CHAPTER 2
BING POV
NAGUGUTOM na ako, hanggang ngayon nakaupo pa rin ako dito sa sala, maghahapunan na at kanina pa ako hindi kumakain. Si Xillian ay hindi pa rin lumilitaw.
Ayoko namang mangielam sa kusina niya baka mamaya ay bigla na lang niya akong saksakin.
"What's your problem?"
Speaking of the Devil
"Nagugutom na ako." Nahihiyang sabi ko dito. "Puwede bang makikain?"
"Tsk." Tinalikuran ako nito. "Follow me."
Agad naman akong tumayo at iika ika siyang sinundan.
"Maupo ka." Sabi nito kaya agad akong naupo
Pinanood ko lang siya sa ginawa niya, maya maya pa ay may inilapag siyang mangkok sa harap ko.
Lucky me na may kanin
"Yan lang ang mayroon ako." Sabi nito
"Salamat." Ngumiti ako bago magsimulang kumain
Umupo ito sa kaharap kong bangko
"Why do you want to interview me?" Walang emosyong tanong nito.
"Dito nakasalalay ang promotion ko." Tugon ko. "Gusto kong maging totoong reporter, yung nakikita sa T.V. Gusto kong ipamukha sa mga nanghahamak sa akin na magaling ako at hindi ako mali ng pangarap."
"Do you know that I hate reporters." Walang emosyong sabi nito kaya napatingin ako sa kaniya. "They are liar."
"Grabe naman, hindi naman lahat."
"They can manipulate people because of their fvcking fake news." Tumayo ito. "Bumalik ka sa silid na pinanggalingan mo kapag tapos kana."
Dire diretso itong lumabas ng kusina
"Ang lalim ng hugot." Nagpatuloy na lang ako sa pagkain
Feeling ko talaga may hugot si Xillian, habang nagku-kuwento siya ay may galit at lungkot sa kaniyang mga mata. Kailangan kong alamin yun
Matapos kong kumain ay hinugasan ko ang pinagkainan ko, kagaya ng sinabi niya ay bumalik ako sa kuwarto na pinanggalingan ko.
Naupo ako sa kama at inangat ang paa ko, dahan dahan kong tinanggal ang benda nito.
"Medyo malaki pala." Tinakpan ko ulit ito
Sumandal ako sa headboard ng kama at kinuha ang cellphone ko. Wala pa ring signal kaya nagpunta muna ako sa notes
Maghahanda ako ng tanong para kay Xillian.
1. How old are you?
2. Do you like me?
3. Are you willing to be my Husband?
Hayst, delete delete, ano ba yan, kalandian ang epekto sa akin ni Xillian. Bakit kasi ganoon ang itsura niya? Kay guwapong niyang Kriminal
Feeling ko suwerte ako at hindi malas.
Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito, iniluwal non si Xillian na may bitbit.
"Oh, pamalit mo." Inihagis niya ito sa kama. "I don't have undergarments,"
"S-Salamat." Nahihiyang sabi ko dito
Tumalikod lang ito at umalis.
Hinila ko naman ang damit na hinagis niya, isang malaking t-shirt at boxer. Puwede na ito, hindi naman niya siguro ako gagapangin.
Tumayo ako at iika ikang pumasok ng C.R, naghilamos at naghugas lang ako ng pempem. Bukas na ako maliligo
Sinuot ko ang damit na binigay niya, nilabhan ko muna ang hinubad ko bago lumabas ng C.R
Sinampay ko ito malapit sa Aircon.
Okay naman yung damit, hindi halatang wala akong bra, sa bagay flat chested ako.
Umupo ako sa kama, bumukas ulit ang pinto at iniluwal non si Xillian
"Bakit?" Takang tanong ko dito
Umiling lang ito bago padabog na lumabas, napatanga na lang ako at napailing.
Mukha siyang baliw
**
MAAGA AKONG nagising, hindi pa rin talaga ako sanay dito ni Xillian, masyadong nakakatakot parang sa Horror movie.
Nagtungo ako sa kusina ni Xillian para sana mangielam kaso wala pala akong pakikielamanan dahil wala siyang stock.
"Paano siya nakakatiis na hindi kumain?" Bulong ko
Napanguso na lang ako bago umupo, nilabas ko ang cellphone ko at nagsulat na lang sa folder ko.
"Are you hungry?" Gulat akong napalingon sa likuran ko nang may magsalita
Bumungad sa akin si Xillian na nakasuot ng hoodie, may bitbit itong dalawang plastic bag na mukhang pagkain ang laman.
Inilapag nito ang dalawang plastic bag sa lamesa at sinimulang alisin ang laman non.
"Saan ka galing?" Tanong ko dito
"Why do you asked?" Masungit na tanong nito
"Sungit naman." Bulong ko. "Ako magluluto, ayos lang ba?"
"Ofcourse you are," Sabi nito. "You're not visitor, you're just trespasser."
Sungit!
Tumayo ako at iika ikang kumuha ng kutsilyo para isaksak sa kaniya. Syempre joke lang yun
Kinuha ko yung isang balot ng hatdog at binuksan. Kumuha ako ng apat atsaka ito binalatan, hiniwa ko ito ng maliliit.
Sunod naman akong nagbati ng itlog
"What are you cooking?" Tanong ni Xillian kaya napatingin ako sa kaniya.
"Basta yung hatdog ihahalo ko sa itlog." Sagot ko lang dito
Binuksan kona ang kalan at nagsimulang magluto, may tirang kanin siya kaya sinangag kona lang.
"Tapos na." Masayang sabi ko at nagsimulang maghain para sa aming dalawa
"Kain na." Sabi ko dito at nagsimulang kumain
"Not bad." Sabi nito kaya lalo akong napangiti
"Puwede naba kitang ma-interview?" Tanong ko dito
Umarko ang isang kilay nito at tumigil sa pagkain.
"How many question do you have?" Tanong nito
"Seven." Sagot ko. "Payag kana?"
"Go on, ask me."
Mabilis ko namang dinampot ang cellphone ko at nagpunta sa notes.
"Ilang taon kana?" Tanong ko dito
"27." Tugon nito
One year gap kami, hindi na masama. Hay, ano ba yan! Umayos kay Bing
"Bak–"
"–Enough." Putol nito sa sasabihin ko. "One question for a day only."
Ang daya. Hindi naman yun kasama eh
"Sige." Nagpatuloy na lang ako sa pagkain
Nakakailang subo pa lang ako ay tumigil na ito sa pagkain na ikinataka ko.
"Uy, hindi pa ubos." Sabi ko dito
"I'm done." Sabi nito at dire diretsong umalis
Napatingin naman ako sa plato niyang kaunti lang ang nabawas. Kinuha ko naman ang plato niya at inubos ang laman non
Masamang magsayang ng pagkain.
Nang matapos ako ay hinugasan ko ang pinagkainan namin at nagtungo sa sala. Sobrang dilim naman dito
Nagtungo ako sa switch ng ilaw at binuksan ito. May narinig akong pagkabasag na nanggagaling sa itaas kaya agad akong nagtungo doon.
Nakarating ako sa dulo ng hallway, may pintong itim doon, agad naman akong pumasok doon.
Nadatnan ko si Xillian na nakaluhod at parang hirap huminga kaya agad ko siyang nilapitan.
"Xillian." Alalang tawag ko dito. "Anong nangyayari?"
"L-Light." Hirap na sambit nito kaya napatingin ako sa ilaw
Pero yung baba lang ang binuksan ko, paanong nagkailaw din dito?
Hinila ko naman ang kumot at tinakip sa kaniya, parang bigla siyang kumalma. Bumagsak ang ulo nito sa balikat ko
"Xillian?" Inalog ko ito
Mukhang nawalan siya ng malay
Dahan dahan ko siyang inihiga sa lapag, kumuha ako ng unan at pinaunan sa kaniya. Lumabas ako ng kuwarto niya at nagtungo sa baba
Pinatay ko ang switch ng ilaw. Mukhang konektado ito sa mga nangyayari
Pero bakit? Anong mayroon? Anong nangyari kay Xillian?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro