Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Special Chapters

 

Nang pumunta ako sa kwarto kong nasaan ang kakambal ko ay nakita ko itong nakahandusay sa sahig. Puno ng dugo ang katawan nito at tila naliligo na.

"Ivy!" sigaw ni Vough.

"Dalhin mo na siya. Siguraduhin mo lang na hindi kayo makikita. Alam kong buhay pa siya. Pasalamat na lang tayo at hindi siya pinuruhan ni Clyde."

Agad na binuhat ni Vough si Ivy. Tumakbo sila sa kung saan at nawala na parang bula sa aking paningin.

'Sana ay magiging masaya ka sa landas na tatahakin mo, Ivy. Alam ko namang mahal mo si Vough. Nabulagan ka lang sa obsession mo kay Clyde. Tama na ang paghihigante.'

 

 

NAGISING ako na para bang sobrang sakit ng katawan ko. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang isang puting dingding.

"You awake," isang boritonong boses ang naulinagan ko. Kaya lumingon ako sa kanya.

"Who are you?" tanong ko sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ng lalaki. Tapos ay pumungay ang mga mata ay ngumiti.

"I am Vough Rodriguez, and I am your husband."

Nagulat ako sa sinabi nito. "And Who I am?"

"Your Ivy, my wife."

"Paano ako napunta sa hospital?"

"Naaksidente ka."

Napangiti na lang ako. Naalala ko naman talaga kung sino ako. Siguro, talagang binuhay ako ng Diyos para paulit-ulit na ipamukha sa akin ang kasalanan ko.

Siguro, ito na talaga ang daan para magbago na ako.

"I will took you to states. Doon ay mamumuhay tayo ng tahimik. Magpapakasal tayo doon ulit."

Ngiti lang ang tanging naisagot ko.

 

 

 

After 15 years…

 

"Bwesit ka!" sigaw ng isang taong sobrang matinis ang tinig.

Natulingling ang tainga ko. Tila ba iniwan ng mga tutuli.

"Would you shut up, Clea," ganti ko dito.

"My God, kanina pa ako tumatawag sa iyo, Gray!"

"Ang ingay nyo naman."

Nakatingin ako ngayon sa mga bata. Ang lalaki na nila. Ilang taon na din mula ng mamuhay kami ng tahimik dito, sa hacienda na binili namin, sa tabi ng Hacienda Montemayor.

Isang yakap mula sa likod ang aking naramdaman.

"Your smell so good," bulong nito sa akin.

"Hay naku, Clyde. Di ka ba nagsasawa? Kagabi ilang beses mo akong inangkin."

"Paano ako magsasawa? Sabihin mo nga. Kahit kailan hindi ako magsasawa, sa iyo," bulong nito sa aking tainga.

"Look at them, Clyde. Lumalaki na ang mga bata ay may sarili ng mundo."

"Yeah, kaya hayaan mo na sila."

"Hoy, love birds, bumaba kayo dito."

Sabay-sabay na napalingon sa gawin namin ang mga tao nasa ibaba. Nasa beranda kasi kami ngayon ni Clyde, sa veranda ng kwarto namin.

Kaya umalis kami sa beranda ay bumaba na. Nagtipon-tipon kaming lahat dito sa loob ng bakuran namin. Sobrang lawak kasi ng hacienda kaya kasya ang maraming tao.

"Ayeisha!" tawag ko sa bago kong kaibigan. Asawa ito ng kapatid ni Beatriz. Si Terrence Jude Alvarez.

Nakangiting ito. Lumapit naman ako sa babae.

"Kumusta ka na? Kailan ka lang umuwi?" sunod sunod kong tanong dito.

Ngumiti ito. "Hinay hinay lang. Okay lang ako. Kahapon lang ako umuwi at dumiretso na kami ni Terrence, dito," sagot nito sa akin.

"Dito na ba kayo, titira? For good?" tanong ko ulit.

"Hindi pa. May mga inaasikaso pa si Terrence."

Tango na lang din ang naisagot ko.

Gaya namin ni Clyde ay malaki din ang pinagdaanan ng mag-asawang Alvarez. Gaya namin ni Clyde ay naging masalimoot din ang buhay nila.

"Amber!" Napalingon kami sa bagong dating.

Mabuti na lang at pumunta sila sa imbetasyon ko. Dahil ngayong araw na ito. Ito na ang simula ng aming buhay.

Sa hacienda na ito, dito kami magsisimulang muli. For 15 years ay madaming nagbago. Mas naging matatag kami ni Clyde sa hamon ng aming buhay.

Napatingin ako sa mga anak ko. Alam kong wala ng panganib sa buhay namin ngayon. Kaya alam ko masaya na kaming mamumuhay.

"Clyde, kailan ka mag reretiro sa pagiging sundalo mo?" tanong ni Damien kay Clyde. Nadidinig ko ang pag-uusap nila.

Lumapit ako kay Clyde at umupo sa tabi nito. Nilingon ako ni Clyde at nginitian.

"Soon, may mga inaasikaso lang ako."

"Hindi ka ba natatakot, Clyde? Baka mamatay ka isang araw."

Tumawa ang aking asawa. "Ako? Matatakot mamatay? Hindi, hinding hindi ako matatakot mamatay. Hindi nga ako natakot noon. Bakit ngayon pa."

"Sabagay,"

Iginala ko ulit ang aking paningin. May isang tao na nasa gate. Para bang gusto nitong pumasok. Pero alam nito na hindi pwede.

Tumayo ako at agad itong pinuntahan. Nanlaki ang mga mata nito.

"What are you doing here… ,Ivy?" tanong ko sa kanya.

"Hindi naman ako mangugulo. Dinalaw lang kita."

Nilingon ko siya. "Ilang beses ko bang sinabi sa iyo na ayaw kitang makita. Bakit bumalik ka pa. Sana doon ka na lang sa states. Kasama si Vough."

Yumuko ito. "Alam kong malaki ang kasalanan ko sa iyo. Kaya sana ay mapatawad mo ako."

"Matagal na kitang napatawad, Ivy. Ayaw lang talaga kitang makita."

"Sorry, again."

Umalis na ito. Napatingin ako sa papalayo nitong bulto. Noong nalaman ko na buhay si Ivy at natakot ako, limang taon ang nakalipas mula ng mangyari ang masalimot na trahedya na nangyari sa buhay ko, namin. Nalaman kong buhay si Ivy. Pinatakas ito ni Icy. Pero alam ko naman na may dahilan si Icy.

Kaya hinayaan ko na lang. Taon-taon ay umuuwi si Ivy sa Pilipinas. Para dalawin ako. Pero ni minsan ay hindi ko siya hinayaan na makapasok sa buhay naming muli.

Tama na ang minsan na binigyan niya kami ng isang takot. Takot na hanggang ngayon ay dala-dala namin.

Sumakay ito sa kotse nito ay pinatakbo iyon palayo sa hacienda namin.

Pumasok na din ako sa loob, para harapin ang mga bisita namin. Mga naging malapit sa amin sa loob ng fifteen years.

Tinignan ko silang lahat. Pawang nakangiti ang lahat. Tila wala bang problema.

Matoto tayong nagpatawad. Kahit na ano pa ang kasalanan ng isang tao ay dapat patawarin natin siya o sila.

Matagal ko ng pinatawad si Ivy. Pero hindi ko na siya pinapasok sa buhay ko o sa buhay namin. Tama na ang minsang binigyan niya kami ng takot at pangamba noon sa buhay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro