Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 11

Chapter 11

Hindi ako pwedeng magkamali. Such things don't happen coincidentally. Twice can be considered pero ang maulit ulit iyon ay sadyang nakakapanghinala na. Pangatlong beses na itong nangyayari and something is really off.

Una ay noong gabi ng Students' Night na kung saan ay isang bangkay ang hinulog mismo sa gitna ng entablado. Pangalawa ay kaninang umaga lang noong pabalik na ako sa room galing ng office ni Ma'am Marie. Pangatlo naman ay 'yung ngayon.

Same occurrences, same time. Hindi pwedeng nagkataon lang ang mga ito dahil panigurado akong baka may nagpaplano sa mga pangyayaring ito.

"What? That's impossible Millizen." Tanggi ng mga kaibigan ko matapos kong sabihin iyon. Tinignan ko sila ng diretso.

"With this place where we are right now, nothing is impossible here." Sagot ko sa kanila. Umiling pa ako bago ako humiga at ipinikit ang aking mga mata.

Hindi ko masasabi kung normal lang ba 'tong mga nangyayari o ano pero isa lang ang dapat naming gawin, ang magdoble ingat. We can't lose our live here. Pumasok kaming buhay rito, titiyakin kong makakalabas din kaming buhay.

[Everyone, please proceed at the Primoon Hall now. Everyone, please proceed at the Primoon Hall now. ]

Lunes na lunes ay ang anunsyong iyon ang bumungad sa amin. Nagkatinginan ulit kaming magkakaibigan dahil sa kuryosidad.

Ano na naman bang anunsyo ang kailangan nilang sabihin sa amin? May kinalaman ba ito sa patayan na naganap noong Biyernes?

Sa kabila ng aming kuryosidad, sa huli ay tumuloy pa rin kami sa loob at halos lahat ng mga estudyante ay nakaupo na sa bleachers. Naghanap kaming magkakaibigan ng mauupuan. Buti na lamang at may bakante pa malapit sa harapan.

Pagkaupo namin, napansin kong doon sa entablado ay nakaupo si Principal Arizona sa presidential table pati si Damon na siyang tumatayong ASBO Governor sa school na ito. Sa gilid nila ay nakatayo ang isang babaeng bahagyang nakatalikod sa amin dahil may kausap ito sa harapan, mahaba ang maitim nitong buhok at pulos itim din ang kanyang suot. When she's done talking in front, she faced us all.

"I guess you know the reason why I am here." Dire-diretsong usal nito sa amin.

She didn't even bother to greet us all. At hindi nga ako nagkakamali. Ang anunsyong ito ay may kinalaman sa kung anong nangyari noong Biyernes. 

"Every night, watching you killing each other is my favorite scene and I've been dying to know kung sinong matitira sa inyo, kung sinong mabubuhay." Dagdag pa nito na para bang sa mga salita niya, ang makitang magpatayan ang mga estudyante rito ang isa sa mga nagbibigay ng kasiyahan sa kanya.

Habang nagsasalita ito, bahagya kong inilibot ang aking paningin. Puno ng estudyante ang Primoon Hall pero halos hindi ko maramdaman ni isang presenya dahil sa sobrang katahimikan.

Then I faced her again. Black Mistress. Like the usual, nakasuot ito ng itim na maskara, showing only half of her face at nakita ko pa ang ngiting nakakurba sa mga labi nito.

Seeing her smile like that gives me goose bumps. She's scary like hell.

"I ruled killings during Murderous Night but I didn't order you to kill without my knowing!" Malakas nitong sigaw dahilan para mas lalong tumahimik ang lahat.

I narrowed my eyes when she said that. Iyon 'yung gusto niya diba? Ang magpatayan kami? Ngayong may patayan na ngang nagaganap, saka naman siya magagalit. Ano ba talagang gusto niyang gawin sa amin?

"Killings. You know that's my craft." Muli ay sambit niya, mariin ang pagkakabigkas nito.

"But our lives are not your masterpieces." Ni hindi ko namalayang naisatinig ko iyon sa paraang maririnig ng karamihan dahilan para lahat ay mapatingin sa direksyon ko.

Naramdaman ko ang pagsiko ni Cheska sa akin ngunit naikuyom ko ang aking mga kamao. Kung gusto nila kaming patayin dito, bakit hindi na lang nila gawin? Bakit pa nila hinahayaang kami-kami mismo ang magpatayan dito gabi-gabi? Ano bang makukuha nila sa amin?

"Really?" Black Mistress asked hanggang sa ang tingin nito ay nakatutok na lamang sa akin.

Napuno ng hindi ko maipaliwanag na takot ang diddib ko dahil sa mapang-uyam nitong tono but half of me feels enraged.

"You don't own our lives but you're acting like you own us." I managed to reply. "You said your craft is about killings? Oh, fuck that craft! It's disgusting!" I shouted at her.

"How dare—"

"No! How dare you!" I cut her off, uttering those words I really wanted to say.

I even stood up dahil napupuno talaga ng galit ang dibdib ko. Hindi ko rin makontrol ang sarili ko dahil sa naramdaman ko.

Almost all of the students are looking at me now. I can also hear them whispering, it's as if they were asking me where did I get the guts to say those words in front of this woman they feared. But I couldn't care less.

Maging ang mga kaibigan ko ay pinipilit nila akong pakalmahin but right now, I wanted them to wake up. I wanted them to know that they should not let this woman control us.

Sa mga estudyante rito, alam kong ayaw rin nila sa patakarang mayroon ang academy na ito. I can see the fear in them but why they are letting it that way if the truth is, they are against all the rules? Why they are letting their fears shut them? Buhay namin ang pinag-uusapan dito. Buhay.

"You fearless woman, do you know what you are saying right now?" Black Mistress asked me, she's provoking me.

And the way she called me fearless, she's being sarcastic on it at alam kong may ibig siyang ipakahulugan sa kabila ng mga tanong na iyon.

"Alam ko kung anong mga sinasabi ko katulad ng mga walang kwentang ipinapagawa mo—"

Wala sa oras na napasinghap ako dahil sa bilis ng matulis na bagay na lumipad papunta sa direksyon ko.

"Stop acting like a fearless woman if you can't even protect yourself." Saad nito sa akin at noon ko lang na-realize na sa kanya galing iyong bagay na kamuntikang tumama sa akin.

Isa iyong kakaibang hair pin na tila pinasadya upang maging matulis at matalim.

Then an arm pulled me na noo'y kanina pa pala akong hawak. Without permission, dali-dali nito akong hinila pababa ng bleachers at lumabas kami roon sa pinakamalapit na pintuan sa may gilid. And I know, if it's not because of this person, I might get hit because of that hair pin.

Nang tumigil siya sa paglalakad, marahas kong binawi sa kanya ang siko kong hawak-hawak pa rin niya. I even pushed him hard but it's quite hard to do that. Mas lalo lang humigpit ang pagkakahawak nito sa akin.

"Get off me!" I shouted.

"Do you know what did you do?"

"Let me go!" I shouted again instead of answering his question.

Sinusubukan kong umalis sa pagkakahawak niya pero masyado itong malakas kumpara sa akin.

"Ano ba?" Inis kong singhal sa kanya.

"Do you really wanna die right now?"

"It's easy for you to say that word, huh? Mga demonyo talaga kayo! Pwede ba, bitiwan mo nga ako!" I tried pushing him away. Damn this guy!

"Damon," someone spoke. Sabay kaming napalingon doon sa nagsalita. "Let her go, I'll talk to her. You're needed inside." She added.

If it's not because of what she said, baka hindi pa ako binitawan ng Damon na 'to. He gave me a sharp glare first before letting me go. Inirapan ko na lamang siya. Nang makaalis ito, noon ko naman nilingon iyong nagsalita kanina. It's Ate Fritzy.

"Let's talk Millizen," sambit nito sa akin sa seryosong tinig.

Hindi pa man ako sumang-ayon, naglakad na ito palayo. I had no choice but to follow her hanggang sa nakarating kami sa medyo dulong silid-aralan, malayo sa Primoon Hall.

When she stopped, that's when I stopped too.

"Ate Frit—" I wasn't able to finish saying her name because the moment she faced me, she suddenly slapped me, hard.

"Ate Fritzy?" I asked her questionably, and I don't know why tears are starting to form on the side my eyes.

Pareho kaming napatingin sa isa't isa. Mga mata ko ay puno ng pagtataka kung bakit iyon ang ginawa niya but her, she was just looking at me plainly.

"Do you know what you just did earlier?" Saka lang ito nagsalita. I sneered.

"Why am I receiving the same question now?" I asked her back.

"Because what you did was wrong!"

"It's not!" Pagtanggi ko sa kanya. Since when did speaking up for your life became wrong?

"I did that because I want that woman to know that we are humans! We are not her toys for her to play us whenever she wants!" I replied, doon na talaga tumulo ang luha ko.

Hindi kami laruan pero daig pa namin ang mga laruan dahil sa mga pinapagawa niya sa amin.

"I just did that because I want to tell those students to speak for themselves too. I speak up because if not, who will speak up for us?" Tears then keep rolling down my face.

Maybe, students already got used to it. And maybe, they are shutting themselves up because of this academy's unfair rules pero hahayaan na lang ba nila iyon? Until when? And when will it stop? Dahil habang may mga namamatay, patuloy at patuloy rin silang magrerecruit ng mga panibago pang estudyante.

When someone dies, new set of innocent students comes. That cycle always keeps that way. Pero sana naman, gumawa sila ng paraan hindi lang para iligtas ang sarili nila but to really stop this shit.

Tuwing Murderous Night, they're killing other students for themselves. Alam kong ayaw rin nilang mamatay at pumatay that's why they are doing that to save their lives. Pero hanggang kailan sila papatay para lang mabuhay? Hanggang kailan sila magiging duwag?

"I got your point. Pero dahil sa ginawa mo, pinapahamak mo lang ang sarili mo! Sinasabi ko sa inyo ang mga nalalaman ko but you're putting your life in danger!" Pasigaw na sagot nito sa akin.

I shook my head at her. She got my point? Fine. But I guess she will never understand it.

"No, ate. My life was already in danger and you know it very well." I corrected her.

"Millizen—"

"And please, don't show up in front of me. You are all disgusting!" Pagpuputol ko sa anumang sasabihin niya saka ko siya mabilis na tinalikuran.

Ang lakad ko ay unti-unting naging takbo habang papalayo ako kay Ate Fritzy.

And when I did that, tuluy-tuloy ang naging pagbagsak ng mga luha ko. I don't know anymore. I don't know what to do. I don't know who to believe.

Honestly, I'm quite thankful for knowing Ate Fritzy. Pero ang hirap kasing magtiwala. I don't know if what she's doing right now is because she wanted to help us or she wanted something from us.

Naalala ko kasi iyong sinabi ni Caitlyn noon. Sharing secrets is one of the grievous sins here in Primoon Academy. It's forbidden. But why Ate Fritzy is doing it? I mean, she keeps telling us some information about this academy and I'm afraid if she's using us for her own benefits.

Patuloy akong tumatakbo hanggang sa napadpad ako sa likod ng dormitory, iyong lugar kung saan madalas kaming mag-ensayo kung paano gamitin ang mga matatalim na bagay na ibinibigay nila sa amin na mapapakinabangan namin tuwing Murderous Night.

Pumunta ako roon sa punong-kahoy. I sat on its roots at doon ko isinandal ang ulo ko. I also close my eyes. Gusto ko ng normal na buhay. Hanggang kailan ba kami magtitiis sa impyernong lugar na ito? Gusto ko ng makalaya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro