Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PROLOGUE


  "BING, tawag ka ni Chief." Sabi ng ka-trabaho slash kaibigan kong si Judith

"Sige, sunod na ako."

Sinara ko muna ang laptop ko bago tumayo, pumasok ako sa office ni Chief at nadatnan ko siyang kausap si Rica. Si Rica ay ka-trabaho ko din pero ang kaibahan ay sikat siya at kilala ng lahat.

Lumalabas na kasi siya sa T.V, take note kakaumpisa pa lang niya pero sa T.V na agad siya, samantalang ako na ilang taon na ay puro pagre-research pa din ang ginagawa.

"I'll go now Chief." Paalam ni Rica. "Later na lang."

Tumayo ito at naglakad palapit sa akin. "Loser."

Tuluyan na itong lumabas. Napakayabang talaga kahit kailan, kapag ako talaga lumabas sa T.V, isasampal ko sa kaniya yung T.V

"Bing, maupo ka." Sabi ni Chief kaya agad akong naupo

"Bakit po Chief?" Tanong ko at inayos ang salamin ko

"Diba gusto mong ma-promote?" Mabilis naman akong tumango at umayos ng upo. "I have a big assignment for you."

"Ano po Chief? Kahit ano pa po yan." Ito na, matutupad na ang pangarap ko

"You know Xillian Alcantara right?" Tumango ako. "Gusto kong pumunta ka sa bahay niya at interviewin siya."

"Po!?" Napatayo ako. "Chief, hindi ba killer yun? Paano kung hindi na ako makabalik ng buhay? Ede balewala rin yung promoting ko. Tsaka hindi ko nga alam ang itsura non eh."

Mamaya matandang kulubot ang mukha, panot, may gintong ngipin, malaki ang tiyan, mainitin ang ulo.

"This is for your promotion." May inilapag itong folder sa lamesa. "Nasa sayo na kung tatanggapin mo, pero kung ayaw mo, ibibigay kona lang ang opportunity na ito sa iba."

"Tatanggapin ko po Chief." Kinuha ko ang folder

Para sa pangarap ko

"Nandiyan lahat sa folder ang information about kay Xillian." Sabi ni Chief. "Sige na."

"Sige po."

Lumabas ako ng office niya at bumalik sa table ko, umupo ako at binuklat ang folder.

Name: Xillian Alcantara
Height: 6ft
Background: Ex convict notorious Criminal
Address: H**************

Wala namang iba pang nakalagay sa information, pero ang kinakabahala ko ay baka gilitan ako non kapag tinanong ko kaagad.

"Ano yan?" Napatalon ako sa kinauupuan ko nang bigla na lang sumulpot si Judith. "New Assignment?"

"Oo," Tugon ko. "New assignment, na mukhang kikitil din sa buhay ko."

"Patingin nga." Inagaw nito sa akin ang folder, wala pang isang minuto ay binalik niya din agad sa akin. "Sagot kona kape mo."

"Eh kung paliguan kaya kita ng kumukulong tubig?" Inirapan ko siya. "Kung hindi lang para sa promotion ko ito, hindi ko tatanggalin itong assignment eh."

"Don't worry ako na sasalo ng promotion mo kung sakali."

Mabilis kong dinampot ang tasa ko at akmang ibabato sa kaniya pero agad siyang tumakbo palayo.

Pero sana naman maging maayos lang, ayoko pang mamatay, hindi pa ako nakikita sa T.V. Pero kung mamamatay ako makikita naman ako sa T.V yun nga lang bangkay na.

'Lord, marami pa akong pangarap kaya gabayan po ninyo ako, gusto ko pa pong magkaroon ng Asawa at Anak.'

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro