Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 54

ISANG linggo, isang linggo din ako na walang maalala. Nakalimutan ko ang lahat, kahit na ang mga kakilala ko. May isang babae lamang na kahit anong taboy ko ay di ito umaalis. Nagpakilala pa ito siya daw ang asawa ko. Kahit alam ko naman na hindi.

Noong wala akong maalala. Wala akong maramdaman kahit na ano sa babae. Ayon dito ay siya daw ang asawa ko. Pero noong bumalik na ang mga ala-ala ko ay tsaka ko lang naisip na kahit kailan ay di ko minahal ang babaeng iyon, at kahit kailan ay di ko naging asawa ang babaeng iyon.

Dahil sa aksidente na kinasadlakan ko ay nawala nang tuluyan sa akin ang babaeng mahal ko. Umalis ito na di ko man lang ito nakakausap. Umalis ito na di man lang kami nagkita.

"Hi, baby," nakangiting bati nito sa akin.

Tinignan ko ito. Di ako ngumiti dito. Kahit noong una ko itong makita.

"Kumain ka na, baka malipasan ka ng gutom," sabi pa nito.

"Bakit ginagawa mo ito?" tanong ko sa kanya.

"Asawa mo ako, Clyde. Kaya dapat lang kitang alagaan."

"Wag mong ipilit ang sarili mo sa akin Ivy. I know that you aren't my wife. My wife is now gone. Umalis ang asawa ko. Iniwan ako nang dahil sa iyo!" sigaw ko.

Napatalon ito. Nakita ko na nanglalaki ang mga mata nito.

"Kahit ano pa ang sabihin mo. Ako ang magiging asawa mo, Clyde. Hindi na babalik si Sheena. Ako ang narito Clyde. AKO!" balik nitong sigaw sa akin.

I smirk. "Kahit kailan ay hindi kita mamahalin."

May sakit na dumaan sa mga mata nito. Pero agad din iyong nawala. Ang galit na nakita ko sa mga mata nito at napalitan ng isang ngiti.

"Give me a chance. Clyde. Gagawin ko ang lahat, mahalin mo lang ako."

Umiwas ako ng tingin dito.

"Leave me alone, Ivy. Hindi kita kailangan," malamig kong sambit dito.

"Please… Clyde," sambit nito.

"Hindi ka ba nakakaintindi? I SAID LEAVE ME ALONE!" sigaw ko dito.

Napatalon ito, dahil sa gulat. Kaya umalis ito at nakita ko sa mga mata nito ang isang luha na umaagos.

"Maaari mo naman siyang pakiusapan ng mahinahon."

Di ko ito nilingon. Ayaw kong makipag-usap sa mga tao ngayon. Ang tanging nasa isip ko lamang ay kung paano mahahanap si Sheena.

Hindi ako titigil, hangga't hindi ko siya nahahanap. Pero bago ko siyang hanapin muli ay aabotin ko muna ang mga pangarap ko. Mga pangarap na binuo naming dalawa.

Para sa muli naming pagkikita ay masasabi ko na naabot ko ang pangarap ko.

After 10 years

 

NASA isang exclusive bar ako. Ganito na ang buhay ko nang mawala si Sheena sa akin. Gabi-gabi na lang ay laman ako ng bawat bar, pero never akong nangbabae. Tanging alak lamang ang kasangga ko sa loob ng sampung taon na nawala sa akin si Sheena.

Kahit anong hanap ko sa kanya ay di ko talaga siya mahagilap. Hindi ko siya mahanap. Pero hindi ako titigil.

Nang makapagtapos ang ng Criminology ay agad akong pumasok sa pagsusundalo. Ayaw sana si mama na pumasok ako sa pagsusundalo, pero determindo ako. Determindo akong pumasok para sa binitawan kong salita.

Kahit na walang Sheena na dumating sa buhay ko ay magsusundalo pa rin ako.

"Umuwi na tayo Clyde," yaya nito sa akin. After 10 years ay nasa tabi ko pa rin si Ivy. Pero kahit anong gawin ko ay di ko talagang magawang mahalin ang babae.

Tanging si Sheena lamang ang nag mamay-ari ng puso ko.

"Umuwi kang mag-isa mo. Talagang iniwan mo pa ang bata sa bahay. Para lang sundan ako." Inisang lagok ko ang alak na nasa baso ko.

"Hindi kita pwedeng iwan dito. Lasing ka na."

"Di ka ba nakakaintindi? Oh! Talagang nagbibingihan ka lang!" pasigaw ko dito.

"Clyde…" tanging nasabi na lang nito.

"Look Ivy. Sampung taon na. Pero hindi pa rin kitang nagawang mahalin. Yes, nasa iisang bahay tayo. Pero hindi ko magawang ibaling sa iyo ang pag-mamahal ko. Tanging si Sheena lamang."

"Nakakatang-ina naman Clyde. Sampung taon na ang nakakaraan pero pinapamukha mo sa akin na hindi mo ako magawang mahalin. Ang sakit-sakit na Clyde."

"Bakit? Sinabi ko ba sa iyo na mahalin mo ako? Hindi naman di ba? May choice ka. Pero nanatili ka. Don't worry matutupad ang engagement party na pinapangarap mo. Pero hindi tayo magpapakasal," sabi ko.

Tumayo na ako at muntik nang matumba, dahil nahihilo na ako. Tama na ang nainom ko. Pampaantok lamang ito.

Sa condo na muna ako uuwi, dahil di ko kayang makasama si Ivy sa iisang bahay.

Pumasok ako sa kotse ko at binuhay ang makina noon. Pinatakbo ko iyon, hindi naman kabilisan, dahil ayaw kong maaksidente. Hahanapin ko pa si Sheena.

Sana this time ay makita ko na talaga siya. Sana hindi ako mabigong muli.

Nakarating ako sa dating condo ni Sheena. Yes! Sa condo ni Sheena ako tumutuloy sa tuwing gusto kong mapag-isa, dahil sa condo na iyon ay nagiging mapayapa ang bawat pagtulog ko.

Umaasa din ako na balang araw ay uuwi si Sheena at sa condo na iyon siya uuwi. Pero sino ba ako para lokohin ang sarili. Alam kung di na uuwi si Sheena. Kung uuwi man ay malabo na magpapakita ito sa akin.

Humiga ako sa kama ni Sheena. Niyakap ko ang unan nito na ginagamit noon. Nandito pa ang ibang gamit ni Sheena.

'Sana ay bumalik ka na mahal ko, hihintayin kiya. Kahit umabot pa ng sampung taon ulit.'

Tuluyan na akong nakatulog.

HINDI ako makapaniwala sa sinasabi ni Ate Selena sa akin. Ang akala ko ay malakas pa si mommy. Sampung taon kong tinikis na umuwi sa Pilipinas, upang di kami magkita.

Alam ko na masaya na ito sa piling ni Ivy. Kaya di na ako nag-abala na makibalita kina Airene. Thankful ako, kasi kahit na alam nila Airene kung nasaan ako ay di nila sinabi kay Clyde.

Ayaw ko nang guluhin si Clyde. Masaya na ito sa pamilya na binuo nito. 

Nakamit kaya nito ang pangarap nito? Naging sundalo kaya ito? Sana ay nakamit nito ang gusto nitong pangarap sa buhay. Magiging masaya ako kung nakamit nga nito.

"Ate uuwi ako, please. Sabihin mo kay mommy na hintayin ako. Wag muna siyang bibitaw," paki-usap ko sa kapatid ko.

Kung alam ko lang na malubha na si mommy sana ay umuwi ako noong nakaraang taon. Makakasama ko pa sana siya.

Nagfile na ako ng resignation kahapon sa paaralan na pinagtuturuan ko. Yes! I am a license teacher. Isa na akong ganap na guro. Itinuloy ko ang pag-aaral ko after kong manganak.

"Sino ang maiiwan sa kambal, hindi mo ba sila isasama?" tanong ni Ate.

"Hindi na muna Ate. Baka iiwan ko sila kay Eli At Rey Mart," sabi ko dito.

Di ko naman akalain na magiging kapitbahay ko si Eli ang kaibigan ni Clyde. Mabuti na lang ay napaki-usapan ko ito na wag sabihin kay Clyde ang sitwasyon ko. Ayaw ko nang magulo ang buhay ng lalaking mahal ko. Sinabi ko di kay Eli ang totoo. First nagalit ito kay Clyde. Pero pinaliwanag ko sa kanya na kagustuhan ko ang lumayo.

"Mabuti naman at may maiiwan ka sa kanila."

"Oo nga ate eh! Mabuti nga at nandito si Eli."

Nakilala na rin ni Ate Selena si Eli.

"Stop it, Kent!" pasigaw ni Ate Selena.

Siguro nangungulit na naman si Kent dito. Nagkabalikan ang dalawa, sa loob ng maraming taon na nawalay ang dalawa sa isa't-isa ay nakita ko ang malaking pagbabago ni Ate Selena. Hindi na ito ang dating Selena na nakilala ko.

Pero thankful ako, dahil ngayon ay masaya na si Ate Selena kasama ang anak nilang babae. Ang kanilang panganay.

Hindi naman talaga nakunan si Ate Selena. Tanging inilihim lamang niya ang sitwasyon dahil nanlalamig na si Kent sa kanya. Pero ngayon at nagkapatawaran na silang dalawa at namuhay ng masaya.

"Hihintayin kita. Susunduin kita sa Airport," sabi pa nito.

"Sige, 'te. Magpapaalan pa ako sa kambal." Agad kong ibinaba ang cellphone ko. Sana ay maabutan ko pa si mommy.

Dumating ang kambal ko. Dahil may klase sila ngayon ay kailangan muna nilang maiwan pansamantala sa California. Ayaw ko mang iwan sila, dahil alam kong mamimiss ko sila. Pero kailangan.

Kung wala lang silang klase ay baka naisama ko na sila.

"Mama!" sigaw ng anak kong babae.

"Baby." Sinalubong ko ng yakap ang anak kong babae.

"Where is your Kuya Arjay?" tanong ko sa kanya.

"Ayon nagpapacute na naman sa kapitbahay nating mukhang chanak," cross-arm nitong sambit.

Ayaw talaga nito sa anak na babae ng kapitbahay namin. Hindi nito kasundo, tanging kasundo lamang nito ay ang anak ni Eli at Rey Mart.

"Tumahimik ka nga Clea, hindi maganda ang pinagsasabi mo," saway ng kakambal ni Clea.

Ngumuso ang anak kong babae.

"May sasabihin ako sa inyong dalawa," nakangiti kong turan sa dalawa kong anak.

"Ano iyon mama?" tanong ni Clea.

Umupo muna kami sa sofa ng bahay namin.

"I am going home to the Philippines," panimula ko. Nanlaki ang mga mata ni Clea. Pero si Arjay ay tahimik lamang.

"Sasama ba kami mama?" tanong muli ni Clea.

Pinalungkot ko ang mukha ko. "Hindi pa baby, kasi nag-aaral pa kayo. After ninyong mag-aral ay susunod na kayo sa akin," malumanay kong sabi sa dalawa.

Nalungkot ang mukha ng anak kong babae.

"Akala ko pa naman ay makakasama na kami. Hindi pa pala," malungkot nitong saad.

"Don't worry, susunod kayo sa akin. After ninyong mag-aral dito. Patapusin nyo muna ang school year na ito ngayon."

"Okay!" Kahit na matamblay ang boses ni Clea ay pinilit nitong pinasaya ang boses.

"What's going on mama?" biglang tanong ni Arjay. 

Tahimik lamang ito. Sa kanilang dalawa ni Clea ay ito ang pinakatahimik. Di din kami nagsasalita ng English pag nasa bahay kami. Tanging sa labas lamang sila gumagamit ng English.

"Your Mommy La is going to die. She needs me!" madamdamin kong saad.

Nasasaktan ako kasi, alam ko na sobra akong kailangan ni mommy. Pero nasaan ako? Nasa ibang bansa at abala sa pagpapahilom ng sugat ng kahapon. Pero kahit anong gawin ko ay di naman naghilom ang sugat.

Nawala ang sakit, dahil may nagpapasaya sa akin. Pero hindi nawala ang sugat. Alam kong mayroong pagkakataon na magkita kami ni Clyde. Alam ko na pupunta si Tita at dadalawin si mommy. Sana ay hindi pa ngayon. Dahil hindi pa ako handa na harapin si Clyde.

I need time. I need more time.

Naghahanda na ako para sa flight ko. Nasa Airport na ako. Di ko na pinasama ang kambal ko sa paghahatid sa akin. Baka maiyak lang ako at di na tumuloy.

Ayaw kong biguin si mommy. I will grant her wishe, she want me to stay in the Philippines for good. Gagawin ko iyon, para sa ina ko. Iisipin ko muna ang ina ko. Bago ang damdamin ko.

Ilang oras din ang biyahe. Nakarating ako sa Pilipinas nang walang aberya. Namiss ko agad ang kambal ko. Pero alam ko soon ay makakasama ko din sila.

"Welcome back, Sheena!" Salubong sa akin ni Ate Selena.

Tinignan ko ito. Mula ulo hanggang paa. Mas lalong gumanda ang kapatid ko. Di tulad noon na laging busangot ang mukha, laging salubong ang kilay. Ngayon ay maaliwalas ang mukha nito ay di na salubong ang kilay.

"Thank you Ate, sa pagsundo."

Sumakay na kami sa kotse nila Ate. Agad kaming nagtungo sa ospital kung nasaan si mommy. Kinakabahan ako, di ko alam kong ano ang mararamdaman ko.

Pinaghalong kasabikan at takot ang nararamdaman ko.

 

NAPATIGIL ako, pagpasok namin sa ospital ay nasa labas si daddy, tulala at tila ba di makausap. Agad akong nagtungo sa gawi ni daddy.

"Time of death: 12:00pm!" Deklara ng isang doktor.

Nanlaki ang mga mata ko at di agad nagsink in sa akin ang lahat.

"Sheena," tawag nito sa akin.

Doon lamang ako natauhan.

"M-mommy!" sigaw ko. Tumakbo ako papunta sa ina ko ay niyakap ito nang mahigpit.

Niyakap ko nang mahigpit ang aking ina na wala ng buhay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro