Chapter 40
NAKATINGIN ako ngayon sa dalawang taong nag-uusap. Nakilala ko kanina si Rolyn ang may-ari ng Hacienda Victoria. Kasama nina Rolyn at Clyde, si Icy. Hindi na pinaalis ni Clyde, si Icy alam ko na di pa buo ang tiwala ng lalaki sa huli.
Nasa kwarto lang ako, ayaw kong lumabas. Dahil hanggang ngayon ay di pa rin pumapasok sa isip ko ang lahat. Hindi din namin alam kong may kinalaman ba si Ivy sa lahat ng ito.
Nasa may veranda ako ngayon ng kwarto ko. Gusto kong lumanghap ng sariwang hangin. Di nga ako nagkamali, sobrang sariwa ng hangin ng probinsya. Napatingin ako sa ibaba, dahil pakiramdam ko ay may mga mata na nakatingin sa akin. Nagtama ang mga mata namin ni Clyde. Ako na lang ang uniwas. Umalis ako sa veranda at pumasok sa loob ng kwarto ko. Umupo ako sa kama ko. Isa sa guest room ang inuukupa ko ngayon dito sa Hacienda.
Maya-maya ay bumukas ang pinto ng aking kwarto. Iniluwa doon si Clyde. Umiwas ako ng tingin dito. Ayaw ko siyang tignan, narinig ko ang pagbuntong-hininga nito.
"I know that you're still upset, dahil sa ginawa ko. Para din naman ito sa iyo and I am sorry kung nagpanggap akong may amnesia. Ginawa ko lang naman iyon, para pasakitan ka. Dahil iniwan mo ako sa kabila ng laban na kinakaharap nating dalawa. Binitawan mo ako."
Tinignan ko siya na may galit sa mga mata. "Ginawa ko iyon, dahil gusto kitang protektahan, Clyde. Ako ang may kasalanan sa kanila. Kung meron man, pero iba ang nagbabayad. Di kaya ng konsensya ko na may mangyari masama ulit sa iyo."
Lumapit ito sa akin, lumuhod ito sa paanan ko. Niyakap niya ako sa baywang.
"Mahal kita, handa kong suongin ang lahat ng panganib. Para lang mailigtas kita." Tumingala ito sa akin
Hinawakan nito ang pisngi ko. Napapikit ako. Dinama ko ang init na nagmula sa mga kamay nito.
"Mahal din naman kita. Kaya nga ako lumayo sa iyo. Para di ka na mapahamak. Baka sa susunod ay di ka na makaligtas at baka di ko kayanin iyon. Clyde. Baka ikamatay ko iyon." Di ko mapigilan ang lumuha.
Unti-unti ay tumulo ang aking mga luha. Tumayo ito. Hinawakan ang aking baba ay iniangat iyon gamit ang mga kamay nito.
Lumapit ang mukha nito sa aking mukha. Hanggang sa maglapat ang aming mga labi. Dampi lang noong una, hanggang sa unti-unting gumalaw ang labi nito.
Ang banayad na galaw ng labi nito ay naging mapusok na inaangkin ang aking mga labi. Tinugon ko iyon. Inihiga niya ako sa kama.
Iniwan nito ang aking labi at tinitigan ako. Muli ay sinakop nito ng mapusok na halik ang aking mga labi. Bumaba ang labi nito tungo sa aking leeg. Napatingala ako at panaungol.
Akala ko ay wala nang gaganda pa sa ancestral house nila Rolyn. May mas gaganda pa pala.
Nakasakay kami ngayon ni Clyde sa isang kabayo na pag-aari nila Rolyn. Di ko akalain na marunong palang mangabayo si Clyde. Hiniram niya ang kabayong iyon kay Rolyn para mamasyal kami. Nasa unahan ako at nasa likuran ko si Clyde. Dama ko ang init na nagmumula kay Clyde. Nakadikit kasi ang likuran ko sa dibdib nito. Kaya damang-dama ko ang katigas ng dibdib nito.
Nilibot namin ang buong hacienda. Huminto kami sa nga puno ng mangga Abala ang mga trabahador dahil anihan pala ngayon. Huminto kami. Bumaba si Clyde mula sa kabayo at inalalayan akong bumaba. Hinawakan nito ang baywang ko.
Abala din si Rolyn. Pero di iyon naging hadlang para di niya kami i-entertain.
"Mabuti ay napasyal kayo. Masyado akong abala sa anihan ngayon." Nasa gilid ko si Clyde. Nasa baywang ko ang braso nito at nakapulupot doon.
"Nababagot na kasi ako sa bahay. Kaya namasyal na lang kami. Sobrang ganda pala ng hacienda mo," sabi ko kay Rolyn. Kay ganda talaga ni Rolyn. Kahit saang angulo ay wala nang maipipintas sa babae.
"Mabuti naman. Anihan kasi ng prutas at gulay ngayon. Kaya sobrang abala talaga ako. Di ko kayo masyadong naasikaso."
"It's okay, naiintindihan ko naman."
Nagtungo kami sa mga kahon, kung saan nakasilid ang mga mangga para ideliver sa kabilang bayan. Napapatingin ang mga tao sa amin. Dahil siguro dahil sa bago lang kami dito o dahil talaga sa lalaking kasama ko? Kahit saang talaga kami mapunta ay may tumitingin pa rin, kahit na kasama pa ako.
Bawat daanan namin na mga babae ay iniirapan ko. Lalo na at ang iba ay nagpapacute kay Clyde.
Lumapit si Rolyn sa puno ng mangga na kasalukuyang hinaharvest. Kaya nasa amin na naman ang tingin ng mga tao na nandoon. Lumapit sa akin si Clyde, inilagay sa baywang ko ang kamay nito, hinapit ako papalapit dito.
"Okay na ba ang lahat ng ito, Jerson?" tanon ni Rolyn sa isang lalaki.
Nakasquat ito at nasa kahon ang atensyon ng lalaki. Nang umangat ang mukha nito ay doon ko lang nakitabang kabuoan ng mukha nito, nakasombrero kaso ito at natatakpan ng sombrero nito ang maamo nitong mukha.
Tumayo ang lalaki. Napatingin ito sa gawin namin at humigpit ang kapit ni Clyde sa aking baywang.
"May bisita ka pala Rolyn," walang emosyong sambit nito sa babae. Para bang sanay na ito sa kalamigan nito.
Ang boses nito ay buo at di masakit sa tainga pakinggan.
"Oo, nagbabakasyon lang sila," iyon ang sabi ni Rolyn sa lalaki.
Pero ang lalaki ay nakatitig kay Clyde. Para bang nag-uusap sila ng lalaki. Naramdam ko iyon, dahil nasa baywang ko ang kamay ni Clyde at tila ba ay natetense ito.
Buong maghapon kami ni Clyde na nasa manggahan, tumutulong na din kasi kami sa mga nagharvest. Mababait ang mga tao na nasa hacienda. Pero alam ko na may ila na naiilang sa amin, kulang talaga ang isang araw sa pamamasyal. Bukas ay sa taniman naman ng tubo at mais kami pupunta. Gusto kong makita kung paano magharvest ng tubo at mais.
Nasa Dining na kami ngayon. Kasalukuyan na kumakain ng hapunan. Masyado akong napagod, t'yak na pag-akyat ko nito mamaya ay makakatulog ako nito ng mahimbing.
Nagsalita si Clyde. "Di ko nakikita si Alve, Rolyn?" tanong ni Clyde dito. Doon ko lang napagtanto na wala pala talaga ang asawa ni Rolyn dito at di ko din nakilala ang asawa nito.
"Alam mo naman iyong kaibigan mo na iyon. Busy sa negosyo niya. Kailangan ding asikasuhin ang hacienda dahil nga anihan na. Di naman niya maiwan-iwan ang mga negosyo niya. Nang aaral din si Laurence at Vea."
"Kaya pala."
"How about Kent? Balita ko ay ikinasal na ito." Biglang akong natahimik. Wala akong nabalitaan na ikinasal muli si Kent.
"His marriage didn't work. Ewan ko ba sa lalaking iyon. Alam ko namang mahal noon ang asawa. Pero bigla na lang nagbago ang lahat after nilang ikasal." Napalingon ako sa sinabi ni Clyde.
"What do you mean na mahal ni Kent ang asawa nito? Iisa lang naman ang asawa ni Kent. Ang Ate Selena ko lang."
Napatingin sa akin si Rolyn. Naguguluhan ito. Hindi kumibo si Clyde sa tanong ko. Nawalan na din ako ng ganang kumain. Tumayo ako at iniwan ko sila doon. Sabihan na nila akong bastos, pero di ko kayang marinig ang susunod na sasabihin ni Clyde. Nasasaktan ako para sa kapatid ko.
Pumasok ako sa kwarto ko. Bigla ay napaisip ako sa sinabi ni Clyde. Kung mahal ba talaga ni Kent ang Ate Selena ko. Bakit kailangan na sasakta nito ang kapatid ko? Ano ang motibo ni Kent.
Ang daming tanung sa aking utak. Nasa ganung ayos ako nang bumukas ang pinto ng aking kwarto. Nanatili akong nakatayo sa veranda, di ko pinansin ang pumasok sa kwarto ko. Ayaw kong harapin ang lalaking nasa kwarto ko na ngayon.
"Alam kong naguguluhan ka. My brother, is inlove with your sister." Tumigil ito sa pagsasalita.
Kaya nagtanong ako, "Kung ganun bakit kailangan niyang saktan ang kapatid ko?"
"Hindi ko din alam. Walang sinabi sa akin si Kent. Nang araw na makita mo siyang may katalik na ibang babae sa opisina niya ay naabutan si Kent na naglalasing sa condo nito. Doon umuuwi si Kent. May sinabi ang kapatid ko. Pero di ko masyadong maintindihan. Inaalam ko pa, nagpaimbestiga na din ako."
Napahinga ako ng malalim. Tanaw ko ngayon ang malawak na lupain na pag-aari Rolyn. Kahit na gabi na ay nababanaag ko pa rin ang kalawakan ng Hacienda Victoria.
"Kailan tayo uuwi?" wala sa sarili kong tanong dito.
"Hindi ko alam. Baka matatagalan pa tayo dito."
"Gusto ko ng umuwi, kahit na gusto ko dito ay masyado na tayong nakaabala."
Napabuntong-hininga ito. "Rolyn will help us. Isa din ang dahilan kong bakit dinala kita dito ay dahil alam kong matutulungan ako ni Rolyn. Rolyn is a powerful woman. May mga koneksyon siya. Malawak ang koneksyon ni Rolyn."
"Ano ba talaga ang nangyayari. Clyde? Hindi ko na alam ang gagawin, masyado na akong naguguluhan. Si Icy, di pa bumabalik."
Isang linggo na kami dito. Hanggang ngayon ay di pa bumabalik si Icy, hindi ko alam kong ano ang inuutus ni Clyde sa babae.
"Please, trust me. Hindi ko hahayaan na masaktan kang muli. Gagawin ko ang lahat, maprotektahan lang kita." Niyakap niya ako mula sa likuran ko.
Hinawakan nito ang kamay ko at dinala iyon sa mga labi nito. Tapos ay niyakap niya ako ng mahigpit.
DI mo na pwedeng malaman ang nangyayari Sheena. Mas mabuti ng wala kang alam. Para di ako mahirapang protektahan ka. Para di ako mahirapang hulihin ang mga tao na nasa likod ng mga ito.
Hinalikan ko ang ulo ng aking nobya. Mas idinikit ko pa ito sa aking likuran.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro