Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 55

DI KO alam kong ano ang nangyari. Dahil nang niyakap ko ang aking ina ay nawalan ako ng malay. Di ko matanggap na wala na aking ina.

Di ko man lang naabutan ang akin ina. Bumangon ako, nasa ospital din pala ako.

"Don't move," saad ng isang boses.

"Clyde…" tanging nasabi ko na lamang.

Ano ang ginagawa niya dito. Oo nga naman, bestfriend ni mommy ang ina nito.

"How's your feeling?" concern nitong tanong sa akin.

"I am fine." Di ko siya magawang tignan. Dahil alam ko sa sarili ko na di pa ako nakamove on.

It's been 10 years, sobrang tagal na pero hanggang ngayon ay nandito pa rin ang sakit. Napatingin ako sa kamay nito. Sa mismong daliri nito. Walang singsing na pagkakatanda na kasal na ito. Ngumiti ako ng mapait.

Oo nga naman sino ba ang gustong malaman ng marami na kasal na pala ang lalaking nasa harapan ko. Hinubad siguro nito ang singsing.

"Magpahinga ka muna. Mamaya ay lalabas ka na," malumanay nitong sabi sa akin.

"Si mommy?" Pumiyok ang boses ko. Dahil di ko talaga matanggap na wala na ang aking ina, na naging sandalan ko noon, sa mga panahon na sinubok ako ng panahon.

"Nasa morgue na. Baka mamayang gabi ay iuuwi na ang labi niya sa mansion ninyo," sabi nito sa akin.

Umupo ito. Hinawakan nito ang kamay ko. Kumislot ako, dahil hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang kuryente na sa tuwing nagdadantay ang mga kamay namin ay lumalabas.

Napatingin ako sa kanya. Mismo sa mga mata nito. Mapungay iyon and I saw a longing in his eyes. Umiwas ako, dahil ayaw kong mag-assume.

"Nandito lang ako, Sheena. I am always here. Kahit na iniwan mo ako 10 years ago," malumanay nitong sabi sa akin. Hinahaplos din nito nang mabagal ang aking kamay.

"Ginawa ko iyon, dahil may batang involve, Clyde." Napatingin ako sa kanya. "Hindi kaya ng konsensya ko na lumaki ang bata na walang ama," sabi ko dito.

Kahit na nasasaktan din ako, dahil lumaki ang mga anak ko na walang ama.

"I know. Pero sana hindi mo ako binitawan. Nasasaktan ako. Nasaktan ako ng husto ng magising ako sa isang ospital na wala ka sa tabi ko."

Napalingon ako sa kanya. "What do you mean?" tanong ko dito.

"I met an accident, 10 years ago. Hinabol kita, papunta na sana ako ng airport ng araw na iyon nang maaksidente ko. Nagising ako na walang maalala. Pero kalaunan ay bumalik ang ala-ala ko. Pero wala ka na, wala ka na sa tabi ko, at alam ko kasalanan ko iyon."

Umiwas ako  ng tingin dito. "Stop blaming yourself. Hindi na nating maibabalik ang nakaraan," tanging nasabi ko dito.

"Pero pwede naman tayong magsimula, di ba? Magsimula tayong muli. Ibalik natin ang dati," sabi ko dito. "Hindi ganun kadali iyon Clyde. Lalo na't may pamilya ka na. May asawa ka na."

"Asawa? Wala akong asawa." Deny nito.

Ngumiti ako ng mapait. "Wag mong ideny ang pamilya mo Clyde. May anak kayo ni Ivy."

Sumeryoso ang tingin nito sa akin. "Oo may anak kami. Pero di ko siya pinakasalan, Sheena. Pagkagraduate ko ng Crimonology ay agad akong nag-enroll para sa Army. Pagkagraduate ko sa Army, pinagpatuloy ko ang paghahanap ko sa iyo. You think na magagawa kong pakasalan si Ivy? No, hindi. Dahil hindi ko kayang matali kay Ivy. Your still my wife, Sheena. Dahil di ko pinasa sa korte ang annullment. Gayon din ang kopya na nasa kapatid mo."

Napalingon ako kay Clyde. "What do you mean?" tanong ko. Hindi magsink in sa akin ang lahat ng sinabi ni Clyde.

"Your still married to me. I am still your husband."

Nanlaki ang mga mata mo. All this time, akala ko annull na ako. Wala nang bisa ang kasal namin. Iyon pala ay hindi, I am still a married woman.

 

Kinahapunan ay lumabas na ako ng ospital. Pagkauwi ko sa aming bahay ay marami ng tao.

Bumaba ako sa kotse ni Clyde. Dahil si Clyde ang nagbantay sa akin, hanggang sa makalabas ako. Pumasok ako sa bahay. Nasa pinto pa lang ako ay nakita ko na ang isang kabaong, ang kabaong ng aking ina.

Di ko mapigilan ang umiyak. Nanghihina ang aking mga tuhod. Uupo sana ako sa sahig ng may umalalay sa akin. Hinawakan nito ang baywang ko. Para di ako matumba ng tuluyan at maupo sa sahig.

Nasa gilid ko lamang siya ng magtungo kami sa harapan ni mommy ko. Tinignan ko ang kabaong. Napaiyak ako lalo, dahil nandoon ang aking ina, na wala ng buhay.

Napayakap ako kay Clyde. Doon ay inilabas ko ang lahat ng hinanakit ko. Humigpit ang yakap ko sa kanya.

"Shhh! Tahan na, everything will be alright. Nandito lang ako. I am here for you," bulong nito sa akin.

Mas lalo lamang akong umiyak.

Inalalayan niya akong maupo sa isang upuan. Dahil parang di ko na kayang maglakad pa. All night ay nasa tabi ko si Clyde. Si Ate at si Clyde ang nag-asikaso sa mga nakikiramay.

Si daddy kasi tulala ay di magawang makausap. Lalo na ako.

"Sheena," tawag sa akin.

Nilingon ko ito. Tumulo na naman ang mga luha ko. Agad niya akong nilapitan at niyakap.

"Shh! Tahan na. Baka makasama sa iyo ang umiyak lalo. Shh!" Pag-aalo nito sa akin.

"Wala na si mommy, Airene. Di ko siya naabutan kanina. Akala ko makakasama ko pa siya ng matagal. Kung alam ko lang na ganito pala kaaga na kunin siya. Sana ay umuwi na lang ako last year."

Hinahagod nito ang aking likuran. "Everything had a reason, Sheena. Kaya siguro nangyari ito ay dahil gusto ng mommy mo na ayusin ninyo ang relasyon ninyo ni Clyde."

Umiling ako. "Ayaw kong makasira ng pamilya, Airene. Pinaubaya ko na siya kay Ivy."

"Oo, pinaubaya mo nga siya kay Ivy. Pero hindi naman sila nagwork out. After mag-graduate ni Clyde. He tried to live with Ivy. Pero hindi nagwork out. Dahil masyado siyang naging busy sa paghahanap sa iyo."

Napatingin ako sa kay Airene. Tapos ay sa gawi ni Clyde.

"Na sana ay di niya ginawa."

"Di mo siya masisisi, Sheena. He love you so much, to the point na gusto na niyang sumuko sa paghahanap sa iyo. Pero hindi siya sumuko. Ngayon ay nagkita na kayo. Give him a chance. Para na din sa mga anak ninyong dalawa."

Di ako nakaimik sa sinabi ni Airene. She know that I am pregnant with Clyde child. Noong araw na umalis ako, ay nagpasama muna ako kay Airene for check up. Kaya nalaman niyang buntis ako.

Nag-away kami ng araw na iyon. Ayaw nitong umalis ako na di man lang nalalaman ni Clyde na magiging ama na ito. Pero kalaunan ay natanggap na nito ang sitwasyon ko at desisyon ko.

"Hindi na kailangan, Airene. Masaya na ako sa buhay ko. Pwede naman niyang makilala ang mga anak namin. Pero ang makisama sa kanya? Makipagbalikan sa kanya ay di ko magagawa."

Napabuntong-hininga na lang si Airene dahil sa desisyon ko. Wala silang magagawa, dahil once na mangako ako ay di ko babaliin iyon.

Ilang araw din akong walang maayos na tulog. Ilang araw din na nasa tabi ko palagi si Clyde at Airene. Dahil wala si Jen at maselan ang pagbubuntis nito.

Icy is her too.  Nakikiramay, di ko siya idinadamay sa kasalanan ng kakambal nito. Si Ivy lang ay may kasalanan at labas si Icy doon.

Nasa terrese ako nang aming mansion. Gabi na at medyo malamig ang simoy ng hangin. Tumunog ang cellphone ko.

"Hello," sagot ko sa kabilang linya.

"Condolence," sabi nito sa akin. Napangiti ako. Pero di umabot sa aking mga mata ang ngiti na iyon.

Dahil hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako sa pagkawala ni mommy. Hindi ko maisip ang araw na wala si mommy sa tabi ko.

"Thank you, Eli!" Pumiyok ang boses ko.

"Magpakatatag ka. Nandyan ba si… Clyde?" tanong nito sa akin.

"Yes, and he never leave me. He is always on my side."

"Your son wan to talk to you," sabi nito sa akin.

"Mommy!" Napaiyak ako. Dahil sobrang miss na miss ko na din ang anak ko. Pinigilan ko ang hikbi ko.

"Yes, baby?" tanong ko sa kanya.

"Are you okay?" tanong nito. May pag-alala sa boses nito.

"I am fine, love. Ikaw, how are you?" tanong ko sa kanya.

"Fine too," sabi nito sa akin.

"Bye 'ma," paalam nito sa akin. "I love you."

"Bye, I love you, too, baby!" sabi ko dito.

Ibinaba ko na ang cellphone ko. Unti-unti ay tumulo ang mga luha ko.

"I am late, Sheena?" tanong ng isang pamilyar na boses.

Napalingon ako sa gawi nito. Kumunot ang noo ko, dahil sa tanong nito.

"What do you mean?" tanong ko dito.

Hindi ko kasi maintindihan ang sinasabi nito.

"Sino iyong ka I love you mo?" tanong nitong muli.

Nanlaki ang mga mata ko. Did he hear our conversation of my son?

"Narinig mo ba ang lahat?" kinakabahan kong tanong dito.

"Hindi lahat. Iyong pag sabi mo ng bye and I love you lang." Napabuntong-hininga ako.

"Huli na ba ako, Sheena? May iba ka na ba? May mahal ka na bang iba?" sunod-sunod nitong tanong sa akin.

Humarap muli ako sa malawak na lupain namin. Sobrang dilim ng nasa paligid namin, napatingala ako. Kay ganda ng mga bituin sa langit.

"It's none of your business… Clyde. Matagal na tayong tapos. Matagal na, Clyde," sabi ko sa kanya.

Tumawa ito ng mapakla. "Ganun na lang iyon? Ganun na lang sa iyo kadali na bitawan at palitan ako? Samantalang ako, nandito, patuloy na umaasa sa iyo na balang araw ay babalik ka sa akin."

'Kung alam mo lang din ang pinagdaanan ko, Clyde. Kung alam mo lang.'

"Sana ay di ka na umaasa Clyde. Dahil walang kasiguraduhan na magbabalik ako sa Pilipinas. Lalo na't nandoon na ang buhay ko."

"Great!" palatak nitong sabi.

Humarap ako sa kanya. "I am sorry, hindi ko naman sinabi na hintayin mo ako," tanging nasabi ko sa kanya.

Umalis na ako sa harapan nito. Pumasok na ako sa loob, dahil nagsidatingan na ang maglalamay.

Buong gabi ay ginawa kong busy ang aking sarili. Inasikaso ko din si daddy na laging nakatulala lamang. Para bang nagbreakdown ang daddy ko, nang mawala si mommy.

Ganun din naman ako. Nasasaktan, pero pilit kong binabangon ang sarili ko dahil may umaasa sa akin.

"Magpahinga ka muna." Inagaw nito ang tray na hawak ko.

Nagdantay ang aming mga kamay at muli ay naramdaman ko na naman ang isang kuryente na noon ko pa nararamdaman, sa tuwing nagkakadantay ang aming mga balat.

"I am okay," sabi ko dito.

"Alam kong pagod ka na. Ihahatid kita sa kwarto mo," sabi nito sa akin.

"No, marami pang kailangan na asikasuhin. Clyde!" mahina kong sigaw dito.

"Makinig ka naman sa akin. Please!" may pagsusumamo sa boses nito.

"Magpahinga ka muna, Sheena. Balik ka na lang dito mamaya," sambit ni Ate Selena.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Wala na akong magagawa, ang kapatid ko na mismo ang nagpasya.

Hinatid nga ako ni Clyde aking kwarto. Binuksan ko ang pinto ng aking kwarto at hinarap ko siya.

"I am okay here. Thank you Clyde," sabi ko sa kanya. Tinalikuran ko na siya.

Hinawakan nito ang braso ko. Humarap ako sa kanya at di ko alam, paanong nangyari.

Pero naramdaman ko na lang ang labi nito, na nasa aking labi. Napapikit ako. Dahil sobrang namiss ko ang mga halik nito.

Hinapit niya ako sa baywang at may halong hinapit papalapit sa kanya. He kiss me with a passionate one.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro