Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

KAY BILIS ng oras at panahon, di na ako nakabalik sa Cebu, dahil na rin sa kondisyon ni mommy. She need us, especially my Ate Selena.

Ilang araw bago lumabas si mommy sa ospital ay dumalaw si Ate Selena. Nagkalakas ito ng loob na harapin si mommy. Hindi naman galit si mommy. Bagkos at inintindi nito si Ate. Talagang natakot lang siguro si Ate Selena, dahil baka galit ang mommy namin sa kanya.

Nasa resort ako ngayon. Dahil kasal ngayon ng Ate Selena ko. Instead na ako ang ikakasal kay Kent ay si Ate Selena ang pinakasalan nito.

Kent know the condition of my mother. Kaya pala di ito tumutol sa kasal na ini-arrange ng mommy ko. Beach wedding ang gusto ni Ate.

Ako naman pag ikakasal ako, gusto ko garden wedding, iyong nasa palibot talaga namin ang garden, puro bulaklak ang nasa paligid ko.

"Mag-isa ka yata?" tanong nito.

"Gusto kong lang na mapag-isa," saad ko dito.

"Malapit na pala ang enrollment, magpapa enroll ka?" tanong nito.

"Oo," sagot ko dito.

"Mag-eenroll din ako, Criminology ang kukunin ko." Napatingin ako dito.

"Akala ko ba gusto mong mag-Army?" tanong ko dito.

"Tsaka na iyon, bata pa naman ako. Pagkatapos ko na sigurong mag-aral ng Criminology. Para may experience na ako."

"Good luck then."

"Clyde, Sheena!" tawag sa amin ni Ate Selena.

Pinagmasdan ko si Ate Selena. Sobrang ganda talaga ng kapatid ko na ito. Walang tulak kabigin sa kagandahan.

"Halina kayo, magdidinner na."

Sumunod na kami ni Clyde. Nabigla ako ng hawakan ni Clyde ang kamay ko, at ang isang kamay nito ay nasa bulsa ng short na suot nito. Napatingin ako sa mga kamay namin at napangiti na lang ng wala sa oras.

Pinagwalang-bahala ko na lang iyon. Nakarating kami sa restaurant kung saan kumakain sila mommy, pero di pa rin binibitawan ni Clyde ang kamay ko. Kaya napatingin sa amin ang mga nandoon. Babawiin ko na sana ang kamay ko. Pero humigpit ang hawak nito sa kamay ko.

Nang makarating na kami sa upuan ko na para sa akin at pinaghila niya ako ng upuan at umupo na lang ako. Tahimik ang nasa mesa namin. Para bang tinatansya nila kung dapat na bang magsimulang kumain. Naupo na din si Clyde sa tabi ko.

"Let's eat?" tanong ko sa kanila. Ako na ang kusang bumasag ng katahimikan.

"Okay!" sagot nilang lahat.

Naganap ang kasal nina Ate Selena at Kent, masaya ako para sa dalawa. Hindi na din naman mapipigilan ang dalawa dahil buntis na ang Ate Selena ko.

Iginala ko ang tingin ko sa paligid, dumako ang tingin ko sa pwesto ni Clyde. Nakatingin din pala ito sa akin. Nginitian ko na lang ito.



Dumating ang enrollment, maaga ako ngayon sa school dahil mag-enroll ako para sa gusto kong kurso.

"Bye mom!" Paalam ko sa mommy ko. Nag-agahan kasi ito, di muna namin pinayagan si mommy na magtrabaho, pansamantala ay ako muna ang hahawak sa mga negosyo ni mommy. Nasa ibang bansa pa kasi si Ate Selena, wala pa yatang balak umuwi.

Nakarating ako sa school at marami ng estudyante, agad akong pumasok at pumunta sa registar.

"Look who's here. The former President of Student Council." Di ko ito pinansin, dahil ano pa ang magawa ko sa babaeng ito. "Magsalita ka naman, Sheena."

Hinarap ko ito. "Look Joyce, stop plastering me. Kilala mo ako di ba?"

"Yeah, I know you my dear cousin," nang-uuyam na sambit nito. "Dahil di ka na president ng school na ito. Di mo na magagawa ang dati," ngising sambit nito.

Tinignan ko siya ng sobrang lamig. Bigla ay natamimi ito ay nawala ang ngisi sa labi nito.

"Yeah! I can't do what I do, like the old times, when I am the president of this school. But remember, I am still the owner of this school. And in one snap, maalis ka sa school na ito."

Bigla itong umatras at bigla at napalitan ng ngisi ang mga labi nito.

"What is your opinion about that Jay?" tanong ni Joyce sa taong nasa likuran ko.

"She is right. She has a right to kick you out of this school. After all, she is still the owner of this school."

Ngumisi ako. "And ngayong nagbalik na ako. I watch your every step!" sabi ko dito bago ko sila tinalikuran.

Simula nang mawala ako sa school na ito ay maraming kababalaghan ang nagaganap sa school na ito, maraming nabully at may mga grupo na wala naman noon.

"And by the way Joyce. Simula mo nang linisin ang mga alipores mo. Dahil pag nahuli kita, kayo. Kahit pinsan kita, di kita sasantuhin. Mark my words."

Iniwan ko na sila doon. Dahil di ko kayang makipag plastikan sa pinsan ko na iyon. Porket, pamangkin siya ni mommy ay nagsisiga-sigaan na ito dito.

Tapos na din akong mag-enroll at inikot ko muna ang buong campus. May nakakakilala sa akin, ay may nagtataas naman ng kilay, mostly mga kabataan. Nasa high school department na ako ng biglang sabuyan ako ng isang balde na may tubig.

"Buti nga sa iyo, inaapi mo si Queen Joyce namin," tumatawang sambit nito.

I look at her. Bigla at umatras ito. "You all see you on the office. In 5 seconds. 1, 2, 3…" Di pa man ako tapos na mag bilang ay nagsitakbuhan na silang lahat.

Agad akong sumunod sa kanila sa opisina ng principal. Dahil sa galit ko ay bigla kong binuksan ang pinto ng pabalibag.

"What the hell, Sheena. What's happening to you?" agaran na tanong ni Mrs. Regala.

"Tawagin mo lahat ng high school department," utos ko dito.

"Yes, Sheena."

"Maghihintay ako sa Gym."

Naglakad ako papunta sa Gym at agad na pumasok. Pumunta muna ako sa banyo para magbihis, dahil sobra ko talagang dungis. Naghilamos ako.

"Balita ko, pinatawag daw ang buong High School Department."

"Yes, gaga din naman itong si Jean, aba, binuhusan ba naman ng tubig ang may-ari ng school. Ang dahilan niya ay pinagtanggol lang daw niya ang Queen Joyce niya. Queen my ass. Simula ng mawala si Ate Sheena dito ay naghahari-harian na ang impakta na iyon."

"Kilala mo ang may-ari?" tanong ng isang babae sa kasama nito.

Di yata nila ako napansin dahil nakayuko ako.

"Yes, I know her. Sobrang bait ni Ate Sheena."


Di ko na pinakinggan ang iba pang sasabihin ng magkausap na babae sa banyo. Agad na akong pumunta sa Gym.

Nang pumasok ako ay para bang mga aso ang mga estudyante na nandito. Para bang wala silang ginawang kasalanan. Tinitigan ko ang Teenager na nagbuhos sa akin kanina ng isang baldeng tubig.

"Lumapit ka sa akin," malamig kong sambit. Nakatingin ako sa dalagita, habang siya ay nakayuko. "Alam mo bang mali ang ginawa mo? Sino ba ang nag-utos sa iyo na gawin mo iyon?" tanong ko dito.

"I am sorry po. Di ko po pwedeng sabihin," yukong sabi nito sa akin.

"Mag sasalita ka o papaalisin kita dito sa school na ito?" matigas at malamig kong sabi dito.

Napatingin ito nang walang oras sa akin. "Si Queen Joyce po," mahina nitong sabi.

"Bakit sinasamba mo siya? Bakit sa kanya ka kumakampi, wala namang magandang dulot ang babaeng iyon sa iyo." Dumagundong ang sigaw ko sa buong Gym.

"Bravo, Sheena. Welcome back pala," nang-uuyam na sambit ni Joyce. Nasa bungad ito ng pinto ng Gym. Masama ko siyang tinitigan, dahil di maganda ang impluwensya nito sa mga estudyante.

Lumapit ito sa harapan ko na may ngisi sa labi. Akala mo naman kung sino. Akala mo siya ang may-ari ng school na ito.

"Pwede ka nang umalis Jean. Salamat sa tulong." Aalis na sana ang bata ng pigilan ko ito.

"No stay," matigas na sambit ko.

Nanlaki ang mga mata ni Joyce. "Kababalik ko lang Joyce at ito ang sinalubong mo sa akin. How thoughtful you are." Nang-uuyam kong pahayag dito. "I am so flattered you know that."

"Masaya naman di ba?" tanong nito sa akin.

"Oo, pero let's put a twist on it, a spicies. Sinimulan mo ito, tatapusin ko," malamig kong sambit dito.

Namutla ito, dahil alam nito na di ako nagbibiro. Tinalikuran na ako ni Joyce. Di yata kinaya ang ugali ko.

"Bumalik na kayong lahat sa respected room ninyo."

Ano ang nangyari noong wala na ako sa school na ito, t'yak na marami. Ngayon na bumalik na ako ay isa-isa kung aayusin. At sisimulan ko sa iyo, Joyce. Need ko na din siguro magpalagay ng sarili kong office. Dahil ang ginagamit kong office dati ay ang kasalukuyang presidente ngayon ang gumagamit. And I think, I need to talk to her/him. But before that, I need to talk to my mother about this matter.

Agad akong pumunta sa parking lot para umuwi, dahil gusto ko ding kausapin si Mommy about sa school. Hindi masyadong napamahalaan ang school kaya naging ganun ang mga estudyante doon. Ano naman kaya ang ginagawa ng presidente ngayon at ganun na lang ang nangyayari sa school?

Nakarating ako sa bahay na may galit pa rin. Gusto kong bigyan ng isang sampal si Joyce to wake her up.

"Oh, bakit ganyan ang mukha ng baby girl ko?" Nakasimangot kasi ako kaya nahalata agad ni Mommy.

"Alam mo ba ang ginagawa ni Joyce sa school natin mom? Ginawa niyang masama ang mga estudyante doon."


Napa buntong-hininga ito. "Isa din iyan sa pinoproblema ko, parating may nirereport ang school admin sa akin na ganun nga ang nangyari."

"How about the president? Anong ginagawa niya?" tanong ko kay Mommy.

"Parang boyfriend ni Joyce ang president."

Napahilamos na lang ako sa aking mukha. Kaya pala malakas ang loob ng babaeng iyon.

"Pupuntahan ko bukas ang school. Dadalawin ko and I want to surprise that president."

Umakyat na ako sa kwarto ko. Dahil magbibihis pa ako, pupunta kasi ako ngayon sa kumpanya ni Mommy para tingnan ang mga sells doon. Kung wala bang nagbago sa nagdaang taon.

Pagbaba ko ay may di ako inaasahan na bisita. "What are you doing here?" tanong ko.

May galak sa puso ko na pumunta ito sa bahay, ngunit kailangan kong pigilan ang sarili ko. Dahil may gusto akong patunayan sa aking sarili.

"Gusto kitang samahan. And I heard na may nagbuhos ng isang baldeng tubig sa iyo sa school."

"Wala na iyon inaayos ko na iyon."

"Samahan na kita. Saan ba ang punta mo?" tanong nito sa akin.

"Sa kumpanya lang ni Mommy. I need to check the sells," sambit ko dito.

"Samahan na kita. Tapos ay dinner tayo?" nakangiti nitong tanong sa akin.

"Sige." Pagpayag ko.

Nakasakay na kami ngayon sa sasakyan ni Clyde, sasamahan daw niya ako sa kumpanya ni Mommy.


Nasa opisina ako ni Mommy ng ipadala ng sekretarya ni Mommy ang lahat ng report tungkol sa sells this year. Pero panay naman ang sulyap ko kay Clyde. Nakatingin pala ito sa akin.

Baka kasi naiinip na ito. Medyo matagal pa naman ako.

"Ito na po lahat Ma'am." Binigay sa akin ni Agnes ang lahat ng files ng report.

"Ito na ba ang lahat?" tanong ko dito.

"Yes po Ma'am."

"Sige iwan mo na ako."

Agad naman na umalis si Agnes at naiwan kaming dalawa ni Clyde. Di ako mapalagay, dahil alam ko na nasa malapit lang ito. Kaya nagkonsentrate na lang ako sa pagbabasa ng mga report. Pero ang di ko napaghandaan ay ang paglapit nito.

"Marami pa yata iyan."

"Medyo," wala sa sariling sambit ko. Di kasi ako mapalagay. Lalo na't sobrang lapit nito sa akin.

Sinapo nito ang pisngi ko at pinaharap nito sa kanya. Isang halik ang iginawad nito sa akin.

"I miss you lips," bulong nito sa akin. Nang bitawan nito ang aking labi.

Hinalikan nitong muli ang aking labi na agad ko namang ginantihan ng halik.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro