Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 53

ISANG buwan na mula ng iwanan ko si Clyde. Hindi na talaga ako nakipagkita sa kanya. Nakipagkita akong muli kay Ivy at ibinigay ko na sa kanya ang gusto nito.

Kahit na gusto kong ayusin ang relasyon namin ni Clyde ay di kaya nang konsensya ko na mawalan ng ama ang isang bata. Kaya ako na lang ang bumitaw.

"Ready ka na?" tanong nito sa akin.

Sa loob ng isang buwan ay si Beatriz ang naging sandalan ko. Siya ang naging kasama ko sa hirap na dinanas ko. Hindi madali ang magcope-up, dahil sobra talaga akong nasaktan. Kahit na mahirap ay binitawan ko ang lalaking mahal ko.

"Naibigay mo na ba sa kanya ang annullement paper?" tanong ko kay Beatriz. 

Siya ang inutusan ko na ibigay kay Clyde ang annullment paper, dahil baka di ko kayang iwan si Clyde. I promise to Ivy na iiwan ko si Clyde.

"Oo, naibigay ko na. Aalis na tayo, baka malate tayo sa flight mo." Ngumiti ako. Pero di umabot sa mga mata ko ang ngiti na iyon.

Aalis ako, iiwan ko ang lahat. Alam na nila mommy ang nangyari, alam nila na nagkaroon kami ng relasyon ni Clyde at nagpakasal. Alam din nila na aalis ako ng Pilipinas at doon muna maninirahan sa ibang bansa. They respect my decision.

Mahirap? Oo, sobrang hirap. Dahil alam ko, pagdating ko doon ay kailangan kong mag-adjust sa environment.

"Sige. Halika na," yaya ko kay Beatriz.

Tinulungan niya ako sa mga bagahe ko. Lumabas na kami nang condo nito at nagpunta sa parking lot. Sa ilang buwan kong pananatili sa condo ni Beatriz ay mas nakilala ko itong mabuti, hindi ako iniwan ni Beatriz sa gitna ng pagluluksa ko.

Iniluluksa ko ang pagkawala ng lalaking mahal ko. Alam ko magiging masaya na ito, alam ko na magiging mabuting ama si Clyde sa magiging anak nito.

Nakita namin ni Beatriz ang isang lalaki na sobrang pamilyar na sa akin. Ilang beses na din itong nagpunta sa condo ni Beatriz. I know Damien, he is the husband of Beatriz. Hindi ko naman alam na may asawa na pala si Beatriz. Pero masaya ako, dahil may makakasama na ang bestfriend ko.

"Salamat, Damien." Hinging pasasalamat ko dito.

"Hindi ka na sana nagpunta dito, Damien. Kaya ko naman na ihatid si Sheena sa airport mag-isa!" galit na sambit ni Beatriz sa babae.

Hindi talaga sila in good term, sa tuwing nagkikita sila ay palagi silang nag-aaway. Pero nauuwi naman sa love making. Hindi ko alam kong ano ang klaseng utak meron si Beatriz.

Alam ko ding mahal nito si Damien. Pero masyadong nasaktan si Beatriz ng iwan siya ni Damien sa gitna na sobra niyang kailangan ang lalaki.

"Tama na nga iyang bangayan ninyo. Dahil baka malate na ako," puna ko sa kanilang bangayan.

"Mamaya ka sa akin." Banta ni Beatriz kay Damien.

Ngumisi lang ang huli. "I am scared."

Pumasok na si Beatriz sa loob ng kotse ni Damien.

"Sa harap ka Beatriz. Wag mo akong gawing driver," utos nito kay Beatriz.

"Manigas ka diyan. Hindi ako lilipat," giit nito.

"Okay hindi tayo aalis, at hindi makakaalis si Sheena patungong ibang bansa." Umiling na lang ako.

Ang hilig talaga ni Damien na inisin si Beatriz. Nagpapadyak na bumaba si Beatriz at lumipat sa front seat. Inis nitong isinarado ang pinto ng kotse ni Damien. Nakacross arm ito at galit na nakatingin sa lalaki. Tinawanan lamang ito ni Damien.

"Mamaya ka lang sa akin."

"Okay," ngiting saad ni Damien.

At alam ko kung saan na naman mapupunta ang bangayan nila mamaya. Ilang beses ko na silang nakita na nagtatalik sa sofa, after nilang magbangayan.

Umalis na kami sa parking lot. Nalulungkot ako dahil iiwan ko ang mga taong mahal ko. Kailangan kong umalis to heal. Gusto kong maghilom ang sugat na dinulot nila sa akin.

Pinaglaruan ko ang aking mga kamay. Dahil ilang minuto na lang ay aalis na ako. Hindi ko na makikita ang bansa na sinilangan ko. Hindi ko gustong gawin ito, hindi ko gustong umalis. Pero alam ko, hahabulin at hahabulin ako ni Clyde.

Alam kong mahahanap niya ako. Sa isang buwan kong pagtatago, at nakailang beses na din niya akong nahanap. Pero sadyang magaling lang yata akong magtago. Dahil nakikita ko agad siya, bago niya ako makita.

Kinapa ko ang impis kong tiyan. Alam ko na balang araw ay maiintindihan ng magiging anak ko, kung bakit iniwan ko ang ama nila.

Yes, I am pregnant. Huli ko nang nalaman na buntis ako. Nakapag-usap na kami ni Ivy and I keep my words. May isang salita ako.

Kung hindi lang ako nahimatay ay baka hanggang ngayon ay di ko pa alam na buntis na pala ako. Tatlong buwan na ang bata na nasa sinapupunan ko.

Masaya ako, dahil magkakaroon kami ng anak ni Clyde. Pero nalulungkot din ako, dahil hindi kami kumpleto. Kahit ganun ay pupunuin ko ng pagmamahal ang magiging anak ko. Hindi ko ipaparamdam sa kanya na kulang siya at wala siyang ama.

"Tayong dalawa lamang, anak. Hindi ko kayo pababayaan," bulong ko. Kinakausap ko ito, kahit na alam ko na hindi niya ako maririnig.

"Take of your self, Sheena. Lalo na't may umaasa sa iyo. Wag ka ng magtrabaho doon. Your family is willing to help you."

Alam ko iyon. Handa namang tumulong sila mommy. May ipon naman ako, pero kailangan kong makapagtapos. Siguro pagkapanganak ko na lang ako magpapatuloy sa pag-aaral. Mabuti na lang at natapos ko ang intern ko. Hindi na ako mag-iintern sa pagbabalik ko sa pag-aaral.

"Mag-ingat ka din doon. Hindi kasi kita masasamahan. Dahil may kailangan akong ayusin dito. Susunod na lang ako, don't worry dadalawin kita," ngiti nitong sambit sa akin.

Di nga ako nagkamali na siya agad ang nilapitan ko. Dahil alam ko na matutulungan talaga niya ako.

"Oo naman. Lalo na't may umaasa sa akin na buhay," sabi ko dito. Hinimas ko ang impis kong tiyan. Di na ako makapag-antay na masilayan sila.

"Basta mag-ingat ka doon. Kung may problema, wag kang mag-atubili na tawagan agad ako."

"Oo naman."

Nakarating na kami sa airport. Nandoon na sila mommy at daddy. Nandoon din sila Airene. Nagiguilty ako, dahil hindi sila ang nilapitan ko nang magkagipitan na. Alam ko din kasi na sa kanila ako hahanapin ni Clyde. Kaya hindi ako sa kanila lumapit. Ayaw kong maipit sila sa sitwasyon.

Bumaba ako sa kotse ni Damien at agad na lumapit kita mommy. Niyakap ako nito.

"Mag-iingat ka doon. Tawagan mo kami pagdating mo doon." May nakita akong luha sa mga mata ni mommy. Alam ko na labag din sa loob nila ni daddy na paalisin ako. Pero gusto kong umalis.

Kaya wala silang nagagawa, sa halip ay hinayaan lamang nila ako. Dahil iyon din ang gusto ko.

"Oo naman mommy. Tatawag agad ako."

Niyakap nila akong dalawang ni daddy. Di na napigilan ni mommy ang umiyak. Dahil ito ang unang beses na mawawalay ako sa kanila.

Pumunta ako sa gawi  nila Airene. Di ito ngumingiti, alam kong galit ito sa akin, dahil di ako humingi ng tulong dito.

Kinuha ko ang kamay nito. "I am sorry. Ayaw ko lang na maipit kayo sa isang sitwasyon. Alam ko kasing hahanapin ako ni Clyde at sa inyo siya mag-uumpisa. Gusto ko lang talagang mag-isip ng mga panahon na iyon at nakapag-isip ako na dapat ko siyang iwan, dahil may batang involve." Umiwas ito ng tingin sa akin. Di niya ako matignan.

"Alam kong galit ka sa akin. Sana ay maintindihan mo ako Airene. Salamat at sa huling pagkakataon ay nakita ko kayo." Tumingin din ako kay Jen na ngayon ay umiiyak na. Inaalo ito ni Carlo.

"Ang unfair mo lang kasi, di mo man lang kami sinabihan na nasasaktan ka na pala. Mag-isa kang lumaban sa sakit na nararamdaman mo at ngayon at aalis ka? Your so unfair." Nakita ko ang luha sa mga mata nito.

"I know, and I am sorry about that. Sorry talaga." Di ko na napigilan ang lumuha. Dahil alam ko na sobrang hirap para sa kanila ang sitwasyon ko.

Nagpapasalamat ako dahil nakatagpo ako ng mga kaibigan na gaya nila. Nilapitan ako ni Jen at niyakap. Humagulhol na ito. Niyakap na din ako ni Airene.

Nag-iyakan kami sa hallway ng airport.

"Sheena malalate ka na," sabi ni Beatriz sa akin.

Humiwalay ako sa kanila. "Hanggang sa muling pagkikita natin," ngiti kong sambit sa kanila.

Umiiyak pa rin si Airene. Tinalikuran ko na sila. Pero bago ako tuluyang makapasok sa entrance ng airport at lumingon ako sa kanila at kumaway.

NAGMAMADALI akong sumakay sa kotse ko. Dahil kailangan kong maabotan si Sheena. Hindi pwedeng iwan niya ako ng tuluyan.

Sa loob ng isang buwan na paghihiwalay namin ay naging miserable ang buhay ko. Kahit anong gawin kong paghahanap sa kanya ay di ko siya mahanap.

Sinabi sa akin ni Carlo na ngayon ang alis ni Sheena. Gusto ko siyang maabutan.

"Clyde. Tama na, iniwan ka na ni Sheena!" sigaw ni Ivy. Sa loob ng isang buwan ay walang araw na hindi ito nagpapakita sa akin.

Araw-araw nitong sinasabi na iniwan na ako ng tuluyan ni Sheena at pinaubaya na ako sa kanya. Hindi ko matanggap na ganun-ganun na lamang kabilis nabitawan ako ni Sheena. Habang ako ay di ko siya mabitaw-bitawan.

"Wag kang humarang sa daraanan ko Ivy. Dahil hindi kita sasantuhin. May hahabulin ako!" galit kong sigaw dito.

"Hindi, hindi ako papayag na habulin mo siya. Pinaubaya ka na niya sa akin. Kaya akin ka na!" balik nitong sigaw sa akin.

"Ikaw lang ang nagsabi niyan. Hindi ako maniniwala sa iyo, hangga't di kami nagkakausap ni Sheena. Hindi ako maniniwala sa iyo."

Iniwan ko na siya doon at sumakay na ako sa kotse ko. Agad kong binuhay ang makita at pinahaharorot iyon paalis sa bahay namin ni Sheena. Hindi ako umalis sa bahay namin ni Sheena dahil, nagbabasakali ako na uuwi ang babaeng mahal ko.

Pero ni minsan, simula ng umalis ito ay di na ito nagpakita sa akin. Ni anino nito ay di ko nasilayan. Ngayon ay nalaman ko na lang na aalis na ito ng bansa at di ko alam iyon.

Binilisan ko ang takbo ko. Wala akong pakialam kong mabangga man ako, ang importante sa akin ngayo ay si Sheena. Ang babaeng mahal ko.

Malapit na ako sa airport ng may makasalubong akong isang ten wheeler at di na ako napagpreno.

Sumalpok ang kotse ko dito. Tanging nagawa ko na lang ay takpan ang mga mata ko gamit ang braso ko.

Hindi agad ako nawalan ng malay. Gusto kong lumabas sa kotse ko at puntahan si Sheena kahit na duguan pa ako. Pero di na kinaya ng katawan ko. Nanghihina na din ako. Unti-unti ay ipinikit ko ang aking mga mata.

At tuluyan na akong nawalan ng malay. Hindi ko na mahabol ang babaeng mahal ko. Tuluyan na niya akong iniwan, hindi ko na din ito makikita. Siguro hanggang dito na lang talaga kaming dalawa.

 

Nagising ako, na purong puti ang nakikita ko. Nasa langit na ba ako? Patay na ba ako?

"Gising na siya." Isang tinig ang nagpalingon sa akin.

Kumunot ang noo ko, dahil di ko matandaan kung saan ko sila nakita. Pero sobrang pamilyar sila sa akin.

"How are you, Clyde?" tanong sa akin ng isang babae.

"I am fine. I need water," sabi ko sa kanila.

Binigyan niya ako ng tubig. Ininom ko iyon ay naubos ko naman agad. Dahil uhaw na uhaw ako.

Iginala ko ang tingin ko sa kanila. Wala talaga akong matandaan ni isa sa kanila.

"Who are you? At sino sila?" Nagsinghapan ang mga tao na nandoon. Para bang di sila makapaniwala sa sinabi ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro