
Chapter 43
NASA harapan ako ng isang condomium dito sa california. After 2 years of being coma ay nagising na din ako. Vough never give up on me.
I know he loves me, I feel that. But I can't give my heart to him. Clyde on my heart, but the man I love is inlove with Sheena. My bestfriend.
Bestfriend na lahat ay planado. Hindi ko pa rin makakalimutan ang ginawa ng ama ni Sheena sa ama ko. My father suffered of depression. Nasa pangangalaga na siya ngayon ng isang institution.
Masakit man na ilagay ang sarili kong ama doon ay kailangan. Dahil kung hindi ay baka mawala sa amin ang ama ko.
My twin sister Icy, dont want to help me. Dahil may kasalanan din daw ang daddy namin. Di ako naniniwala doon. I love my father, kaya ako ang gagawa ng paghihiganti nito, kung ayaw nitong gawin.
"I heard na babalik ka na ng Pilipinas." Di ko ito ito nilingon.
Tumabi ito sa akin. "Yeah! It's time for my comeback. Gusto ko nang tapusin ang lahat."
"At kunin si Clyde, ang lalaking mahal mo."
Napalingon ako sa kanya. Nakapamulsa ito.
"I am sorry vough. Alam ko na nasasaktan kita. Sana ay maintindihan mo ako. I love him, at di ko matuturuan ang puso ko na mahalin ka."
Yumuko ito. "I know. And di na kitang pwede tulungan sa mga plano mo. Tama na ang tatlong taon na pagtulong ko sa iyo," walang emosyong sabi nito sa akin.
Napangiti ako. Isang ngiti na di aabot sa aking mga mata.
Lumapit ako dito. This is my last ace, to seduce him. I know, bibigay din ito sa akin. Hindi ko kaya na wala si Vough. I need him.
Idinikit ko ang katawan ko sa kanya. Hinawakan ang mukha nito ay ibinaling sa akin. Hahalikan ko na sana ang labi nito ng alisin nito ang kamay ko na nakahawak sa mukha nito.
"Tama na Ivy. Ayaw ko ng magmukhang tanga. Siguro, hindi ikaw ang para sa akin."
Sobrang laylay ang aking balikat. Dahil ang lalaking sinasandalan ko at inalalayan ng aking katawan at bumitaw na sa akin.
Lumayo ito sa akin at tinalikuran ako. Kinuha ang isang papel na nasa mesa. Bumalik ito sa akin ay ibinigay sa akin ang papel.
Checke pala iyon. Naglalaman iyon ng 5 milyon. Malaki na iyon kung tutuusin. Pero bakit nalulungkot ako sa pag-alis ni Vough sa tabi ko? Mahal ko ba siya?
Hindi! Si Clyde ang mahal ko at mamahalin ko wala nang iba.
Nasa Airport na ako. Ngayong araw ang dating ko sa Pilipinas. Kahit na sa private plane ni Vough ako nakasakay ay tila kulang ang kasiyahan ko. Dahil wala sa tabi ko ang lalaking tanging masasandalan ko pag di ko na alam ang gagawin ko.
AFTER 2 years ay nagkita-kita ulit kami nila Airene at Jen sa dating naming tambayan.
Naging okay na din ang lahat. Wala nang gumugulo sa amin. Clyde and I getting stronger. Jen had 2 kids at puro babae. Wala pa itong balak sundan ang bunso.
"Hello," kinawayan ko ang bagong dating. Nasa labas kasi kami ngayon ng dating tambayan namin. Ayaw naming pumasok sa loob ng restaurant.
Isang sports car ang pumarada. Lumabas doon si Icy. Icy is our bestfriend now. Naging kaibigan ko na din ang babae. Wala na din kaming balita kay Ivy.
Hindi namin alam kong saan nagsusuot ang babaeng iyon. Alam kong may pagkakamali din ako 2 years ago. Kaya kung magpapakita si Ivy ngayon ay talagang tatanggapin ko si Ivy ulit.
Napatingin kaming apat sa isa pang sports car na pumarada sa harapan ng restaurant kung saan kami nakaupo.
Isang nakangiting babae ang lumabas doon. Nakasunglasses ito. Sabay na napatingin ang tatlo sa akin.
"What?" tanong ko sa kanila.
"Ivy is here." May pag-alala sa boses ni Airene.
"I know, I will give her a chance," ngiting sabi ko kay Airene.
"Hello, guys! I am back!" sigaw nito.
Napaface palm na lang ang dalawa. Dahil alam nila kung gaano kaingay si Ivy. Habang ang kakambal naman nito ay tahimik lamang, nagmamasid kay Ivy.
Umupo ito sa bakanteng upuan. "I am sorry kung ngayon lang ako nagpakita. After two years ay lumipad ako patungong ibang bansa. I meet a guy there. Nagsama kami and our relationship didnt work," sabi nito sa amin.
"Mabuti naisipan mong umuwi," wika ko.
"Yeah, ano naman ang gagawin ko doon? Iniwan nga ako ng gagong iyon."
"So, nakamove on ka na kay Clyde?"
Sabay kaming napatingin kay Airene. Dahil sa tanong nito kay Ivy. Ngumiti si Ivy.
"Yeah! Actually, kaya din ako umuwi. Para humingi ng tawad sa kasalanan ko sa iyo Sheena. I didnt mean to stole Clyde from you. Siguro naging desperada lang talaga ako, dahil una kong naramdaman iyon na umibig. Ngayon ay nakamove on na ako. May pinahalagahan ko ang sarili ko, kesa sa ibang tao," mahaba nitong sabi sa amin.
Napatingin ito sa katapat nitong upuan. Kumunot ang noo ni Ivy.
"What are you doing here Icy?" asik nito sa kapatid.
Icy just roll her eyes on Ivy.
"Di ba ayaw kong makita kang umaaligid sa mga kaibigan ko?"
"They are my friends now. Nang wala ka ay nakipagkaibigan ako sa kanila."
"At sinamantala mo naman ang pagkawala ko."
"Tama na please. Ivy, she our friend now. Tinanggap namin siya ng buo, sana ay ikaw din. Afterall she is your twin sister."
Umirap lang si Ivy.
Napangiti ako, dahil papalapit sa gawin namin si Clyde. Napatigil ito sa paglalakad ng makita kung sino ang nasa tabi ko.
Pero agad din naglakad at pumunta sa gawin ko. Nilapitan ako at hinalikan ang ulo ko, pagkatapos ay ang labi ko naman ang hinalikan nito.
Naging mapusok ang halik nito.
"Uugghh! Get a room guys! Have respect sa mga single dito," ungot ni Airene sa amin.
Tumigil sa paghalik sa akin si Clyde. Umupo ito sa tabi ko. Hinigit niya ako papalapit sa kanya, at ipinulupot ang braso sa aking baywang na para bang pinuprotektahan niya ako.
"Dapat girls bonding lang ito eh! Bakit may mga asungot ngayon dito?" Pagmamaktol ni Airene.
"Namimiss ko si Sheena. Kaya nandito ako," sagot ni Clyde.
"Namimiss? Eh, nagkita nga kayo kagabi di ba. Magkatabi na natulog. Iyon ang naabutan ko kanina. Wala pa nga kayong saplot eh!" sigaw ng babae.
Umiling na lang ako. Ang lakas pa ng boses ni Airene.
"Mahiya ka nga Airene. Ang lakas ng boses mo," saway ni Jen dito. Sinubo nito ang cheese cake na inorder nito.
"How's your day?" tanong ni Clyde sa akin.
"Okay naman, how about you?" tanong ko dito.
"Not okay, namiss kita eh." Napangiti ako ng wala sa oras.
"Ang daming langgam."
"Wala naman," sabi pa ni Icy. Nagpalinga-linga pa ito.
"Nevermind."
Clyde and I are getting stronger. Sa dalawang taon na relasyon namin ay lalong tumitibay, malapit na din kaming magtapos. Siya sa pagiging pulis at ako naman ay sa pagiging teachers. Next month ay OJT ko na. Magtuturo ako sa elememtarya. Ganun din si Clyde. Mag-OJT na din ito.
Siguradong magiging busy na kaming dalawa nito ay alam ko na gagawa ng paraan si Clyde para magkaroon kami ng oras. Isang taon na lang ang bubunuin namin at magtatapos na kami sa pag-aaral.
"Alam mo Sheena, duda ako sa pagbabalik ni Ivy," sabi ni Airene sa akin. Nandito kasi na kami sa condo.
Naghiwa-hiwalay na kami kanina. Pumunta ang dalawa dito, si Jen at Airene.
"Oo nga Sheena. After two years ay bumalik siya na para bang walang nangyari."
Nakikinig lang ako sa kanila. Alam ko naman iyon, kahit ako, duda sa pagbabalik ni Ivy. Alam kong may plano ang babae. Kung ano iyon, iyon ang hindi namin alam.
Hindi ko alam kong saan humuhugot si Ivy, nababanaag ko sa mga mata nito ang galit at inggit, alam kong di lang tungkol kay Clyde ang galit nito, alam kong may iba pang dahilan.
AGAD akong lumabas sa sports car ko nang makarating ako sa bahay. Naabutan ko pa si Ivy na paakyat sa itaas, kung masan ang kwarto nito.
"Ivy, mag-usap tayo!" sigaw ko sa kakambal ko. Alam kong may pinaplano na naman ito.
"I am tired Icy, pwede bang pagpahingahin mo naman ako. I am tired." Nasa mga mata nito ang pagod.
Pero hindi ko pwede ipagpaliban ang sasabihin ko dito. Hindi na nga ako sumama sa pagpunta sa condo ni Sheena, dahil inuna ko ang magaling kong kapatid.
"Stop your revenge Ivy," pakiusap ko dito. "Walang patutunguhan ang paghihiganti mo. Makakasakit ka lang. Sheena is your bestfriend."
Pumalakpak ito. "Wow, ang galing naman. Bibigyan na ba kita ng award? Para sa role na pagiging hero?" tanong nito.
"Please, Ivy. Stop this," pakiusap ko dito. Kapatid ko pa rin si Ivy. Kung may magagawa akong pigilan ko siya ay gagawin ko wag lang itong makasakit ng tao ulit.
"No!" sigaw nito. "Nasaan ba si daddy ngayon? Nasa mental institution, dahil nabaliw ang ama natin. Nadepress ang ama natin, dahil sa pamilya ng kaibigan mo ngayon!" sigaw nitong muli.
"May kasalana din si daddy. Ginawa lang ni Mr. Angeles ang nararapat. Nagnakaw ang ama natin ng pera sa kumpanya na pinagtratrabahoan niya." Paliwag ko dito.
"Hindi iyan totoo. Hindi magagawa ni daddy iyan. Our father is a kind man. He is a good father to us. Bakit mo nasasabi iyan sa sarili nating ama."
Napatigil ako. Napatitig ako sa kapatid ko. Simula ng mangyari ang malagim na sinapit ng pamilya namin. Ang pagkamatay ni mommy at ang pag invold ni daddy sa nakawan sa kumpanya ng Pamilya Angeles ay nag iba na si Ivy. Wala na ang dating sweet at palangiti na Ivy. Wala na dati kong kapatid.
"Where is my sister? Sino ka ba?" tanong ko dito.
Napatayo ito ng tuwid. Tumingin ito sa akin.
"Ako pa rin ito Icy, your twin sister. Ginawa ko lang malakas ang sarili ko, para di ako tapak-tapakan ng mga tao sa paligid ko. I make my self independent, para matoto akong tumayo sa sarili kong mga paa," sabi nito sa akin. Tinalikuran na niya ako.
Napaupo ako sa sofa namin. Kasalanan ko din ito. Masyado kong inispoiled ang kakambal ko, dahil sa sobrang pagmamahal ko dito. She is my only sister. Kaya gagawin ko ang lahat, mapabuti lang ito. Pero mukhang napasobra yata.
Gagawin ko ang lahat, maibalik lang kita sa dati Ivy.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro