Chapter 11
NAPAHILAMOS ako sa aking mukha ng halos ayaw tumigil ni Jeff sa kakalakad pabalik-balik.
"Nadidiri ako sa titig ng babaeng iyon, Sheena!" impit na sigaw ni Jeff. Umiling-iling ba lang ako, dahil lumalabas talaga ang pagiging bakla ng lalaking ito.
"Just ewww, nakakadiri talaga!" sigaw nitong muli.
Baka pag nalaman nito ang ginawa ko, mas lalong magwala ito. Kaya pinakalma ko muna ang bakla na ito. Umupo ito sa visitor chair at nakatingin sa akin, nandoon pa rin sa mga mata nito ang pandidiri.
"Alam mo naman na tinignan ka na pala ng ganun di ka pa lumabas."
"Alangan naman, lalabas na sana ako nang siya namang pasok nag babaeng iyon!" galit nitong sabi sa akin.
"May kasalanan din ako sa iyo," mahina kong sambit. Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko sa kanya o hindi.
Tumaas ang kilay nito. "At ano naman iyon?"
"Ahmm, alam kong magagalit ka. I use you, and I told Clyde na boyfriend kita."
"What!?" sigaw nito. Napatayo pa talaga ito. "Ano ang ginawa mo." Nanlalaki ang mga mata nito, dahil sa sinabi ko.
"Sorry, kasi wala akong maisip na idahilan para umalis sila agad. Sakto naman pumunta ka."
"Alam mo stress na nga ako sa babaeng iyon, pati ba naman sa iyo?"
"I am sorry. Gusto ko lang na makawala sa kanya, na mapatunayan dito na wala akong nararamdaman dito," sabi ko sa kanya.
"Kahit na, di naman ayos iyon na gamitin mo ako. Paano kung makita niya ako na kasama ko si Erwin?" tanong nito.
"Don't worry, di sila magtatagal sa Cebu."
"Sino ba iyon?" tanong nito.
Umiwas ako ng tingin. "He is Clyde Jay Montecalvo, anak ng bestfriend ni mommy ko," sabi ko dito.
Tumayo ako. Pumunta ako sa may bintana.
"And he is my first love. Mahal ko siya. Pero hindi pwede, masyado siyang bata para sa akin at ayaw kong mapahiya ang pamilya ko if ipagpatuloy ko ang kahibangan ko na ito. Hindi din ako sure, kung iisa ang nararamdaman namin," mahaba kong sabi dito.
"Sheena, kung mahal mo ipaglaban mo." Humarap ako sa kanya.
"I can't."
"Age doesn't matter, Sheen kung mahal mo ang isang tao, you need to fight for him. Dapat ipagpalaban mo siya."
"Paano kung ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa?" tanong ko dito.
"At least lumaban ka. Pinaglaban mo siya. Kung talagang wala siyang gusto sa iyo. Siya ang kusang lalayo sa iyo."
"Natatakot ako, Jeff. Baka mabaliwala ang nararamdaman ko."
Lumapit ito sa akin. Pinaharap niya ako.
"Fight for him. Ilaban mo siya."
"But…"
"No buts," putol nito sa sinabi ko.
"Siya, aalis na ako. Pag-isipan mo ng sinabi ko."
Umupo ako swevil chair ko. Gusto kong pag-isipang mabuti ang sinabi ni Jeff sa akin. Ayaw kong sumugal na wala akong mapapala.
Next year, pasukan na. Kaya kailangan kong umuwi sa Mindanao. Napabugtong-hininga na lang ako.
Di na talaga siguro, maiiwasan ang pag-uwi ko sa araw na iyon. Siguro, dapat ko nang tanggapin na magkikita at magkikita kami ni Clyde.
Abala na ako sa pag-aasikaso ng may kumatok.
"Pasok!" sigaw ko mula sa loob.
Biglang sumugaw ang ulo ni Jenalyn.
"Jen, what are you doing here?" tanong ko agad dito. May nakikita akong lungkot sa mga mata nito. "What's the matter? May problema ka?" tanong ko ulit dito.
Umupo ito. "Tulungan mo ako, Sheen." Nanlaki bigla ang mga mata ko.
"Anong klaseng tulong?" takang tanong ko sa kanya.
"Ayaw ko sa kasal na ito, force marriage, arrange marriage ang kasal namin. Di ko siya gusto," sabi nito sa akin.
"What?" gulat kong sambit dito. "Paanong nangyari iyon, akala ko gusto mo siya."
"Hindi, may mahal akong iba at hindi siya Sheena."
"I am sorry, Jen. Di ako ang makakatulong sa iyo."
Bigla itong nanlumo. Laglag ang mga balikat.
"Akala ko kasi matutulungan mo ako. Nagbabakasakali ako, kaya sa iyo ako lumapit," umiiyak nitong sabi sa akin.
Bigla akong nabahala, di ko alam ang gagawin ko sa sitwasyon ngayon ni Jenalyn.
Tumayo ito. "Sige, aalis na ako." Paalam nito sa akin.
"Jen, please. Wag mong ituloy." Pigil ko dito.
Nilingon niya ako. May ngiti sa labi nito, pero di abot sa mga mata. Siguro, hindi talaga nito gusto ang kasal na iyon. Pero wala akong magagawa, hindi ko matutulungan si Jenalyn.
Napa-upo ako bigla sa swivel chair ko. Bigla kasi akong nanghina sa nalaman ko ngayon. Alam kaya nila Airene ito? Ayaw kong pangunahan si Jen.
Nandito na kami sa simbahan, ngayon ang araw ng kasal ni Jenalyn. Alam kong darating si Jen, may isang salita ng kaibigan ko na iyo. Tanggap na nito ang kapalaran nito.
Bumukas ang pinto ng simbahan. Isa-isa kaming pumasok as a part of the entourage. Dahil nga kaibigan kami ni Jen ay party kami sa kasal nito. Wala akong partner, dahil iyon ang gusto ko. Malapit na ako sa may altar at nakita ko si Clyde. Clyde is the best man of Carlo ang groom ni Jen, na kaibigan ni Clyde. Nagtama ang aming mga mata. Bigla na lang ay para bang nag slowmotion ang lahat.
Bigla na lang akong nagising ng tumunog bigla ang isang kampana. Tinignan ko ang kampana na tumutunog. Bigla ay kinabahan ako. Pumunta na ako sa helira ng mga bridesmaids at kasama sa entourage ng kasal ni Jen.
Napalingon ako sa pinto ng simbahan ng bumukas ulit iyon. Doon at lumabas si Jen, naglakad ito papasok sa simbahan. Alam kong di ito ginusto ni Jen, na makasal sa taong di nito mahal.
Nakahinga ako ng maluwag ng nasa harapan na ni Carlo, si Jen. Nagdadalawang-isip si Jen na tanggapin ang kamay ni Carlo. May nakita akong kislap sa mga mata ni Carlo. May pagtingin si Carlo kay Jen, at hindi iyon alam ni Jen.
May nalaman din ako kagabi tungkol kay Jen at Carlo, ayon kay Airene. Talagang mahal ni Carlo, si Jen. Kaso nga lang pinaglaruan daw ni Jen ang damdamin ni Carlo. At ayon pa kay Airene. Pwedeng revenge ang kasalan na ito, dahil sa ginawa ng kaibigan namin kay Carlo.
Natapos ang kasal, di na ako pumunta sa reception. Dahil napauwi ako ng wala sa oras sa Mindanao. Ang sabi ni Ate Selena ay inatake daw si mommy.
Kaya agad akong umuwi, nagpasundo ako sa chopper. Tatawagan ko na lang si Ellyn. Hindi ko pa alam kung ano ang dahilan kung bakit inatake si mommy. Hindi ko maintindihan ang sinabi ni Ate Selena kanina sa phone.
Nang makarating ako sa Helipad ng isa sa kumpanya namin ay agad akong bumaba sa building, may sasakyan na nakahanda sa akin. Kaya agad akong nakaalis. Di ko alam kong ano ang gagawin ko. Halo-halo ang nararamdaman ko kaba at takot para sa buhay ng aking ina.
Agad akong nakarating sa hospital kung saan nakaconfine ngayon ang aking ina. Nakita ko si Ate Selena na pabalik-balik ang lakad.
"Ate!" tawag ko dito. Doon ko lang nakita ng hitsura ng kapatid ko. Gulong-gulo ang buhok nito at namamaga ang mga mata.
"What happen Ate?" tanong ko.
Napaluhod bigla si Ate Selena, kaya agad ko siyang dinaluhan. Wala pa si daddy, dahil nasa ibang bansa daw ito, dahil may pinuntahan na conferrence.
"Hindi ko sinasadya, Sheena. Hindi," umiiling nitong sabi sa akin. Nag-uunahan ang mga luha nito sa mga mata.
"Ano bang nangyari?"
"Di ko naman akalain na pupunta si mommy sa condo ko at ang masaklap pa, she saw us. Nakita niya kami ni Kent, nasa iisa kama walang mga saplot sa katawan at nagtatalik," hininaan nito ang boses sa huling sinabi nito. Pero narinig ko pa rin. "At inatake si mommy, hindi ko sinasadya, Sheena," umiiyak na sambit ni Ate Selena.
Niyakap ko ng mahigpit si Ate Selena. "Paanong nangyari na may sakit sa puso si mommy? Sa pagkakaalam ko she is healthy," wala sa sarili kong wika.
"Iyong ang alam mo. Inilihim nila daddy sa atin ang totoo nitong kalagayan. Ngayon ko lang din nalaman ng makausap ko ang doktor ni mommy. She needs an operation, Sheena. Dahil bumigay na ang puso ni mommy."
Bigla akong nanghina sa nalaman ko. Akala ko, walang sakit si mommy, iyon pala ay itinatago iyon sa amin nila daddy.
"Selena, Sheena!" tawag sa amin nila Tita Shiella. Nakasunod dito si Kent at Clyde. Di ko alam na nakauwi rin pala si Clyde.
Agad na dinaluhan ni Kent, si Ate Selena at itinayo ito.
"Kent, dalhin mo muna si Selena sa bahay, doon muna kayo. Lalo ka na Sheena."
Umiling ako. "No, Tita mas kailangan ni Ate Selena nang pahinga. Kanina pa siya umiiyak."
"I heard what happen. I am sorry sa ginawa ni Kent sa iyo. Baka nabigla lang ang mommy mo."
"It is okay Tita. Mas mabuting malaman ni mommy iyon. Para di na matuloy ang kasal," sabi ko dito.
"Alam ko ang relasyon nila Kent at Ate Selena mo. Nasa states pa lang kami at dumadalaw na si Ate Selena mo kay Kent. Siguro kaya ayaw pigilan ng Ate Selena mo ang kasal ninyo ni Kent, dahil baka ano pa ang mangyari sa mommy mo."
"Alam nyo rin pala Tita? Ako lang pala ang walang alam dito."
"Kamakailan ko lang din nalaman. Masyadong malihim ang bestfriend ko na iyan. Gustong soluhin ang nararamdaman.
"Sino ang kamang-anak ng pasyente?" Nilingon ko ang doktor.
"Ako, dok. I am her daughter."
"Tatapatin na kita. I told to your mom that she need an operation. Para madugtungan pa ang buhay niya. But she insist. Ayaw niya."
"Operahan nyo ang mommy ko. Gusto ko pang mabuhay siya nang matagal," yukong sambit ko.
Umupo ako sa sa may upuan ng ospital. Hindi ko alam ang gagawin.
"Inom ka muna." Tiningala ko siya. Agad kong tinanggap ang offer nito na drinks, kanina pa kasi ako inuuhaw.
"Malalagpasan din ito ni Tita," sabi nito sa akin. Alam kong pilit nitong pinapagaan ang sitwasyon. Pero sadyang wala talaga. Ayaw makisama ng panahon.
Di ko mapigilan ang umiyak. Dahil akala ko okay si mommy, wala itong iniindang sakit. Pero iyon pala ay meron.
Dumaan ang strecher ni mommy sa harapan namin. Tanging tanaw na lang ang naibibigay ko habang ipinapasok siya sa O.R.
Ilang oras din ang hinintay namin, bago lumabas ang doktor mula sa O.R. Agad nitong tinanggal ang face mask at hinarap kami.
"Your mother is okay and stable now. Kailangan lang muna namin siyang ilagay sa ICU to monitor her condition," saad ng doktor sa akin.
I feel relief, dahil okay na si mommy at ligtas na ito sa piligro.
"I go now, may mga pasyente pa ako na pupuntahan."
NASA labas ako ngayon ng ICU, maraming nakalagay na tubo kay mommy.
"Sheena!" tawag sa akin ni daddy nang makalapit na ito sa akin.
Agad akong niyakap ni daddy at napatingin ito kay mommy na nasa ICU.
"Bakit hindi ninyo sinabi sa akin dad?" tanong ko dito nang pakawalan niya ako.
"Ayaw ng mommy mo. Gusto niyang ilihim ang kalagayan niya."
"Kaya ba talagang pinagpipilitan nila ang kasal namin ni Kent?"
"Yes, dahil alam niyang magiging mabuti ang kalagayan mo sa kanya."
"But I don't love him, dad," mahina kong sabi sa daddy ko.
"I know. Sino ba ang gusto mo?" tanong nito sa akin.
Di ako makatingin dito, ibinaling ko na lang ang tingin ko sa mommy ko.
"Wala daddy." Deny ko. Hindi ko kayang sabihin kay daddy na gusto ko si Clyde.
Ayaw kong mabigla sila. Kung bibigyan ko man ng chance si Clyde, iyon at kung sure na ako na may katugunan ang pagmamahal ko para dito.
Isang linggo na nang mula ng maoperahan si mommy, nagising ito tatlong araw mula sa operation nito. Pero ang Ate Selena ay di pa nagpapakita hanggang ngayon.
Hinahanap din ito ni mommy. Siguro ay natatakot itong, husgahan ni mommy. But I know our mother, she had a soft heart. Alam ko din na maiintindihan nito si Ate Selena.
"Hindi pa rin ba dumadating ang Ate mo?" tanong nito. Ilang araw na nitong hinahanap si Ate. Pero walang Selena Angeles na dumating. Napatigil ako sa pagbabalat ng Apple, para ibigay kay mommy.
"Pupuntahan ko siya sa condo niya mamaya mommy," sabi ko dito.
"Pasensyahan mo na ang Ate mo, sa nakita ko sa condo niya at may relasyon talaga sila ni Kent."
"I know mom, dapat ay sila ang ipakasal mo at hindi kami ni Kent."
"Do you love Clyde?" biglang tanong nito.
Napatingin ako sa kanya ng wala sa oras. Kung sasabihin ko ba ay di ito magagalit?
"No mom! Masyadong bata si Clyde para sa akin."
"But age doesn't matter. If you love that person you fight for him, no matter what happen," sabi nito sa akin.
This is the second time na may nagsabi sa akin nito. Age doesn't matter if you love that person. Dapat ay ipaglaban mo. Dapat ko na bang bigyan ng chance ang sarili ko?
"Kung gusto mo, I'll help you!" Tinignan ko si mommy. Tapos ay napatawa na lang ako bigla.
"Ayan ka na naman mom, you play as a cupid again."
Humalakhak ito. Masaya ako dahil okay na si mommy okay. Tumatawa na ito na para bang di ito galing sa isang operasyon or galing sa isang sakit.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro