Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 60

HINDI ako nagsabi kay Clyde na uuwi kami ngayon ng Pilipinas. Gusto naming surprisahin si Clyde. Didiretso kami sa bahay nito, bago kami uuwi ng mansion.

"Are you sure about this?" tanong ni Eli sa akin.

Hinawakan ko ang mga kamay nito. I know na sobrang nag-alala ito sa pag-uwi namin. She is my only friend here, kaya alam ko ang labis na pag-alala nito.

"Yes, ito na ang tamang panahon. Para umuwi kami sa Pilipinas. Ilang taon din akong nagtago sa ibang bansa. Ngayon ay dapat ko nang bawiin ang pag-aari ko."

Siguro ay wala talaga akong isang salita. But, I love Clyde so much. Kahit anong iwas ko sa kanya ay nahahanap at nahahanap niya ako. Kaya napagod na siguro ako sa kakatago o kakatakbo. Kaya dapat ko ng bawiin kung ano ang akin. Wala na akong pakialam kay Ivy. Clyde didn't love her. I know that. Sa loob ng sampung taon na di kami nagkita o nagkahiwalay ay walang nabago sa nararamdaman ni Clyde para sa akin.

Ramdam ko ang pagmamahal ni Clyde para sa akin. Pwede namang magpakaama si Clyde sa bata, di ko ipagdadamot si Clyde sa anak nito.

"Don't worry, Sheen. Everything will be smooth and okay. Ako na ang bahala sa pagbabalik ninyo ng Pilipinas. I will assure you that you and the kids will be safe," lintaya ni Rey Mart. Nakarating na pala ito.

"Kailan ba kayo uuwi ng Pilipinas?" tanong ko dito.

Napatingin si Eli kay Rey Mart. Alam ko na di pa kayang umuwi ni Eli sa Pilipinas. Naging masalimoot ang karanasan nito sa Pilipinas.

"Soon," tanging sabi nito sa akin.

Humigpit ang hawak ko sa kamay nito. "Face your fears. Alam ko na natatakot ka, pero nandyan si Rey Mart. Alam ko na handa ka niyang protektahan."

Yumuko ito. "Hindi ganun kadali ang lahat, Sheena. Sobrang trauma ang ibinigay ng Pilipinas sa akin. Kaya nahihirapan akong bumalik sa kung saan ako nagmula."

"I know. Alam ko ang pinagdaanan mo. "Alam ko ang lahat ng Pinagdaanan nito sa Pilipinas noon. Sobrang traumalize naman talaga. Nagkwento kasi ito sa akin, at sa bawat bigkas ng salita nito ay may kaakibat na sakit."

Niyakap ko si Eli. Umiiyak na ito ngayon.

 

Ilang oras nang lumalapag ang eroplano na sinasakyan namin ng mga bata dito sa Pilipinas. Hinihintay na lang namin ang sundo namin.

Napangiti ako, dahil sobrang gwapo ng driver namin ngayon. Pero nasa gilid nito ang sobrang bagot na bagot na babae.

"Bakit ba kasi sumama ako sa iyo." Maktol nito.

"FYI, hindi ko sinabi na sumama ka."

Nagtalo na naman ang dalawa. Kahit kailan, hindi na magkakasundo ang dalawa. Kahit na alam ko ang nakaraan nilang dalawa.

Beatriz Alvarez, roll her eyes on her Ex-husband. Iilan lang kami sa nakakaalam na  mag-asawa dati ang dalawang ito. Pero di naman nagpa-annull, kahit na mapera ang mga ito.

"Sheena," nakangiting tawag ni Beatriz sa akin. Nagbago bigla ang mukha nito ng makita ako.

Beatriz is my childhood friend. Di naman kami close talaga, kahit noon pa.

Hindi ko din alam na magkakilala pala sila ni Clyde.

"Mabuti at umuwi ka na."

"Alam mo naman kung bakit umuwi ako di ba?"

"Yeah, babawiin mo pala ang secret husband mo." Umiling na lang ako.

"Damien," tawag ko dito.

Ngumiti ito, pero di abot sa mga mata nito.

"Tito Damien!" sigaw ng dalawang bata. Yumakap agad ito sa Tito nila.

"How are you Clea?" tanong ni Damien.

"I am okay now Tito. Strong and healthy," nakangiting sambit nito sa Tito nito.

Nagpapasalamat ako, dahil naging okay ang recovery ni Clea. Sobrang thankfull then ako, dahil sobrang bilis ng paggaling nito.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Beatriz sa akin.

"Sa bahay ni Clyde."

Nakarating kami sa bahay namin noon ni Clyde. May mga ilaw ang buong bahay, kaya alam ko na may tao.

Bumaba ako sa kotse. Iniwan ko muna ang mga bata kina Beatriz. Pumasok ako sa gate ng bahay. Pagkarating ko sa pinto ng bahay ay agad akong nagdoorbell.

Nagulat ako, dahil si Ivy ang nagbukas ng pinto. Di agad ako nakagalaw. Tinignan ko si Ivy. She is wearing a polo shirt of Clyde.

"Where is Clyde?" tanong ko sa kanya. Di ko gusto ang iniisip ko. Sana ay mali ako na dito tumitira si Ivy.

"Hindi pa umuuwi. Pasok ka, antayin mo na lang sa sala si Clyde. Pauwi na rin iyon," nakangiting sabi nito sa akin.

Kumunot ang noo ko. Bakit parang may nag-iba? May nakita akong tao sa isang sulok. Ngumisi ako ng palihim.

"No need. Babalik na lang ako sa ibang araw. Tell Clyde. That his wife is home now and tell Clyde, iparating mo sa kanya na kasama ko ang mga anak namin," sabi ko dito.

Nagulat ito sa sinabi ko. Hindi nito alam na may anak kami ni Clyde.

"Hindi mo maaagaw si Clyde sa akin Sheena," madiin na sambit nito.

I look at her with a chin up. "Hindi maaagaw? Alam mo ba Ivy na nasa akin si Clyde buong buwan noong nakaraang buwan? Baka nga may laman na itong tiyan ko," ngisi ko dito. Hinawakan ko ang impis kong tiyan. "At isa pa, wala akong aagawin sa iyo. Because in the first place. Unang naging akin si Clyde."

"Unang naging akin si Clyde Sheena!" sigaw nito.

"Okay, unang naging iyo. Minahal ka ba? Pinakasalan ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Malapit na kaming magpapakasal."

"Came on, Ivy. Alam nating dalawa na hanggang ngayon ay kasal pa rin kami ni Clyde. If he want to annull me at gusto ka niyang pakasalan. Di sana pinirmahan niya ang annullment papers. Pero hindi. Kasi ayaw niya akong mawala."

"Wag kang papasiguro Sheena. Dahil bilog ang mundo," ngumisi ito.

"Yeah, bilog ang mundo. Sa sobrang bilog ng mundo. Minahal ka ba ni Clyde? For 10 years naging iyo ba siya?" tanong ko dito.

Nanlilisik ang mga mata nito na nakatingi sa akin.

"Sheena!" tawag nito sa akin.

Mas lalo akong napangisi. Nilingon ko siya, alam kong di nito napansin na nasa harapan namin si Ivy. Nakatalikod kasi si Clyde dito at  nang nilapitan niya ako ay nasa akin lamang ang mga mata nito.

"Bakit hindi ka nagsabi na uuwi kayo?" tanong nito sa akin.

Agad kong ikinawit ang mga braso ko sa batok nito. Pinagdikit ko ang aming mga katawan.

"I want to surprise ko. Pero ako ang surprisa. May binabahay ka na pala." Kunot-noo niya akong tinignan.

Tsaka lamang niya napansin na bukas ang mga ilaw sa bahay namin.

"Matagal na akong di umuuwi dito."

"Eh! Anong ginagawa ni Ivy sa bahay NATIN?" tanong ko kay Clyde.

Humarap si Clyde sa may pinto, at doon nakita nito si Ivy na nanlilisik ang mga mata sa akin.

"What are you doing here Ivy? Paano ka nakapasok sa bahay namin ni Sheena?" tanong nito sa babae.

"You give me the duplicate key." Tumaas ang kilay ko.

Magsisinungaling na nga lang iyong di pa pulido.

"No need the duplicate key, Ivy. High tech ang bahay namin. Finger and iris scan lang kailangan n'yan."

Namula ito. Siguro dahil napahiya ito.

"Iyo na ang bahay na iyan, Ivy. Bibili na lang ako ng bago," sabi ni Clyde dito.

Tinalikuran na namin ito. Nilingon ko pa ito, tapos ay nginisihan ko ito. Sobrang pula na ang mukha nito dahil sa galit sa akin.

Binuksan ni Clyde ang pinto ng kotse nito. Pumasok ako sa front seat. Umikot naman si Clyde papuntang driver seat.

Nang makapasok ito at agad niya akong tinignan. Galit niya akong tinignan.

"Bakit di ka nagsabi na uuwi kayo ng mga bata?" tanong nito sa akin.

"Gusto ko lang na surprisahin ka. Pero ako ang nasurprisa."

"Hindi na ako umuuwi sa bahay na iyon. Matagal na." Binuhay nito ang makina ng kotse nito at pinatakbo.

"Sino ang tumawag sa iyo?" tanong ko dito.

"Beatriz. Nag-alala kasi siya sa iyo dahil di ka pa daw lumalabas."

"May nakita akong anino kanina sa loob ng bahay," sabi ko dito.

"Sana di ka muna umuwi. Dilikado." Nilingon ko siya.

"Kaya ko ang sarili ko, Clyde. Gusto nang umuwi ng mga bata."

Dumating kami sa mansion namin. Nakasunod lang sa amin ang kotse nina Beatriz. 

Bumaba agad ako nang makapasok kami sa loob ng gate.

"Sheena!" tawag nito sa akin. Di ko siya pinakinggan o nilingon man lang. Naiinis pa rin ako, dahil sa naabutan ko sa dating naming bahay.

Pero ano ang ginagawa ni Ivy sa bahay namin na iyon? Ano ang plano mo Ivy? Alam mo ba na uuwi ako ngayon?

NAPASUKLAY ako sa aking buhok. Labis ang pag-alala ko nang tumawag kanina si Beatriz at sinabi na nasa Pilipinas si Sheena at ang mga bata, at doon sa dati naming bahay ito tumuloy.

Nag-alala kasi si Beatriz, kung bakit ang tagal bumalik ni Sheena. Gayong, magha-hi lang daw ito sa akin.

Kaya dali-dali akong pumunta sa dati naming bahay at doon ay naabutan ko ito. Di ko agad napansin na bukas ang lahat ng ilaw sa buong bahay, dahil ang atensyon ko ay nasa kay Sheena lamang. Laking gulat ko na nandoon si Ivy.

Alam kong alam ni Ivy ang lahat ng galaw ni Sheena. Noon pa man, at alam ko din ang ginagawa nitong pananakita sa bata kung wala ako, at alam ko din na triplets ang anak namin ni Sheena at nasa kay Ivy ang isa naming anak ni Sheena. Kailangan kong makuha ang bata, kailangan kong mabawi ang anak namin ni Sheena na nasa kamay ni Ivy.

"Ano ang plano mo ngayon?" tanong ni Damien. Nasa study room kami ngayon sa bahay ni Sheena. Ayaw kong iwan ang mag-ina ko lalo na't nasa Pilipinas sila ngayon.

"Ang hulihin sa akto si Ivy."

"Malabo iyan, masyadong matinik iyang babaeng obssess sa iyo," umiling-iling na sambit nito sa akin.

"Hindi siya matinik, mautak lang talaga siya. Kakausapin ko si Sheena. Alam ko na siya lang ang tanging susi. Para mapaamin si Ivy."

"Papaano ka makakasiguro?" tanong nito sa akin.

"Ayon sa spy ko na nasa panig nila Ivy. Kikidnappin ni Ivy ang isa naming anak. Pero si Sheena ang makukuha nila. Nakaplano na iyan, mas mabuti na nga at umuwi si Sheena. Para dito mangyari ang lahat."

"Di kaya mapahamak si Sheena, n'yan. Clyde?" tanong ni Beatriz sa akin.

"Hindi, sisiguraduhin ko na may magmamatyag sa kanya. Para mailigtas agad natin siya."

 

Kung makakabuti ito para sa amin at para matapos na din ang lahat ng ito ay papayag ako sa isinuggest ni Clyde na ako ang gagawing pain. Di pwede ang dalawa kong anak ang maaari nilang kunin, kundi ako lang.

Nasa mall ako ngayon. Nagsha-shopping. Nasa katawan ko ang isang device na pwedeng magbigay ng lokasyon sa kina Clyde. Kung sakali na ngayon gagawin ang pagkidnap sa akin.

Isang linggo na mula nang makauwi na kami sa Pilipinas. Isang linggo na ding nasa bahay ang mga bata. Kahit ang anak nila Clyde at Ivy ay nasa poder namin, dahil sinasaktan pala ito ni Ivy.

Bawat galaw ko ay alam nina Clyde. Dahil di lang tracking device ang nakalagay sa katawan ko. Kahit audio ay nilagay na din nila. Para marinig nila ang lahat ng pag-uusap namin ni Ivy once kidnappin nila ako.

Kasalukuyan akong namimili ng mga damit ng mga bata, nang may matigas na bagay na tumusok mula sa aking likuran. Napatigil ako. Dahil baka maling galaw ko lang ay bumaon sa gilid ko ang matigas na bagay na iyon.

"Wag kang gumalaw," bulong nito sa akin. "Lumakad ka lang nang natural para di ka masaktan," sabi nitong muli sa akin.

Sa paraan ng paghawak nito sa akin ay para talaga kaming magjowa na nagdadate. Nakaakbay kasi sa akin ang lalaki.

"Sheena!" tawag ni Clyde sa akin. Naririnig nito ang nangyayari at naririnig ko din sila. Di lang talaga ako nagsasalita.

"Ano ba ang kailangan mo?" Tanong ko sa lalaki.

"Wala akong kailangan sa iyo, ang boss namin ang may kailangan sa iyo."

Tumahimik na lang ako. Nakarating kami sa basement parking at pumunta kami sa isang van. Binuksan nito ang van at pinapasok ako doon.

"Hello, Sheena. Miss me?" nakangising sambit si Ivy.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro