Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 52

HINDI talaga ako mapakali. Hindi maganda ang panaginip ko na iyon. Kahit na sinasabi nila na kabaliktaran sa katotohanan ang isang panaginip ay nababahala ako.

Kaya pumasok ako ako pinagtuturuan ko na wala sa sarili.

"Teacher Sheena. Parang wala ka sa sarili mo," sambit ng kasamahan ko.

"Wala kasi akong maayos na tulog," sabi ko kanila. Pero parang iniba nila iyon nang pagkakaintindi.

"Ikaw ba naman ang may asawa na hot at gwapo. Tiyak na wala ka talagang maayos na tulog." Tumawang saad nito.

Umiling na lang ako. Di ko na lang sila pinansin.

Dahil oras na nang pagtuturo ko ay pumunta na ako sa classroom ko. Pero bago ako makapunta doon ay may isang babae na nag-aantay sa akin sa labas nang classroom ko.

"What do you want?" tanong ko dito nang makalapit ako sa kanya.

"Gusto sana kitang makausap." Plain nitong sabi sa akin.

"Pwede mamayang hapon na lang."

"This is urgent Sheena. I need to talk to you," desperado nitong sambit.

"After class ko na lang."

Ngumiti ito para bang nabunutan ito nang tinik dahil makikipag-usap na ako sa kanya.

"Sige. Salamat Sheena, dahil pinabigyan mo ako." Nakangiti nitong turan sa akin.

"Okay lang iyon. See you later." Umalis na ako sa harapan nito. Pumasok ako sa classroom ko at nagsimula nang magturo sa mga estudyante ko.

Ilang oras ang iginugol ko sa pagtuturo at pinauwi ko na sila. Dahil di talaga maganda ang pakiramdam ko. Masyado akong distracted sa napanaginipan ko. Kaya maaga ko na lang silang pinauwi.

Nasa classroom pa ako nang sumulpot si Ivy. Hindi talaga ito nakapag-antay kaya pumasok na ito. Iginala nito ang paningin sa classroom ko.

"Nice room," nakangiting utas nito.

"Ano ba ang pag-uusapan natin?" tanong ko sa kanya.

Lumapit ito sa akin at lumuhod. Para bang nagmamakaawa. Kumunot ang noo ko nang tumigila ito sa akin at may luha sa mga mata.

"Please Sheena. Pakiusapan mo si Clyde na panagutan niya ang bata."

Nagulat ako sa sinabi ni Ivy. Di agad ako nakapagsalita. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil na narinig ko.

"Please," pagmamakaawa nito sa akin.

Naging malamig ang tingin ko dito. "Dapat siya ang sinabihan ko d'yan at hindi ako."

Di ko alam kong ano ang nararamdaman ko ngayon. Nasasaktan ako na di ko alam. Gusto kung umiyak pero di ko magawa.

"Sinabihan ko na siya. Kaso ayaw niya, ayaw niyang panagutan ang bata."

Tumayo ako. "Di ko na kasalanan iyon." malamig kong sambit sa kanya.

"Please, Sheena. For my child, he/she need a father."

Tinignan ko siya na may panlilisik sa aking mga mata.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Gusto mong pakiusapan ko si Clyde na panagutan ka niya at iwan ako? Anong akala mo sa lalaking mahal ko? Tuta? Na basta-basta ko na lang ipinabibigay!" galit kong sigaw dito.

"Hindi sa ganun."

"Iyon ang pinupunto mo!"

"Umalis ka na. Ayaw kitang makita. Baka makalimutan kong buntis ka," mahina kong sambit dito.

Tumayo ito. Tinignan niya ako bago ito umalis. Napahawak ako sa mesa ko, dahil di ko parang nanghihina ako. Di na rin nagpaawat ang mga luha ko. Isa-isa na silang nagsipatakan.

Di ko alam kong ano ang nagawa kong kasalanan at ginagawa nila ito sa akin. Nagmahal lang naman ako, pero bakit ganito? Sobrang sakit lang, dahil ang lalaking mahal ko ay niloloko pala ako.

Nasa ganung ayos ako nang bumungad sa akin si Clyde. Nasa mukha nito ang pag-aalala, hinihingal din ito. Para bang tumakbo ito ng ilang kilometro. 

Di ko na din pinahidan ang mga luha ko. Dahil alam ko, na alam na nito na sinabi na sa akin ni Ivy ang isang kasalanan nito.

Lumapit ito sa akin. Nakaupo ako ngayon sa upuan ko at lumuhod ito sa aking harapan.

"Babe," tawag nito sa akin.

"Kailan mo pa ako niloloko?" tanong ko sa kanya. Di maawat-awat ang mga luha ko. Kusa itong pumapatak.

"Kahit kailan hindi kita niloko. Hindi ko alam kong paanong nangyari na nabuntis ko siya, wala namang nangyayari sa amin." Paliwanag nito sa akin.

"Wag mong bilugin ang ulo ko Clyde. Hindi ako pinanganak kahapon, para di ko maintindihan ang ginawa ninyo. Ano iyon? Nagtinginan lang kayo? Tapos nabuo na ang bata? All this time akala ko faithful ka sa akin, na ako lang ang mahal mo. Hindi pala." Isa-isang nagsipatakang muli ang mga luha ko.

Yumakap ito sa akin. Hinayaan ko na lamang ito. Ayaw kong paniwalaan ang mga sinasabi ni Ivy, but Clyde confirm it. Nasasaktan ako dahil akala ko. Ako lang ang babae sa buhay nito. Hindi pala.

"I swear, walang nangyari sa amin ni Ivy. I am not the father of her child. Pero gusto niyang ipaako sa akin ang bata. Sinabi ko na lang na papanagutan ko ang bata at susustentuhan kahit di ako sure na akin talaga ang batang iyon, para manahimik na ito. Pero ayaw niya. Gusto niya na pakasalan ko siya at iwan kita."

Mas lalong nagsitalunan ang mga luha ko, dahil sa narinig ko. Ayaw magsink-in sa akin ang lahat.

"Pero ayaw kong iwan ka. Mahal kita. Ikaw lang." Tumingala ito sa akin. Nakita ko sa mga mata nito ang isang luha umagos sa mga mata nito.

"Panagutan mo siya, pati ang bata… Clyde. Her child need a father."

Kahit na di ko gusto at kailangan kong magdesisyon. Ayaw kong maging makasarili, may batang involve kaya kailangan kong isakripisyo ang pagsasama naming dalawa.

"No, hindi ako papayag. Wag mo akong iwan please." Pagmamakaawa nito sa akin.

Umiling ako. "Mahal kita. Alam mo iyan. Pero may batang involve, Clyde. Kailangan niya ng isang ama at ikaw ang makakapagbigay no'n sa kanya," lumuluha kong sabi sa kanya.

Umiiling ito. "Ayaw ko, ikaw ang mahal ko. Please. Don't do this."

"I am sorry Clyde,' tanging nasabi ko na lang dito.

Tumayo ako at iniwan ko siya doon. Di na ako pumunta sa faculty namin, pumunta ako sa labas nang gate at pumara ng taxi. Hindi din ako pwede sa dati kong condo, dahil alam iyon ni Clyde.

Tinignan ko ang contact ko. I know she can help me. I dial her number.

"Hello," sagot nito.

"Beatriz!" umiiyak kong tawag sa pangalan nito.

"What happened?" tanong nito sa akin.

"Please, help me. Kailangan ko nang mauuwian. I need help." Humagulhol na ako. "Please."

"Sige pumunta ka sa condo ko. Alam mo naman iyon di ba? Antayin mo ako doon."

Ibinaba ko na ang aking cellphone at pinatay iyon. Dahil alam ko hindi ako titigilan ni Clyde. Tatawagan ako nito.

Gusto ko munang mapag-isa at mag-isip. Ayaw ko muna na makita siya, at alam ko na si Beatriz Alvarez lamang ang makakatulong sa akin. She is my childhood bestfriend. Nagkahiwalay lamang kami nang nagtungo sila ng kapatid nito sa ibang bansa para mag-aral.

Nagpahatid ako sa condo ni Beatriz. Dahil alam ko na ang condo na iyon ay di na ako nahirapan na hanapin iyon. Dahil di ko alam ang passcode nang condo nito ay nag-antay muna ako nang ilang minuto.

Dumatin si Beatriz. Agad ko siyang niyakap nang makalapit ito sa akin. Umiyak ako sa bisig nito. Talagang inilabas ko ang lahat nang hinanakit ko.

"Shh… tahan na. Di makakabuti iyan sa iyo. Halika pasok muna tayo. Sa loob tayo mag-usap."

Humiwalay ako sa kanya para buksan nito ang condo nito.

"Come." Iginaya niya ako sa sofa at doon ay nakayuko lamang ako. Humihingos at di maawat-awat ang aking mga luha

"Here is the water. Drink it, baka maubusan ka ng tubig sa katawan."

Kinuha ko ang tubig na nasa baso at ininum ko iyon. Guminhawa ang pakiramdam ko. Pero di nawala ang sakit na nararamdaman ko.

"What happened, Sheena?" tanong nito sa akin.

"I don't know. Ang alam ko lang ay kailangan kong makapag-isip. Clyde cheat on me. O baka--- di ko na alam ang gagawin ko Beatriz. Gulong-gulo ako. Ivy happened. She said nabuntis daw siya ni Clyde. But Clyde, deny it. Kailangan kong huminga. Kailangan kong mag-isip."

Napabuntong-hininga ito. "Ang hirap naman ng sitwasyon mo. Siguro kailangan nyo ding dalawa ng space. Kaya tutulungan kitang magtago. Pero hindi habang buhay. You need to face the reality, Sheena," sabi nito sa akin.

"Thank you, Beatriz. Sobrang thankful ako sa iyo. Dahil kahit kailan ay di mo ako binigo," ngiting sambit ko dito. Kahit na di umabot sa aking mga mata ang aking ngiti.

"Magpahinga ka na. Namamaga na ang mga mata mo. Magluluto lang ako ng pananghalian natin," sabi nito sa aking.

Tango lamang ang tangi kong naisagot. Pumasok ako sa isang kwarto doon. Humiga ako sa kama. Napabuntong-hininga na lang ako.

Dahil siguro sa wala akong maayos na tulog at kakaiyak ay nakatulog ako.

 

HINDI ko alam ang gagawin ko. Hindi ko mahanap si Sheena. Alam kong sobrang nasaktan ang babaeng mahal ko at alam ko iyon. Kasalanan ko ito, kung sana ay sinabi ko kay Sheena. Di aabot sa ganito, kaso naunahan ako ng takot.

Takot na baka iwan ako ni Sheena, takot na baka mawalan ng tuluyan sa akin ang babaeng mahal ko.

"Nasaan kana Sheena," kausap ko sa aking sarili. Hinanap ko siya kahit saan. Napuntahan ko na din ang condo nito, kaso walang bakas nito doon.

Umuwi ako sa bahay, pero walang Sheena ang nandoon. Isang babae ang naghihintay sa doon at galit ko itong tinignan.

"Ano pa ang kailangan mo?" galit kong tanong sa kanya. She ruined everything. Hindi ito nakinig sa akin.

"Ikaw Clyde. I need you. Our child need you," giit nito.

Tumawa ako. Nakapamaywang ito. "Di ka pa ba nakuntento? Nasira mo na kami ni Sheena. Ngayon ay hindi ko siya mahanap."

Lumiwag ang mukha nito. "Much better. Buti naman at naawa si Sheena sa anak natin," nakangiti nitong sambit.

"Talagang natutuwa ka pa? Akala mo siguro, kahit iwan ako ni Sheena ay papanagutan na kita? Hindi Ivy. Ang bata lang ang papanagutan ko at hindi ka kasama!" galit kong sambit sa kanya.

"Hindi pwede Clyde. May anak tayo, kailangan kita at ng anak natin. Kailangan niya ng ama."

"Sige, magpapakaama ako sa bata. Pero hindi ako magiging asawa mo!" galit kong turan dito.

Iniwan ko siya doon na nakatayo. Ayaw kong makipagtalo sa babaeng iyon. Dahil baka di ko mapigilan ang sarili ko at masaktan ko siya. Pumasok ako sa bahay.

Sobrang tahimik ng bahay. Di nga umuwi si Sheena dito. Di ko nakita ang bakas nito. Umupo ako sa sofa, isinandal ko ang likod ko sa sandalan ng sofa.

Hindi ko alam kong saan ako mag-uumpisa sa paghahanap kay Sheena. Gusto kong panghinaan ng loob. Gusto kong saktan ang sarili ko, alam ko na dahil sa akin ay baka mawala ng tuluyan ang babaeng mahal ko.

Napahilamos na lang ako sa aking mukha. Hindi ko matignan ang mukha kanina ni Sheena. Alam kong nasasaktan ito, dahil sa kagagawan ko.

Gagawin ko ang lahat mahanap lamang ito.  Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya makikita.

Lumabas ako sa bahay, hahanapin ko si Sheena. Ayaw kong lumipas ang araw na wala akong ginawa.

"Clyde…" humabol ito sa akin. Tinignan ko ito.

"Bakit hindi mo maintindihan Ivy? Hindi ko iiwan si Sheena, para sa iyo. Kaya umalis ka sa harapan ko baka makalimutan kong babae ka!" galit kong asik dito.

"Hindi ako aalis, hangga't hindi ka tumitigil sa paghahanap kay Sheena."

"Bakit?" Hinarap ko ito. "Bakit ba gusto mong paghiwalayin kami ni Sheena?" tanong ko dito.

"Dahil mahal kita. Mahal na mahal kita!" sigaw nito.

Ngumisi ako. "That is bullshit. Alam mo ba iyon? Hindi kita mahal, tanging si Sheena lamang ang mahal ko at hindi mo siya mapapalitan."

Iniwan ko siya doon na tila wala sa sarili. Kahit anong gawin niya ay di ko iiwan ang babaeng mahal ko. Gagawin ko ang lahat, bumalik lamang ito sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro