Chapter 48
Chapter 48
DI KO alam ang gagawin ko. Gusto kong puntahan si Clyde at komprontahin ito. Pero baka nagdeny lamang ito.
"Sheena!" sigaw ni Airene.
Nagulat ako sa sigaw ni Airene.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"May problema ka ba? Parang wala ka sa sarili mo."
"Wala naman. Okay lang ako. Don't mind me."
Ilang araw na din kasi akong walang maayos na tulog, sa kakaisip kay Clyde kung bakit nagawa niya iyon sa akin. Bukas ay uuwi na si Clyde. Di ko alam kong paano ito pakiharapan.
"May problema ba kayo ni Clyde?" tanong nitong muli.
"Wala naman. Siguro namimiss ko lang siya," sabi ko na lang sa kanya. Ayaw kong mag-usisa ito, dahil baka di ko kaya at masabi ko ang mga hinanakit ko.
"Kailan ba siya uuwi?" Isinubo nito ang natitirang steak sa plato nito.
Kasalukuyan kasi kaming naglunch ngayon sa favorite restaurant namin. Kaming dalawa lang ni Airene, dahil busy si Jen.
"Bar tayo mamaya. Para naman sumaya ka. Alam kong nababagot ka na sa bahay ninyo," yaya nito sa akin.
"Sige, sunduin mo na lang ako mamaya."
Sabado naman bukas at walang pasok. Kaya okay lang kahit mag-umaga kami sa isang bar.
Kinagabihan ay naghanda na ako. Para pumunta sa isang bar. Tapos na akong mag-ayos nang dumating si Airene.
Agad kong nilock ang bahay at sumakay sa sasakyan ni Airene. Akala ko kami lang dalawa, may kasama pala si Airene na dalawang babae.
"Sheena. Meet my co-workers. Gusto nilang magbar at inimvite ko na lang sila." Pakilala sa akin ni Airene sa dalawa.
"Hello."
"Maris and Mariel. Meet Sheena may bestfriend." Pakilala naman sa akin ni Airene sa dalawa.
Ngiti lang ang isinagot ng dalawa sa akin. Ayaw ko sa aura ng dalawa, para bang may gagawin siya na di maganda.
Umalis na kami. Sa isang Exclusive Bar kami nagtungo. Mas mabuti dito, dahil mayayaman lang ang makakapunta dito. Walang gulo na magaganap, kung sakali man.
Nagparking si Airene. Lumabas na ako sa sasakyan na ni Airene. Paglingon ko ay kumunot ang noo ko, o baka namamalikmata lang ako.
I saw Clyde. Papasok ito sa bar kung saan kami pupunta.
"Let's go Sheen," yaya sa akin ni Airene.
Baka imahinasyon ko lang iyon. Di ko pa naman natawagan iyon na nasa isang bar ako.
Pumasok kami at naghanap ng isang table. Nasa sulok kami medyo madilim. Sobrang ingay ng paligid at di magkamayaw ang mga nagsasayaw.
Nag-order si Airene, habang ako ay iginala ang aking paningin. Nang tawagin ni Airene ang isang kakilala.
Dahil madilim sa pwesto ko ay di agad ako nakita ng taong iyon. I know him, katrabaho iyon ni Clyde.
"Sino ang kasama mo?" tanong ni Airene sa lalaki.
"Mga kasamahan ko. Doon muna tayo table namin."
Iniwan muna kami ni Airene. Sumama muna ito sa kakilala nito, pero bumalik din agad.
"Sheena. Hindi ka maniniwala kung sino ang nakita ko," hinihingal nitong sabi. Para itong hinahabol ng kung sino.
"Ano bang pinagsasabi mo?" naguguluhang tanong ko.
"Halika na. See it by yourself."
Hinila niya ako sa table ng lalaki na nakipag-usap kay Airene kanina. Di agad ako nakagalaw sa aking kinatatayuan, dahil sa aking nakita.
Akala ko wala ng sasakit pa sa nakita ko sa mga larawan. Mayroon pa pala. Di ko napigilan na tumulo ang luha ko. Akala ko ba operasyon ang ginawa niya, bakit iba yata?
Bumalik ba siya sa pagiging playboy? Is my husband Cheating on me?
I saw Clyde and Ivy, kissing each other na para bang silang dalawa lamang sa mundo, na tila ba mahal na mahal nila ang isa't-isa.
I compose myself. Pinahid ko ang aking mga luha. Mabuti at di na tumulo ang aking mga luha. Nilapitan ko sila. I cross my arms under my breast.
"Akala ko ba operasyon ang ginagawa mo. Clyde. Bakit tila. Ibang operasyon iyan?" galit kong sumbat sa kanya.
I stay calm, pero nagpupuyos ang loob ko. Gusto kong sabunutan si Ivy.
Parang natuka ng ahas si Clyde, nang makita niya ako. Agad siyang tumayo at agad na nabahala ang mukha nito.
"Sheena. What are you doing here?" tanong nito sa akin.
"I am having fun. Until Airene drug me here. Akala ko kung ano ang ipapakita niya sa akin. Ang pakikipaglaplapan mo pala sa so-called bestfriend ko," sabi ko dito.
"Mag-usap tayo please. Iyong nakita mo, mali iyon."
"Sige, mag-usap tayo. Mag-usap tayo, dito sa harapan ng mga kasamahan mo at sa mga kasama nila at sa harapan ni Ivy. Kung paano mo ako niloko. How dare you to cheat on me. I am your damn WIFE!" sigaw ko.
Ni isa sa kasamahan niya ay walang nakakaalam na asawa ako ni Clyde, na nagpakasalan na kami.
Kaya nagulat silang lahat sa rebelasyon ko.
"Hindi tayo dito mag-uusap, sa bahay tayo mag-usap." Pagmamakaawa nito. May pagsusumamo sa mga mata nito.
Hinarap ko si Ivy. "Narinit mo naman ang sinabi ko di ba? I am his wife. Kasal kaming dalawa. Pero bakit nakikisawsaw ka pa rin. Akala ko nagbago ka na. Akala ko hindi mo na uulitin ang ginawa mo noon. You hurt me, I am your bestfriend. Pero may ginagawa pala kayong milagro behind my back!" sigaw ko sa pagmumukha ni Ivy.
Hinila na ako ni Clyde. Ayaw kong mag-eskandalo, pero di ko mapigilan ang aking sarili. Nagpupumigla ako sa hawak ni Clyde. Dahil gusto ko pang balikan si Ivy. I want to slap her face sa katotohanan na wala na siyang mapapala kay Clyde.
"Let me go, Clyde. I know how to walk," madiin kong sambit. Gusto ko siyang saktan. Nagpipigil lang ako.
Binuksan nito ang pinto ng kotse nito at agad akong pumasok. Walang imikan kami. Ayaw kong magsalita. Dahil baka di ko kayanin at makapagsalita ako ng di maganda.
Nakarating kami sa bahay, di ko siya pinapansin. Kahit na panay ang kausap nito sa akin.
"Sheen. Babe. Mag-usap tayo please." May pagmamakaawa sa boses nito.
hinarap ko ito. "Usap? Anong pag-uusapan natin? Kung paano mo halikan si Ivy? Kung paano mo ipakita sa mga kasamahan mo na para kayong magjowa?" tanong ko dito.
"Sige pag-usapan natin. How many times do you cheat on me? Ilang beses… ilang ulit mo akong niloloko? I am faithfull to you Clyde from the beginning. Pero ano ang ginawa mo, NILOKO mo ako!" sigaw ko sa pagmumukha nito.
Di ko mapigilan ang lumuha. Isa-isang nagsipatakan ang kanina ko pang pinipigilan na mga luha ko.
"Nang niyaya mo ako magpakasal. Pumayag agad ko, kahit na ayaw ko pa sana. Pumayag ako, kasi mahal na mahal kita. I gave my whole being to you. Pero ano ang ginawa mo. NILOKO mo ako at ang masakit pa. Kay Ivy pa talaga!" galit kong sigaw sa kanya.
"I am sorry. Di ko ginusto iyon, Sheena. Pero kailangan kong gawin. Para sa iyo, to protect you. Di ba sabi ko Trust me on this. Gagawin ko ang lahat maging ligtas ka lang."
"Ligtas?" napatawa ako nang mapakal. "Talaga Clyde? You want to protect me. Pero ikaw mismo ang gumawa ng ikakasakit ko. I am so hurt Clyde. Betrayed at the same time. Akala ko hindi mo ako lolokohin. Nagkamali ako. Akala ko mahal mo ako, parang hindi mo ako mahal," sabi ko dito. Tinalikuran ko dito.
Gusto kong itulog ang lahat nang sakit na nararamdaman ko. Pero bago ako makapasok sa kwarto namin ay niyakap ako ni Clyde mula sa aking likuran.
"Please. Paniwalaan mo ako. Ginawa ko lang iyon, dahil gusto kitang protektahan. There is a threat into your life at hindi namin alam kong sino ang salarin," paliwanag nito sa akin. Nanatili itong nakayakap sa aking likuran.
"Kaya ginawa mo na lokohin ako. Bakit si Ivy pa."
"Dahil siya ang pinaghihinalaan namin. Gusto namin na makakuha ng mga ebidensya laban sa kanya para tigilan ka na niya," sabi pa nito sa akin.
Umiling ako. "Ang sakit Clyde. Sana ay sinabi mo sa akin. Para kung makita ko man ay alam ko, at di masyadong masakit." Hinawi ko ang mga braso nito na nakapulupot sa aking baywang at iniwan siyang mag-isa doon.
Pumasok ako sa kwarto naming mag-asawa at humiga sa kama, iniiyak ko ang sakit na nararamdaman ko. Ang kaninang hikbi ko at nauwi sa hagulhol.
Hindi ko alam kong ano ang kasalanan ko at nangyayari ito sa akin. Bakit sinasaktan ako ng ganito.
Nakatulog ako kakaiyak.
KINABUKASAN ay nagising akong maga at masakit ang aking mga mata. Dahil siguro sa kakaiyak ko kagabi. Bumangon ako at napunta sa banyo. I do my delay routine.
Lumabas ako sa kwarto ko. Alam kong di dito natulog kagabi si Clyde. Ewan ko kung nasaan ang lalaking iyon. Bahala siya sa buhay niya. Galit pa rin ako sa kanya.
Nasa kusina ako at kasalukuyan na naghahanda nang maluluto nang bumukas ang main door. I know siya iyon. Kaya pinilit kong magpakabusy. Naramdaman ko siya na pumasok sa kusina.
Deadma pa rin ako. Ayaw ko siyang kausapin.
"Good morning babe," bati nito sa akin. Hinalikan nito ang gilid ng ulo ko. Di ako umiwas, gusto kong iparamdam dito na galit ako sa kanya, na di ako natutuwa sa mga ginagawa niya.
"I am sorry. Alam kong dapat sinabi ko sa iyo ang sitwasyon. Di dapat ako naglihim. I am sorry Sheena. Sana ay mapatawad mo ako." Di ako umimik. Kahit na nasa gilid ko siya ay pinaramdam ko talaga na parang wala ito sa tabi ko.
Gusto kong nalaman nito na di ko nagustuhan ang ginawa nito. Buhay ko ito. Dapat ay alam ko kung ano ang nangyayari. Nanganganib na pala ang buhay ko, di ko man lang alam.
At ano ang dahilan ni Ivy, para gawin sa akin iyon. Masyadong mababaw, kung si Clyde ang dahilan. Kaya gusto nito na mawala ako sa landas nito.
Nasa restaurant ako ngayon. Gusto na makipagkita ni Ivy sa akin. Pinagbigyan ko ito, because I want to know the truth. Gusto kong malaman kung bakit ginagawa nito ang mga iyon.
Nasa labas ang aking paningin ng may lumapit sa akin. Tinignan ko ito, si Ivy lang pala.
"Seat down," yaya ko sa kanya. Casual na boses ang ginamit ko. Dahil di ko alam kong kaya ko pang maging kaibigan ang babaeng ito.
Sawa na ako sa mga ginagawa nito.
"Anong pag-uusapan natin?" direct to the point kong tanong dito. Ayaw kong mag-aksaya ng oras at ayaw kong matagal na makasama ang babaeng ito.
"Kasal na pala kayo. Di mo man lang sinabi sa akin," mahina nitong sabi sa akin.
"No need to inform you. Hindi ka naman talaga naging parte ULIT ng circle of friends ko." Napatingin ito ng wala sa oras akin. Nanlalaki ang mga mata nito.
"Akala ko napatawad mo na ako," mahina nitong sabi sa akin.
"Yes, I forgive you. Pinatawad na kita. Pero di ibig sabihin noon ay kaibigan kita ulit. Di ibig sabihin noon ay tinatanggap ulit kita," matigas kong sabi dito.
"I understand. Sana ay mapatawad mo ako this time na talaga."
"After what you do? No way! Hindi ako masokista para saktan ang sarili ko. May dilekadesa pa ako para sa aking sarili," sabi ko dito. "2 years ago, Ivy. You ruined our friendship. Sa totoo lang, handa naman talaga kitang tanggapin eh! I will give my trust to you again. Pero dahil sa ginawa mo kagabi, tama lang na di kita tinanggap at pinagkatiwalaan."
"Again. I am sorry."
"The damage has been done. Nasaktan na ninyo ako. Winasak nito ng paulit-ulit ang pagkatao ko." Tumayo ako. Iniwan ko siyang mag-isa doon. Di ko na kaya na makita siyang muli.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro