

"Next." Saad nung host at nagkataong si Eyra iyong nakasunod. "What's inside your box?" Dahan-dahang binuksan ni Eyra ang box na napili niya at hindi ito makapaniwala sa nakikita.

"D-dagger." She stuttered at nanginginig din ang mga kamay nito habang hawak-hawak iyong kutsilyo.

"Kill the student you chose and—"

"I c-can't kill." Agap ni Eyra rito.

Humakbang ulit ako pero napahigpit ang kapit sa akin ni Ate Fritzy. Inilingan ako nito na para bang binabalaan niya ako sa anumang gagawin ko.

"That woman is crazy Ate Fritzy! Hindi niya dapat inuutusan ang mga mag-aaral na pumatay!" May diin sa bawat salitang binibitawan ko.

"At hindi ka dapat nangingialam." Tila may pagbabanta sa tono nito.

Napatitig na lamang ako sa kanya? What does she mean? And for Pete's sake! This is an elite school right? Bakit hinahayaan nilang may mangyaring ganito rito?

"So, gusto mong ikaw ang mamatay?"

Nalipat ang tingin ko sa direksyon ni Eyra at nakita kong naiiling na lamang ito kasabay ng unti-unting pagbagsak ng kanyang mga luha.

"Ayokong mamatay at ayokong pumatay! Anong klaseng school ba 'to? Mga baliw kayo!" Umiiyak na sambit ni Eyra at nabitawan nito ang kutsilyong hawak-hawak niya.

Lumapit sa kanya ang babae at unti-unti nitong ipinadaan ang dulo ng baril sa pisngi ni Eyra na ginamit niya kani-kanina lang sa pagpatay roon sa isang estudyante. Nanigas ang katawan ni Eyra sa ginawa ng babaeng iyon. She's trembling in fear.

"I like your guts kid but I will like you more if you know how to obey my words." Nakangisi nitong sambit kay Eyra.

"I c-can't. I really can't." Pikit-pikit ang mga mata ni Eyra habang umiiling ito.

"What's your name?"

"E-Eyra..."

"Natuwa naman ako sa katapangan mo kahit papaano. As your prize, I will let this one pass. Let the chosen targets go." Nakangisi nitong saad at nilingon lahat ng mga estudyante. "Students of Primoon Academy, enjoy the rest of the night." Anunsyo nito sa lahat.

Bago pa ito tumalikod, nilingon niya ang direksyon ni Eyra.

"Eyra," she smiled. "Starting today, I am watching your every move." She added at tuluyan nang umalis na para bang wala siyang taong pinatay kanina-kanina lamang.

Pagkatapos niyang mawala sa paningin ko, mabilis kong nilapitan si Eyra at niyakap ito. Napalakas ang iyak nito habang yakap-yakap ko siya. Nasa tabi na rin namin ang kambal at si Cheska at halatang nag-aalala rin sila.

"Ayoko na rito. This is a hell. I just wanna go home." Umiiyak nitong sambit sa amin.

Inalalayan namin siya pababa ng stage. Pagbaba ng entablado ay nakita ko ang limang kalalakihan na katulad ng babae kanina ay nakamaskara rin sila. Binuhat nila ang babaeng kanina lang ay pinatay at inilabas ito sa hall.

"Everyone, you are not allowed to go outside yet kung ayaw niyong ang buhay niyo ang isunod ko sa babae kanina. And if you plan on running away, it's like you're digging your own grave." The host announced dahilan para matigilan kaming lima.

Pagkatapos lang din mawala sa paningin ko yung mga kalalakihan na nagbuhat sa bangkay nung babae, muling napuno ng malakas na tugtugin ang Primoon Hall. Muling nagkumpulan ang mga estudyante sa gitna ng hall na para bang normal na lamang sa kanila ang gano'ng pangyayari.

"I w-wanna go home. A-ayoko na rito." Again, Eyra cried.

Inalalayan namin siya palabas sana ng hall pero hinarangan kami ni Ate Fritzy.

"Get out of this hall and all of you will die. Just stay here kung ayaw niyong mga bangkay niyo ang sunod na buhatin nila." She warned us bago siya tuluyang tumalikod sa amin.

My mind was filled with questions. What the hell is really happening? Are they playing with our lives? Mga baliw ba sila?

"Millizen, let's just obey what Ate Fritzy said. Ayoko pang mamatay." Sambit ni Vida.

Halata ko ang panginginig sa katawan niya at kahit na nangangamba na rin ako, wala kaming nagawa kundi ang makisali sa mga estudyante.

Naupo kami sa gilid. I am just watching them as if they're in a normal party. Ano bang meron sa school na 'to? Bakit pumasok kami sa isang iskwelahang wala man lang kaming kaide-ideya kung anong meron dito?

Hours had passed. Mag-aalas-onse na. Kahit gustung-gusto na naming umalis sa lugar na 'to, wala kaming choice kundi ang manatili dahil buhay namin ang magiging kapalit.

It's absurd to think that way. Like what the hell is that, right? Buhay namin ang kapalit kapag umalis kami sa lugar na 'to? Seriously, mas baliw pa sila sa mga baliw.

We were just sitting on the right corner of the hall. Patuloy pa rin sa pagsasayaw ang iba. Yung iba ay nagkakasiyahan sa kanya-kanya nilang table.

Can't the host announce that we need to go now? Hanggang anong oras ba dapat ang Students' Night na ito? If I just only knew na ganito ang mangyayari, nagstay na lang sana ako sa dorm.

"Where are you going?" I heard Cheska talking to Veyda. Napatingin na lamang ako sa gawi nila.

"Comfort room," Veyda replied.

"Can you go there alone?" I asked her.

"Y-yeah." She answered pero hindi no'n naitago ang takot sa boses niya. Inilibot pa nito ang tingin niya sa buong hall.

"I... I'll go with her." Singit ni Vida sa usapan namin. Tumango naman ako, giving them a small smile.

"Come back safely." I told them.

When the twins were gone, inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar. This hall is actually big, literally big that it can accommodate more or less thousand of students.

Sa kalilibot ko ng tingin sa lugar, my eyes saw a shadow sa may mataas na bintana near the stage. Kaagad akong tumayo. Naglalakad lang ito hanggang sa ito'y nawala na lamang bigla. I know I am not hallucinating. I saw the shadow clearly, imposibleng namamalikmata lang ako.

"Millizen, what's wrong?" Asked by Cheska.

"I saw something." I answered, still my eyes were locked on the window.

"What do you mean?" Naguguluhan niyang tanong.

"I saw a shadow—" Hindi pa man ako natatapos sa sasabihin ko, napuno na lamang ng malakas na sigawan ang hall.

Narinig namin ang malakas na pagbagsak ng kung ano sa may entablado at nanlaki ang dalawa kong mata nang makitang katawan ito ng isang taong wala ng buhay. Kusang bumalik ang paningin ko sa may bintana at muli kong nakita iyong anino.

Shit. That shadow must be responsible for that corpse!

"Gosh! What's happening?" Nakita ko ang kambal na nagmamadaling lumapit sa amin.

Napalinga-linga pa ang mga ito dahil sa sigawang nangyari at napatakip bigla sila ng bunganga nang mapatingin sila sa entablado.

"Shit."

Mas lalong napuno ng sigawan nang biglang namatay lahat ng ilaw. Hindi ko na mawari kung anong gagawin. The whole place was filled with darkness and uproar. Nang masanay ang paningin ko sa dilim, hindi ko na alam kung nasaan ang mga kaibigan.

I took my phone to just text them but when I tapped it, hindi ko alam kung bakit pero biglang dumagundong sa kung ano ang dibdib ko dahil sa eksaktong oras na nakita ko.

11:11

Shit. Ramdam ko ang takbuhan ng mga estudyante sa paligid ko. I don't know what should I do hanggang sa namalayan ko na lamang na tumatakbo na rin ako. Ilang beses na rin na may nabunggo ako pero hinayaan ko na lang.

I kept on running and I feel like someone is after me. Hindi ko alam kung may humahabol ba talaga sa akin o sadyang katulad ko, ay tumatakbo lang din sila para makalabas sa lugar na 'to. Marahil ay kung anu-ano na lamang ang pumapasok sa isip ko dahil sa mga nangyayari ngayon.

Pero ang hinala kong may humahabol sa akin ay nakumpirma kong totoo. Sa tulong ng liwanag na naggagaling sa buwan na tumatagos sa malalaking bintana ay nakita ko ang grupo ng mga humahabol sa akin. Nakasuot sila ng mga damit katulad ng damit nung mga kalalakihang nagbuhat sa bangkay ng babae kanina.

Hindi na ako nagdalawang isip sa pagtakbo ng matulin. How funny to think that I'm running for my life. Hindi ko rin alam kung ipagpapasalamat ko pang nakalabas ako sa Primoon Hall gayong may humahabol sa akin.

Kung nasaan ako, 'yun ang hindi ko alam. Patuloy lang ako sa pagtakbo habang nararamdaman ko pa rin ang presensya ng mga taong patuloy akong hinahabol hanggang sa may bigla na lamang humablot sa akin at dinala ako sa isang sulok.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Ramdam na ramdam ko ang presensya ng kung sino sa likod ko. Hawak ako nito sa baywang habang ang isa niyang kamay ay nakatakip sa bunganga ko.

"Ssssh." Bulong nito sa akin.

The mere fact na sinabihan ako nitong huwag maingay, alam kong tinutulungan ako nito pero hindi pa rin dapat ako magtitiwala dahil hindi ko alam kung sino ito.

Sa sobrang takot ay hinawakan ko nang mahigpit ang braso nitong nakatakip sa bunganga ko para hindi makagawa ng ingay kahit papaano.

Tumigil ang mga yabag ng taong humahabol sa akin hindi kalayuan sa pinagtataguan namin. Sa tulong ulit ng liwanag ng buwan, nakumpirma kong mas lalong nadagdagan ang bilang nila. Nakahinga lamang ako ng maluwag nang masigurong umalis na sila palayo sa amin.

Unti-unting lumuwang ang kamay na nakatakip sa bunganga ko kaya hinarap ko ito. Dahil nga nasa madilim na parte kami, hindi ko nakikita ang mukha nito pero sa tindig nito, sa kanyang tangkad at maging ang kanyang katawan, nasisiguro kong lalaki ito.

"For a new student like you, disobeying rules might kill you." Pag-umpisa nito.

Wala namang bahid ng pagbabanta sa tono nito pero sa mensaheng kanyang ibinigay, alam mong daig pa ng kapahamakan ang ibig sabihin ng salitang kanyang binitawan.

"Rules are rules here. And rules should be obeyed. Now if you don't want to die, obey them." Nahigit ko ang hininga ko dahil sa muli niyang sinabi.

Dumaan ito sa gilid ko. He's wearing a face mask but I can see his deep black eyes clearly, giving me goosebumps in no time. Bago pa man niya ako lampasan ay may ibinulong ito sa akin.

"Mortem et Salvos." For the second time around, I heard that three words again, na kahit hindi ko alam kung anong ibig sabihin ay nagbibigay ng kung anong kilabot sa akin.

"What do you mean?" Mas lalong napuno ako ng kuryosidad dahil sa tatlong salita na 'yon.

"Death and survival. That's what it means and that's what Primoon Academy mean is." Tsaka niya ako tuluyang iniwan at unti-unting namuhay ang takot na nakakubli sa aking kaloob-looban.

Mortem et Salvos.

Death and Survival.

Shit.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro