Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

UMUWI muna ako sa bahay para mag-ayos ng mga gamit ko, dahil nga nagyaya ng outing ang barkada ko. Bumaba na ako ng mamataan ang Mommy ko.

Nakatingin pala ito sa akin. Kausap nito si Clyde.

"Mommy," nakangiti kong tawag dito. "Outing po muna kami Mommy!" Paalam ko sa Mommy ko.

"Sino ang mga kasama mo?" tanong nito sa akin.

Nilingon ko si Clyde. "Sila Airene Mom," sambit ko dito.

Ngumiti si Mommy, dahil alam nitong kung ang mga kaibigan ko. Pero agad ding nawala ng para bang may maalala ito.

"Kasama ba iyong Ivy?" tanong nito. Kumurap-kurap ako at umawang ang aking mga labi, nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba or hindi.

"Mommy, ano kasi." Napabugtong-hininga ako. "Yes, Mom. Hindi pwedeng mawala si Ivy, alam mo naman sila Airene 'di ba." Napabugtong-hininga ito.

Ayaw kasi nito kay Ivy, dahil di daw maganda ang kutob nito kay Ivy. Pinagwalang bahala ko lang ang mga sinabi ni Mommy. Kaibigan ang turing ko kay Ivy, nasa kanya na iyon kung di niya ako ituturing na kaibigan.

"Sige mag-ingat kayo!" ngiting sambit ni Mommy.

Kinuha ni Clyde ang travelling bag ko na pinaglagyan ng mga gamit ko.

"Sige Mom." Ngiti ko dito bago ako humalik sa pisngi nito.

Inilagay ni Clyde ang isang kamay sa baywang ko para alalayan ako at ang travelling bag ko ay nasa isang kamay nito.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse nito. Kaya agad akong pumasok, binuksan nito ang backseat para doon ilagay ang travelling bag ko. Sa bahay ni Jen kami magkikita-kita, dahil di pa namin alam kong saan kami tutungo nito.

Ilang minuto din ang b'yahe namin papunta kina Jen, sa wakas ay nakarating na kami.

Naabutan namin si Ivy sa labas, nang makita nitong lumabas si Clyde mula sa driver seat ay agad itong lalapit sana sa lalaki, pero agad din napatigil ng binuksan nito ang pinto ng kotse nito at lumabas ako.

May nakita akong galit sa mukha ni Ivy, pero nawala iyon nang bumaling si Clyde sa gawin nito. Nakapaskil ang magandang ngiti ni Ivy para sa lalaki. Inilagay ni Clyde ang kamay nito sa baywang ko at inalalayan ako papunta sa bahay nila Jena.

Lalapit sana ito sa amin, kaso ay nilagpasan namin ito. Nakapasok na kami sa bahay ni Jen at nakita ko sila na masayang nagkwentuhan.

"Oh, nand'yan ka na pala Ivy. Akala ko mamaya ka pa." Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Airene.

"So hindi siya pumasok dito? E, nasa labas iyan kanina," sabi ko sa kanila.

"No, ngayon lang namin siya nakita."

"Actually, nag-aantay ako na dumating si Clyde," mahina nitong sambit.

Nilingon ko ito. Di ito nakatingin sa amin o sa akin.

"Bakit? May usapan ba kayo?" sabi ko sabay baling kay Clyde.

"Wala akong alam d'yan." Deny ni Clyde.

Binalingan ko si Ivy. "Alam mo Ivy, mabait ako sa mabait sa akin. Sana ay wag mo akong suwagi," malamig kong sambit dito. "Ang ayaw ko sa lahat ay tirahin ako nang patalikod." Dagdag ko.

"Ah, Sheena. Doon na lang kaya tayo pumunta sa resort na napuntahan natin dati?" tanong ni Jen.

"Pwede din." Sang-ayon ko.

"Doon na lang tayo. Or puntahan natin ang mga magagandang tourist spot dito sa Mindanao, road trip muna tayo." Suhesyon ni Airene.

"Pwede din naman, kung walang tutol."

Walang tumutol kaya isa-isa na naming ipinasok ang mga dadalhin sa kotse na gagamitin namin, ang iba ay sa kotse namin inilagay.

Nilapitan ko si Clyde at humarap ito sa akin. Pinunasan ko ang pawis nito, dahil masyado nang mainit.

"Ang sweet naman." Nilingon ko ang mga kaibigan ko. Napatingin ako sa gawi ni Ivy. Masama ang tingin nito sa amin, kaya inirapan ko ito.

"Minsan lang ito, kaya susulitin ko na," sabi pa ni Clyde.

Hinapit niya ako sa baywang ay agad na sinakop ng halik ang aking labi na agad ko namang ginantihan. Gusto ko lang ipakita sa Ivy na ito na ako ang nagmamay-ari kay Clyde at hindi siya pwedeng lumapit sa pag-aari ko.

Di nagtagal ay umalis na kami, dahil nga di pa kami kumakain ng agahan ay huminto muna kami sa isang restaurant. Hindi nakasabay sa amin si Ivy dahil nilock ko lahat ng pinto ng kotse ni Clyde.

Selfish na kung selfish, I don't share what is mine kahit na kaibigan ko pa iyon. Kaya kay Airene siya sumabay. Nang bumaba kami ay masama ang tingin nito sa akin, dahil gusto niya sanang sumakay sa kotse ni Clyde but I didn't allow her. Ano siya sinuswerte?

Bumaba na din si Clyde at pumunta ito sa akin. Agad nitong inilagay sa baywang ko ang kamay nito at hinapit ako papalapit dito. Hindi ako nahihiya, dahil di naman nila alam ang totoo naming edad. Soon, malalaman din nang lahat na akin si Clyde Jay Montecalvo.

Pumwesto kami sa sulok ng restaurant. Ganito kaming laging magkakaibigan, dahil marami kami ay pinag-isa na lang namin ang dalawang table.

Umupo ako, gayon din si Airene at Jen, lalo na si Ivy. Tumaas ang kilay ko nang umupo ito sa katabi kay Clyde.

Binulongan ko si Clyde "Dito ka sa kabila ko umupo," sambit ko. Walang tanong-tanong ay lumipat ito at si Giovanni ay lumipat sa kinauupuan ni Clyde.
Di nagtagal ay lumapit sa amin ang wait. Iisang na lang ang iniorder namin, masarap naman ng mga pagkain nila dito. Napasulyap ako kay Ivy, masama na naman ang timpla ang mukha nito.

Ngumiti ako sa kanya. Mas lalong nalukot ang mukha nito. Inirapan pa ako. Napatingin ako kay Airene. I know na di nila ko susuwayin, they know me. Hindi ako eskadalosa gaya ng iba.

Maya-maya ay tumayo si Ivy. Napatingin pa ito sa gawi ni Clyde pero ang katabi ko ay abala sa paghimay ng seafood para sa akin.

"Excuse me, banyo lang ako." Nilakasan talaga nito ang boses para madinig ni Clyde.

Ngumisi ako. Tumayo ako para sundan ang babaeng iyon.

"CR lang din ako." Paalam ko sa kanila.

Lalagpas na sana ako sa mesa namin nang hawak ni Airene ang braso ko. Napatingin ako sa kanya.

Umiling-iling ito. Inalis ko ang kamay nito na nasa braso ko. My pagmamakaawa na nakikita ako sa mga mata nito. Dahil alam din nito kung gaano kaiksi ang pasensya ko. Pag ako nagalit, walang makakapigil sa akin.

Di ko pinansin si Airene. Sinundan ko pa rin si Ivy sa CR. Pumasok ako sa banyo nang walang ingay. Tapos na si Ivy gumamit kaya nasa sink na ito at naghuhugas.

Di ito tumitingin sa kung sino ang pumasok. Nagsalita ito.

"Akala ko di mo ako susundan," sambit nito. Tumaas ang kilay ko.

Napatawa ko nang walang tunog. Parang may ini-expect ito na ibang tao.

"Usap tayo Clyde, pagkatapos ko maghugas." Nakapaskil ang ngiti nito sa labi. Pero nang lumingon ito sa gawi ko ay nawala ang ngiti nito at nabigla yata ito.

Ngumisi ko. "Akala mo siguro si Clyde ang pumasok ano." Ngisi kong muli. "Ganyan ka ba kadesperada?" tanong ko dito.

Umiwas ito nang tingin sa akin. Ang ayaw ko lahat ay ang babaeny desperada. Ang ayaw ko sa lahat ay iyong tinatalo ako.

"Bakit ginagawa mo ito Ivy? You know that Clyde's courted me, hindi ko inilihim sa inyo, sa iyo? Pero bakit?" tanong ko dito.

"Mahal ko siya, Sheen. Minahal ko siya sa maiksing panahon na nagkakilala kami."

Tumawa ako nang pagak. "Mahal mo? Pero hindi ka mahal."

"No, I feel it! he like me too. Pero noong umeksina ka ulit. Di na siya nakikipagkita sa akin. Di na niya ako pinapansin," sabi nito sa akin.

"Umeksina? Are you kidding me? Ilang buwan ko siyang iniwasan. Malapit nang mag-isang taon. Pero siya ang gumagawa ng paraan nakipaglapit sa akin. Ngayon mong sabihin sa akin na gusto ka nga niya."

Ngumisi ako. "Or sa madaling salita, nakipagkapaglapit siya sa iyo, para lang malaman kong nasaan ako."

Nanlaki ang mga mata nito at lumamlam. "Wag mong ipilit ang iyong sarili sa isang lalaki na ayaw sa iyo, Ivy." Pagkasabi ko noon ay iniwan ko siya sa banyo at nagtungo sa kung saan nakaupo sila Airene ngayon.

Agad napalitan ang nababahalang mukha ni Airene nang makita niya akong bumalik galing sa banyo.

"Kumain ka na," utos nito sa akin. Kinuha ko ang sugpo at kinain iyon.

Lumabas naman si Ivy mula sa banyo na namumula at na mumugto ang mga mata. Tumaas ang kilay ko.

"What happen to you, Ivy?" tanong ni Giovanni. Ito kasi ang nakapansin kay Ivy na namumula at namumugto ang mga mata.

"Wala, may naaalala lang ako."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Ivy. Nang gumawi ang tingin niya sa akin ay nginisihan ko ito. Umiwas na lang ito nang tingin. Akala niya siguro ay mananalo ito sa akin.


Samantala, sa banyo nang umalis si Sheena ay nangingitngit ang kalooban ni Ivy, napaiyak ito dahil sa galit. Hindi niya isusuko si Clyde.

'Una siyang naging akin sheena, kaya hindi ko bibitawan si Clyde. Kahit pa magkasira ang pagkakaibigan nating dalawa.' Pangako nito sa sarili at may nabuo itong plano, plano na alam niyang makakagimbal sa aming lahat.

Nagpatuloy ang byahe nila sa kung saan man mapunta ang outing nilang ito. Hindi na sila lalabas ng Mindanao, dahil may mga tourist spot naman sa mindanao. Road trip muna kami, pag may nagustuhan kaming puntahan ay tsaka pa kami pupunta doon.

Nasa byahe kami ng may tumatawag sa phone ni Clyde. Tumaas ang kilay ko nang makita kong sino ang tumatawag.

Di ba talaga nadala ang babaeng iyon. Sumunod naman na tumunog ay ang phone ko. Si Airene ang tumawag sa kanya.

Agad niya itong sinagot. Sinabi lang nito na titigil sila sa resort na pinuntahan nila noon at baka doon na lang din sila mag-outing. Agad niyang sinabihan si Clyde at alam na nito ang daan papunta doon. Pero agad siyang nabahala.

Nandoon kaya si Eli? Baka nandoon iyon at di lang si Ivy ang maging karibal niya doon.

"Ano ang relasyon mo kay Eli?" tanong ko kay Clyde.

"Childhood friend."

"Bakit nakita kong naghalikan kayo noon?" tanong kong muli.

Nilingon ko ito. Nakita ko ang ngisi sa labi nito. Tumaas ang kilay ko, dahil hindi ko gusto ang ngisi nito. Inirapan ko ito.

"Hindi ako ang humalik, kundi siya."

"Kahit na naghalikan pa rin kayo," sabi ko pa dito.

"Gusto ko lang magselos ka no'n, hindi naman niya ako gusto. Ganun lang talaga si Eli," ngiting sabi nito sa akin.

"Nandoon ba siya? Baka maging kaagaw ko siya sa iyo. Nandoon na nga si Ivy, baka sasali pa siya."

"Hindi iyan, I know Eli. Masyado nga lang kumplekado ang buhay niya ngayon, kaya nasa Pilipinas siya ngayon," sabi nito sa akin. Nasa kalsada ang mga mata nito.

"May problema ba siya?" tanong ko.

Ngumisi ito. "Nagtatago lang naman siya sa asawa niya."

"Oh My God. Ano ba totoong pangalan ni Eli?" tanong ko dito.

"Solenn Elizabeth Dion."

"Alam ng asawa niya kung nasaan siya ngayon?"

"Hindi, at wala din akong planong ipaalam kay Rey Mart kung nasaan ang kaibigan ko. He hurt Eli. Kaya magdusa ang lalaking iyon." May galit sa boses nito.

So, he know the husband of Eli? Siguro malalim ang naging hidwaan ng mag-asawa at nahantong ito sa pagtatago ni Eli. Sana ay mag kapatawaran na ang dalawa balang-araw.

Dumating kami sa resort nila Eli na nagkakagulo. Hawak-hawak ng isang lalaki si Eli at nagpupumiglas ito. Hinihila kasi ng isang lalaki, si Eli. Palabas sa resort nito.

Agad na sumaklolo si Clyde, kay Eli. Hinila nito ang babae at inilagay sa likuran nito. Nakita ko kung paano protektahan ni Clyde, si Eli laban sa lalaki na nasa harapan namin ngayon. Naramdaman ko na iba ang awra ng lalaki. Nakaramdam ako na para bang sobrang mapanganib ang lalaking ito.

"Ano ang ginagawa mo dito Rey Mart?" mapanganib na tanong ni Clyde sa lalaki.

"Kukunin ko lang ang asawa ko." Matigas ang boses nito. Mapanganib at sobrang lamig.

"Hindi Rey Mart. Hindi mo naman mahal si Eli di ba? Ano pa ang kailangan mo sa kanya. Hayaan mo na si Eli." Tumaas ang boses ni Clyde.

"Wag kang makialam Clyde. Problema namin itong mag-asawa." Nakatingin ang lalaki kay Clyde at malamig ang mga mata nito.

"Clyde," tawag ko dito.

Sabay na napalingon sa akin ang lalaki at si Clyde. Bigla akong napaatras nang makita ng mga mata ng lalaki. Sobrang lamig ito at mapanganib. Para bang may hindi magandang gagawin ang lalaking ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro