Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

SIMULA na ng unang klase namin at sinimulan ko na din ang paglilinis ng paaralan ko na niyurakan ni Joyce. Papasok na sana ako sa klasroom ko nang madaanan ko ang grupo ni Joyce.

"Di ba sabi mo Joyce. Invited si Clyde sa party ni Monic?" tanong ng isa sa alipores ni Joyce.

"Yeah, but he didn't come."

Monic? Familiar name, o I remember, iyon pala iyong babaeng lumapit sa amin noong isang araw nang minsan na magdinner kami ni Clyde.

"Awwss, sayang."

"Oo sayang talaga. Makaka-score na sana ako." Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi ni Joyce.

"Score? Kailan ka ba pinapansin ulit noon? Simula ng bumalik iyon sa pag-aaral ay di ka na pinansin, di ka nga binalingan kanina."

"Shut up. Hahayaan ko siya. Alam n'yo iyon. Mapapasakin din si Clyde. Makikita ninyo. One day, luluhod siya at magmamakaawa sa akin."

Umalis na ako sa lugar na iyon, dahil di ko gusto ang naririnig ko. Ayaw kong mag-isip ng mga negatibong bagay. Lalo na't dapat kong unahin ang kapakanan ng mga estudyante.

Halos napasigaw ako ng may humawak sa aking braso. "Ano ba!" asik ko dito. Inirapan ko ito.

"Di ba sabi ko sabay tayong aalis? Susunduin kita."

"Alam mo naman na sikreto ang panliligaw mo di ba?"

Umiwas ito nang tingin, ayaw niya akong tignan sa mga mata ko.

"Napag-usapan na natin ito di ba?"

Napa buntong-hininga ito, "Sana naman kahit hatid-sundo lang," mahina nitong sambit.

"Sige mamaya. Sasabay ako sa iyo. Ipapakuha ko na lang ang sasakyan ko mamaya kay manong," ngiting sambit ko sa kanya.

Bumalik ang ngiti sa labi nito. Hahalikan niya sana ako ng pigilan niya ako.

"Ang atat mo, nanghahalik ka na naman, di pa nga kita sinasagot."

"Nagbabakasakali lang naman."

Umiling-iling ako. Nilagpasan ko na siya dahil baka mahuli ako sa klase ko.

Nakatingin ako sa kabuuan ng School Campus ko. Sobra kong na miss ang paaralan na ito. Dito ako nagka-isip, dito ako nag-aral. Kaya lilinisin ko ang paaralan na ito.

"Miss Sheen, nagsimula na po ang election para sa bagong mahahalal na presidente ng Student Council." Pagbabalita sa akin ng isa sa faculty staff.

"Sige po. Salamat."

Naging busy ako nang araw na iyon, dahil nga pinapalitan ko ang Presidente ng Student Council.

Umuwi ako sa bahay na sobrang pagod ang aking katawan.

"Are you tired?" tanong agad ni mommy sa akin. Nginitian ko si mommy pero hindi abot sa aking mga mata.

"Kind off mom, why?" tanong ko sa kanya. Dahil may nakikita na naman ako sa mga mata nito na kasiyahan.

At pag nakita kong ganun si Mommy ay may ginawa na naman itong kababalaghan.

"What is it this time Mom? What did you do?" tanong ko sa kanya.

Ngunit, ngiti lang ang isinagot nito sa akin. "Umakyat ka na, magpahinga ka saglit. Ipapatawag na lang kita pag nag dinner na tayo."

Tinignan ko si Mommy nang di makapaniwala sa inaasta nito. Kaya umakyat na lang ako at nagkulong sa kwarto ko. Humiga ako sa kama ko at di ko namalayan na nakatulog pala ako.

Nagising akong may kumakatok sa pinto ng kwarto ko kaya agad akong bumangon at pinag buksan kung sino man ang nasa labas.

"Ma'am, baba na daw sabi ng Mommy n'yo, kakain na nang dinner."

"Sabihin mo kay Mommy, susunod na ako. Maliligo muna ako."

Umalis na ang katulong at isinara ko na ang pinto ng kwarto ko at pumunta ng banyo, dahil maliligo ako. Di pala ako nakapag palit ng damit. Diretso hilata lang ako sa kama at nakatulog kanina.

Nakaligo na ako at nakabihis, agad akong bumaba dahil baka mainip si Mommy sa kakahintay sa akin at ito pa ang umakyat.

Nabigla ako nang makilala ko ang taong nasa isang upuan.

"Jeff," tawag ko sa bestfriend ko. Hindi ko akalain na makikita ko si Jeff ngayon.

"Sheena?" Di makapaniwalang saad ni Jeff.

"How are you? Ang tagal nating di nagkita ahh!"

"Magkakilala kayo?" tanong ni Mommy sa akin.

"Yes Mom, he is my best friend in Cebu. Siya ang lagi kong kausap noong nasa Cebu pa ako." Kwento ko sa kanila. Umupo na din ako sa upuan na para sa akin.

Kumpleto kami, nandito din si Ate Selena at Kent. Akala ko talaga sila Clyde ang makakadinner namin ngayon, hindi pala.

"Bakit ka nga pala nandito, Jeff?" tanong ko kay Jeff. I know his mother. Ayaw nito sa akin noon na maging kaibigan si Jeff dahil mahirap lang daw ako.

Masyadong matapobre ang ina nito. Ngayon ay ngumingiti ito sa akin na para bang hindi nito ako inayawan. Sabihin ko kaya kay Mommy na matapobre ang ina nito.

"Anak mo pala si Sheena? I thought hindi? Kasi noong makilala ko siya sa Cebu ay sobrang simple niya at di mo akalain na mayaman pala siya," matalinghagang sambit ng ina ni Jeff. Para bang di ito makapaniwala sa nakikita nito.

"Kaya ayaw n'yo sa akin para sa anak nyo? Dahil mahirap lang ako? Now Tita, that I am rich, mayaman pa sa inyo, plaplastikin nyo ako?" prankang saad ko dito.

"Sheena," saway sa akin ni mommy at Ate, wala si daddy dahil may meeting pa daw ito.

Medyo nahiya yata ang Ginang.
"Come on. Wag na tayong mag plastikan pa dito. Ano ba ito mommy!" diretso kong sambit kay mommy.

"Ano kasi…" Nagdadalawang-isip si mommy kung sasabihin niya ba sa akin or hindi.

"May plano na naman kayong i-arrange marriage ako? Really mommy? Di ka pa ba nagsasawa?" diretso kong tanong kay mommy.

"Sorry I am late." Hinging paumanhin ng bagong dating. Napalingon kami sa gawin nito.

"Clyde, mabuti at dumating ka na," nakangiti si Mommy ngayon. Kumunot ang noo ko.

Napatingin ako kay Jeff. Umiling ito at nabaling ang tingin ko kay Clyde. Nakita ko sa mukha nito ang disgusto na nandito si Jeff.

"Mommy? Wag mong sabihin na?"

"Yes, Sheena. Clyde will be your fianceé," nakangiti nitong sambit sa akin.

"Tita, hindi iyon ang sinabi mo sa akin."

"Ayaw mo bang makasal sa anak ko?" tanong ni Mommy kay Clyde.

Oo nga, ayaw niya bang makasal sa akin. Biglang nalukot ang mukha ko at inirapan ko ito.

"Hindi sa ganun Tita, hindi pa ako handa. Marami pa akong pangarap." Pakunswelo nito kay mommy.

Panay na ang irap ko kay Clyde. Ayaw ko siyang tignan dahil naiinis lang ako. Ayaw niya pa lang makasal sa akin, di ipapatigil ko na ang panliligaw nito sa akin.

Umupo sa tabi ko si Clyde, hinawakan nito ang kamay ko. Pero pasimple kong iniwas ang kamay ko, tapos ay dinampot ko ang baso ng tubig at iniinom iyon. Dahil baka di ko mapigilan ay isaboy ko sa mukha nito ang tubig.

Tahimik kaming kumakain ng magsalita si mommy.

"Kumusta Selena at Kent?" tanong ni mommy kay Ate Selena at Kent.

"Okay naman kami mommy!" ngiti ni Ate, pero di umabot sa mga mata nito ang ngiti na nakapaskil sa labi nito. Para bang may problema ang mag-asawa. Kakausapin ko si Ate mamaya.

"Ikaw naman Sheena? How are you?" tanong nito sa akin.

"I am okay mom, although pagod lang ako sa school kanina, dahil nag-elect ulit ng bagong presidente sa Student Council," sabi ko kay mommy.

"What happened to the former president?"

"Pinatanggal ko. Dahil wala siyang magandang naidudulot sa eskwelahan natin. Ang mga estudyante doon ay naging bully at pasaway," sabi ko sabay subo ng pagkain sa bibig ko.

"So ikaw ang namamahala sa school n'yo Sheena?" tanong ng ina ni Jeff. Nagulat ko yata ito.

"Yes, at di pa ako tapos maglinis sa eskwelahan na iyon," malamig kong utas.

Tahimik kaming kumain muli. Nang matapos na kaming kumain ay agad na pumunta si Mommy at ang ina ni Jeff sa sala.

"I am sorry sa ginawa ni Mama sayo noon Sheen." Hinging paumanhin ni Jeff.

"It's okay Jeff, matagal na iyon. Gusto ko lang isampal sa ina mo na, porket simple lang ang pananamit ay mahirap na. Mas mabuti na iyong maaga pa lang ay nakita ko ang masamang ugali ng ina mo," sabi ko dito. Nandito kasi kami sa kusina. Kumakain kasi ako ng dessert.

Nagpaalam muna ako kay Jeff, kakausapin ko na muna si Ate Selena ko. Gusto kong malaman ang hinaing nito, gusto kong malaman kung may problema ba ito.

"Nag-iisa ka yata, Ate? Nasaan si Kent?" tanong ko sa Ate ko.

Di ito sumagot. Bagkos ay umupo ako sa katabing upuan nito.

"Anong problema Ate?" tanong ko sa kapatid ko.

Bigla na lang itong humagulgol. Umawang ang labi ko at agad ko itong nilapitan para yakapin ito.

"Akala ko mahal niya ako. Kasi pinaramdam niya sa akin na may nararamdaman siya, pero wala pala." Panimula nito.

Tahimik lang ako, nakikinig sa hinaing ni Ate Selena.

"Nakunan ko Sheena, akala niya, niloloko ko siya. Kasalanan ko din, hindi sinabi na nakunan ako. Mahal ko siya Sheena. Di ko kayang nawala siya sa akin. Pero may mahal siyang iba." Humagulgol ito. Nanatili akong nakayakap dito.

Akala ko okay ang relasyon nila Ate Selena at Kent. Hindi pala.

"Ngayon, nandoon siya sa ibang babae. Ayaw niya akong kasama. Ayaw niya akong makita, ngayon nga napilitan lang siyang sumama, dahil si mommy ang tumawag sa kanya. Niloko ko daw siya. Totoo naman na nabuntis niya talaga ako. Kaso nakunan ako, at hindi niya iyon alam. Isang buwan na siyang di umuwi sa bahay namin. Tinitiis ko na lang, kahit sobrang sakit na makita siyang may kasamang ibang babae." umiiyak nitong daing.

"Then, let him go. Kung ayaw niya sayo. Iwan mo na siya," sabi ko dito. "He isn't worth of your tears."

"Pero mahal ko siya. Handa akong magtiis, Sheena. Pero kung hindi ko na kaya. Aalis ako, hindi na ako magpapakita sa kanya," sambit nito.

Hinahaplos ko ang buhok nito. Inaalo at pinaparamdam dito na nandito lang ako, na may kakampi ito.

"Dito ka na matulog Ate, bukas ka na umuwi sa bahay n'yo or much better if wag ka nang umuwi, wala naman doon ang magaling mong asawa," malamig kong sambit.

Galit ako kay Kent. Dahil di ko akalain na gaganituhin niya si Ate Selena ko. Akala ko mahal nito si Ate Selena. Hindi pala.

Kinabukasan ay maaga akong nagising, alam kong umuwi na si Ate Selena sa bahay nilang mag-asawa, dahil may pasok pa ito sa opisina.

Pupuntahan ko si Kent, at kakausapin ang ulupong na iyon. Humanda talaga siya sa akin pag nadatnan kong may ibang babae ito. Baka akala niya siya ang may-ari ng pinamamahalaan niyang kumpanya ngayon.

Agad akong nagtungo sa garahe namin at pumasok sa sports car ko. Feel kong iparada ang mga mamahalin kong kotse at isampal sa mukha ng kent na iyon na di siya kawalan. Di siya kailangan ni Ate Selena.

Nang makarating na ako sa kumpanya namin ay agad akong pumasok sa loob. They know me, kaya hindi na nila ako pinipigilan. I wore my best dress, nagmukha talaga kong mayaman sa damit na ito. Although I want a simple cloths.

Sumakay ako elevator at may nagbulungan na mga empleyado, di yata nila alam na nandito sa ako sa likod.

"Alam mo bang may relasyon si Sir Kent at ang sekretarya niya? Nahuli ko siya na naghahalikan sa may mens room," bulong ng empleyado na lalaki. Pero dinig ko naman ang usapan nila.

"Alam kaya iyan ni Ma'am Selena?" nababahala na tanong ng empleyadong babae.

"Parang hindi."

Lumabas na ang dalawang empleyado ay ako naman ay nagpatuloy sa opisina ni Kent. Naikuyom ko ang aking kamao.

'Gaano mo katagal niloloko ang Ate Selena ko, Kent?'

Nagpupuyos ako sa galit, dahil sa narinig ko. Wala ang sekretarya nito sa table nito at alam ko kung nasaan. Di naman nakalock ang pinto ng opisina ni Kent, kaya malaya akong nakapasok.

And there, I saw him and his secretary having sex on the table.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro