Chapter 30
NAGISING ako na habol ang aking hininga, may luha din sa mga mata ko. Nagising si Clyde dahil sa paglilikot ko sa kama. Agad akong bumangon, bumangon din si Clyde.
Napaiyak ako ng wala sa oras. Hindi ko mapakalma ang sarili ko. Kaya niyakap niya ako.
"What's wrong?" tanong nito sa akin. Tiningala ko ito.
"Di mo naman ako sasaktan 'di ba? Di mo naman ako ipagpapalit sa iba 'di ba?" sunod-sunod kong tanong dito.
"Hindi, saan mo naman nakuha iyan?" tanong nito sa akin.
Humigpit ang yakap ko dito. "Nanaginip kasi ako, nakita daw kita at si Ivy na nagtatalik sa sala," sabi ko dito.
"Hush, matulog ka na. Pagod ka lang siguro," sabi nito sa akin.
Pinahiga niya ako sa kama at tumabi sa akin. Pinaunan nito ang braso sa aking ulo. Tumagilid ako at niyakap ito nang mahigpit.
'Kung mawawala ka sa akin, Clyde hindi ko na alam ang gagawin ko.'
Di nagtagal ay dinalaw ulit ako ng antok.
UMAGA na nang magising ako. Agad kong inilibot ang aking paningin. Wala na si Clyde, siguro umuwi na ito.
Agad akong pumasok sa banyo para maghilamos. Magluluto muna ako bago ako maligo. Lumabas agad ako sa kwarto ko at pumunta sa kusina.
Pero hindi ko inaasahan ang madadatnan ko. Si Clyde nagluluto at walang saplot pang-itaas, sumasayaw ito at kumikembot-kembot ang baywang. Sumandal ako sa may hamba ng pintuan, at pinagmamasdan lang ito.
Maganda din naman ang pangangatawan ni Clyde, para bang hindi angkop sa edad nito ang ganyang katawan. Aaminin ko, sobrang bata pa ni Clyde para sa akin. Kahit anong iwas ko ay di ko ito maiiwasan.
"Kanina ka pa gising?" tanong nito. Napansin na pala niya ako.
Tumayo ako nang tuwid at naglakad papunta dito. Agad kong tinignan ang mga niluto nito.
Eggs, hotdog, bacon and ham. May fried rice din pala itong niluto. Sobrang bango naman.
Naramdaman ko ito sa likuran ko, nakayakap at hinalik-halikan ang aking balikat.
"Okay ba iyang niluto ko? Hindi ko kasi alam kong ano ang kakainin mo? O baka ako ang gusto mong kainin?" tanong nito sa akin.
Napatawa na lang ako. "Ang corny mo. Okay na iyan sa akin."
Agad kong ikinawit ang braso sa leeg nito. Inilagay nito sa baywang ko ang kamay nito at hinapit ako papunta sa kanya.
"Ihatid na kita kay Airene?" tanong nito sa akin.
"Mamaya na."
Magkikita kasi kami ni Airene ngayon sa isang café may pag-uusapan kaming dalawa na importante.
"Sige. Maligo ka na para makakain ka na." Taboy nito sa akin.
Umalis ako sa harapan nito at pumasok sa kwarto ko.
Kasalukuyan akong nagsasabon ngayon, di talaga maalis sa isipan ko ang panaginip ko na iyon. Ano iyon? Isang senyales na may dadating na unos sa aming relasyon ni Clyde? Sana wala.
Natapos na akong naligo, nagbihis na ako para kumain. Lalabas na sana ako nang marinig kong may kausap si Clyde sa telepono nito.
"Stop it, wag mong idadamay si Sheena. Wala siyang kinalaman dito!" galit nitong sambit sa kabilang linya.
"Wag mo siyang idamay, kung hindi tayo ang magtutuos." Galit nitong pinatay ang telepono.
Humarap ito sa akin agad na nawala ang galit sa mukha nito. Isang masuyong tingin ang ibinigay nito sa akin, maaliwalas na din ang mukha nito. Ibang-iba na kanina na sobrang galit na galit ito.
"Kanina ka pa d'yan?" tanong nito sa akin.
"Hindi naman. Sino pala kausap mo?" tanong ko rin sa kanya.
"Wala, kaklasse ko lang. Halika na." Nauna itong magkalakad sa akin. Napatingin ako sa kanya.
'Ano ang tinatago mo Clyde?"
"Tahimik ka yata? May problema ba?" tanong ni Airene sa akin.
"Wala naman. May iniisip lang ako," sabi ko dito.
Nilalaro ko lang kasi ang coffee na inorder ko. Hindi talaga maalis sa aking isipan ang sinabi kanina ni Clyde.
Sana ay mali ako sa iniisip ko. Dahil hanggang ngayon ay may kaba pa rin ako sa aking dibdib sana walang kinalaman si Ivy dito.
"Ito pala ang nakalap ko. May inutusan kasi ko, para nalaman natin kung nasaan ba talaga si Ivy."
Isa-isa kong inilabas ang laman ng folder. Nakita ko si Ivy na may kausap na lalaki.
"Nangyari iyan, few months ago before naganap ang aksidente natin," sabi nito sa akin.
"Sino ang lalaking ito?" tanong ko dito.
"Vough Ricafort isang mayaman na negosyante, mayaman pa sa inyo iyan."
"Paano sila nagkakilala ni Ivy?" tanong kong muli dito.
"Dahil sa isang party. May dinaluhan si Ivy na isang party at doon niya nakilala si Vough!"
Bigla akong napaisip. "Di kaya iyong time na inaya tayo ni Ivy na umattend sa isang party? Minsan lang naman iyon nagyaya."
"Siguro."
"Nasaan na ngayon si Ivy?" tanong ko dito.
"Iyan ang dapat natin alamin. Hanggang ngayon ay hinahanap pa rin siya ng mga inutusan ko."
Tinignan ko ang oras sa relo ko na nasa bisig ko.
"I need to go home. Kailangan ko pang maghanda. May dinner date kami ni CJ!" ngiti kong sabi dito.
"Mas naging matatag ang relasyon ninyo ngayon."
Tinignan ko ito. "At sana hindi kami maghiwalay," wala sa sarili kong sabi dito.
"Ano ba iyang pinagsasabi mo?" natatawang sabi nito sa akin.
"Wala!"
Nasa condo na ako, umuwi ako nang maaga. Dahil nagyaya kanina si Clyde na mag dinner kami sa labas. Kaya di na ako nag-abala sa pagluto ng hapunan namin ngayon.
Nang matapos na ako ay agad akong lumabas sa condo ko. Simpleng dress lang naman ang suot ko ngayon. Di na kailangan na magsuot ng magarbong damit. Dress is enough for me.
Sumakay ako sa elevator para bumaba sa lobby ng condo ko. Naabutan ko si Clyde doon na nakatayo, nakatalikod ito sa akin kaya di niya ako napansin na nasa likuran niya ako. May kausap ito sa cellphone.
"Gawin ninyo lahat!" madiin nitong sigaw.
Ibinaba na nito ang cellphone at humarap sa gawi ko. Nagulat pa ito, dahil nasa harapan na niya ako.
"Kanina ka pa d'yan?" tanong nito, para kinakabahan ito.
"Hindi naman, kararating ko lang. Sino kausap mo?" tanong ko dito.
"Klasmate ko." Kumunot ang noo ko.
Dahil di ito makatingin sa akin.
"May tinatago ka ba sa akin?" diretso kong tanong dito. Ang ayaw ko lahat ay iyong ginawa akong tanga.
"Wala," tangi nito. Lumapit ito sa akin at niyakap ako.
Inilayo niya ako sa kanya. "Your so beautiful tonight." May ningning sa mga mata nito. Pag-iiba nito sa topic namin.
"Siguraduhin mo lang Clyde na wala kang tinatago sa akin. Alam mo naman ako. Hindi ko panghihinyangan na hiwalayan ka." Na wag naman sanang mangyari. Dahil baka di ko kayanin.
"Let's go, gutom na ako," sabi pa nito.
"Bakit parang iba ang pag-iintindi ko?" tanong ko sa kanya.
Ikinawit ko sa braso nito ang braso ko. Naglakad kami papunta sa labas ng condo.
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan nito. Pumasok ako at bago ito pumunta sa driver seat ay ikinabit muna nito ang seatbelt sa akin. Pero bago ito umalis sa harapan ko ay hinila ko ito at hinalikan sa labi. Gumanti naman ito, ipinasok nito ang dila sa aking bibig at naglabanan ang aming mga dila.
Kapwa kaming dalawa naghahabol ng hininga ng maghiwalay ang aming mga labi. Nginitian ko ito, at dinampian muli ng halik ang labi nito.
Umalis na ito sa harapan ko, dahil baka kung saan pa mapunta ang halikan naming dalawa.
Dahil nasa malapit lang ang restaurant ay nakarating agad kami. Bumaba ito at hinintay ko itong makapunta sa may gawin ko para pagbuksan ako ng pinto ng sasakyan nito. Inalalayan niya akong makababa sa sasakyan at isinara ang pintuan.
Inilagay nito sa baywang ko ang kamay nito, para alalayan ako sa paglalakad.
Binuksan ng guard ang pinto ng restaurant. Sumalubong sa amin ang isang waiter. Nang pumasok kami ay agad na dumako sa amin ang tingin nang nasa loob.
Lalo na ang mga babae. Hindi nila maalis ang tingin sa kasama kong lalaki.
Inilibot ko ang buong paningin ko sa restaurant. Silver and Gold ang theme ng restaurant. Masarap sa mata at ang ambience ay hindi boring.
Tumutugtog din ang isang malamyos na musika na nakapagbagay sa isang romantic date.
"Good Evening Ma'am/Sir. May reservation po kayo?" tanong nito sa amin. Nakangiti nga ito, kaso ang ngiti ay may kasamang pang-aakit.
Bakit ba kasi ang gwapo ng boyfriend ko, kahit saan kami magpunta ay di naaalis ang tingin ng mga babae dito. Inirapan ko ang waiter.
'Malandi,' ani ng isipan ko.
"Yes, under my name. Clyde Jay Montecalvo," sagot ni Clyde dito. Humilig ako sa dibdib ni Clyde. Talagang ipinakita ko sa babaeng ito na akin lang ang lalaking ito.
Sinamahan niya kami sa mesa namin. Nag-order na din kami at siya na ang pinag-order ko. Umorder na din ito ng wine.
"Flowers for you!" nakangiti nitong saad. Ibinigay nito ang bulaklak sa akin.
Nginitian ko ito, inamoy ko ang bulaklak. Isang red tulips ang ibinigay niya sa akin. My favorites flower.
Itinabi ko muna ito. Inilagay ko sa gilid, dahil dumating na ang order namin. Inilagay lahat ng waiter iyon sa mesa namin. Nag-umpisa na kaming kumain.
Habang kumakain kami ay pumailalang ang isang sweet music. Napatingin ako kay Clyde nang tumayo ito, tapos na kasi kaming kumain at kasalukuyan na umiinom kami ng wine.
Inilahad ni Clyde ang kamay nito sa akin at agad ko naman iyong tinanggap. Hinila niya ako at iginaya sa gitnang bahagi ng restaurant. Inilagay nito ang kamay ko sa balikat nito at ang kamay nito ay nasa baywang ko.
Sumasayaw kami, tinignan ko ito at napangiti na lang.
"What?" tanong nito. May galak sa boses nito.
"I am just happy, kasi nakasama kita," sabi ko dito. Sumasabay ang katawan namin sa malamyos na tugtugin.
"Me too, akala ko noon hanggang pangarap lang kita." Humilig ako sa dibdib nito.
Inilagay ko ang kaliwang pisngi ko sa dibdib nito. Humigpit ang kapit nito sa akin. Tumingala ako. Unti-unti ay inilapit nito ang mukha sa aking mukha.
Hanggang sa maglapat ang aming mga labi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro