Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29


NASA school ako ngayon, dahil foundation day ng buong paaralan at ngayon din ang araw ng laro ni Clyde, nang makarating ako sa Gym ay madaming tao.

Agad akong hinila ni Icy patungo sa isang bench. Doon pala ito nakatambay. Nasa kabilang bench naman sila Joyce. Masama ang tingin nito sa akin, inirapan ko lamang ito.

Nasa gitna si Clyde at iyong lalaki na nakaalitan niya kahapon. Habang ang kalaban nila ay taga ibang school. Open kasi ang basketball sa school namin kaya nakakapasok ang ibang school.

Binuksan ko din ang school sa mga taga outsider. Para naman mapanood nila ang mga players nila.

"Ang galing talaga ni Clyde. Noon pa man ay nakikitaan ko na iyan ng potensyal."

Nilingon ko si Clyde, malaki ang potensyal nga nito sa larangan ng basketball. Magaling itong player, pulido kung maglaro.

Napatayo ako nang matumba si Clyde. Lalapitan ko na sana ito ng pigilan ni Icy ang kamay ko. Nilingon ko ito.

Umiling-iling ito. Tumayo si Clyde nakatingin ito sa akin. May galit sa mukha nito, habang ako ay nag-aalala. Bumalik ako sa inuupuan ko.

Natapos ang laro nanalo sila Clyde. Nasa labas ako ng banyo ng Gym dahil kasalukuyan na naliligo si Clyde. Napatili ako ng may humila sa aking kamay mula sa loob. Agad niya akong isinandal sa may pader ay hinalikan ng mapusok ang aking labi na agad ko namang ginantihan, naglaban ang aming mga dila. Ikinawit ko ng ang aking dalawang braso sa leeg ni Clyde. Nakatapis lang ng tuwalya ang binata.

Malaya nitong nagagawa ang gusto sa akin, dahil wala na ang team mate nito.

Habol-habol ang hininga namin ng lubayan nito ang labi ko. Pinagdikit nito ang aming mga noo.

"Bihis ka muna," sabi ko dito.

"Sige, antayin mo na lang ako." Umalis na ito para magbihis. Nag-antay ako sa kanya sa may locker nila.

Agad akong tumayo ng makita itong papalapit sa akin. Pagkalapit nito ay agad niya akong hinapit sa baywang ay siniil ng halik ang aking labi. Tapos ay hinalikan nito ang aking noo.

Lumabas na kami sa banyo ng locker room. Pero agad ding napatigil dahil pumasok ang mga kalalakihan. Ito iyong mga nakalaban nila Clyde kanina.

"Mabuti at naabutan kita. Alam mo ang yabang mo eh!" sabi nito kay Clyde ako naman ay itinago ni Clyde sa likuran nito.

"Oyy, magandang chicks iyang kasama mo ahh!" ngisi nito sa akin.

Tinignan ko si Clyde, nag-igting ang panga nito. Humigpit din ang kapit nito sa aking palapulsuhan. Galit ang nababanaag ko sa mukha ni Clyde.

"Amin na lang iyan," nakangising sambit ng lalaki na nasa harapan namin.

"Dadaan muna kayo sa bangkay ko, bago ninyo makuha ang babaeng ito." May galit sa boses nito. Agad akong nabahala sa mangyayari.

"Clyde wag ka nang lalaban. Alis na tayo," sambit ko dito.

Nilingon lang niya ako. Tapos ay napabuntong-hininga.

Umalis na kami sa harap ng lalaki. Dumaan kami sa gilid. Pero pinigilan nito si Clyde.

"Hawakan ninyo ang babae. Tuturuan ko lang ng leksyon ito," maangas na sambit ng lalaki.

Akmang hahawakan ako ng isang lalaki ng sinipa ni Clyde ang lalaki na lalapit sana sa akin. Dahil may isang kalaban si Clyde ay agad ko itong sinipa.

Nilingon ni Clyde ang lalaki. Pero maangas pa rin ang dating nito, kaya di nagdalawang-isip si Clyde na sipain ito.

Lumipad ito, pero agad ding tumayo. Sumugod ito sa amin, pero agad itong sinipa ni Clyde. Akmang hahawakan ako ng dalawang lalaki nang suntukin ko ang mga mukha nito, agad kong sinipa ang isa pa at lumipad ito.

Nasa sahig na ang ilan at maangas na lalaki kanina ay naging maamong tupa.

Nilapitan ko ito. "Alam n'yo bang akin ang school na ito!" sabi ko dito.

Agad na nanlaki ang kanilang mga mata. Di makapaniwala ang may ari ng school na ito ang kanilang nakalaban.

"Mark, anong ginagawa ninyo dito!" sigaw ng isang lalaki, coach yata nila. "Di ba sabi aalis na tayo, nalingat lang ako sandali nawala na kayo." Pinagalitan nito ang mga estudyante nito.

Humarap ito sa amin. "Miss Angeles, patawad po. Di na ito mauulit." Hinging paumanhin ng guro.

"It's okay, wala namang nasaktan sa amin."

"Pasensya na po talaga." Pinatayo nila ang mga estudyante at hinila palabas ng Gym.

Hinarap ako ni Clyde. "Are you okay?" tanong nito.

"Yeah!" sabi ko dito.

Hinila niya ako ay niyakap ng mahigpit. Hinalikan din nito ang aking ulo.

"Halika na baka nag-aantay na sila Airene sa atin sa bar." Nagyaya kasi sila Airene na magbar. Sabado naman bukas kaya pumayag na lang din ako.

Agad kaming umalis sa Gym at pumunta sa parking lot. Nakarating kami sa parking lot ng safety at walang aberya. Pero napatigil at nanlaki ang mga mata ko ng makita ang nakasulat sa sasakyan ni Clyde.

'Your next.'

Agad akong napaatras. Hindi ko alam kong sino ang sinabihan nito ako ba o si Clyde. Agad akong niyakap ni Clyde at lumipat kami sa isa nitong sasakyan. Dalawa kasi ang sasakyan ni CJ na nandito.

"Ipapakuha ko na lang iyon kay Mang Carding," sabi nito sa akin.

Nabahala talaga ako sa nabasa ko. Hindi ko alam kong ano ang ibig sabihin noon. Sana ay mali ako.

Nakarating kami sa bar kung nasaana ang mga kaibigan namin. Pumasok kami at ingay ang agad na sumalubong sa amin.

Napapaindak ako sa sayaw at agad na hinawakan ni Clyde ang baywang ko. Tumigil ako sa paglalakad at napakagat labi ng nabundol ng umbok nito ang pwetan ko. Rinig ko ang ungol nito.

Narating na namin ang pwesto nila Airene. Nandoon si Jen at Carlo, gayon din si Govanni, pero wala si Glenn at Airene.

"Nasaan si Airene?" tanong ko kay Jen ng maupo ako sa tabi nito.

"CR, kanina pa iyong umiinom eh," sabi nito sa akin. Agad akong nabahala sa sitwasyon ni Airene.

Kaya tumayo ako para puntahan ito. Di naman ako pinigilan ni Clyde. Agad kong nakita ang ladies room. Papasok na sana ako ng makarinig ako ng ungol.

Isang pamilyar na mga boses.

"Shit, Glenn, sige pa isagad mo pa. Ohh!" ungol ni Airene. Umiling-iling na lang ako.

Siguro may lihim na relasyon sila Airene at Glenn. Umalis na lang ako sa CR at bumalik sa pwesto namin.

"Ano? Nakita mo?" tanong ni Jen. Dahil alam ko nababahala na din ito sa kaibigan namin.

"Yes, kaso hindi na ako tumuloy sa pagpasok," sabi ko dito.

"Bakit?"

"Puro ungol ang narinig ko sa banyo." Ngisi ko dito.

Umiling na lang si Jen. "Si Airene talaga, kahit kailan pag naabutan ng libog."

"Si Glenn ang kasama."

Napalingon ito sa akin. Nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa akin. Agad kong kinuha ang tequila at ininom ito.

Habang si Clyde naman ay abala sa pakikipag-usap kay Carlo. Iginala ko ang paningin ko sa paligid. May nakita akong tao na kahina-hinala.

Agad akong dumikit kay Clyde at inihilig ang ulo ko sa balikat nito. Hinalikan nito ang ulo ko. Nanatili ang ulo ko sa balikat nito, sinilip ko ang taong iyon, pero wala na iyon doon.

Huminga ako ng malalim. Bumalik na si Airene at Glenn. Nakaalalay si Glenn, kay Airene, dahil susuray-suray pa rin ito sa paglalakad.

Agad na umupo sa aking tabi ni Airene. "Sheena. Mabuti at nakarating ka," sabi nito sa akin. Lasing na ito, dahil ngumingiti na ito.

"Nagyaya ka, wala namang pasok bukas. Kaya okay lang," sabi ko dito.

Napatingin ako kay Glenn. Tahimik lang ito, pero umiinom ito ng alak.

"Sayaw tayo best!" yaya sa akin ni Airene. Di na ako nakapagpaalam kay CJ dahil hinila na ako ni Airene papuntang dance floor. Tipsy na din ako, nakailang baso din kasi ako.

Sumasayaw si Airene sa harapan ko. Nginitian ko lang ito, hanggang sa sibayan ko na ito. Umindak ang aking baywang ayon sa gusto ko.

Hanggang sa may yumakap sa baywang ko at idinikit ako dito. Ramdam ko ang kaba dahil baka ibang lalaki ang nasa likuran ko.

Pero pamilyar ang haplos nito sa akin. Nagpatuloy ako sa pagsayaw, iniindak ko ang baywang ko sa umbok nito.

Humarap ako dito. Nasa baywang ko pa rin ang kamay nito at mas hinapit pa ako lalo papunta dito kaya dumikit ako dito. Ramdam ko ang umbok nito.

Agad kong ikinawit ang braso sa leeg nito.

"Ano ang ginawa ko para bigyan ako ng gaya mo Clyde?" tanong ko dito.

"Naging mabait ka siguro. Dahil binigay ako sa iyo." Humilig ako sa dibdib nito.

"Gusto kitang makasama habang buhay. Pero hindi pa ngayon."

Humigpit ang yakap nito sa akin. "Ako rin, patapusin mo muna ako sa mga pangarap ko, sinisigurado ko sa iyo, papakasalan kita agad."

Lumayo ako ng kaunti dito. Nginitian ko ito, hinawakan ko ang pisngi nito.

"Di naman ako nagmamadali, abutin mo ang mga pangarap mo. Nandito lang ako parati nakasuporta sa iyo."

Nginitian niya ako, unti-unti ay lumapit ang mukha nito sa mukha ko ay agad na hinalikan ang aking labi. Ginantihan ko ang halik nito, kakaiba ang halik nito ngayon banayad, at para bang naghahanap ng katugunan kahit na tinutugon ko na ito.

Bumalik na kami sa pwesto namin at kaming lahat ay lasing na. Isa-isa na kaming nagpaalam sa isa't-isa. Alam kong di masyadong lasing sila Clyde kami lang nila Airene.

"Carefull," sambit nito sa akin. Natalisod kasi ako, mabuti na lang at mabilis itong nakaalalay sa akin.

Inilalayan na nito ang baywang ko para di ako matumba. Nang nakarating kami sa parking lot at agad niya akong sinakay sa sasakyan nito, bago ito umalis sa harapan ko ay ikinabit muna nito ang seatbelt. Hinawakan ko ang pisngi nito at hinalikan ang labi nito.

Tumugon ito, naglabanan ang aming mga dila, dumaing at ungol ng narinig ko ng pisilin ko ang umbok nito. Agad itong bumitaw at pumunta na sa driver seat.

Bago pa nito buhayin ang makita ay kumandong ako dito. Iginiling ko ang aking balakang, dahil sa antok ay di ko na napigilan na makatulog.


NAGISING akong gabi na, dahil nauuhaw ako ay pumunta ako sa kusina. Wala si Clyde sa tabi ko, siguro umuwi ito. Pagkalabas ko ay agad akong pumasok sa kusina para kumuha ng baso at binuksan ko ang ref para kumuha ng maiinom.

Lumabas ako dala ang baso, pero agad ko din itong nabitawan nakarinig ako ng nabasag. Pero di agad ako nagalaw.

Gusto kong umiyak, pero walang luha na lumalabas sa mga mata ko. Nakita ko lang naman sina Clyde at Ivy na nagtatalik sa mismong sofa ng condo ko.

Nang marinig nila ang nabasag na baso ay napalingon ang dalawa sa akin. Agad na lumapit si Clyde sa akin, pero si Ivy nakangisi at parang gusto nito ang reaksyon ko.

"It's not what you think. Please, let me explain." Pagmamakaawa ni Clyde sa akin. Pero iniwan ko sila doon at pumasok sa kwarto ko.

Tsaka pa lang bumuhus ang luha ko na kanina pa gustong kumawala.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro