Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21


BING

   NAPABALIKWAS ako ng bangon nang may marinig akong kalabog. Takot na napaupo ako sa kama at napayakap sa sarili.

Napapikit ako nang maalala ang mga nangyari kagabi. Si Xyton at yung number na binigay niya.

"Bing.. " Napadilat ako ng marinig ko ang boses ni Xillian

Nakita ko itong nakatayo sa harapan ko habang naka-cross arm. Seryoso ang mukha nito at mukhang hinihintay ang anumang sasabihin ko

"S-Si Xyton?" Parang nabarahan ang lalamunan ko ng banggitin ko ang pangalan ng kapatid niya

"He's dead." Seryosong sagot nito. "He's my brother but we're not that close."

"A-Alam niya daw lahat.." Sabi ko dito. "Kaya ba siya pinatay? Papa mo ba ang may gawa?"

Tumango lang ito

"Sabi niya alam niya ang lahat.." Natigilan ito sa sinabi ko. "Xillian, siya na ang sagot para malinis ang pangalan mo tapos biglang ganon!"

"Bakit pinipigilan ng Ama mo na malaman mo ang totoo? May kinalaman ba siya?" Dagdag ko pa

Dapat Ama niya ng tumutulong sa kaniyang malutas ang lahat pero sa halip ito pa ang pumipigil para hindi malinis ang pangalan ng Anak niya

"I told you don't involved yourself to this fvcking situation!" Nagsalubong ang mga kilay niya. "Nakita mo ang ginawa nila kay Xyton right? Sa susunod ikaw naman ang may butas sa noo dahil sa pakikielam mo na yan!"

"Wala akong pakielam! Gusto kitang tulungan." Sabi ko dito

"Ganiyan ka ba kadesperada para lang magustuhan ko?" Turan nito na ikinatigil ko

Pakiramdam ko may sinong kumukurot sa puso ko dahil sa sinabi niya, pakiramdam ko anumang oras babagsak na ang mga luha ko.

"Ayaw mo ng tulong ko? Okay.." Bumaba ako ng kama. "Fine, pababayaan na kita!"

Lumabas ako ng kuwarto at bumaba. Nadatnan ko sa sala si Judith na kumakain.

"Judith, mag iimpake na tayo. Aalis tayo dito.." Sabi ko dito kaya natigilan siya sa pagsubo. "Tara na!"

Bumalik ulit ako sa taas. Nadatnan ko si Xillian sa labas ng kuwarto habang seryosong nakatingin sa akin

"Where are you going again?" Seryosong tanong nito. "Leaving? And then what?"

"Wala kang pakielam!" Nilampasan ko siya at dire diretsong pumasok sa loob ng kuwarto.

Kinuha ko ang maleta ko at sinimulang ipasak lahat doon ang mga gamit ko

"You're not leaving.." Mabilis kong sinamaan ng tingin si Xillian ng ilabas niya ang mga damit ko na nilalagay ko sa loob ng maleta. "You will stay here!"

"Ano bang pakielam mo kung aalis ako ha!? Ayaw mo ng may nangingielam sa buhay mo diba?" Singhal ko dito at inagaw ang mga damit sa kamay niya

"Hindi ganiyan ang ibig kong sabihin.." This time hinila niya yung maleta palayo sa akin

"Ano ba Xillian!?" Gigil kong sambit dito. "Wala kang karapatang pigilan ako dahil hindi kita kaano-ano!"

"I don't care!" Tumaas ang boses nito

Nilapitan ko siya at sinubukang agawin ang maleta ko pero iniiwas niya. Binagsak niya ang maleta ko sa lapag at inupuan na parang bata

Inis akong lumuhod at pilit kinuha yun. Hinawakan ni Xillian ang dalawang kamay ko at hinila ako palapit sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata ko dahil gahibla na lang ang pagitan ng aming mga labi

"You're not going anywhere.." Seryosong sambit nito. "You will stay here.. with me."

Magsasalita pa sana ako pero hindi natuloy dahil sa ginawa ni Xillian. Sinakop niya ang mga labi ko at mapusok akong hinalikan

Hingal na hingal itong humiwalay sa halik at pinagdikit ang mga noo namin.

"I'm happy because you cared about me, I'm happy because you want to fight with me.." Sabi nito. "But I don't want to lose you Bing. I want you to not involve in this problem of mine. Bing, I lost my Mom, I lost my sister, I lost myself and this time I don't want to lose you. You're very important at me Bing."

"Xillian.." Tanging nasabi ko

"I only need is your trust." Hinaplos nito ang pisngi ko. "Trust me Darling.."

"May tiwala naman ako sa iyo pero sana pagkatiwalaan mo din ako." Ramdam ko ang pagtulo ng mga luha ko. "Sobrang laki ng tiwala ko sa iyo sana ganun ka din sa akin."

"May tiwala ako sa iyo Bing, I just don't want to put you in danger."

"Hindi pa nga kayo ganiyan na kayo." Sabay kaming napalingon sa nagsalita. Si Judith, Ariston at Xymon ay nakatayo sa tapat ng pinto

"Grabeng away niyo, daig pa ang mag asawa." Nameywang Si Judith. "Wala ngang kayo tapos ganiyan na away niyo? Wait, may bonus pang laplap."

Tanginang babae ito.

"Sasampalin kita manahimik ka diyan." Banta ko dito bago tumayo

Inirapan lang ako nito. "Wala ng aalis diba? Istorbo ka sa pagkain ko."

Umalis ito. Sumunod naman sa kaniya yung dalawang lalaki na napailing na lang

Napatingin ako kay Xillian. Ngayon ako tinablan ng hiya.

"Go, downstairs.." Sabi nito bago ipatong ang maleta ko sa kama. "I will fix your clothes."

"Ako na." Sabi ko

Umiling ito bago ngumiti sa akin. "Susunod ako."

Tumango lang ako bago tumakbo palabas. Nang nasa hallway na ako ay napatalon na lang ako at napahampas sa noo ko.

"Bing!" Napaayos ako at mabilis na napalingon sa likuran ko

"B-Bakit?" Nahihiyang tanong ko kay Xillian

"May tiwala ako sa iyo." Ngumiti ito na halos ikalaglag na ng puso ko. "Let me fight with you."

Pagkatapos niyang sabihin yun ay pumasok ulit siya sa kuwarto. Napsandal na lang ako bago mapasapo sa puso ko na sobrang bilis ng tibok

Xillian, anong ginagawa mo sa akin?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro