Chapter 37
DAHIL sabado ay nasa condo lamang ako. Ganun din si Clyde, ayaw na yata nitong umalis.
"Wala ka ba talagang balak na umalis?" tanong ko dito.
Gusto ko kasing mag-isa sa condo ko. Ayaw kong nakasama nang matagal si Clyde sa iisang bobong. Dahil di ko ito maiiwasan, lalo na't panay ang dikit nito sa akin.
"Hindi, kaya magtiis ka."
Galit ko siyang tinignan. "Nakuha mo na ang gusto mo di ba?" asik ko dito.
Tinignan niya ako. "Hindi pa. Dahil kahit ilang beses ko pang tikman iyang katawan mo alam ko lalayo ka pa rin, at iyon ang hindi ko mapapayagan."
"Kung ganun ay ako ang aalis sa condo ko at maiiwan kang mag-isa dito," sabi ko dito.
Lalabas na sana ako nang condo ko nang hinawakan nito ang braso ko at kinaladkad ako tungo sa aking kwarto. Inihagis niya ako sa kama nang makapasok na kaming dalawa sa kwarto ko.
"D'yan ka lang!" sigaw nito sa akin sabay turo.
Napatingin ako sa labas ng kwarto ko. Dahil may narinig akong kaluskos doon.
"Ano iyon Clyde?" nababahalang tanong ko dito.
"Dito ka lang sa loob, mas safe ka dito," sabi nito sa akin.
Lumabas ito sa kwarto ko. Susunod sana ako, pero huli na. Dahil naisara na nito ang pinto ng aking kwarto at inilock iyon mula sa labas.
"Clyde!" sigaw ko mula sa loob.
Pero di ako pinakinggan ni Clyde, di talaga nito binuksan ang pinto ng aking kwarto. Nababahala na ako sa kalagayan ng lalaking mahal ko.
"Clyde!" sigaw kong muli. Pero wala na akong naririnig na kaluskos sa labas ng kwarto ko.
Bumalik ako sa kama ko. Uupo na sana ako nang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Clyde. Humangos itong papalapit sa akin.
May dugo ang damit nito, kaya agad akong nabahala sa kalagayan nito.
"Ano ang nangyari sa iyo?" tanong ko dito.
Pero di ito sumagot. Bagkos ay lumapit ito sa akin at hinila ako papalabas nang kwarto ko. Papalabas sa condo ko.
May nakita akong lalaking nakahandusay at tila wala ng buhay na nasa sala ng condo ko. Nanlaki ang mg mata ko dahil di ako makapaniwala sa nakikita ko.
"What's going on Clyde?" tanong ko dito. Nasa gitna kami ng hallway, huminto kaming dalawa ayaw kong sumama sa kanya.
"Don't be stubborn Sheena. Nanganganib ang buhay mo!" galit nitong sigaw sa akin. "Kaya halika na, maabutan nila tayo, mamatay tayo ditong dalawa."
Umiling-iling ako. "No, Clyde! Hindi ka na dapat nadamay dito. Ako lang naman ang habol niya. Kaya umalis ka na." Taboy ko dito.
"Ikaw o ako man ang hinahabol nila, hindi kita iiwan. Sasamahan kita."
Bigla ay natahimik ako sa sinabi nito. Di agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.
"Kaya halika na. Kailangan na nating makaalis dito." Hinila na ako ni Clyde. Nagpatianod na lang ako sa paghila nito sa akin.
Nakarating kami sa lobby ng condumium kung saan ang unit ko. Naghagdan lang kami dahil baka elevator ang gamit ng mga kalaban. Nakalabas na kami at isang sports car ang huminto sa harapan namin.
"Hop in!" sigaw ng isang pamilyar na tinig mula sa loob ng sports car.
"Icy…" bulong ko
Itinago ako ni Clyde sa likod nito. Dahil alam ko kung gaano nito kaayaw na makasama ko si Icy.
"I am no harm, Clyde," sabi nito kay Clyde.
"Paano ako makakasiguro na di mo siya sasaktan? I know you!" matigas nitong sabi.
"Hindi ako kalaban, Clyde. Kakampi ninyo ako. Kaya sumakay na kayo."
"Clyde." Hinawakan ko ang braso nito. Napalingon ito sa akin.
Sumakay kaming dalawa ni Clyde sa backseat ng sports car ni Icy.
"Use this." Inihagis ni Icy ang dalawang baril sa aming dalawa ni Clyde. "Dahil may kakaharapin tayong laban ay kailangan ninyong dalawa iyan." Pinaharorot agad ni Icy ang sports car nito.
Napatakip na lang ako nang aking tainga ng may nagpaputok mula sa likurang bahagi ng sports car na ginagamit ni Icy. Lumabas sa bintana si Clyde at pinaputukan ang sumusunod sa amin.
"Hang on, guys! This is gonna be fun." Bigla ay kinabahan ako sa sinabi ni Icy. Di ko pa ito masyadong kilala. Alam ko din na nakangisi ito sa ngayon.
Hindi nga ako nagkamali. Mayroong nakasunod sa aming dalawang motorsiklo. Pinaharorot nito ang sports car ng sobrang bilis na halos humiwalay na sa aking katawan ang kaluluwa ko. Pero naabutan pa rin nila kami. Mas lalong pinabilis ni Icy ang pagpapatakbo.
Pinaputukan ni Clyde ang isang motorsiklo na nasa gilid nito. Gayon din sa gilid ko. Nang matumba na ang dalawang motorsiklo at pinabagalan na ni Icy nang takbo ang sports car nito.
Umayos nang upo si Clyde at agad akong niyakap. Nanginginig kasi ako sa takot.
"Sa hospital tayo Icy!" utos ni Clyde sa babae. Nanatili ako sa bisig nito, yakap-yakap nito.
"I am okay, Clyde…" bulong ko dito.
"No, gusto kong mapatignan ka ng doktor I dont want you to be traumalize," sabi nito sa akin. Niyakap niya ako at humilig ako sa dibdib nito.
Nakarating kami sa hospital nang walang aberya. Agad akong inasikaso ng nurse at doktor. Ayon na din sa utos ni Clyde.
"She is okay now, Mr. Montecalvo. No need to worry about her." Tumaas ang kilay ko.
Dahil sa paraan ng pagsasalita ng doktor na ito ay tila nanlalambing ito sa isang nobyo na may galit dito. Dumako ang mga mata ko sa kamay ng batang doktor na nasa braso ni Clyde. At ang hudyo di man lamg umiwas.
Bata pa ang doktor at kahit sino ay nabibighani kay Clyde. Mapabata man o matanda. 'At isa ka na doon.' ani ng isipan ko. Umirap ako sa kawalan.
Kahit saang magpunta ang lalaking ito walang nakakaligtas talaga dito. Clyde is a matured man. Hindi mo mahahalata ang tunay na edad nito. Ang akala ng mga tao dito ay kung ano ang hitsura nito ay iyon din ang edad nito. Doon sila ay nagkamali bata pa lang si Clyde. I think he is 22 or 23.
Napatingin sa akin si Clyde. Inirapan ko ito, ayaw kong tignan ang harap-harapan na paglalandi ng batang doktor na iyon kay Clyde.
Lumapit sa akin si Clyde. Nakatanaw naman ang batang doktor sa papalayong si Clyde.
"Aalis na tayo." Imporma nito sa akin. Nasa bulsa nito ang dalawang kamay, nakasuksuk doon.
Nakatitig lang ito sa akin. Napabutong-hininga ito.
Hindi ako umimik, ni hindi ko siya kinakausap. Nasa sasakyan na kami ni Icy nang magsalita ito.
"Galit ka pa rin sa akin?"
"What do you think?" At nadagdagan pa dahil sa paglalando ng doktor na iyon sa iyo. Gusto ko sanang idagdag, sinarili ko na lang.
"Para din ito sa iyo, Sheena."
Natahimik ako sa sinabi ni Icy. Alam ko naman iyon Pero sadyang naiirita talaga ako. Nakatingin di sa akin si Icy sa rearmirror.
"Icy, sa Hacienda Victoria tayo." Napatingin ako dito.
Ngayon ko lang narinig ang Hacienda na iyan.
"Doon ay ligtas ka Sheena. The security of Hacienda Victoria is so tight at walang magtatangkang pumasok ni sino nang di dumadaan sa scanner. I know the owner of that haciends. She is my friend."
'She? So babae.'
Nanatili akong tahimik. Ayaw kong marinig ang mga sinasabi ng binata. Nasasaktan ako, bukambibig kasi nito ang may-ari ng Hacienda Victoria. He said Rolyn is a good woman. Walang maipipintas na dito.
"Ituro mo na lang ang daan papapunta doon, Clyde. Hindi ko alam kong saan iyan," sambit ni Icy.
Ilang oras din ang byahe, bago kamo nakarating sa isang palikong daan. Pagliko namin ay pumasok kami sa isang makipot na daan.
Hanggang sa nagtataasang mga puno na ang nadadaraanan namin. Ilang minuto din naming nilakbay ang daan na iyon. Bago kami nakarating sa isang arko. Medyo malayo ang hacienda na ito sa kabihasnan. Makipot ang daraanan.
Nakalagay sa arko na iyon ay "Welcome to Hacienda Victoria". Ito na siguro ang hacienda na sinasabi ni Clyde.
Lumiko kami nakita namin ang isang gate. Isang malaking gate, di din biro ang pader na nakapaligid dito. Di agad kami pinapasok ng gward'ya, kung hindi pa sumilip si Clyde mula sa backseat ay baka di pa kami nakakapasok hanggang ngayon.
Bumukas ang gate. Bumungad sa aming tingin ang sobrang lawak na lupain. Maraming mga punong naghihilera at may mga bahay din. Siguro mga trabahador ang nakatira sa mga bahay na iyan. Medyo malayo ang nilakbay namin bago namin nakita ang isang ancestral house.
Spanish Style ang ancestral house. Di mo akalain na mayroon palang ganito na nag-eexist. Inilibot ko din ang paningin ko sa paligid. Sobrang ganda din. Maraming puno at mga bulaklak.
"Mabuti at nakadalaw ka Clyde." Sabay-sabay kaming napatingin sa nagsasalita.
Napanganga ako, dahil isang magandang babae ang kasalukuyan na bumababa ngayon sa hagdan ng ancestral house. Walang tulak kabigin ang ganda nito. May nakasunod dito na batang lalaki na tansya niya ay nasa 11 years old, na kung tumingin ay tila ba hinuhukay ang buo mong pagkatao.
"Yeah, and I need a safety place at wala akong ibang maisip kundi ang Hacienda Victoria lamang. Kung mararapatin mo Rolyn. Sana ay dito muna ang aking nobya."
Napatanga ako. Ito si Rolyn? Umiwas ako ng tingin. Sabagay, sino ba ang di nagkakagusto dito.
Rolyn have a beauty na kahit saang anggulong tignan ay sobrang ganda nito.
"What happen Clyde? Last time we talk. You said safe kayo."
"Yon din ang akala ko. Pero hindi pala."
"Pasok kayo, feel at home."
Agad kaming pumasok sa loob ng bahay. Di ko maiwasang humanga. Kung maganda sa labas, mas maganda pala ang sa loob.
"Thank you Rolyn. Your such an angel," nakangiting sambit ni Clyde kay Rolyn.
Umiwas ako nang tingin. Iginala ko na lang ang paningin ko sa loob ng bahay.
Balang Araw ay magkakaroon din ako nang ganito. Isang hacienda na matatawag kong akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro