Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

NAGDINNER kami nang matapos ako sa pag-inspect ng mga sales. Walang pagsidlan ng kasiyahan ko dahil kasama ko si Clyde.

Kinabukasan ay pumunta ako sa school to pay a visit, I need to talk the president. Pero bago pa ako makapasok at may bumato sa akin, kung di pa ako hinila ay baka tinamaan na ako ng isang bato. Nanlaki ang mga mata ko, nagpupuyos ako sa galit. Dahil second enrollment ito ay marami pa estudyante dito. Napalingon sa gawin namin ang mga estudyante at nagbulong-bulungan.

"Sino iyan? New student." Dahil ngayon lang nila ako nakita ay di nila ako kilala. Iilan lang kasi ang pumunta doon na high school department.

"Ate Sheena. Okay ka lang po?" tanong ni Everleigh ang babaeng tinulungan ko noon.

Napasinghap ang iba, dahil alam nila kung sino ako.

"Jay, nahuli na namin ang may gawa."

Doon ko lang napagtanto ang humila sa akin. Napalingon ako sa likuran ko.

"Ano ba, bitawan nyo ako!" sigaw ng isang lalaki. Hila-hila ito ng mga kalalakihan.

Ngumisi ito ng makita ako. Tinignan ko lang ito ng malamig at may panlilisik sa mga mata.

"Buti na lang Miss, nakailag ka kundi sapol ka sana," ngising sambit nito sa akin.

"At pasalamat ka, dahil di ako nasapol. Dahil di ka lang mapapaalis sa school na ito, gagawin ko ding impyerno ang buhay mo," galit kong sambit dito.

Naging mabalasik ang mukha nito. "Sino ka ba? May-ari ka ba ng school? Eh, parang ipis nga di mo kayang patayin."

"Oh my God! Sheena, mabuti at di ka nasaktan," humahagos sa sambit ng Principal, si Mrs. Regala.

Parang nawala ang kulay ng lalaki ng makilala niya ako.

"Ikaw na naman Mr. Ocampo? Ilang beses mo ba itong ginawa at pati ang may-ari ng school ay di mo pinaglagpas!" sigaw ni Mrs. Regala.

"H-hindi ko alam," mahina nitong sambit.

"Sino ang nag-utos?" malamig kong tanong dito.

Di ito nagsalita. Bagkos ay nakayuko lang ito.

Iniwan ko silang lahat doon at pumunta sa president office. Binalibag ko iyon pagbukas kaya, nagulat ang dalawang tao na nagtatalik.

"Wow, what a beautiful scene. Really Joyce? Do you still have respect for yourself?" tanong ko dito.

Dahil bukas ang pinto ng opisina ng president ay maraming nakakita kina Joyce at ni Mr. President.

"At ikaw Mr. President, naturingan kang presidente ng school pero binababoy mo ang office na ito? How awful you are. Nakakadiri kayo."

"Sino ka ba?" mayabang na tanong nito sa akin. Tumaas ang kilay ko, dahil sa tanong nito.

"Alam mo ba Mr. President, kaya kitang alisin sa pwesto mo? Mas marami pang deserving d'yan sa pwesto mo ngayon."

"Alam kong di mo magagawa iyon. Umalis ka na, naistorbo mo kami."

Ngumisi ako. "Mrs. Regala, call the security. May ipapadampot ako," malamig kong utos kay Mrs. Regala ang principal ng school na ito.

Agad na tumalima ang si Mrs. Regala at agad na dumating ang mga security.


"Miss Sheena." Nakita kong namutla ang presidente. Nawala bigla ang angas nito.

"Damputin nyo ang dalawang iyan at wag papasukin sa school KO!" sigaw ko. Pinagdiinan ko talaga ang school para malaman nila na akin ang paaralan na ito.

"Sheena, please wag!" sigaw ni Joyce. Nagmamakaawa ito. Dahil alam ko once na mapaalis ito sa school na ito ay papalayasin ito ng ama nito.

Hinarap ko ito. Nagpupumiglas pa rin ito. "Ang bangis nyo kanina. Ngayon? Para kayong mga tuta sa sobrang amo," sambit ko sa dalawa. Tinignan ko sila nang malamig.

"Pakawalan sila. From now on, ikaw Mr. President ay di na ang presidente ng Student Council. Hindi ka magandang ihemplo ng estudyante dito sa school KO."

Tinalikuran ko sila. "Sha nga pala Mrs. Regala, pag pasukan buksan mo ulit ang election para sa bagong presidente."

Umalis na ako sa paaralan na iyon. Nagawa ko na ang dapat kong gawin. Napaalis ko na pwesto ang walang modong presidente na iyon.

Sasakay na sana ako sasakyan ko ng may humila sa akin. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ito. Bakit ko ba siya nakalimutan. Binuksan nito ang sasakyan at pinasok ako doon. Pagkaupo ko at umikot ito sa may driver seat at agad na umupo doon. Binuhay nito ang makina ng sasakyan at pinatakbo iyon.

"Ang sasakyan ko?" tanong ko dito.

"Ipapakuha ko na iyan. Ipapahatid ko sa inyo," malamig nitong sambit.

"Thank you, kung di dahil sa iyo, baka nasa ospital na ako," wika ko.

"Next time mag-ingat ka. Lalo na't madaming galamay si Joyce. Simula ng mawala ka sa school na iyon. Maraming nagbago."

"Nakita ko nga. Next week pasukan na, iyon ang pagtutuunan ko nang pansin."

Di pamilyar sa akin ang daan na binabaybay namin.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko dito.

"Magpapahangin lang. I want you to relax."

Tango na lang ang tanging naisagot ko. Magaganda ang tanawin na nadadaanan namin.

"Parati ka dito?" tanong ko sa kanya. Nakarating na kasi kami sa paroroan namin.

"Ikalawa pa lang. Noong una ako lang mag-isa, ngayon kasama na kita." Nilingon ko siya.

"Bakit mo ako sinama dito?" tanong ko dito.

"I want this place na makasaksi sa sasabihin ko sa iyo."

Kumunot ang noo ko. "Ano ba ang sasabihin mo?" kinakabahan na tanong ko. Humarap na lang ako sa magandang tanawin.

Dahil di ko kayang tignan ang mga mata ni Clyde.

Hinawakan nito ang kamay ko at pinaharap ako sa kanya.

"Sheen, I want to court you," mahinang sambit nito.

Nanlaki ang mga mata ko. Agad akong napabitaw sa kanya. May nakita akong sakit sa mga mata nito.

"Hindi pwede. Clyde."

"Bakit hindi pwede?" tanong nito sa akin.

"Ayaw kong mapahiya ka, Clyde. I am older than you," bulong ko. Pero sapat na iyon para marinig nito ang sasabihin ko.

Hinawakan nito ang pisngi ko at hinahaplos ito gamit ang hinlalaki nito.

"So what? Ano naman kung mas matanda ka sa akin ng ilang taon? Iyon ba ang batayan mo? Hindi na ba pwedeng magkagusto ang mas bata, sa matanda ng ilang taon sa kanya?" tanong ni Clyde. "Di lang isang beses ang may nangyari sa atin, Sheen. Gusto kitang panagutan. Pero hindi ko alam kong saan magsisimula. Iniiwasan mo na rin ako."

Napayuko ako. Hinawakan nito ang chin ko at iniangay iyon, unti-unti ay lumapit ang labi nito sa labi ko. Naglapat ang aming mga labi at kakaiba ang nararamdaman ko.

Libo-libong boltahe ng kuryente ang nanulay sa aking mga kaugatan. Ito ang nararamdaman ko bawat halik na pinagkakaloob nito sa akin.

Lumayo ito sa akin at lumamlam ang mga mata nito.

"I want to court you. Kahit na hindi ako magaling manligaw ay gagawin ko ang lahat mapasagot lang kita," anas nito. Nasa pisngi ko pa rin ang kamay nito.

"Gusto kong may karapatan na ako sa iyo, pag sinagot mo na ako. Gusto kitang angkinin pero hindi ko magawa. Gusto kitang hilahin sa bawat lalaki na lumalapit sa iyo, hindi ko magawa. Dahil wala akong karapatan sa iyo," mahaba nitong sabi sa akin.

Napayuko na lang ako. "Pero may boyfriend ako, Clyde!"

"Sino ang niloloko mo, ako? Alam kong hindi mo siya boyfriend. Alam ko ang lahat ng bawat galaw mo sa Cebu, Sheena. Nang umalis ka ng araw na iyon ay agad kitang pinahanap. Hinayaan kita na umalis at iwan ako. Binigyan kita ng space na ayon sa gusto mo. Pero hindi ko kayang makita ka na may kasamang ibang lalaki, nagseselos ako Sheena."

Nanlaki ang mata ko nang malaman ang mga iyon buhat sa bibig ni Clyde. Akala ko, wala itong alam kung nasaan ako. Iyon pala ay may alam ito.

"Sige, pagbibigyan kita na manligaw sa akin." May galak sa mga mata nito. "Pero gusto kong ilihim ang panliligaw mo na iyan sa akin." Nawala bigla ang saya na sa mga mata nito, dahil sa sinabi ko.

"Bakit?" tanong nito.

Iniwan ko siya doon at humarap sa bangin, kay ganda talaga ng tanawin dito. Masarap ang hangin, hindi nakakasawang simhutin.

"Hindi pa ako handa Clyfde na mahusgahan. Alam mo naman ang lipunan natin. Puno ng mapaghusga."

"Pero…" bulong nito.

"Kung di mo kaya ang ganun, ay itigil mo na lang iyang panliligaw mo sa akin."

Natahimik ito. Nandoon na naman ang malamig na tingin nito.

"Hindi ako titigil," sabi nito sa akin. "Kung iyan ang gusto mo…" Pumikit ito at dumilat muli. Nilingon niya ako. "Papayag ako, pero hindi ibig sabihin noon ay sang-ayon ako sa gusto mo," malamig na sambit nito sa akin.

Nginitian ko siya. Akala ko di niya ako gusto. Akala ko ako lang ang nakaramdam ng ganito.

"Kailan mo pala nalaman na gusto mo ako?" tanong ko kay Clyde.

"Noon pa man ay gusto na kita. Bata pa lang ako noon. Mga 13 years old siguro ako noon. Kasama mo si Kuya Kent that time," sabi nito.

"Ahh naalala ko na, may party sa inyo noon ay inimbitahan kami ng mommy mo. Iyon pala ay padespidida party ninyo iyon."

Siya pala iyong nakita kong batang lalaki sa isang tabi na kung makatingin ay para bang hinahalukay ang buo mong kaluluwa. Sobrang lamig kasi ang tingin nito. Di ko din matagalan ang titig nito sa akin.

"Yeah, that time. Bigla akong nacurious sa iyo. That time ay di ko alam na sa iyo na pala nakapako ang mga mata ko."

Ngumiti ako, ang corny naman ng lalaking ito.

"Nang dumating kami sa States ay ginawa kong lahat, para lang makalimutan ka. Naging mapaglaro ako sa mga babae. Marami akong nasaktan, kahit may girlfriend na ako noon ay nasa ibang kandungan pa rin ako. Hindi ko kasi makalimutan ang ngiti na nagmula sa iyong labi. Iyon na yata ang pinakamagandang ngiti na nakita ko sa buong buhay ko."

Wala akong masabi, ang tanging nagawa ko lang ay ang tumahimik. Nakatingin ako sa labas ng bintana. Pagabi na din pala.

"Dinner muna tayo," yaya nito sa akin.

"Sige."

Agad itong nagpark sa isang restaurant na nakita namin. Bumaba ito at agad na umikot sa kabila para pagbuksan ako pinto. Agad akong bumaba at inalalayan niya ako.

Nang makababa na ako ay agad nitong hinawakan ang aking kamay. Binuksan nito ang pinto ng restaurant ay may lumapit sa amin na waiter.

"Good evening Ma'am, Sir. Table for two?" tanong nito sa amin.

"Yes! Please," sagot ni Clyde dito.

Nanatiling nakahawak ang kamay nito sa kamay ko. Napalingon sa amin ang mga kumakain. Kahit na alam kong wala silang alam sa totoong edad namin at nahihiya pa rin ako. Yumuko pa rin ako.

"This way Sir." Sumunod kami sa waiter, sa table na nakalaan sa amin.

Si Clyde na ang bahala sa order namin. Kahit na alam ko ang mga iyon ay si Clyde na ang pinag-order ko.

"And a bottle of wine too," habol nito sa waiter.

"Sige Sir. Pakihintay na lang," ngiting sambit ng waiter.

Iginala ko ang tingin ko sa paligid at nakita ko ang babaeng palapit yata sa gawin namin.

"Hi, Clyde!" masayang bati ng babae. Nanlaki ang mga mata ko ng halikan nito sa labi ni Clyde.

"What the hell, monic!" paasik na sigaw ni Clyde.

"I just miss you. Punta ka sa place ko mamaya. Namiss na kasi kita," may pang-aakit na sambit nito kay Clyde.

Nakatukod ang dalawang kamay nito sa mesa namin, kaya lantad sa harapan ni Clyde ang harapan nito.

"I am sorry monic, hindi ako pupunta," malamig na utas ni Clyde.

"Hihintayin pa rin kita," bulong nito. Pero narinig ko naman.

Dumating ang order namin at kumain kami ng tahimik. Di ako mapakali sa narinig ko kanina. Hanggang sa matapos kaming kumain at nasa sasakyan na kami ay ganun pa rin ang nasa isip ko.

"What's bothering you?" tanong nito sa akin.

"Nothing," mahina kong sagot sa kanya.

Napabugtong-hininga ako. "Kung si Monic ang inaalala mo, don't be. Monic is nothing," sabi nito sa akin.

"Para kasing may nakaraan kayo."

"She's my ex fling at wala kaming relasyon." Paliwanag nito sa akin.

"Okay lang din naman na pumunta ka sa kanya. Malay mo magustuhan mo din siya." Tulak ko dito. Papunta sa babaeng iyon.

Pero parang pinipiga ang puso ko pag nalaman ko na pupunta ito doon.

"Gusto mo ba na pumunta ako kay Monic?" tanong nito sa akin.

"Kung iyan ang gusto mo."

Tahimik ang byahe namin, nakarating kami sa bahay na para akong wala sa sarili.

Hinawakan nito ang kamay ko at pinaharap ako sa kanya.

"Don't worry, hindi ako pupunta."

Nginitian ko lang ito, tapos ay hinalikan nito ang aking labi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro