Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue

   "WELCOME BACK MISIS ALCANTARA AND CONGRATULATIONS!" Napatalon ako sa gulat dahil sa bumungad sa akin ng makapasok ako sa building namin

"Congratulations Ma'am Bing.."

"Namiss ka po namin Ma'am Bing."

"Blooming ang Ma'am Bing namin."

Sari't saring pagbati at papuri ang natatanggap ko galing sa mga staffs at mga katrabaho ko

Kauuwi lang namin ni Xillian, galing kaming Batangas, doon ginanap ang beach wedding namin at ang Honeymoon namin. Two weeks kami doon at masasabi kong worth it

I am now Misis Alcantara and I'm happy. Balik trabaho kami ngayon ng asawa ko, ako dito sa T.V as news anchor samantalang siya ay sa isang company music bilang singer

Nag-face reveal na si Xillian na siya ang sikat na singer, siyempre gulat ang lahat at mas lalo pa silang nagulat ng i-announce niyang engaged kami at ikakasal na.

"Thank you guys.." Nginitian ko sila. "Namiss ko din kayo."

"Para sa inyo po.." Inabutan ako ni Mandy ng bouquet at paper bag. "We love you Ma'am Bing."

"Mahal ko din kayo.." Nakangiting sabi ko

Nag-picture muna kami bago bumalik sa aming mga trabaho. Wala si Judith ngayon, kabuwanan niya kasi sa kaniyang second baby.

I'm happy for her, siyempre hindi niya nakatuluyan yung fiance niyang hilaw. Thanks to Xymon

"Bing, any minute sasalang kana.." Sabi ni Chief

"Okay po.." Inilapag ko ang mga gamit ko sa office ko

Inayos ko din ang sarili ko bago lumabas at magtungo sa working station namin. Nagtungo na ako sa harap at ngumiti

"Go.." Sabi ni Chief

Ngumiti naman ako sa camer at tumingin sa T.V script.

"Balik trabaho ngayon ang sikat na singer na si Xillian Alcantara matapos nitong mawala ng dalawang linggo dahil sa kasal niya sa news anchor na si Bing Lusiyoy.." Proud na proud akong ngumiti. "Ayon sa nasabing singer, sobrang thankful niya na ikinasal siya sa babae. Sobra ang pasasalamat ni Xillian sa mga fans niya at fans ng asawa niya dahil sa mga suporta nito sa kanila. Ayon kay Xillian, hindi maganda ang pinagdaanan nila bago marating ang kasal pero worth it naman daw. And that's it mga mahal kong manonood, I'm your beautiful Bing Lusiyoy Alcantara. I love you Darling."

"CUT!" Sigaw ni Chief

Namatay ang camera kaya ayun umariba ng panunukso ang mga staff

Buti na lang din at natigil na, gusto ko ng tumili kanina dahil sa sobrang kilig.

Naglakad ako pababa ng stage kaso sa kalagitnaan ay bigla akong nahilo. Muntik na akong masubsob pero buti na lang ay naalalayan ako ng mga staff

"Miss Bing, ayos ka lang?" Alalang tanong ni Jam

"Nahilo lang.." Tugon ko. "Biglang sumama ang pakiramdam ko."

"Sige umuwi ka muna.." Sabi ni Chief. "Si Aila muna ang papalit sa iyo."

"Kaya ko naman po Ch–"

"–Mas mahalaga ang kalusugan niyo para sa akin.." Sabi nito. "Go home."

"Thank you po." Ngumiti ako bago maglakad

Napahimas ako sa ulo ko ng kumirot ito. Dumiretso ako sa office at kinuha ang mga gamit ko

Lumabas ako ng building namin at agad pumara ng taxi. Sinabi ko dito ang location ko bago sumandal sa upuan

Sobrang sama ng pakiramdam ko, nahihilo ako na masakit ang ulo, parang nasusuka din ako.

Maya maya pa ay nakarating na kami sa bahay namin ni Xillian. Agad akong nagbayad at bumaba

Sinalubong ako ni Hali at Maw, kinuha ng mga ito ang dala kong bag at paper bag

"Masyado niyong ini-spoiled si Mommy niy–" Natigilan ako ng makitang maraming dugo sa sahig

Napaawang din ang bibig ko ng makarinig ng iyak ng tuta. Gulat akong napalingon kay Hali na maliit na ang tiyan

"Nanganak kana!?" Kumawag ang buntot. "Kyahh! Congratulations sa inyo."

Nilapitan ko ang tuta na nasa ilalim ng lamesa. Tatlo sila at ang cute nila. I don't know why pero bigla akong naging emosyonal.

"I'm so happy for the both of you, Lola na ako.." Sabi ko sa dalawang aso. "Kaso lagot tayo kay Daddy niyo kasi ang dumi ng bahay."

Ayaw na ayaw ni Xillian na marumi lagi ang bahay namin.

Napatingin ako sa mga dugong nagkalat sa sahig and then I realize something. Napatakip ako sa bibig ko dahil dalawang buwan na akong walang dalaw.

Kinakabahang nagtungo ako sa C.R at kinuha ang PT na nakatabi doon. Ginamit ko iyon

Lumabas ako ng C.R habang hinihintay ang resulta, kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Xillian. Bumalik ako sa C.R at tiningnan ang resulta

Napaiyak na lang ako dahil positive. Magkaka-baby na kami ni Xillian.

"Hello?" Sagot sa kabilang linya. Napahikbi ako.  "Darling? Why are you crying?"

"Xillian.." Tanging nasabi ko. "Can you go home?"

"Shit! I'll be there, wait." Namatay ang tawag

Lumabas ako ng C.R habang dala ang PT, umupo ako sa sofa at hinawakan ang tiyan ko

"Baby, promise magiging mabuti kaming parents ni Daddy mo." Kausap ko dito

Maya maya pa ay nagpapanic na pumasok si Xillian. Nanlaki ang mga mata nito bago lumapit sa akin

"What happened? Bakit ang daming dugo?" Tarantang tanong nito at saka sinuri ang katawan ko.  "Darling?"

"Nanganak na si Hali. Lolo at Lola na tayo. " Sabi ko dito.  "And.." Binigay ko sa kaniya ang PT. "Parents na tayo.  I'm pregnant Xillian."

Naibagsak naman nito ang PT bago ako gulat na tingnan.  "M-may baby? Really?"

Lumuluhang napatango ako. Napaluha naman ito bago yumakap sa beywang

"Thank you.." Masayang sabi nito. "I will be a good Father promise. Alam ng Diyos kung gaano ako kasaya ngayon, I don't know how to express it Darling."

"I love you Xillian." Hinawakan ko ang pisngi nito at saka siya hinalikan sa labi. "Thank you."

"I love you too my Darling.." Hinawakan nito ang tiyan ko. "I love you baby. Promise, aalagan ko kayong mabuti ng Mommy niyo."

Si Xillian ang nagpatunay sa akin na may magmamahal sa akin, hindi man ginawa ng iba, pinatunayan naman niya sa akin.

I promise that I will be a good wife with him and I will be a good Mother to our child.

I Bing Lusiyoy Alcantara and this is my story with my Husband Xillian Alcantara..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro