Chapter 8
ISANG buwan ko ng iniiwasan si Clyde at nagpapasalamat ako na di naman niya ako ginugulo. Gusto ko ng tahimik na buhay. Iyon nga lang ay parati ko siyang nakikita na kasama si Joyce. Kahit na nasasaktan ako ay kinikimkim ko na lang.
Nakaakbay ito kay Joyce. Minsan ay nagkakasalubong kami, kasama nito si Joyce at ang sweet nilang dalawa. Umiiwas na lang ako ng tingin. Yes, nasasaktan ako, dahil may nararamdaman din ako para kay Clyde. I think I am in love with him. Di ko alam kung kailan ko ito nadama, basta ang alam ko mahal ko siya.
Pero kailangan kong gawin ang tama. Hindi kami bagay, may mas nababagay sa binata.
Sa susunod na linggo ay graduate na ako. Titigil muna ako ng isang taon, bago ako kumuha nang bagong kurso. Gusto kong tulungan si mommy sa mga negosyo nito.
Papasok kami sa cafeteria, kasama ko si Airene at sobrang ingay ng mga estudyante. Dahil nga pumasok kami ay nawala ang ingay. I hate noisy people. Natapos na din kasi ang bagong cafeteria at nailipat na ang lahat.
Ang lumang cafeteria ay under renovention para sa Kinder at Pre-school. Ang dami kong plano sa paaralan na ito. Kahit na wala na ako sa paaralan na ito ay parte pa rin ako sa council. Dahil nga ako ang may-ari ng school na ito.
Kaya kailangan na mag-elect muli ng panibagong presidente ng Student council. Busy ang buong school, dahil sa nalalapit na graduation.
Kaya sa cafeteria kami ngayon nakatambay. Kakatapos lang din kasi ng practice namin para sa graduation. Nakita ko si Clyde sa tabi ni Joyce. They always together. Sabagay sino ba ako para masaktan? Nagseselos ako, yes! Aaminin ko. Nasasaktan ako? Yes! I am hurt deep inside. Pero anong magagawa mo, ito ang gusto ko.
Ako nga ang nagtulak sa kanya palayo. Ginusto ko ito, kaya dapat kong panindigan ito. Siguro ang nararamdaman ko para sa kanya ay mawawala din ito, sa paglipas ng panahon.
Ipagwalang bahala ko ang grupo ni Clyde at nag konsentrate ako sa pagkain. Dahil gutom na din ako ay naparami ang kain ko.
"Ang lakas mong kumain ngayon," sambit ni Airene. Napalakas pa ang pagkakabangit nito.
"Ano naman, gutom ako!" sabi ko sa kanya. Talaga namang gutom ako.
"Di lang ngayon na matakaw ka. Di ka naman dating ganyan." I just roll my eyes.
Ano ang gusto nitong palabasin na buntis ako? Dinatnan kaya ako, ilang araw after sa nangyari sa amin ni CJ. Kaya nagpapasalamat ako at walang mabuo.
"Ano ang gusto mong palabasin na buntis ako? Gusto mong mag PT pa tayo ngayon or pumunta tayo sa doktor?" Hamon ko dito.
Di ito nakaimik. Nawalan na ako ng ganang kumain, kaya iniwan ko silang lahat. Tumayo ako at tinalikuran ko sila. Ang ayaw ko sa lahat ay ang pangunahan ako. Nagmamadali akong pumunta sa gym nang may humablot sa aking braso.
"Ano ba!" sigaw ko. Nilingon ko siya.
"Are you pregnant?" agarang tanong nito. Nanlaki ang mga mata ko sa tanong nito.
"Are you nuts? How come na buntis ako? Porket matakaw kumain buntis na agad? Excuse me, dinatnan ako ilang araw pagkatapos ng may nangyari sa atin. And I am thankful of that, kasi hindi mo ako nabuntis," sabi ko sa kanya.
Dahil nasa braso ko ang kamay nito ay inalis ko ito.
Umasa ba itong buntis ako? Nagpapatawa ba ito?
"Akala ko…" mahina nitong sabi sa akin.
"Hindi ako buntis, hindi pa ako handa na mabuntis." Iniwan ko siya doong nakatayo. Di ko siya nilingon, may nakita akong sakit sa mga mata nito.
Pero binaliwala ko iyon.
Graduation na naman, gayon din sa high school. Sa umaga kami at sa hapon sila Clyde. Ipinagpasalamat ko iyon na di pinagsabay, dahil mahihirapan lang akong iwasan siya. Lalo na't magbest friend sila mommy at mommy nina Clyde at kent.
"Congratulation, Sheena," bati sa akin ni mommy. Nginitian ko siya.
But I didn't expect na pupunta si Clyde at ang pamilya nito.
"Congratulation hija," bati sa akin ng mommy ni Clyde.
Nginitian ko ito. "Thank you Tita."
Tinawag na kami kaya dali-dali kaming pumunta sa respected chair namin. Ilang oras din ang ginugol ng seremonya at natapos na din sa wakas.
Dahil may handaan sa bahay ay pumunta kami doon, kasama ang pamilya ni Clyde.
"Balita ko, Bea at mamahala na si Sheena ng mga negosyo n'yo?" tanong ni Tita Shiella. Kumakain ito.
"Yes, iyon ang gusto niya. Bago siya sumabak sa panibagong kurso," nakangiting utas ni mommy.
"Wow, ano naman ang kurso na iyon?" Panlalaking matang sambit ni Tita Shiella.
"Teacher. Iyon talaga ang gusto niya. Pinagbigyan lang niya ako."
"Sana ay ganyan si Clyde. Pero iba ang gusto niya. Gusto niya maging Army," malungkot na sabi ni Tita.
"No 'ma, kukuha ako ng ibang kurso bago mag-army," singit nito.
"Sana naman ay iyong gusto ko ang kunin mong course."
Di na nagsalita si Clyde, ano naman ang dahilan at nagbago ang isip ni Clyde na kumuha ng panibagong kurso.
Nasa kusina ako at abala sa paglantak ng dessert ng pumasok si Clyde. Hindi ko ito pinansin, nagpatuloy lang ako sa pagkain.
"Isang taon pala akong maghihintay sa iyo," sabi nito sa akin. Nakasandal ito sa counter.
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. "What do you mean?" takang tanong ko.
"Di ba isang taon ka na di mag-aaral? So isang taon akong maghihintay."
Tumaas ang kilay ko. "Wala kang dapat hintayin Clyde. Wala namang tayo. Kaya di mo obliga na hintayin ako."
Napatayo ako at umalis na sa kusina. Iniwan ko siya doon na nag-iisa. Nang makalabas na ako sa kusina ay napasandal ako sa may pader. Hawak-hawak ang puso kong nasasaktan.
"Oh! Anong nangyayari sa iyo?" tanong ni Ate.
"Wala."
"Halika na, nand'ya na si Kent. Sabi ni mommy pag-uusapan daw ninyo ang kasal ninyo," sabi nito sa akin. Pero ramdam ko ang sakit sa tinig nito.
"Ate!" tawag ko sa kanya. Huminto ito. "Gusto mo si Kent right?" nanigas ito sa tanong ko. "May pagkakaintindihan na ba kayo ni Kent?" tanong ko dito. Limang taon ang agwat sa akin ni Ate Selena.
"Hindi kami pwede. Dahil ikakasal na kayo," saad nito.
"Pwede naman niyang pigilan iyon. Ako, gagawin ko ang lahat wag lang matuloy ang kasal na ito," sabi ko kay Ate.
Humarap ito sa akin. Lumapit ito sa akin. "Yan ang wag mong gawin. Magpakasal ka sa kanya. Iyon ang nararapat." May luha sa mga mata nito
Nginitian ko siya. "No Ate. Ako ang masusunod. Ayaw kong makasal sa kanya, kahit kanino," sabi ko dito.
Iniwan ko si Ate Selena doon sa may kusina. Hindi nila madidiktihan kung sino ang papakasalan ko.
Dumating na nga si Kent. Nahuli kasi ito.
"Nandito ka na pala, Sheena. Umupo ka ng mapag-usapan natin ang kasal ninyo ni Kent sa susunod na taon."
"Hindi nga ako magpapakasal di ba!" sigaw ko. "Bakit hirap ninyo makaintindi," sambit ko.
Lumabas naman si Ate Selena, kasunod noon si Clyde. Napatigil ang dalawa sa paglapit sa amin, dahil sa sigaw ko.
"Kung papatuloy ninyo ito mommy. Aalis ako sa bahay na ito at di na ninyo ako makikita pa kahit kailan," final kong sabi sa kasali. Umalis na ako sa harapan nila at umakyat sa kwarto ko.
Ang ayaw ko sa lahat ay dinidiktahan ako sa lahat ng gagawin ko, at ang pagpapakasal kay Kent ay wala sa plano ko.
Kaya ginawa kong isang taon bago ako mag-aral ay para makaiwas na ng tuluyan kay Clyde. Siguro sa pagbabalik ko sa pag-aaral ay mawawala na itong nararamdaman ako. Siguro sa pagbabalik ko sa pag-aaral ay makakalimutan ko na siya ng tuluyan.
Dumapa ako sa kama. Di ko namalayan na nakatulog pala ako.
NAGISING ako, dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa labas ng bintana. Naalala ko pala na wala ako sa bahay namin ni daddy. Nasa Hacienda Victoria pala ako.
Bumaba na ako para magluto ng almusal. Kahit na galit ako kay Clyde at di ko kayang magutom. Wala pala sa akin ang phone ko. Paano ko matatawagan ang taong iyon. Dahil hanggang ngayon ay di pa nito binabalik ang phone ko.
Wala akong naabutan na tao sa loob. Sobrang tahimik. Siguro lumabas si Clyde. Lumapit ako sa main door. Dahil gusto kong makalanghap ng sariwang hangin. Napatingin ako sa paligid nakita ko si Clyde na pinapaliguan ang kabayo na dala namin kahapon. Naalala ko na naman ang nangyari sa amin sa ilog.
Talaga bang bumigay ako dito?
Bigla kong naisip. Siguro kung hindi kami nagkahiwalay ni Clyde ay baka mayroon na kaming mga anak ngayon. Pero sadyang ganun na yata ang kapalaran namin, dahil nagkahiwalay kami at ngayon ay pinipilit niyang bumalik ako sa kanya.
Pumasok ako sa loob ng bahay at nagtungo sa kusina at magluluto ako ng breakfast namin. May nakita akong sea foods sa ref. at kinuha ko iyon, agad kong inihanda ang lulutuin ko.
Malapit na akong matapos sa pagluluto ng may yumakap sa aking baywang mula sa likuran. Hinalik-halikan pa nito ang leeg ko.
"Ang bango naman," bulong nito. Bigla ay kinilabutan ako, dahil tumama sa batok ko ang hininga nito.
Di ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Lalo na't may nangyari sa amin kahapon. "Umalis ka muna Clyde, nagluluto ako," taboy ko dito. Pero hindi ito umalis sa likuran ko. Bagkos ay binigyan niya ng maliit na halik ang aking leeg.
Napatingala ako at di napigilan ang umungol. "I want to eat……you."
Napapikit na lang ako, dahil sa ginagawa nito sa aking katawan. Ipinasok nito ang isang kamay sa loob ng damit ko at agad na sinakop ng kamay nito ang aking isang dibdib kahit na may bra pa ako.
Pinaharap niya ako at siniil niya ng halik ang aking labi. Isang mapusok na halik na kalaunan ay ginantihan ko. Naglabanan ang aming mga labi. Hinabol ko ang labi nito ng bumaba ito patungo sa aking leeg.
Napatingala ako, dahil sa ginagawa nito sa aking leeg. Habang abala ang labi nito sa aking leeg ay ipinasok naman nito ang kamay sa aking short at hinimas ang pagkababae ko. Bumalik muli ang labi nito sa aking labi at agad ko naman iyong ginantihan.
Hinubad nito ang aking pang-itaas at sinunod nito ang aking bra. Lumantad sa harapan nito ang aking malulusog na dibdib. Hinawakan nito iyon.
"Mas lalo yata silang lumaki?" tanong nito sa akin. Habang hinahaplos nito ang aking dibdib at pinaglalaruan ang isa kong corona.
Di pwedeng nalaman ni Clyde ang tinatago ko.
"Hindi ko alam. Bigla na lang silang lumaki," napaungol ako ng isubo nito ang isa kong corona. Napahawak ako sa buhok nito at mas lalo pang siyang inilapit sa may dibdib ko. Ang isang kamay naman nito ay nakasuporta sa likuran ko, para mas mapalapit pa ako dito.
Napaliyad akong muli dahil sa ginagawa nito sa akin. Pinagsawa nito ang labi sa aking dalawang didbib.
"What the fuck!" Isang tinig ang nagpahinto sa ginagawa ni Clyde sa akin. Agad akong niyakap ni Clyde para di makita ng taong iyon ang hubad kong katawan.
"Pwede bang doon ka muna sa sala Eli." Taboy ni Clyde sa bisita, kasunod ni Eli si Rey Mart. Kumunot ang noo ng lalaki.
"Ang daming kwarto bakit dito pa?" tanong ni Rey Mart. Hindi sumagot si Clyde.
Di na ako magtataka kung bakit alam ni Eli ang ancestral house na ito. Asawa pala nito si Rey Mart Montemayor ang nag-iisang kapatid ni Rolyn Montemayor.
"Magluluto ako Clyde," wika ko Dahil baka wala akong matapos ngayon at tanghali na ang agahan namin.
Gusto kong makausap si Eli mamaya, kaya dapat ay kami lang dalawa mamaya. May mga katanungan lang ako, na alam kong si Eli lang ang tanging makakasagot.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro