Chapter 38
NASA batis ako ngayon. Naalala ko ang ginawa namin ni Clyde sa batis na ito noong dumating kami dito, isang linggo na ang nakakalipas. Kaunting dikit lang ng mga balat namin ay bigla na akong nag-iinit.
"Nandito ka lang pala." Di ko siya nilingon. Nanatili ang tingin ko sa batis. I cross my arms and caress them using my hands. Malamig din kasi ang simoy ng hangin.
"Bakit mo ako hinahanap?" tanong ko dito.
"Gusto ko lang magpaalam. Magrereport na kasi ako sa kampo, gusto ko mang isama ka ay baka mas lalong mapahamak ka lamang. Mas mabuting nandito ka, ligts dito at malayo sa panganib.
"Iuwi mo na lang kami ni daddy Clyde. Mas magiging okay kung nasa mansion kaming dalawa."
"Hindi pwede, at isa pa ligtas kayo dito," giit nito sa akin.
"Ligtas? Tapos na ang laban namin ni Ivy Clyde. Ipinaubaya na kita sa kanya. Kayo na nga di ba?"
"Hindi lang si Ivy ang naghahangad ng kamatayan mo Sheena. Nang dahil sa akin, kaya ka nadamay." Pinahina nito ang huling sinabi nito sa akin. Pero narinig ko pa rin iyon.
Di ko narinig kanina ang yabag nito na papalapit sa akin. Dahil siguro sundalo ito ay na-calculate nito ang bawat galaw nito.
Hinarap ko ito. Tinignan sa mga mata. "Bakit kasi kinidnap mo pa ako at dinala sa kung saan. Ngayon, mapapahamak na naman ako."
"I am sorry. Hindi ko namang akalain na masusundan nila ako. Ginawa ko ang lahat para mailigaw sila. Kaso, napakatinik pala nila."
Di ko alam ang gagawin ko, nanganganib ng wala sa oras ang buhay ko. Akala ko iyong nangyari 10 years ago ay iyon na ang huli. Hindi pa pala. I give up Clyde. Kinausap ko din si Ivy that time. Para tigilan lang niya ako at natigil ang lahat.
Si Clyde lang naman ang puno't-dulo nang lahat ng iyon. Pareho naming minahal ni Ivy ang isang lalaki. Kaya para matigil ang ginagawa nitong pagpapahirap sa akin, I give up Clyde. Kahit na sobrang mahal ko siya.
Handa ko na sanang patawarin si Clyde noon. Start a new life with him. Pero noong kausapin ako ni Ivy at sabihin nito sa akin na kailangan ng ama nito ng anak ay di ako nagdalawang-isip na ibigay si Clyde sa kanya.
I LOOK AT Sheena, mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ko ito. Ito lamang ang tangi kong alam para manatili itong ligtas at di na malagay sa panganib muli ang buhay nito.
Siguro kung di ko siya kinidnap ay baka di nanganganib ang buhay nito.
"Hanggang tingin mula sa malayo ka na lang ba?" tanong nito sa akin. Di ko ito nilingon, nanatili ang tingin ko kay Sheena mula sa malayo.
"Mas ligtas siya sa hacienda. Habang inaayos ko ang gusot na ginawa ko," sabi ko dito.
"Sa palagay mo. Napatawad ka na niya? Sa pagkidnap mo sa kanya."
"Iyan ang hindi ko alam. Sana balang araw ay mapatawad niya ako."
5 months na simula nang umalis ako. Ang sinabi ko kay Sheena ay magrereport lang ako sa kampo, pero ang totoo ay aayusin ko ang gusot na ginawa ko.
I make my own investigation. Kulang pa din ang mga impormasyon na nasa kamay ko. Siguro matatagalan pa ang pagbabalik ko sa buhay ni Sheena.
LULAN kami ni daddy ng isang kotse na maghahatid sa amin sa aming mansion. Isang lalaki ang nagtungi sa hacienda at sinundo kami. Siguro ay tapos na ang lahat Pero hindi pa rin nagpapakita si Clyde sa akin.
Kahit di ko man aminin sa sarili ko, I miss Clyde so much. Kahit na maikling panahon lang ang pinasamahan namin ay nakuha nitong muli ang loob ko, pati ang puso ko.
"Don't worry about him, anak. He will be alright," pampalubag loob na sabi sa akin ni daddy.
Nang manatili kami sa Hacienda Victoria ay naging maayos ang kalagayan ng daddy ko. Naging mabilis ang recovery nito. Dahil na rin siguro sa sariwang hangin at nasa maayos kami na sibilisasyon na nasa hacienda, kaya naging madali ang recovery ni daddy ko.
"I know dad. Ang hindi ko lang maintindihan, after what he did. Hindi na siya nagpakita sa akin."
"Baka busy lang o ano, remember he is a soldier. Syempre uunahin niya ang bayan bago, ikaw."
Natamaan ako sa sinabi ni daddy. Oo nga naman, I am not his priority. Mas may dapat na unahin ito.
Nakarating kami sa mansion. Pero labis ang pinagtaka ko dahil puno iyon ng mga lalaking nakaitim. Iyong pang bodyguard talaga.
"Anong nangyayari?" tanong ko sa driver namin. Hindi na ito ang kumausap sa amin kanina. Hindi ko na din nakita ang lalaki.
"For your safety." Isang malamig na boses ang narinig ko. Di ako pwedeng magkamali. Boses iyon ni Clyde.
"Clyde…" bulong ko.
Di ko alam kong umabot ba sa pandinig nito ang sinabi ko. Pero nabuhayan ako ng loob nang marinig ang boses nito. 7 months din, mula nang umalis ito at di na nagpakita sa akin.
Laking pasasalamat ko din ng di ako nito nabuntis. Dahil hindi pa ito ang tamang panahon para mabuntis ako. Marami pa kaming dapat ayusin.
Pumasok kami sa mansion. Di ko na nakita ang driver namin. Hinatid na kami sa aming kwarto, at nasa mga kamay ng lalaking nakaitim ang aming mga gamit.
Hinatid ko muna si daddy. Pinahiga ko muna ito, bago ko ito kinumutan.
"Don't worry to much, Sheena. Baka ano ang mangyari sa iyo." May pag-alala sa boses ni daddy.
"I am okay daddy. Magpahinga ka na. Pagod ka sa b'yahe."
Tinalikuran ko n si daddy. Bago ako lumabas ng kwarto nito ay nilingon ko ito. Isang ngiti ang iginawad ko dito. Bago ko isinara ang pinto ng kwarto nito.
Nagtuloy ang lakad ko papunta sa kwarto ko. Nang magsalita ang nakasunod sa aking lalaki.
"Miss Sheena. May gustong kakausap po sa inyo."
Napatigil ako sa paglalakad. Di ko ito nilingon. Gusto ko ding magpahinga, dahil pagod ako sa byahe.
"Sino?" tanong ko dito. Pero di ito nagsalita.
"Sumunod na lang po kayo sa akin." Tanging nasabi nito sa akin.
Sumunod ako sa lalaking nakaitim. Patungo kami sa library ng mansion namin. Hindi ko kilala ang tao na gustong kumausap sa akin.
Pinagbuksan ako ng pinto ng lalaking nakaitim Nang makapasoj na ako ay isinara nito ang pinto.
Isang lalaki ang nakatayo sa isang bintana dito sa library namin, may hawak itong baso ng alak. Kilala ko ang lalaki, hindi ako pwedeng magkamali.
"Bakit kailangan na dito tayo mag-usap, pwede mo naman akong puntahan sa kwarto ko."
"Hindi pwede sa kwarto mo. Masyadong mapanganib."
Humarap ito sa akin. Gusto ko siyang yakapin. Pero pinipigilan ko ang aking sarili. After 7 months ay nagpakita ito sa akin at para bang wala lang.
"Ikaw ba ang naglagay ng mga lalaking nakaitim sa mansion?" tanong ko dito.
"For your protection." Napatawa ako nang wala sa oras.
"For my protection? Nagpapatawa ka ba? Bakit mo kami inalis doon sa hacienda kung para sa proteksyon ko lang ang lahat ng ito!" Di ko mapigilan ang tumaas ang boses ko.
"Hacienda Victoria isn't safe place for you. Natuntun na nila kayo doon. Sooner or later, baka pasugod na sila doon."
"At sa tingin mo safe ako dito?" tanong ko sa kanya.
"Yes. Gusto ko ding nasa malapit ka."
Bigla kong naisip ang mga tao sa Hacienda Victoria, sila Rolyn.
"Paano sila Rolyn? Ang mga tao sa Hacienda?"
"Ligtas na sila. Para di sila madamay, inilipat kita ng safe house at ang mansion ninyo ang pinakasafe sa lahat ng ari-arian ninyo."
"Babalik na ako sa pagtuturo," tugon ko dito.
"Hindi pwede. It's not safe for you."
"Di mo ako mapipigilan. Clyde." Tinalikuran ko na ito.
"Kung ganun ay may mga bodyguard ka."
"Napatigil ako. Hinarap ko ito. Inisang hakbang ko ang pagitan naming dalawa at pinagbabayo ang dibdib nito. Hinayaan lamang niya ako.
"Kung hindi mo ako kinidnap, di ako madadamay." Nagpatuloy ako sa pagsuntok sa dibdib nito. "Ang selfish mo. Ang gusro ko lang naman ay mamuhay ng tahimik. Bakit patuloy ninyo akong ginugulo." Huminto ako sa pagbayo sa dibdib nito, dahil nawalan na din ako ng lakas.
"Trust me, please…" bulong nito sa akin.
"How do I trust you? Sira na ang tiwala ko sa iyo."
"Teacher Sheena. Tulala ka na naman. Simula ng bumalik ka ay ganyan ka na."
Napabugtong-hininga ako. Totoo ang sinabi nila. This isn't me, simula ng bumalik ako sa pagtuturo ay para bang wala ang isip ko dito. Bumalik na kasi ako sa pagtuturo. Kahit na pinipigilan pa ako ni Clyde.
"Sheena. May naghahanap sa iyo." Naapangat ako ng mukha ko.
Tumayo ako at lumabas. Nakita ko si Ivy, ano pa ba ang kailangan ng babaeng ito sa akin. Hindi pa ba ito nakuntento.
Tumalikod ako. Sumunod ako sa kanya. Huminto ito sa isang puno. Isang puno na parte ng aming nakaraan. I know that tree.
"I remember this tree." Hinawakan nito ang katawan ng puno. Matanda na ang puno na ito. Mayayabong na din ang mga dahon nito. "Dito tayong apat na kumakain ng lunch at nag-aaral. Nakaukit pa dito ang mga pangalan nating apat." Panimula nito. Nanatili akong tahimik.
Hunarap ito sa akin. "Anong nangyari sa ating dalawa, Sheena?" tanong nito sa akin. Di ko siya tinignan. "Noon di naman tayo nag-aaway, dahil lang sa iisang lalaki. Ngayon lang."
"I don't know." tanging sabi ko dito. "Dahil siguro pagsubok ito sa pagkakaibigan nating dalawa. Nagmahal tayo ng iisang lalaki, pero naging gahaman ka. Gusto mo sa iyo lang. Ayaw mong magparaya." Nakatitig lang ito sa akin.
Napabuntong-hininga ako. "Alam mo Ivy. Hindi ko gusto ang ginagawa mo sa sarili mo. Masyado mong binababa ang dangal mo," sabi ko dito.
Tinalikuran ko na ito. Aalis na sana ako nang magsalita ito.
"Matagal nang wala sa akin ang dangal ko, Sheena. Simula nang agawin mo sa akin si Clyde. Kaya Layuan mo siya. Nakikiusap ako, para sa anak ko."
"Hindi ko hawak ang isipan ni Clyde. Hindi ko din hawak ang mga kilos niya. Kaya siya ang pagsabihan mo at hindi ako."
"Please, Sheena. For my child. Hinahanap niya ang daddy niya."
Tuluyan ko na siyang iniwan doon. Mamaya ay kakausapin ko nang masinsinan si Clyde. Ayaw kong lumaki ang anak ni Ivy na walang ama.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro