Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29


BING

    "MALILINTIKAN ako nito kay Kuya Xyton.." Reklamo ni Xymon. "Bing, pakiusap lang wag kang magpapahuli."

Tumango ako. "Pangako, hindi."

Magpapanggap ako ngayong nurse ni Xillian, gustong gusto ko na siyang makita kaya kinulit ko si Xymon at Judith na tulungan ako. Wala naman silang nagawa ng iyakan ko na sila

Sinuot ko ang short hair wig ko, isinuot ko din ang contact lense kong brown

"Bilisan mo lang.." Sabi ni Xymon na ikinatango ko

Sinuot ko ang facemask ko bago tumayo. Binitbit ko ang tray na may lamang pagkain at gamot ni Xillian.

Nanginginig na naglakad ako palapit sa kuwarti kung saan naroon si Xillian. Inayos ko ang tindig ko ng tumapat ako sa pinto ni Xillian

Kumatok ako ng tatlong beses, bumukas ito at iniluwal si Xyton.

"Ten minutes.." Sabi nito. "Kagaya ng dati, wag kang gaanong lalapit sa kaniya."

Tumango lang ako bago pumasok sa loob. Lumabas ito at isinara ang pinto. Nakita ko si Xillian sa isang sulok, may kadena ang isang paa nito at puro siya sugat sa katawan

"Xillian.." Inilapag ko ang tray sa lamesa at lumapit sa kaniya

Hinubad ko ang suot kong facemask at naluluhang lumuhod para pantayan siya. Tulala lang si Xillian, at walang kahit anong emosyon na mababasa sa kaniyang mukha

"Xillian.." Hinawakan ko ang pisngi niya. "Anong nangyari sa iyo? Sobrang miss na kita. Bumalik kana."

Wala pa rin itong kibo. Walang emosyon lang itong nakatingin sa akin

"Ako ito si Bing.." Tumulo ang mga luha ko. "Mahal na mahal kita Xi–"

Hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil madiin niya akong sinakal. Napahawak ako sa braso nito dahil hindi ako makahinga

"X..Xillian.." Hirap kong banggit sa pangalan nito. "X..Xillian."

Dumiin lang lalo ang pagkakasakal sa akin nito. Buong akala ko ay katapusan kona pero may mga brasong humila sa akin palayo sa kaniya

Hinang hinang napaubo ako habang lumuluhang nakatingin kay Xillian na nagwawala na.

"X..Xillian."

May kung anong itinurok dito si Xyton, dahan dahang nanghina si Xillian hanggang sa mawalan ito ng malay.

"I already warned you!" Galit na binalingan ako ni Xyton. "Bing, alam kong ikaw ang pumasok kanina. Pinagbigyan kita at binalaan ulit pero hindi ka nakinig."

"Gusto ko lang naman siyang kamustahin." Napayuko ako

"He's not okay!" Bulyaw nito sa akin. "Please stop being hardheaded, kami nang bahala kay Xillian."

"Anong gusto mong gawin ko?" Pinunasan ko ang mga luha ko at tiningala siya. "Maging masaya kahit na alam kong ganiyan siya? Alam kong wala akong maitutulong sa ngayon pero sana kahit sa simpleng pagsama ko kay Xillian ay makatulong ako. Ayokong tumunganga lang habang siya ay naghihirap."

"Walang magagawa ang pagmamahalan niyo sa sitwasyon niya ngayon.." Seryosong sabi nito. "This is the last warning, Bing, or else you will never see him again."

Nanginginig na tumayo ako. Sinulyapan ko muna saglit si Xillian bago tumakbo paalis doon

"Anong nangyari?" Tanong ni Judith ng makasalubong ko ito

Imbis na sumagot ay niyakap ko lang siya at doon humagulgol

"Wala akong magawa para sa kaniya.." Hagulgol ko dito. "Nandiyan siya lagi para sa akin pero ngayon wala akong magawa para sa kaniya."

"Bing, siguro makinig ka muna kay Xyton.." Humiwalay ito sa yakap. "Hayaan mo muna sila kay Xillian, ang gawin mo ay ipagdasal siya at ayusin ang sarili mo. Alam mong hindi matutuwa ang bebe mo kapag nakita ka niyang ganiyan."

Hindi na lang ako kumibo.

Inuwi kami ni Xymon sa bahay ni Xillian, umalis ito dahil kailangan daw nilang mag usap ng Kuya Xyton niya.

Naupo ako sa upuan na nasa harapan ng malaking salamin. Pinagmasdan ko ang sarili ko, pumayat ako, ang lalim ng eyebags ko at ang pangit kona

Natawa ako bago tanggalin ang contact lense na suot ko.

"Paano mo nagustuhan ang ganitong mukha ko Xillian?" Natatawang kausap ko sa sarili ko

Siguro tama si Xyton at Judith, walang magagawa ang pagmamahal ko para maging okay siya. Kaya siguro oras na muna para hayaan kona sila Xyton, oras na siguro para hindi muna ako makigulo sa kanila, oras na muna para ayusin ko ang sarili ko

Tumayo ako at kinuha ang maleta ko. Inilagay ko doon ang mga damit ko.

Napagdesisyunan kong umalis na dito dahil siguradong kapag nandito ako ay maaalala ko si Xillian, baka hindi ko mapigilan ang sarili kong puntahan na naman siya. Baka kapag nagkataon barilin na ako ni Xyton na masama din ang ugali

Ayoko na ulit maranasan ang sakal ni Xyton, ang sakit puta! Sa sakal niya pala ako papatayin, hindi sa sarap.

Nang matapos akong mag impake ay binuhat kona ang maleta ko palabas ng kuwarto

"Sigurado kana ba?" Tanong ni Judith

Tumango ako. "Kailangan kong maging fresh para sa pagbabalik ni Xillian. Ayokong mukha akong losyang at amoy tuyo ako kapag nagkita kami ulit, baka sa iba niya ipasok yung anaconda niya."

"Kalandi mo!"

Natawa lang ako. Lumabas na kami ng bahay na iyon

Sinulyapan ko muna ulit ang bahay bago ako tuluyang lumabas ng gate. Nakita kopa ang dalawang halimaw na aso ni Xillian na nakaupo sa labas ng pinto.

Mahal kita Xillian

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro