Chapter 34
DAHIL sa nangyari sa school ay umuwi na ako. Di talaga ako makapaniwala na nangyari iyon sa akin. Di ko din kilala ang mga iyon.
Di ko sukat akalain na sa sariling school ko pa talaga mangyayari iyon. Nasa parking lot kami ngayon.
Dumating si Clyde na humahangos dahil sa nabalitaan nito ang nangyari sa akin. Pagkalapit niya sa akin ay agad niya akong niyakap at hinalikan sa noo.
"Are you okay?" tanong nito sa akin.
"Yes I am!" ngiti kong sagot dito.
"What are you doing here Icy?" tanong nito kay Icy. Nagkatinginan kami sa aming mga mata.
Nagsusumamo ako na wag sabihin kay Clyde na may usapan kaming dalawa. Umiling-iling ako.
"Nakita ko lang siya, balak ko sana siyang tulungan pero tapos na pala."
"Pwede ka ng umalis!" taboy nito kay Icy.
Alam kong harsh masyado si Clyde kay Icy. Alam ko kasing may dahilan ito kaya ayaw nitong napapalapit sa akin si Icy.
"Halika na. Ihahatid na kita sa condo mo." Sumunod ako sa kanya. Pumasok ako sa front seat nang buksan nito ang pinto nang front seat. Isinuot nito ang seatbelt sa akin.
Sumakay na din ito sa sasakyan nito.
Tahimik lang kaming dalawa. Walang gustong magsalita. Alam ko na di biro ang kinaharap ko kanina. Akala ko talaga katapusan ko na.
Dumating kami sa condo ko na walang imikan. Pumasok ako at pumunta sa kusina, binuksan ko ang ref at kumuha ng tubig.
Napaharap ako sa counter ng kusina ko at napahawak sa dulo nito. Tapos ay tumingala ako.
Di ko akalain na mangyayari iyon sa akin. Sino ang may gawa no'n?
"Bakit hindi mo ako hinintay kanina?" tanong nito sa akin.
Di ko siya nilingon. Bagkos ay yumuko ako.
"Sumagot ka, Sheena. Mababaliw ako sa pag-aalala sa iyo!" sigaw nito sa akin.
Nilingon ko siya. Tinignan ko siya sa mga mata nito.
"Dahil mababagot lang ako sa loob ng campus. Matagal ka pa kayo magsi-uwian. Galit din ako sa iyo!" balik kong sigaw dito.
"Dahil lang dyan? Muntik na ng mapahamak oh!" sigaw nito sa akin.
Umiwas ako nang tingin dito.
"Alam ko ang ginawa ko. Maalam ako sa self defense." Katwiran ko.
"Yeah, you know how to use it. I know that. Pero mag-isa ka, babae ka. Kung marami sila. Napahamak ka na!" Natahimik ako sa sinabi nito.
Naisip ko din kasi iyon. Kung marami sila baka napahamak na ako.
Bigla ay naramdaman ko ang yakap nito. Hinalikan nito ang ulo ko.
"Hindi ko alam ang gagawin ko Sheena kung may mangyayari sa iyo na masama. Baka ikamatay ko."
Di ko napigilan ang lumuha. Dahil halo-halo na ang nararamdaman ko. Takot para sa sarili ko at takot para sa mahal ko sa buhay.
"Di ko na alam ang gagawin ko, Clyde. Hindi ko alam kong sino ang may gawa nito." Di ko napigilan ang umiyak. Umiyak ako sa bisig nito.
"Nandito lang ako. Wag kang mag-alala, mahahanap din natin ang salarin ang may gawa nito." Humigpit ang yakap ko dito.
Nandito ako ngayon sa sofa ko. Tinitignan ko ng files na pinadala sa akin ni Airene, mga files iyon na nagsasaad ng mga galaw ni Ivy.
Until now, di pa rin namin siya nahahanap. Hindi din kami sure na siya nga ang may gawa ng pagka-aksidente namin. Pero gusto namin siyang makausap.
Pero si Icy, malakas ang kutob nito na ang kakambal nito ang may dahilan ng lahat. Di ko na alam ang gagawin, hindi din namin alam kung sino ang tumutulong kay Ivy kung meron man.
Kanina pa umuwi si Clyde. Gusto kong mag-isa kaya pinauwi ko ito. Gusto kong mag-isip, gusto kong mag-isa.
Naalala ko na naman ang napag-usapan namin ni Icy. Hindi ako akalain na tutulungan niya ako. Dahil sabi nito sa akin, malakas ang loob nito na si Ivy ang may gawa ng lahat ng iyo. Pero hindi nito sinabi kung ano ang dahilan.
Nakipagkasundo ako kay Icy, na tutulungan ko siya na masolve ang kaso namin, basta di nito ipapaalam kay Clyde ang plano namin.
Ayaw kong pigilan ako ni Clyde. Gusto ko ding mabigyan ng hustisya ang nangyari sa amin ni Airene. Alam kong tototol dito si Clyde. Dahil ilang beses na din na pinakiusapan ni Icy si Clyde para hingin ang panig ko.
Gusto lang ding iligtas ni Icy ang kakambal niya, dahil kung totoo ang lahat ng kalkulasyon ni Icy na ang tumutulong kay Ivy ay isang Drug Lord nasa panganib ang buhay ni Ivy.
Natatakot ako para sa buhay ni Ivy. Kahit na ganun ang huling pagkikita namin ay tinuturing ko pa rin siyang kaibigan. Isang matalik na kaibigan.
Tinignan ko ang laptop ko, nandoon ang isang files na isenend ni Airene sa akin.
Isa palang NBI Agent si Icy at matagal na itong nakatapos sa pag-aaral ay 3 years na itong nagtatrabaho bilang NBI Agent. Kaya pala di ko na siya nakikita sa paaralan na pinapasokan ko dahil na accelarate pala ito.
Nagtake ito ng exam para makapasan at mag-college ito. Nakapasa ito at nakapag-college sa edad na 17.
'Vough Ricafort, isang businessman, 28 years old. Napabalitaan din na isa itong Drug Lord pero walang kongkretong ebidensya para dito,' Iyon ang nakasaad sa isenend ni Airene sa akin.
'Sino ka ba talaga Vough Ricafort ano ang kinalaman mo sa pagkaka-aksidente namin. Kasabwat ka ba ni Ivy?'
Nagising ako kinabukasan na para bang masakit ang likuran ko. Iminulat ko ang mga mata ko, nasa sala pala ako natulog at nasa sofa ako.
Agad akong bumangon. Di ko pala napatay ang laptop ko. Bago ko ito i-off ay may isang mensahe na nakapagpagimbal sa akin.
'Clyde is on the hospital, right now.' Iyon ang nasa mensahe. Galing kay Airene iyon.
Agad akong tumayo at pumasok sa kwarto ko. Tinigna ko ang cellphone ko. Puno iyon ng missed called ni Airene at kung sino pa.
Kaninang madaling araw ito. May text din galing kay Airene.
'Sheena, nasa ospital ngayon si Clyde. Na ambus siya. Nakapag-usap kami kagabi sabi niya pupuntahan ka niya. Dahil nag-alala daw siya sa iyo. Kaso ayon nga, naambus siya at critical ang lagay niya.'
Dali-dali akong lumabas sa condo ko at pumunta sa parking lot. I know the hospital where clyde is. Sobra-sobra ang kaba na nararamdaman ko para sa lalaking mahal ko.
Binuhay ko ang makina ng sasakyan ko at pinaharorot iyon. Malapit na ako sa ospital ng may nahagip akong tao. Agad kong kinabig ang manibela ng aking sasakyan, para di ko ito mabangga. Nagpaikot-ikot ako at nawalan nang kontrol sa manibela. Mabuti na lang talaga at naapakan ko ang break.
Huminto ang sasakyan. Abot-abot ang kaba sa aking dibdib. Di ko napigilan ang umiyak sa manibela.
'Akala ko katapusan ko na.' Di ko napigilan ang umiyak.
Nang mahimasmasan ako ay binuhay ko ang makina ng aking sasakyan at pinatakbo iyon, papunta sa hospital. Ang bilis na din kasi ng takbo ko kanina. Dahil nga nagmamadali akong makapunta sa hospital. Ang lalaki kanina ay di ko na mahagip.
Sana ay okay lang siya. Nakarating ako sa parking lot ng hospital at bumaba na. Dali-dali akong pumunta sa nurse station at nagtanong
"Pwede magtanong," saad ko sa mga nurse na nadoon.
"Ano iyon Ma'am?" tanong nila sa aking.
"Dito ba naka confined si Clyde Jay Montecalvo?" tanong ko sa kanila.
May tinignan sila sa isang chart. Magsasalita na sana ang nurse nang may nagsalita sa likuran ko.
"Sheena," mahinang tawag niya sa akin. Nasa likuran ko ito.
Nilingon ko ito. "Airene."
Niyakap ako ni Airene. Umiyak ito sa, nabahala ako. Dahil baka kung anong nangyari kay Clyde.
Inilayo ko si Airene sa akin. "What happened? May nangyari bang masama kay Clyde?" tanong ko agad sa kanya.
Di ko makausap ng matino si Airene. Dahil panay iyak ito.
"Airene, what happened?" tanong ko dito.
"O-okay naman si Clyde. Nasa ICU siya," sabi nito sa akin. Nakahinga ako ng maluwag.
"Ano ang iniiyak mo?" tanong ko dito.
"Si Glenn, kasama pala ni Clyde. Kritical siya ngayon, Sheena. Di ko alam ang gagawin ko. Baka ikamatay ko kung mawawala siya sa akin," Umiiyak nitong daing sa akin.
Niyakap ko nang mahigpit si Airene. Dahil alam ko ang nararamdaman nito ngayon. Gaya ko ay nababahala din ako sa lalaking mahal ko.
Inakay ko si Airene. Para puntahan si Clyde. Pinaupo ko si Airene sa bench na nandoon, nang makarating kami sa ICU kung nasaan si Clyde at pumunta ako sa harapan ng ICU.
Napatakip ako sa aking bibig ng makita ang kalagayan ni Clyde. Maraming benda sa katawan nito at kalunos-lunos ang sinapit nito.
Di ko akalain na mangyayari ito kay Clyde. Kasalanan ko ito, kung bakit nadamay ito.
"Sheena!" napaligon ako sa tumawag sa akin. Di ko napigilan ang maluha.
Lumapit sa akin ang ina ni Clyde at niyakap ako. Umiiyak ito sa aking bisig.
"Magpakatatag po kayo Tita," umiiyak kong sabi dito.
Dahil alam ko nasasaktan din ito. Kung nasasaktan man ako, mas nasasaktan ang ina nito.
"Hindi ko alam kung sino ang may gawa nito Sheena. Pero sana pagbayaran nito ang lahat," galit nitong sambit.
"Don't worry Tita, I'll make sure na magbabayad sila. Lahat nang may kinalaman sa pagka-aksidente ni Clyde." Humigpit ang yakap ni Tita Shiella sa akin.
Dahil pwede naman daw na pumasok sa ICU, pero kailangan magsuot ng scrub suit para makapasok doon.
Umupo ako sa gilid ng kama ni Clyde. Hinawakan ko ang kamay nito, naaawa ako dito, dahil puno ng aparato ang katawan nito. Iba't-ibang aparato.
Di ko napigilan ang umiyak. Dahil wala namang kasalan si Clyde sa kanila. Pero nadadamay ito. Siguro dapat na akong lumayo sa kanya. Dahil di ko na kayang nakikitang nadadamay at nasasaktan si Clyde.
Mahal ko siya, pero hindi ko kayang nakikita na nasa ganitong sitwasyon si Clyde. Hindi, hindi ko kaya. Tumayo ako, nakapagdesisyon na ako. Siguro ito ang tama kong gawin.
Nilingon ko si Clyde sa huling pagkakataon.
'Sa gagawin ko Clyde. Alam kong magiging ligtas ka. Sana magiging okay ka. Alam kong masakit ang gagawin ko pero kailangan ko itong gawin. Para sa ikabubutin nating dalawa, nating lahat.'
Lumabas ako sa ICU. Hinarap ko si Airene.
"Balitaan mo na lang ako," wika ko dito.
Sigurado ka na ba talaga?" tanong nito.
Ngumiti ako nang di abot sa mga mata ko. "Yes, ito ang makakabuti sa aming dalawa. Tama na nang minsan na masaktan ito. Ayaw ko nang madamay ito Airene. Tama na ito," sabi ko dito.
Niyakap ako ni Airene. Umiyak ako sa bisig nito. Ginantihan ko ito nang yakap.
Umalis ako sa yakap ni Airene. Tinigan ko muli ang ICU kung nasaan si Clyde. Mahirap mang gawin ay kailangan kung gawin.
Kailangan kong isakripisyo ang lahat sa amin, para di na ito masaktan pa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro