Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

DECEMBER ngayon, malapit na pala ang pasko at new year. Pero hindi ako pwedeng umuwi, dahil baka makita ko lang siya doon. Kahit na gusto ko siyang kalimutan ay hindi ko magawa. Palagi din siyang sumasago sa isipan ko.

Balita sa akin ni Airene, ay palaging may kasamang babae si Clyde, iba't-ibang babae iyon. Siguro, nabaling nito ang atensyon sa ibang babae. Mas mabuti na iyon, mas mapayapa din ang buhay ko dito sa Cebu. Ilang buwan na ako dito, ni minsan ay walang Clyde na dumating. 

"Sheen, may bisita ka," nakangiting saad ni Ellyn. Ang naging kaibigan ko dito.

"Sino na naman iyan?" tanong ko dito.

"Sino pa ba, iyong manliligaw mo," ngisi nito.

I just rolled my eyes. Si Carl ay masugid kong manliligaw dito, kahit na ilang beses ko siyang sabihan na wala sa isip ko ang pagboboyfriend ay di ito nakikinig.

"Paalisin mo na lang. Sabihin mo na busy ako."

"Okay."

Umalis na si Ellyn, alam na ni Ellyn, kung ano ang gagawin at paano mapaalis si Carl.

Gabi na nang matapos ako, kaya malalim na ang gabi nang umuwi ako sa apartment ko. Apartment lang ang kinuha ko.

Noong una ay nagalit talaga si mommy sa desisyon ko na dito sa Cebu Branch magpa-aassign. Pero wala na siyang magagawa, nandito na ako. May dahilan naman din kasi kung bakit ako dito nagpa-aasign.

Ayaw niya sana na sa isang apartment ako mag-stay, but I insist. Gusto sana ni mommy na isa sa mansion namin ako tumira, pero hindi ako pumayag. Kaya wala itong nagawa kundi sundin ang gusto ko.

Limang buwan na ako dito. Simula ng umalis ako sa Mindanao ay wala na akong balita sa mga tao doon. Ayaw kong makibalita. Dahil baka mawala ang lahat ng sinakripisyo ko.

Pero sadya talagang mapaglaro ang tadhana dahil si Airene mismo ang nagkontack sa akin ay sinabi ang nalalapit na kasal ni Jen. Di ko naman akalain na ikakasal na si Jen at di ko pa namemeet ang groom niya.

Nasa Cebu daw kasi silang lahat. Dahil dito gaganapin ang kasal. Iyon ang gusto ni Jen at ng kanyang mapapangasawa.

Actually ay magkikita kami mamaya. Kaya minadali ko ang trabaho ko dito, para makasunod agad kina Airene. Kung di pa ako kinontak ni Airene kagabi ay baka di ko malalaman na nandito silang lahat.

Masyado talagang mapaglihim si Jen, akala ko talaga noon ay di ito ikakasal kaso, ito pala ang mauuna sa aming magkakaibigan.

Nang matapos na ako ay agad akong tumayo, iniligpit ko ang mga gamit na nagkalat sa mesa ko at agad na umalis sa office ko. Nadaanan ko pa si Ellyn na abala sa ginagawa.

"Mauna na ako, Lyn. May pupuntahan pa kasi ako," saad ko dito. Abala ang ako sa paghahalukay sa bag ko, dahil hinahanap ko ang susi ng sasakyan ko.

"Sige. Susunod na lang din ako."

Umalis na ako ng mahanap ko na ang susi ng sasakyan ko. Pumunta ako sa parking lot at agad na sumakay sa aking sasakyan.

Samantala, ang hindi alam ni Sheena ay may tao palang nakamasid sa kanya. Matagal na siya nitong sinusundan, pero hindi ito nilapitan ng taong iyon. Tinitignan lang siya ng taong iyon mula sa malayo.

 

NAKARATING ako sa isang bar. Kahit kailan talaga ay mahilig magbar ang mga kaibigan ko na ito.

Agad kong pumasok sa bar at pumunta sa VIP room. Nandoon na silang lahat, ako na lang yata ang hinihintay nila.

"Sheen!" sigaw ni Airene. Rinig na rinig ko ang sigaw nito, dahil nasa loob kami ng VIP room.

"Teka lang, may hinihintay pa tayo," sabi ni Airene sa amin. Kumunot ano noo ko.

I know this mens, mga kaibigan ito ni Clyde. Pero ang alam ko ay si Clyde ang mas bata sa kanila. Halos kaedaran lang yata namin ang mga ito.

"Oh, ayan na pala siya." Bumukas ang pinto ng VIP room at pumasok doon ang isang lalaki na di iniisip na makikita ko ngayon dito. Tila ba nagslow motion ang lahat, kahit ang galaw nito ay nagslow motion din. Nakatitig lang ako dito.

Napalunok ako ng magtama ang mga mata namin. Sobrang lamig ng tingin nito sa akin, at may kasama itong babae at hindi iyon si Eli. Bakit nasasaktan ako? Dapat ay di ako nasasaktan, wala akong karapatan na masaktan.

Agad na iniwas ko ang aking mata sa gawin ni Clyde. Kinapa ko ang sarili kong damdamin, may sakit akong naramdaman doon. Pero ito ang gusto ko, mabuti na din ito.

Mas lalong lumalim ang gabi at mas lalong madami na kaming maiinom. Si Clyde at ang kasama nito ay nagma-make-out na. Di ako makatingin sa kanila, nasasaktan ako, parang dinudurog ang puso ko.

Dahil nga may tama na ako at tumayo ako, di para lapitan sila. Kundi para umalis, dahil hindi ko na kaya ang ginagawa ni Clyde. Alam kong ako ang lumayo, pero bakit ang sakit-sakit?

Lumabas ako at wala ng balak na bumalik sa loob. Gusto kong mapag-isa, dahil sobra akong nasasaktan. Malapit na din akong maiyak.

Agad akong nakapasok sa sasakyan ko, at doon ay ibinuhos ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Umiyak ako ng umiyak. Hanggang sa wala na akong mailuha.

Nang matapos ang pag-iyak ko ay agad akong umalis sa bar na iyon. Hindi ko na kaya pang bumalik sa loob, ayaw kong makita si Clyde na nasa ibang kandungan.

Nang makarating ako sa apartment ko ay lumong-lumo ako. Kaya imbes na umupo ako sa sofa ay pumasok na lang ako kwarto ko at humiga sa kama.

Di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

 

NAGISING ako kinaumagahan na masakit ang ulo ko. Medyo naparami kasi ang inom ko kagabi, dahil na din sa nangyari. Agad akong bumagon at nagpunta sa banyo, para maligo. Dahil maaga ako ngayon sa opisina.

Sa opisina na lang ako kakain ng agahan. Nagbihis agad ako at agad na lumabas ng kwarto.

Sumakay agad ako sa sasakyan ko at ilang minuto na byahe ko ay nakarating ako sa opisina. Agad akong pumasok at naabutan ko doon si Ellyn na abala.

"May Client tayo sa loob ng opisina mo," sabi nito sa akin. Napansin pala niya ang pagpasok ko.

Pagkabukas ko ng pinto ng opisina ko at nakita ko ang hindi ko inaasahan.

Isang lalaki at isang babae lang naman ang naghahalikan, nakatalikod sa akin ang lalaki at nasa mesa ko na ang babae nakaupo.

"Ahhmm," Umubo ako para matawag ang pansin ng dalawa.

Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ang lalaki. Pero bigla din napalitan ng galit iyon.

"My office isn't a hotel room," matigas kong sabi sa kanila. "Sana ay bigyan nyo ng respeto ang opisina ko!" galit kong saad sa kanila.

"I am sorry hindi ko kasi napigilan. I just kiss him!" ngising sambit ng babae. Habang si Clyde naman ay malamig ang tingin sa akin.

Umirap ako dahil sa sinabi ng babae. "Kaya okay lang na gawin ninyong hotel ang opisina ko?" nang-uuyam na tanong ko. "Ano ba ang kailangan ninyo?" tanong ko agad. May bahid na galit pa rin ang boses ko.

Mga wala kasing respeto, pati opisina ko ay ginawang hotel.

Ayaw kong makita ang pagmumukha ng dalawang ito. Mas lalo lang na binigyan ako ng dahilan ni Clyde para tuluyan na siyang kalimutan talaga.

"Gusto ko sanang magsukat ng mga dress ninyo. Kasi invited din ako sa kasal ng kaibigan ni Jay, nga lang di ako kasali sa entourage nila."

'Paano ka masasali, bruha. Di ka naman kilala.'

"Wala dito ang damit, nasa kabilang room," sabi ko sa kanila.

"Sabi kasi ng babae doon sa labas na hintayin ka namin dito." Ngumiti ito.

"At nabagot kayo? Kaya ginawa ninyong hotel room ang opisina ko?"

"Sorry." Hinging paumanhin ng babae ngunit alam kong labas iyon sa ilong.

Tinignan ko si Clyde. Nakatingin ito sa akin. May nakikita akong aliw sa mga mata nito, naaaliw ba ito, dahil galit ako?

"Ellyn," tawag ko kay Ellyn mula sa labas. Ginamit ko ang Intercom na nasa loob ng opisina ko.

"Yes, Sheen?" nakangiting sagot sa aki ni Ellyn, pumasok na din ito sa opisina ko.

Sumandal ako sa swevil chair ko at tinignan si Clyde sa mga mata.

"Samahan mo ang kliyente natin sa mga damitan natin, para makapili sila. Ikaw na ang bahalang mag assist sa kanila, dahil busy ako," utos ko kay Ellyn.

"Ahh oo nga pala, Sheen. Nasa labas si Jeff," ngiting turan nito. Alam kasi nito kung ano ko si Jeff.

Napabugtong-hininga ako. Parang mapapasubo ako ngayon. Kailangan kong e-entertain si Jeff to show Clyde na di ito kawalan. Ano naman kaya ang ginagawa ng lalaking iyon dito.

"Who is Jeff?"

"Suitor niya/Boyfriend ko," sabay sa salita namin ni Ellyn.

Tinignan ako ni Ellyn, kumunot ang noo nito na nakatingin sa akin. Nabigla yata ito sa ginawa ko. Alam kasi nito kung ano ko si Jeff. Pinanlakihan ko ng mata si Ellyn. Akala kasi ni Ellyn, na isa din sa manliligaw ko din si Jeff. Pero hindi, kaibigan ko lang ang lalaking iyon at hindi kami talo ng baklang iyon.

"Sige na Ellyn. Samahan mo na sila." Agad naman na tumalima si Ellyn. Sinamahan nito ang kliyente namin, pero ang tingin ni Clyde sa akin ay sobrang talim.

Lumabas ako, para puntahan si Jeff. Niyaya ko siya sa loob. Kahit na ayaw kong nandoon ang lalaking iyon, dahil alam kong mangugulo lang, ay ginawa ko na lang para lang makaligtas kay Clyde.

Pabalik na kami sa loob ng opisina ko ng makita ko si Clyde na tila galit na galit. Wala sa sarili akong napahawak sa braso ni Jeff.

Huminto si Clyde sa harapan ko at galit akong tinignan.

"Can we talk!" malamig at matigas nitong sambit sa akin.

"May bisita ako, kaya hindi pwede," malumanay kong sabi dito.

Kahit na abot-abot ang kaba sa aking dibdib. Ang galit sa mga mata nito ay ngayon ko lang nakita, para bang gusto nitong pumatay.

"Please, Sheena!" Pakiusap nito sa akin. Habol-habol din ang hininga nito, para bang nagpipigil nang galit.

"Kausapin mo muna siya Sheen, mag-aantay ako sa opisina mo," sambit ni Jeff. Parang tinataboy ako ng baklang ito.

Kumindat pa ang gaga bago ito pumasok sa opisina ko.

"Baka magalit ang kasama mo, ayaw ko nang gulo. Clyde!" sabi ko dito.

"Hindi siya mangugulo."

Lumabas kami at pumunta sa isang restaurant. Ngayon ko lang napagtanto na wala pa pala akong agahan. Kaya kumulo ang t'yan ko.

"Hindi ka nag-agahan?" tanong nito ng makaupo kaming dalawa.

"Nagmamadali kasi ako."

"Iyong nakita mo kanina. Hindi ako ang unang humalik." Paliwanag nito sa akin.

Sumandal ako, tinaasan siya ng kilay. Napabugtong-hininga na lang.

"Di mo naman obliga na mag-explain. It's okay Clyde, wala din naman sa akin iyon."

"Pero……" Para bang may gusto itong sabihin pero hindi nito itinuloy.

"Boyfriend mo ba talaga ang Jeff na iyon?" tanong nito sa akin.

"Ahmm…yes," ngiti kong sabi sa kanya. Ginawa ko talaga ang lahat para maging totoo ang ngiti ko, kahit na hindi.

Ayaw kong makahalata si Clyde na siya ang gusto ko or rather to say na siya ang mahal ko. Kung pwede ay itatago ko ang nararamdaman ko sa kanya.

Siguro, hanggang dito na lang talaga kami o ako. Hindi pwedeng lumagpas. Siguro kung talagang kami ang para sa isa't-isa or may katugunan ang nararamdaman ko para kay Clyde ay mukhang hindi pa ito ang panahon. Siguro darating din iyon, pero di pa ngayon.

Dumating ang pagkain namin. Kumain kami ng tahimik.

"Di ka din nag-agahan?" tanong ko dito.

"Hindi, siguro nasanay na ako na di kumain sa umaga."

Tinignan niya ang oras sa relo na suot niya. Malapit na pa lang mag 9 am.

Kumain na lang kami at di masyadong nag-usap. 

Nang matapos kumain ay bumalik ang galit sa mata nito.

"Talaga bang mahal mo siya?" tanong nito sa akin. Napahinto ako dahil sa sinabi nito.

"Anong klaseng tanong iyan? Syempre mahal ko," ngiti kong sabi dito.

Kahit na hindi naman talaga. Nababanaag ko sa mukha nito ang galit. Napasulyap ako sa kamay nito. Nakakuyom ito.

Bakit ganyan ang reaksyon mo Clyde? Impossible na may gusto ka sa akin. Impossible na may nararamdaman ka sa akin. Ayaw kong mag-assume, kaya wag mo akong paasahin Clyde.

"Bakit mo natanong?" magiliw kong tanong sa kanya.

"Wala."

Bumalik na kami sa opisina ko at naabutan ko si Jeff at ang kasama ni Clyde na nakaupo sa visitor chair.

Habang nakatingin sa akin si Jeff ay para bang may pandidiri sa mukha nito. Habang ang kasama na babae naman ni Clyde ay nang-aakit ang tingin.

"Aahhmm!" tawag pansin ko sa kanilang dalawa.

Agad na tumayo si Jeff ay lumapit sa akin. Hinila niya agad ako, akala ng nakakita na nakahawak ito sa baywang ko, pero nagtatago ito sa likuran ko.

Napatawa na lang ako sa reaksyon ni Jeff, ano pa kaya pag nalaman nito na ginamit ko siya para maitaboy si Clyde. Baka patayin o di kaya ay kalbohin na ako ng baklang ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro