Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

BING

    "AYOS KA lang?" Tanong ko kay Xillian

Nandito kami sa bahay niya. Nasa kusina kaming dalawa samantalang sila Ariston nasa sala, kausap si malantod na Judith.

"I'm fine." Napaigtad ako nang hawakan nito ang pisngi kong sinampal ng Ama niya. "Masakit ba?"

Umiling ako. "Medyo mahapdi lang pero okay na, keri ko naman."

Tinanggal nito ang salamin ko at inilapag sa lamesa, nanlaki ang mga mata ko nang buhatin ako nito at iupo sa lamesa.

Nagtungo ito sa ref at kumuha ng crashed ice. Binuksan nito ang isang cabinet at may kinuhanh bimpo doon. Binalot niya ang yelo doon bago lumapit sa akin

Mahinahon niyang idinampi ang yelo sa pisngi ko. Nakatitig lang ako dito. Biglang nagsalubong ang mga mata namin, parang nahihipnotismo ako sa kulay lilang mga mata nito.

Ang ganda talaga ng mga mata niya. Siguro sa Mama niya nakuha yung kulay ng mga mata niya, yung sa Tatay niya kasi ay brown ganun din kay Xymon

"Bing!.." Naputol ang moment namin nang sumulpot si Judith. "Ay sorry, nagmo-moment pala kayo."

Nilingon ko si Judith at inirapan. Epal talaga ito.

"Xillian, bebe hiramin ko muna ito ah." Sabi nito at hinila ako pababa ng lamesa

Dinala ako nito sa isang gilid.

"Hindi mo naman sinabing pinalilibutan ka ng mga guwapo!" Sabi nito at mahina akong hinampas sa braso

"Aray!" Reklamo ko dito. "Wag kang lalandi landi ngayon, tandaan mong pinintasan mo si Xillian."

"Malay ko ba kasing makalaglag panty pala siya." Kinikilig na sabi nito. "Pogi din ni Ariston at saka ni Xymon."

"Oo na!" Inis kong sabi. "Ano bang kailangan mo huh!?"

"Ito na nga." May dinukot ito sa bulsa niya. Cellphone niya. Iniharap niya ito sa akin at may video doon. "Na-videohan ko yung mga nangyari kanina. Puwede natin itong gawing article at siguradong sisikat tayong dalawa. Siguradong promote kana talaga nito."

"Tumigil ka!" Kinuha ko ang cellphone niya at agad dinelete ang video. "Wag na wag mong gagawin yun, hindi mo kilalang tao si Mr. Alcantara baka ipapatay ka non. At saka kapag ginawa mo yun, baka malagay sa alanganin sila Xillian."

Mukhang napaisip naman ito sa mga sinabi ko. "May point ka. Pasensiya na. Don't worry safe na ang mga nangyari."

"Dapat lang Judith dahil ngayon pa lang binabalaan na kita." Seryosong sabi ko dito

Sunod sunod naman itong tumango

"Sige lalandi lang ako." Lumabas ito ng kusina

Napahampas na lang ako sa noo ko bago balikan si Xillian. Bakit ba kasi nasama dito ang madaldal na babae na yun?

"Who is she by the way?" Tanong ni Xillian

"Kaibigan ko at kasama ko sa apartment..." Sagot ko. "Wala kayong dapat ipagalala sa kaniya, madaldal yun pero mapagkakatiwalaan naman."

Tumango ito. "Are you hungry?"

"Hindi..." Umiling ako. "Tara na sa sala? Baka ginagapang na ni Judith ang kapatid at kaibigan mo."

Nagtungo kaming dalawa sa sala at hindi nga ako nagkamali nilalandi na ni Judith yung dalawa na halatang hindi na alam ang gagawin

"Judith!.." Saway ko dito. "Tumigil ka."

Napasimangot naman ito bago umayos ng upo. "Nag eenjoy lang eh."

"Iba ang pag eenjoy sa pang mamanyak ah?.." Inirapan ako nito. "Uuwi na tayo."

"Mamaya na.." Napatingin ako kay Xillian. "Hindi pa puwede."

"Pagbigyan mona gusto kang makasama niyan. " Sabi ni Xymon

Hinintay ko ang reaksiyon ni Xillian sa sinabi nito pero wala, umupo lang ito at prenteng sumandal

Ibig sabihin gusto niya akong makasama?

"Teka, Ano ng mangyayari sa amin ni Judith ngayon?..." Pag iiba ko ng usapan. "Hindi naman kami aabangan ng Tatay mo at bigla na lang babarilin diba?"

Umiling ito. "He will just ruin your career."

"HUH!?.." Napasigaw. "Teka naman, hindi na nga ako na-promote sisirain niya pa trabaho ko."

"I'm not sure about his other plan, pero alam kong hindi niya kayo tatantanan." Sabi ni Xillian

Ano bang gulo ang pinasok ko? Gusto ko lang naman ay interviewin si Xillian at ma-promote bakit napunta na sa ganitong sitwasyon? Hindi na ba ako magkaka-pamilya? Tegi na ba ako agad?

Bigla na lang bumukas ang ilaw. Agad dumako ang tingin ko kay Xillian na nag uumpisa ng manginig at parang nahihirapang huminga

Agad ko naman itong nilapitan at hinawakan sa kamay. "Tumingin ka sa akin Xillian, magiging ayos ang lahat okay?"

Sinubukan niyang labanan ang sariling nararamdaman hanggang sa bigla na lang siyang bumagsak.

Sakto namang namatay ang ilaw. Nakita kong hawak na ni Xymon si Judith at galit na galit ito

"DID WE SAY THAT YOU'RE ALLOWED TO TURN ON THE LIGHT!?" Galit na sigaw nito kay Judith

Kita ko naman ang mangiyak ngiyak na mukha nito.

Lumapit si Ariston doon. "Enough, she's don't know anything."

Pabalibag naman nitong binitawan si Judith. Binalingan kona lang ulit ng tingin si Xillian. Inayo ko ang pagkakahiga nito

"Xymon, puwede ba tayong mag usap?" Seryosong turan ko dito

Tumango lang ito

Binalingan ko si Ariston. Mukhang nakuha niya ang gusto kong sabihin, hinila nito palabas si Judith

Binalingan ko ulit ng tingin si Xymon. "Bakit ganoon si Xillian tuwing may ilaw?"

Natahimik ito sa tanong ko at parang nagdadalawang isip kung sasabihin niya ba ang nalalaman niya o hindi

Napahinga ito ng malalim. "I don't know too. Mula noong magising siya takot na takot na siya sa ilaw, kung minsan ay nagiging bayolente siya."

"Ano bang nangyari?" Tanong ko

"Hindi ko din alam. Basta galing kami ni Dad sa pamamasyal, noong makauwi kami puro kalat na sa bahay. Umakyat kami sa kuwarto ni Mom, walang ilaw doon. When Dad opened the lights, nakita namin si Mom at Xia na wala ng buhay. They are both naked while full of blood. Nakita namin sa isang sulok si Kuya Xillian at may hawak siyang kutsilyo..." Kuwento nito. "Then he became violent, inatake niya ako bigla at sinaksak. Agad naman siyang hinila ni Dad at hinampas sa batok para mawalan ng malay. I don't know what happened next kasi nawalan na ako ng malay."

"Days passed I decided to visit Kuya even I'm afraid of him. Nasa isang madilim siyang silid sa Hospital at nakatali ang mga kamay. Wala siyang reaksiyon sa mukha. Nang gumaling na siya doon na siya pinakulong ni Daddy, lahat ng nakalap na ibedensiya ng mga pulis ay tugma lahat sa kaniya but I know he didn't dl thos horrible thing to our Mom and sister. Nasintensiyahan siya ng habangbuhay na pagkakakulong pero nabigyan siya ng pansamantalang kalayaan dahil kay Ariston."

"Nakahanap ng ibedensiya si Ariston na may ibang tao pa sa bahay na yun noon. And maybe one month from now ibabalik na siya sa kulungan dahil wala pa silang nahahanap ni Ariston na ibedensiya na magpapatunay na hindi siya ang may gawa." Tumingin ito kay Xillian. "Nawalan na siya ng ganang patunayan sa sarili niya na wala siyang kasalanan. And I hope matulungan mo siya Bing."

Mangiyak ngiyak akong tumingin kay Xillian. Hinaplos ko ang pisngi nito

"Tutulungan ko siya Xymon, kasama niyo ako sa laban kahit pa kapalit ng buhay ko..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro