Chapter 61
HABANG nasa van kami kanina ay tahimik lamang ako. Di nila napansin na may mga device na nakakabit ss aking katawan. Di rin naman nila mapapansin ang mga device na iyon. Dahil sobrang liit ng mga iyon.
"Wag kang mag-alala, Sheena. Malapit ka na naming matrack. Kunting tiis na lang babe." Di ako umiik. Dahil baka mahalata nila ako.
Bumukas ang pinto ng pinagdalhan nila sa akin at iniluwa doon si Ivy. Nakangisi ito sa akin.
"Ang akala mo siguro ay maiisahan nyo ako? Alam ko ang mga pinaggagawa ni Clyde. Sinasakyan ko lamang siya."
"Bakit mo ito ginagawa?" tanong ko dito. "Akala pa naman, tunay ang pinapakita mo sa akin. Hindi pala."
Tumawa ito. "At naniwala ka naman? Lahat Sheena ay planado ko. Mula sa pagkakilala natin. Sa pagkakaibigan."
"Hayop ka talaga. Di ka pa nakuntento. Ano ang kasalanan ko sa iyo? Bakit mo ako ginaganito?"
Gusto ko siyang saktan. Pero di ko magawa. Dahil nakagapos ako sa kinauupuan ko ngayon.
"Dalawa lang naman ang kasalanan nyo o mo sa akin," sabi nito. "Una, your father bretray my father. Kahit na walang kasalanan ang ama ko ay inakusahan pa rin siya na nagnakaw sa kumpanya ninyo. Ikalawa ang pang-aagaw mo kay Clyde. Una siyang naging akin. Pero bakit ikaw ang minahal niya. Pwede naman ako!" sigaw nito.
Tinignan ko siya. "Iyon lang? Nagawa mo na itong lahat? Una, Ivy. May kasalanan naman talaga ang ama mo."
"No, hindi. Wala siyang kasalanan!" sigaw nito.
"Ikalawa. Hindi mo madidiktahan ang tao na ikaw ang mahalin. Unang naging akin si Clyde, Ivy. Mga bata pa lang kami ay gusto na ako ni Clyde."
Napatingin ito sa akin. "No, binubilog mo ang utak ko."
"Hindi! Nasaan na ba iyong Ivy na nakilala ko? Nasaan na ang Ivy na naging bestfriend ko? Nasaan na ang Ivy na tagapagtanggol ko? Ibalik mo siya please," umiiyak kong sambit.
Di ko kaya ang makita na nagkakaganito si Ivy. Kaibigan ko siya, bestfriend. Pero dahil sa mga nangyari ay naging masalimoot ang lahat.
"Wala na ang Ivy na iyon. Matagal ng patay." Tumayo ito nang tuwid. Tapos ay ngumisi. "Humanda ka. Matitikman mo ang hirap na dinanas ko."
"Hirap? Sa ating dalawa, ako ang naghirap," sabi ko dito.
"Kung naghihirap ka, mas lalo ako. Sheena. Dahil kahit kailan hindi ko nakuha ang gusto ko. Gusto ko lang naman na mapasaakin si Clyde. Pero mukhang malabo. Dahil hangga't nabubuhay ka ay di niya ako makikita bilang ako."
Bigla akong natakot sa sinabi ni Ivy. Hindi na ito ang Ivy na nakilala ko noon. Ibang-iba na ito ngayon.
DI AKO mapirme sa isang lugar. Nag-aalala ako kay Sheena. Lalo na't hanggang ngayon ay di pa namin siya nate-trace. Kahit na naririnig namin ang usapan.
Napasuklay ako sa aking buhok.
"Don't worry to much, Clyde. My men is now working. They will find Sheena as soon as possible." Di ko siya nilingon.
Nandito kasi si Rey Mart. Even, Eli is here now. Sabi nj Eli sa akin, hindi nila pwedeng pabayaan si Sheena. Malakas ang impluwensya ni Rey Mart. Maraming koneksyon. Mas mabuti na ding nandito si Eli, para kahit paano ay may nagbabantay sa mga bata.
"Sir, we located the location of Mrs. Montecalvo." Informa sa amin ng isa sa mga tauhan ni Rey Mart. "And our spy on the group are now in position, even the sniper." Balita nito sa amin.
Nilingon ko si Rey Mart. Ngumisi ito, alam ko ang ngising iyon.
"The bring it on!" Tumayo si Rey Mart. Kumunot ang noo ko.
"No, Rey. I am the one who will save Sheena," madiin kung sambit dito.
"Okay!" sabi nito sabay taas ng kamay. Tanda na ibinibigay niya sa akin ang laban na ito.
"Pero ang mga sniper ko ay hindi ko aalisin, in case lang na di mo masalba si Sheena. May laban ka pa rin." Tumango ako.
"Were is their location?" tanong ko sa isa sa tauhan ni Rey Mart. Alam kong professional ang mga tauhan nito. Hindi basta-basta ang mga tauhan nito.
Itinuro nito ang lokasyon kung saan si Sheena ngayon.
"Alam ko ang lugar na iyan!" Doon ko lang napansin ang pagpasok ni Airene at Icy.
"Nabalitaan namin ang pagkakakidnap kay Sheena at alam din namin na si Ivy ang nasa likod nang lahat nang ito," sambit ni Airene.
"Saan iyan?" tanong ko sa kanila.
"Sa dati naming bahay. Since wala na ang daddy namin ay mas pinili namin ni Ivy na iwanan ang bahay na iyan. Dahil masyadong masakit ang mga nangyari sa amin at ang bahay na iyan ang saksi sa bawat paghihirap namin." May sakit sa bawat pagbigkas ng mga kataga ni Icy.
"Kung ganun ay puntahan na natin. Dahil baka mapatay ni Ivy, si Sheen. Naririnig ko ang bawat paghihirap at sigaw ni Sheena." Nagngingitngit kong sabi.
On the way na kami sa lugar kung saan ang dating bahay nina Ivy. Okay naman ang byahe, pero pagkarating namin sa mismong lugar ay masyadong masukal.
"Matagal na kasing di nalinisan. Kaya siguro tumubo ang mga damo."
"Mag-ingat kayo, Clyde. Dahil nagkalat ang mga tauhan ni Ivy."
"Copy that." Si Rey Mart ang mga mata namin. Sa pagsugod namin sa pinagdahlhan ni Ivy kay Sheena ay alam ko na handa kong ibuhis ang buhay ko. Mailigtas lang ang babaeng mahal ko.
"Ahhhh!" sigaw ko. Dahil sa sakit na ginagawa nila sa akin.
They tortured me. Sobrang hina ko na, gusto ko nang sumuko pero iniisip ko ang pamilya ako.
"Ang tigas mo talaga!" galit nitong sambit sa akin.
Ngumisi ako. "Hangga't may pamilya akong naghihintay sa akin, lalaban ako Ivy."
Matapos nila akong iwan kanina. Ilang minuto ang lumipas ay bumukas muli ang pinto ng kwarto na ito. Pero sa pagkakataon na iyon at kinuha nila ako ay dinala sa isa pang kwarto.
Iginapos nila ang dalawa kong kamay. Habang ako ay nakatayo, at sinimulan na nila ang paglalatigo sa akin. Yes, nilalatigo nila ako. Sobrang sakit, pero tinitiis ko.
"Tignan natin kung hanggang saan ang tigas mo." Lumapit ito sa akin, at may dalang kutsilyo. Walang pagdadalawang-isip nitong isinaksak sa akin ang kutsilyo na iyon.
Napasinghap ako, dahil sa pagsaksak nito sa akin. Hanggang sa mapabuga ako ng dugo.
"Mamatay ka Sheena. Dito, sa mismong bahay na ito." Tumatawa nitong sambit.
May lumapit na tauhan dito. Ngumisi ito.
"Your beloved husband is now here. How sweet he is. Dinadalaw niya ako."
Sobrang nanghihina na ako. Dahil sa samu't-saring sugat ko. Pero bigla akong nabuhayan nang loob nang marinig ko na nandito na sila Clyde.
"Pupuntahan ko lang ang magiging hubby ko."
Tumalikod ito at lumabas ng kwartong iyon. Sana ay bilisan nila ang pagpunta sa akin, masyado na akong nahihirapan.
"Love," tawag nito sa akin.
"Yes," sagot ko dito.
Walang nakakarinig ng pag-uusap namin. Dahil ako na lang ang mag-isa sa kwarto na ito.
"How are you?" tanong nito sa akin.
"I am not fine. Sinaksak niya ako. Clyde. Pakibilisan. Nanghihina na ako," sabi ko dito.
"I'm on my way."
"Papunta si Ivy sa gawi ninyo. Mag-ingat kayo," sabi ko dito.
"We know. Kaya antayin mo ako."
Ngumiti lamang ako. Gusto kong humiga pero di ko magawa. Dahil nakagapos ang dalawa akong kamay at nakataas ang mga ito.
Sana ay di sila magtagal. Dahil baka bumigay ako. Sobrang hina ko na at marami na ring dugo na nawawala sa akin. Sobrang sakit ang nararamdaman ko sa mga sugat na natamo ko mula sa latigo.
"On position," rinig kong sambit ni Clyde. Dahil nanatili pala itong nakakonekta ss akin. Napangiti ako, dahil alam ko malapit na sila sa gawi ko.
BINILISAN ko ang takbo ko. Dahil alam ko ang kalagayan ngayon ni Sheena. She's in pain right now. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masamang mangyari sa babaeng mahal ko.
Inisa-isa kong buksan ang kwarto. Hanggang sa tumambad sa akin ang isang katawan na tila wala nang buhay. Nakatayo ito, nakabitin ang dalawang kamay at nakayuko.
Agad ko itong nilapitan. "Sheena!" sigaw ko, nang makilala ko ito.
Di rin biro ang pagpunta namin sa bahay na ito. Maraming nakabantay sa labas. Mabuti na lang at nandoon ang ibang tauhan ni Rey Mart. Kaya madali lang akong nakapasok.
"Sheen, love!" tawag ko ito. Pero di ito gumigising. Tinanggal ko ang tali sa pagkabilang kamay nito at agad na sinalo ang katawan nito nang matumba ito.
Inihiga ko ito sa sahig. Agad ko itong binuhat at lumabas sa kwarto na iyon. Sisiguraduhin ko munang ligtas si Sheena. Bago ko harapin si Ivy.
Magtutuos tayo Ivy. Umungol si Sheena. Dumilat ang mga mata nito. Ngumiti ng di abot sa mga mata.
"Hold tight love. Ipapadala kita sa hospital." Pumikit muli ang mga mata nito.
Di ito nagsalita. May sumalubong sa akin na isa sa mga tauhan ko.
"Dalhin ninyo siya sa hospital. Make sure na walang mangyayari sa kanya or else. Lahat kayo malalagot."
"Yes Sir." Agad na tumalima ang mga tauhan ko.
Inilabas ko ang baril ko at ikinasa iyon. Ngayong wala na si Sheena dito ay si Ivy naman ang haharapin ko. Pagbabayarin ko siya sa lahat ng ginawa niya sa akin at sa Pamilya ko.
"Easy, Montecalvo. Maraming tauhan si Ivy. Kahit na di nagpapakita sa kanya si Ricafort ay lihim siya nitong tinutulungan."
"Kahit sobrang dami pa iyan, Rey. Pagbabayaran niya ang ginawa niya sa akin at sa pamilya ko," galit kong sambit.
Pumasok akong muli sa loob ng bahay. Nakahandusay ang mga katawan na wala ng buhay. Itinutok ko ang baril ko sa unahan at naglakad, paabante.
Umakyat ako sa itaas dahil may naririnig akong isang tugtog. Isang malamyos na tugtogin. Agad ko iyong pinuntahan. Naglakad ako sa hallway at tumapat ako sa isang kwarto kung saan nagmumula ang isang musika.
Dahan-dahan ay binuksan ko ito. Tumambad sa akin si Ivy, prenting nakaupo sa kama at nakangiti ito.
"Mabuti naman ay dumating ka Clyde. Miss me?" tanong nito sa akin.
Iniumang ko ang baril ko sa harapan nito. Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa baril ko.
"Papatayin mo ako?" tanong nito. "Sige patayin mo ako. Iyan naman ang gusto mo di ba."
"Bakit mo ito ginawa Ivy?" tanong ko sa kanya.
"Paulit-ulit na lang ang tanong ninyo sa akin. Bakit ko ba ito ginagawa? Nakakasawa nang sumagot!" sigaw nito sa akin.
Ibinaba ko ang baril ko, dahil wala naman itong dalang baril. Pero nagkamali ako, dahil nang ibaba ko na ang baril ko ay siya nitong pagpaputok sa akin. Tinamaan ako at humandusay sa sahig.
"Kung di ka din naman magiging akin Clyde. Mas mabuti pang mamatay ka!" sigaw nito sa akin.
Pero bago nito iputok ulit ang baril at inunahan ko na ito. Dalawang beses ko siyang pinaputukan. Humandusay ito sa sahig.
Tumayo ako at lumabas na sa kwarto na iyon. Tinignan ko si Ivy na wala nang buhay. Tapos na din ang lahat. Tapos na ang paghihirap namin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro