Chapter 35
ISANG linggo na mula nang di ako dumadalaw sa hospital kung saan nakaadmit si Clyde. Dahil ayaw kong madamay si Clyde sa mga nangyayari sa akin.
Tama na ang minsang masaktan ito sa dahil sa akin. Tama na ang minsang manganib ang buhay nito.
"Gising na si Clyde, Sheen. Kaso wala itong maalala. Sabi ng doktor na tumingin dito ay baka dahil sa operasyon na isinagawa dito. Kaya nawala ang ala-ala nito." Nakikinig lang ako sa sinasabi ni Airene. Di ko akalain na malaki pala ang naging damage kay Clyde.
Napabuntong-hininga na lang ako. Dahil kahit paano ay naging ligtas at nasa mabuting kalagayan na si Clyde. I feel relieve on that.
Nasa school ako ngayon. Kahit na gusto kong nagmokmok sa kwarto ko ay di ko ginawa. Dahil, kahit anong gawin ko ay di na maibabalik pa ang mga nangyari. Nadamay na si Clyde at alam ko, kung di pa ako lalayo sa mga mahal ko sa buhay ay baka isa-isa nilang pupunteryahin.
Napatigil ako sa paglalakad nang harangin ako ng isang babae. Nagkasalubong ang kilay ko. Cause I know this girl. What a small world.
Bakit nakapasok ang babaeng ito dito sa school ko, at nakacross-arms pa ito. Tumaas ang kilay ko. Dahil para bang sobrang angas nito.
"I am looking for Clyde. Did you know where he is?" tanong nito sa akin.
Tumaas ang kilay ko at napangisi na lang ako.
"Ano ang tingin mo sa akin, hanapan ng mga batang nawawala? I am not his mother. Bakit sa akin mo siya hinahanap?" asik ko dito.
Tumayo ito ng tuwid. "Sabi nila, ikaw daw kasi ang owner ng school na ito. So responsiblity mo ang mga estudyante dito, and I remember you. Ikaw iyong humalik kay Clyde." Turo nito sa akin.
"Then? So what kung hahalikan ko siya? And ano ka ba ni Clyde? Para kang aso na kung saan magpunta ang amo ay sunod ng sunod."
"I am his girl."
Napatawa ako nang wala sa oras. Iba pala talaga ang tama ng babaeng ito kay Clyde. Ang kaninang kalmado nitong mukha ay napalitan ng mabalasik na anyo.
"Bakit mo ako pinagtatawanan?" galit nitong tanong sa akin.
"Nothing, nakakatawa ka kasi. Alam mo ba iyon? Clyde is a playboy. Hindi siya mapirme sa iisang babae. Kaya save your tears. Dahil iiyak ka din," nang-uuyam kong sabi sa babae.
"You know what? Clyde isn't here. Kaya umalis ka na." Nilampasan ko ito. Dahil late na ako sa unang klase ko.
Nagsisigaw ang babae. Hindi ko na lang iyong pinansin.
Natapos ang huling klase ko. Pumunta na lang muna ako sa opisina ko para makapagrelas. Kahit paano, dahil kahit anong pilit ko na kalimutan si Clyde ay hindi ko magawa. I am a strong woman, kaso may kahinaan din ako.
Hindi sa lahat ng oras ay malakas ako. Tumayo na ako. Nilock ko ang pinto ng aking opisina bago pumunta sa parking lot ng school.
Sumakay na ako sa sasakyan ko. Binuhay ko ang makina nito at pinatakbo ang sasakyan ko. Alam ko kung saan nakaconfine si Clyde. Kaso, ayaw kong magpakita dito dahil baka di ko mapigilan ang sarili ko at di ko na ituloy ang unang plano ko.
Pagdating ko sa condo ko at agad akong pumunta sa laptop ko at tinignan ang isang files doon. Ang files na iyon ay naglalaman ng kuha ng cctv sa kwarto ni Clyde. Nakakonekta iyon sa kwarto ng lalaking mahal ko.
Pinalagyan ko ng cctv ang kwarto nito para kahit paano ay makikita ko ito. Kahit na malayo ako dito. Sobrang miss na miss ko na ito, pero kailangan kong gawin ito. Para sa kaligtasan nito.
Napaluha ako, dahil kahit papaano ay naging okay na ang kalagayan ng lalaking mahal ko. Isa-isang nagtalunan sa aking mga mata ang mga luha ko. Ang kaninang hikbi ay napalitan iyon nang hagolhol.
Kahit na gusto ko siyang dalawin, lapitan at yakapin at di ko magagawa. Pinipigilan ko ang aking sarili, dahil ayaw ko nang madamay pa ito sa mga nangyayari sa buhay ko.
Agad kong pinahid ang mga luha sa aking mga mata. Humiga ako sa kama ko, nasa tabi ko ang laptop ko. Di ko namalayan na nakatulog pala ako.
Nagising ako kinabukasan na kumakalam ang aking sikmura. Naalala ko pala na di ako kumain kagabi ng hapunan. Nakatulugan ko pala kagabi ang labis na pag-iyak.
Bumangon na ako. Pumasok muna ako sa banyo para maghilamos ng mukha ko. Pagkatapos ay lumabas ako sa kwarto ko at pumasok sa kusina para magluto ng aking agahan. Pagkatapos ay naligo na ako. Bago ako naligo ay tinignan ko muna ang laptop ko, kung saan ay malaya kong nakikita si Clyde. Nakikipag-usap ito sa ina nito.
Pumasok akong muli sa banyo ko para maligo. Nang matapos ako sa pagligo ay agad akong lumabas para magbihis. Napatayo ako nang tuwid ng maalala ko na sa tuwing matatapos ako sa pagligo ay nasa sofa si Clyde, nag-aantay sa akin. Dahil palagi nga kaming sabay na pumasok sa school.
Umiling-iling na lang ako. Dahil kahit anong gawin ko. Sa lahat ng sulok ng condo ko ay mayroong ala-ala si Clyde dito.
Lumabas na ako sa kwarto ko, para kumain. Kahit sa pagkain ko ay naalala ko siya, dahil sabay din kaming kumakain ng agahan.
"He is better now, Sheen," nakangiting sabi sa akin ni Airene.
Nandito kami ngayon ni Airene sa isang cafè shop, dito naming naisipan na magkita at mag-usap.
Si Airene din ang mga mata ko sa loob ng kwarto ni Clyde. Siya din ang source ko sa totoong kalagayan ni Clyde.
"Hindi pa ba bumabalik ang mga ala-ala niya?" tanong ko kay Airene.
"Hindi pa lahat. Pero may naalala na siya. And baka bukas at lalabas na si Clyde."
Tango na lang ang tanging naisagot ko kay Airene. Di na talaga siguro maiiwasan ang muling pagkikita namin ni Clyde. Pero hangga't maaari ay iiwasan ko ito. Hangga't kaya ko ay gagawin ko. Ayaw ko nang mapahamak muli si Clyde. Tama na ang minsang napahamak ito dahil sa akin.
Nasa loob lang ako nang sasakyan ko. Ngayong araw kasi ang labas ni Clyde. Nasa labas ako ng hospital kung saan ito nakaconfined. Kahit na gusto kong lapitan ito ay di ko ginawa. Ayaw kong magpakita dito. Dahil baka magtaka ito. Sapat na sa akin na makita itong ligtas at wala na sa kapahamakan.
Napaupo ako nang maayos sa aking kinauupuan dito sa loob ng aking sasakyan. Nasa pinto na sila Clyde. Napasinghap ako dahil parang nakatingin si Clyde sa gawi ko. Kilala ba nito ang sasakyan na gamit ko?
Pero malabong maalala niya ako. Dahil ayon kay Airene ay di pa bumabalik ang ala-ala nito, at nawala talaga ang ala-ala nito kasama na ako doon. Siguro tama ding mawala ang ala-ala nito. Para makalimutan ako nito at di na guluhin pa.
Dahil wala na akong mukhang maihaharap pa kay Clyde. Dahil sa ginawa kong pag-iwan dito. 'Di ko din ito mahaharap, dahil hindi ko alam kong paano ito haharapin kung sakali.
Napangiti ako, pero di umabot sa mga mata ko ang ngiti ko na iyon. Umalis na ako, dahil baka di ko mapigilan ang sarili ko. Baka lapitan ko ito at yakapin.
Isang linggo na mula nang bumalik sa pag-aaral si Clyde. Nakatanaw ako ngayon sa kanya mula sa malayo. Araw-araw ay palagi ko siyang tinitignan mula sa malayo. Di ako magsasawa na gawin ito araw-araw. Kahit na nasasaktan ako sa ginawa nito.
I know para na akong stalker sa lagay ko na ito. Hindi naman pwedeng sumulpot na lang ako bigla sa harapan nito ay yakapin ito na para bang walang nangyari.
"You torture yourself." Di ko siya nilingon. Alam ko ang ginawa ko sa sarili ko.
"Kung ito ang paraan para malayo siya sa akin piligro ay gagawin ko ito ng paulit-ulit at walang pagdadalawang-isip."
"Pareho ninyong sinasaktan ang isa't-isa!" madiin nitong sigaw sa akin.
Napaluha ako, dahil sa sitwasyon naming dalawa ngayon ni Clyde.
"Ako lang ang nasasaktan Icy, walang maalala si Clyde!" ganti kong sigaw dito. Hinarap ko siya. May luha sa aking mga mata.
"Sooner or later his memory will be back, Sheena at sa tingin mo ay hindi masasaktan si Clyde sa ginawa mo? Ngayong higit ka niyang kailangan Sheena. Pero nasaan ka? Nandito nagmomokmok na sa halip ay tulungan siya. Pag bumalik ang ala-ala niya. Ano ang sasabihin mo kung sakaling magtanong siya?" Di ako nakasagot sa sinabi ni Icy.
Alam ko na kasalanan ko ang lahat ng ito. Pero para din naman ito sa kanya. Para din ito kay Clyde.
"Alam mo bang sa ginagawa mo ay masasaktan si Clyde? Dahil ang babaeng inaasahan niya na nasa tabi niya sana ay iniwan siya sa gitna nang labanan."
Natameme ako sa sinabi ni Icy. Gusto ko lang naman na mapabuti si Clyde. Gusto ko lang naman na malayo ito sa kapahamakan.
Umalis na si Clyde. Nakita ko itong nakaakbay sa babaeny nakilala namin sa beach noong minsang nag-outing ang team nito. Nagtransfer pala ang babae. Kaya pala labas masok na ito sa school ko.
Nagmamadali ako. May hinahalungkat ako sa bag ko at hindi ko namalayan na may kasalubong ako. Nabangga ako sa isang matigas na bagay. Napatingala ako. Hindi pala bagay ang nabangga ko kundi isang tao at si Clyde iyon.
Bigla ay napaatras ako. Umiwas ako nang tingin dahil di ko kaya itong tignan sa mga mata. Nagmamadali akong umalis sa kinatatayuan ko.
"Wait Miss!" Pigil nito sa braso ko. Napapikit ako. Kakaiba ang nararamdaman ko sa pagdampi ng kamay nito sa balat ko.
Hinarap ko ito. "Yes?" Isang ngiti ang ipinaskil ko sa mga labi ko. Pero nababanaag sa mga mata ko ang pangungulila para dito.
"You look familiar, have we meet before?" tanong nito sa akin. Nawala ang ngiti sa aking mga mata.
Bigla akong dinaganan ng realisasyon na wala talagang maalala si Clyde. Hindi niya ako maaalala.
Ibinalik ko ang ngiti sa labi ko. Umiling ako. "Hindi, sige mauna na ako. Baka malate ako sa klase ko," sabi ko dito. Naglakad ako papalayo dito.
"Babe, kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala." Isang tinig ang tumawag dito. Napapikit na lang ako.
Dahil sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon. Ako ang girlfriend, pero iba ang pumalit sa pwesto ko. Napangiti na lang ako nang mapait. Napalingon ako kay Clyde. Sakto din na nagtama ang mga mata naming dalawa.
Kahit malayo na ito sa akin ay para bang nakita ko sa mga mata nito ang isang kalungkutan at pangungulila nito sa mga mata nito.
Nawala ang paningin nito sa akin nang hilahin na ito ng girlfriend nito ngayon, habang ako ay tanaw ko ito na papalayo sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro