ᴾᴿᴼ ⍭ ʟᴏɢᴜᴇ
Series: Evil Ones #02
Official Title: The Crowned One
Author: Exrineance
Genre: Mystery - Thriller - Romance
▫..▫ ᵒ ᴼ ᵒ ⋅▫⋅ₒₒ⋅▫⋅ ∔ ⋅}∋≀∊{⋅ ∔ ⋅ ⋅▫⋅ₒₒ⋅▫⋅ ᵒ ᴼ ᵒ ▫..▫
𝗧𝗵𝗲 𝗖𝗿𝗼𝘄𝗻𝗲𝗱 𝗢𝗻𝗲
⋅▫⋅⋅⋅⋅𝘱𝘳𝘰𝘭𝘰𝘨𝘶𝘦⋅⋅⋅⋅▫⋅
Nagsimula ang lahat ng kamalasan at trahedya hindi dahil sa pagpasok ng isang babae sa isang kapita-pitagang paaralan ng kanilang bayan.
Hindi rin nagpatuloy ang sumpa ng nakaraan nang makumpleto ang bilang ng natatanging seksyon ng paaralang iyon kung saan nabibilang ang dalaga.
Makinig ka.
Kung tawagin ang pangkat na iyon ay Section V. Naniniwala sila na ito ay dahil ang pangkat nila ang ika-lima sa kanilang baitang. Ngunit kakaiba sila sa lahat ng mag-aaral ng paaralan.
Ang bilang nila ay hindi nababawasan o nadadagdagan mula Grade 7 hanggang sumapit sila ng Grade 12.
Ang pangalan ng kanilang seksyon ay natatanggi sa lahat ng pangkat ng paaralan.
At higit sa lahat, bubuksan lamang ang Section V at tatanggap ng panibagong mag-aaral tuwing ika-anim na taon kung saan nakapagtapos na ng senior high school ang nakaraang mag-aaral na kabilang sa pangkat na iyon.
Magtaka ka.
Napupuno ng mga talentado at matatalinong mag-aaral ang Section V.
Karamihan ng mag-aaral ng paaralan ay humahanga sa kung ano'ng mayroon sa pangkat na iyon.
Mula sa hanay ng mga nabibilang sa Section V, may nag-iisang pangalan ang kilala at alam ng lahat.
Magduda ka.
Ang pinakamatalino sa natatanging pangkat at maging sa buong paaralan.
Ang nagmamay-ari sa pangalang...
Luella Ursula Narvaez.
Sa lahat ng mag-aaral na nabibilang sa Section V, ang pangalan niya ang pinakakilala at talagang umaangat sa lahat ng diskurso ng nakararami.
Lahat ng nasa Section V ay matatalino. Ngunit ang dahilan kung bakit matunog ang pangalan ni Luella ay dahil sa kanyang hitsura.
Mala-porselana ang balat. Mahaba, makapal at unat na unat ang itim niyang buhok. At may kaunting taba sa katawan.
Hindi siya ang pinakamaganda sa natatangging pangkat na iyon. Subalit may isang katangiang nakakaagaw talaga sa atensyon ng iba.
Ang kanyang mukha. Ngumingiti at tumatawa si Luella kapag may nakakatawa. Nalulungkot at umiiyak kung may nasasaktan. Ngunit walang emosyon ang kanyang mga mata.
Magpanggap ka.
Marahil ay paraiso ngang maituturing ang natatanging pangkat na puno ng katalinuhan.
Ngunit nalilinlang ang lahat.
Hindi sila mga anghel sa paraiso na nagbabasbas ng pagpapala.
Hindi sila mga santo sa simbahan na nagbibigay ng proteksyon at biyaya.
Makasalanan ang mga mag-aaral na nabibilang sa natatanging pangkat na iyon.
Ngumiti, tumawa o lumuha man si Luella ay hindi nito matatakpan ang sumpa ng kanyang nakaraan.
Darating ang mga hukom na maglilitis at magsisiwalat na ang lahat ng kanilang pinaniniwalaan ay isa lamang maalindog na kasinungalingan.
Ipapakilala sa natatanging pangkat ang pista ng paghihiganti kung saan lalahok ang mga hukom at ang mga salarin.
Mapipilitan ang Section V na hubarin ang huwad nilang paraiso at ilantad ang kani-kanilang impyerno. Ang mga anghel ay isang balat-kayo lamang pala upang takasan ang kanilang makasalanang nakaraan.
Maniwala ka.
Ang laro kung saan magwawagi ang pinakamakasalanan.
Ang mga hukom na gagawin ang lahat sa ngalan ng kanilang benggansa.
Ang mga salarin na minsan nang naging anghel ay muling puputulan ng pakpak.
Ang dalaga na dala-dala ang sumpa ng kanyang nakaraan ang tutuklas sa ikinubling pamana ng nakaraang henerasyon.
Ang paaralan na minsang pinaniwalaan ng Section V na tumubos sa kanila mula sa purgatoryo ay nagdala ng tunay na impyerno sa buhay nila.
Ang nakaraang sumpa na nilikha sa panahon kung saan ang poot at paninibugho ang mga sangkap.
Ang pag-ibig na nabuo sa kabila ng karungisan at pagkakasala na siyang magbabago ng lahat.
Patuloy na mumultuhin ng kanyang nakaraan si Luella. Kailangan niyang pumatay para manatiling buhay. Iyan ang kanyang pinaniniwalaan sa una.
Ngunit kailangan nang maputol ang sumpa ng nakaraan. Ang mga hukom ay magiging salarin at ang mga salarin ay magiging hukom.
Ito na dapat ang huling pista ng paghihiganti ng kanilang paaralan.
Ang Section V ang magwawagi sa pagtatapos ng laro.
Sa kanila mapuputol ang ikinubling pamana ng nakaraang henerasyon.
Sa kanila magsisimula ang natatanging alamat na ipapasa sa susunod na salinlahi.
At sa bibig ni Luella magmumula ang huling tala ng kanilang alamat.
"I shall be the last crowned one,"
▫..▫ ᵒ ᴼ ᵒ ⋅▫⋅ₒₒ⋅▫⋅ ∔ ⋅}∋≀∊{⋅ ∔ ⋅ ⋅▫⋅ₒₒ⋅▫⋅ ᵒ ᴼ ᵒ ▫..▫
All rights reserved.
No part of this story may be reproduced in any form or method without the permission of the copyright holder.
Ang kuwentong ito ay hindi pulido at maaaring makakita ng wrong spelling of words, wrong grammar in a sentence at typographical errors. Maaari akong itama sa bawat pagkakamaling makikita ninyo, salamat sa pag-unawa.
Mahigpit na pinaaalahanan ang lahat ng mambabasa na ang tema at nilalaman ng kuwentong ito ay napakaselan at hindi angkop sa mga bata. Patnubay, gabay at pang-unawa ang kailangan kung nais ninyong ipagpatuloy ang pagbabasa.
彡Exrineance
ʿʿ I fought to ̶k̶i̶l̶l live, not to ̶l̶i̶v̶e̶ ̶kill... ʾʾ
- Luella Ursula Narvaez
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro