CHAPTER 24
Chapter 24
Sa dalawang araw na lumipas, araw ng Sabado at Linggo, nagkulong lamang kami sa loob ng dorm. Sila Caitlyn naman, Erica, Visel, Lileth at Kristel ay umalis na naman ng dorm pagkatapos lang naming mananghalian, iyon 'yung araw na dumating si Ate Fritzy para magconduct ng student's monitoring sa amin.
I'm pretty sure that Ate Fritzy is the killer. Sapat ng dahilan iyong makita ko siya sa araw ng anibersaryo lalo pa't siya mismo ang nakaharap ko.
About our dorm mates, all of us we're now doubting them. Iniisip ko nga kung magkakasabwat ba sila Ate Fritzy o hindi. O kung may iba pa ba silang kasamahan. Iniisip ko nga rin kung bakit ba nila ito ginagawa at kung anong dahilan nila bakit nila ito ginagawa.
"Have you heard the news?" Agad kaming hinila nina Vida at Veyda paupo sa may cement bench sa likod ng room namin. Wala pa kasi iyong teacher namin kaya tumambay kami rito.
"What news?" Eyra's forehead creased out of curiosity.
Lumapit naman iyong kambal sa amin. They even roamed their eyes to see if there were some people around us. Nang makita nilang wala ay sinenyasan kami ng mga 'tong lumapit ng husto sa kanila.
"Principal Arizona was severely wounded daw. Pati iyong ibang mga teachers." Pagbabahagi nito ng impormasyon sa amin.
"Where did you get that news?" Taka kong tanong.
"Narinig namin kanina no'ng nag-CR kami. 'Di ba Veyds?" Vida faced her twin and Veyda agreed. Nagkwento pa ang mga ito ng tungkol sa mga nalalaman nila.
Things started to form in my head after hearing that news from them. If Principal Arizona was severely wounded, does that mean she is not one of the killers?
"What about Black Mistress?" Agap kong tanong, puno ng kuryosidad.
"She's okay naman daw." I simply nodded my head but it made no sense. Magkasama lang sila noon. Paanong okay siya samantalang si Principal Arizona ay hindi?
"What are you doing here?"
Sabay na napatili iyong kambal dahil sa biglang nagsalita. Napahawak naman si Cheska sa dibdib nito. Maging ako man ay nagulat din kaya kaming lahat ay gulat na napalingon doon sa nagsalita.
"Have you heard about the announcement?" Tanong nito sa amin.
"What announcement, Ate Fritzy?" My friends asked pero nakatingin lamang ito sa amin.
Nagkatinginan tuloy kaming magkakaibigan at noong walang nagsasalita sa amin ay doon nga namin narinig iyong kasalukuyang announcement.
[Everyone, please proceed to the Primoon Hall. I repeat, everyone, please proceed to the Primoon Hall.]
"Go to the Primoon Hall now." Sambit nito sa amin.
Kaagad naming inayos ang mga gamit namin. Itinapon din namin ang ilang kalat ng chichiryang kinain namin kanina. As we took our bags placed on the cement bench, naglakad na kami paalis sa lugar na iyon.
But I was stopped when I realized that she asked us the same question as what the twins asked us earlier. Did she hear us talking about Principal Arizona?
"Why aren't you following your friends?" She smirked but she didn't know that I really did let my friends go first because I want to talk to her alone.
"Why are you doing this to us?" I frankly asked.
"Uhm..." Pambibitin nito at wari'y nag-iisip pa siya kung ano nga ba ang dahilan kung bakit niya ito ginagawa sa amin. "Because someone asked me to?" Patanong nitong sagot saka ito tumawa.
Gusto ko sanang itanong sa kanya kung sino iyong nag-utos sa kanya pero inunahan na ako nito.
"Don't ask me who. Be contented about what you know. Too much information will just disappoint you." Seryosong saad nito at napapangunot noo na lang ako sa mga isinasagot niya. "Don't look for them and don't try to stop me. You're just ruining their dream if you did that." She resumed and her words seemed like a warning to me.
"Ate Fritzy!" Tawag ko sa kanya nang magpatiuna ito sa paglalakad pero hindi na niya ako nilingon pang muli. I followed her pero gano'n siya kabilis na nawala sa paningin ko.
I closed my eyes, feeling disappointed about what she said. Since when did killing became a dream?
Naabutan ko ang mga kaibigan kong nag-aabang sa akin sa harap ng Primoon Hall. Tumayo ang mga ito pagkakita nila sa akin.
"Saan ka galing? Bakit ang tagal mo?"
"Nagpunta lang ako sa CR. Let's go inside." Pagsisinungaling ko. Tumango lamang ang mga ito sa akin kaya dumiretso na kami sa loob.
Hindi naman kami late pagdating sa hall kaya medyo sa may gitna kami naupo, sa mga mono blocs. In fact kokonti pa lang kami rito. May mga pakalat-kalat namang naupo sa may mga bleachers.
We were told to wait for other students that's why we sat there silently. Siguro ay mayroon sa higit twenty minutes ang nakalipas bago napuno iyong hall.
"Good day students of Primoon Academy. As you can see, Principal Arizona is not here with us because she was severely wounded." Anunsyo ni Black Mistress dahilan para magbulungan ang lahat.
I already told Principal Arizona about it but she was too confident that killers will not appear. Now look what happened to her. She should have known that it's hard to read killer's mind lalo pa't walang nakakaalam kung sino talaga ang mga iyon pero masyado kasi siyang nagpadala sa kompiyansa niya.
"As the founder of this academy, I will dismiss the classes until we find the promotor of this killings." Naging maugong ulit ang hall dahil sa bulungang naganap. Everyone is having their own perspectives about the said announcement.
"I think that's better." Rinig namin ang pag-uusap ng mga estudyante sa aming likuran.
"Better pa sana if they had done that before. Edi sana walang namatay na mga estudyante." I heard a girl bitterly stated that. Sumang-ayon naman ang iba. I mentally agreed too.
"Ssssh. Keep in mind the rules." Her friends tried to stop her but that girl continued voicing out her feelings.
"Unti-unti na nga tayong nababawasan, iisipin niyo pa rin iyong rules? Ha! Rules my ass!" Padabog itong tumayo. Dahil sa ginawa niyang iyon ay napatingin kami sa kanila at nakita na lang namin na paalis na ito. Sinundan naman siya ng kanyang mga kaibigan.
Napailing kaming lima at ibinalik na lang ulit namin ang aming paningin sa harapan. The purpose of dismissing the class is to monitor the killers. Sinabihan din kami na magkakaroon daw ng curfew na magsisimula alas otso ng gabi. This is to prevent students from being killed.
Pero sa isip ko naman, bakit kaya hindi na lang nila kami pakawalan? But knowing that this school is handled by underground society, bakit nga naman nila kami pakakawalan?
For sure they're just doing this dahil ayaw nila kaming bawasan. Or maybe they don't want their top students to be at risk dahil ang mga top students ang kinukuha nila sa mga illegal na trabahong ginagawa nila. Tss.
Unti-unti ng nagsilabasan ang mga estudyante matapos nilang sabihin ang tungkol doon. Iyong iba naman ay naiwan dahil kailangan pa nilang linisin at ayusin ang hall because this would be our last day in Primoon Academy for the time being.
"Mauna na kayo sa dorm. May pupuntahan lang ako." I told my friends. They didn't ask me where. Tumango lang ang mga ito kaya pumunta na ako sa sadya ko.
Katunayan ay mas nauna pa akong dumating kaysa sa kanya, doon sa harap mismo ng office niya.
"What brought you here this time Miss Montana?" Tanong ni Black Mistress at oo, siya iyong pinuntahan ko.
She opened the door of her office and went inside. Kahit pa hindi ako nito pinapasok ay kusa na akong tumuloy.
"Spill out your concern." She ordered as she sat on her swiveling chair. She even leaned on it, intertwined her hands, and looked at me while waiting for me to talk.
"Remember when you told us that whoever finds the killer will have the chance to leave this place immediately?" I directly asked while looking in her eyes without even blinking.
Dahil sa sinabi ko, unti-unti itong napaayos ng upo. Magkasalikop pa rin ang kanyang mga kamay, ipinatong nito ang magkabila niyang siko sa kanyang mesa at pinakatitigan niya ako.
"And?" She asked, wanting for more details.
"What if I tell you who is the killer?" Tumaas ang isa nitong kilay pero hindi maitatago sa labi nito ang kanyang pagngisi.
"Is your information accurate?" Paghahamon nito, naniniguro. Tumango naman ako. "Then you'll be given the opportunity to leave this place." Sagot niya.
Nakatingin pa rin ng diretso sa kanya, binigkas ko ang mga salitang gusto ko talagang itanong sa kanya.
"Am I allowed to leave this place with my friends?" Doon siya natigilan. Maya-maya pa ay tumawa ito ng malakas na para bang isang malaking kalokohan iyong sinabi ko.
"You sounds like you're begging." Halakhak nito.
"No. I'm hoping." Seryoso kong saad. She just looked at me, amused.
"Well, if your information is right, I might consider your request." Tumango ako sa kanya dahil iyon lang naman ang gusto kong malaman.
Paalis na dapat ako matapos kong magpaalam sa kanya pero napahinto ako dahil sa hindi ko inaasahang sasabihin nito.
"But don't get your hopes up because if your information is wrong, I'm afraid your lives will be on the line."
Nagtuluy-tuloy ako sa paglalakad at hindi inintindi iyong sinabi ni Black Mistress pero noong makalayo ako ng tuluyan sa office nito, napakuyom na lamang ako ng kamao. Asar ko ring sinipa iyong maliit na bato sa may harapan ko.
Anong akala niya sa amin? Is our lives some sort of business she could negotiate with?
"Damn it!" I cursed, kicking another small stone in front of me. What made me more pissed is because of how our conversation ended earlier.
"You're kidding me." Sagot ko pagkaharap ko sa kanya.
"I don't kid, Miss Montana. What you're asking me is too much." She gave me a stern look. Lumapit pa ito sa pwesto ko at hindi ko alam kung sinadya ba niyang ayusin ang kalat na hibla ng buhok ko para asarin ako nito.
"Leaving this place is not as easy as pie." Pagdidiin nito sa mga salitang iyon. "Regardless of what you know, come back here if you're hundred percent sure that they are really the killers. Because once you spill it out unsure, you know what will happen next." Then she went back to her chair. Displeased, I left that room feeling pissed.
Matapos kong ibunton sa mga bato ang inis ko ay nagpatuloy na ako sa paglalakad. Right now, I'm stuck between telling her the killers or not. Pero sisiguraduhin kong ang mga kaibigan ko muna ang makakaalam ng tungkol doon. I'm just buying some time dahil ayoko silang biglain.
While walking, I heard someone groaned in pain behind me. Paglingon ko roon ay si Damon iyon. Naalarma naman ako nang mapansin kong nakahawak ito sa kanyang tagiliran at halatang iniinda niya iyong sakit.
"Are you okay?" I immediately helped him. "Ano ba kasing ginagawa mo rito? Are you following someone?" Dagdag tanong ko rito.
"You're the one I'm following and I kept calling your name but you're not listening to me." Sagot nito.
Pinaningkitan ko lang siya ng tingin. I didn't hear him call my name. Or maybe he was? Sa sobrang inis ko lang siguro ay hindi ko na narinig ang pagtawag nito sa akin.
"Bakit mo ba kasi ako sinusundan?" Inis kong tanong sa kanya. But instead of waiting for his answer, I diverted the conversation into another topic.
"Damon, can we talk?" I actually wanted to ask him about that mask thing pero may mas importante akong sasabihin sa kanya ngayon.
"About what?" His forehead creased.
Sinabihan ko ito kung pwede kaming mag-usap sa ibang lugar at pumayag naman ito. Sa totoo lang ay pwede naman kaming mag-usap sa pwesto namin kanina dahil wala naman na masyadong estudyante pero mas mainam na iyong walang makakarinig sa pag-uusapan namin.
Inaalalayan ko na lang siya sa paglalakad dahil hindi pa naman siya gano'n kagaling lalo pa't dalawang araw pa lang ang nakalilipas simula nung masaksak ito.
Doon kami sa ASBO office dumiretso dahil sinabi nito sa aking mas safe daw doon.
"What are we going to talk about?" Diretso nitong tanong pagkapasok namin sa office nila. Sumandal lamang ito sa may mesa habang ako ay nakatayo sa harap niya, isang metro ang layo sa kanya.
"I want an honest answer." I emphasized. His eyes were only fixated on me. "Are you against this academy's rules? About the Murderous Night? This killings? I mean... everything. Tell me, are you against it?" Seryoso kong tanong habang sinalubong ko ang malalim nitong pagtitig sa akin.
Sa halip na oo o hindi lamang ang maririnig ko sa kanya ay iba ang isinagot nito sa akin.
"This conversation won't work. Just go back to your dorm if you have nothing to say anymore." May diin nitong saad sa akin.
"But Damon—"
"You're going against this academy, Millizen. Just shut up if you don't want to be heard—"
"I just want to know your answer!" I cut him off. Saglit kaming binalot ng katahimikan matapos ko siyang sigawan.
"Of course, I'm against it—"
"Then cooperate with me." Pinakatitigan ako nito matapos kong sabihin sa kanya iyon. "I know who are the killers." Dagdag ko pa.
"Millizen—fuck!" Pagmumura nito nang kumirot iyong sugat niya matapos niyang umayos ng tayo. "Knowing who are the killers won't help you. Don't put your life at the edge of the cliff." He emphasized pero umiling ako sa kanya.
"That's why I want you to cooperate with me." I almost pleaded but looking at him right now, there's no way he would agree to it. I haven't explained everything yet but I guess it won't work at all.
"I've been staying in this place for how many years now. I did everything I could but I always failed. How much more of a person like you—"
"Whose just a newbie." Pagtatapos ko sa sasabihin niya. And it upsets me knowing that he's thinking that way, as if he's belittling me.
"That's not what I mean." He immediately retracted. "Millizen, I understand you but you can't just do impulsive decisions like this."
"That's why I'm asking you to cooperate with me." Pagpapaintindi ko sa kanya. Napahilamos ulit ito sa kanyang mukha.
"I'm sorry but I can't—" Hindi ko na tinapos ang sasabihin nito.
Kaagad na akong lumabas dahil ayaw ko ng pakinggan pa ang sasabihin niya pero sa kabila ng sitwasyon nito, hindi ko alam kung paano niya akong nagawang sundan at hinila pa nito ako sa kamay dahilan para mapaharap ulit ako sa kanya.
"Why are you so eager to work with me?"
"Because I don't want to be lock in this place anymore!" Pasigaw kong sagot sa kanya. Naramdaman ko rin ang pagtaas-baba ng dibdib ko dahil sa pagsigaw na ginawa ko.
Nang magawi ang paningin ko sa kamay niyang nakahawak sa akin, dahan-dahan ko iyong tinanggal saka ko siya tinignan.
"Let's talk again once you change your mind." Then I left him afterwards, hoping that he would really change his mind.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro